☼
Chapter 5 ☼
(Allison
POV)
Ang ingay nilang lahat.
Nandito kasi kami sa pool…
ay sila lang pala. Nandito lang kasi ako sa cottage, wala pa akong ganang
mag-swimming.
“Ate Baby A!” Lumapit saakin sina
Daphne… “Swimming
tayo Ate!” At kasama niya si Harrah, ang nakababatang kapatid ni
Harrem.
“Hindi na. Wala pa ako sa mood eh. Kayo na lang.”
Umalis na si Daphne at
tumalon sa pool. Samantala, nagpa-iwan naman si Harrah at tumabi saakin. “Ate…”
“Okay lang ako dito Harrah. Sige na, sumunod ka na doon at
mag-swimming.”
“Galit ka pa rin kay Kuya Harrem noh?”
“Ha… Harrah?”
“Alam ko kasi kapag problemado yan si Kuya.” Napatingin
siya sa direksyon ng kuya niya. “Kahit nakikita kong dumadaldal yan at nakikipagtawanan
sa iba, kapag tumitingin siya sayo, nagbabago yung expression ng mukha niya.”
Hindi ko alam kung paano
kakausapin si Harrah na si Harrem ang topic namin. Close kasi talaga silang
magkapatid. Kung magkakaroon man nga ako ng kapatid, gusto ko rin katulad ni
Harrah.
“Baka galit na rin saakin ang kuya mo. Sinabi ko na kasi sa
kanya na hindi na kami magkakaayos eh.”
“Hindi siya galit. Malungkot siya Ate Allison. Malungkot si Kuya
Harrem.”
“May malungkot bang ganyan?”
“Malungkot talaga yan Ate! Kilala mo naman siya diba? Katulad pa
rin ng dati! Kung talagang masaya siya, dapat nagpapasimuno na ulit ng
kaguluhan yan.”
Natawa ako bigla sa sinabi
ni Harrah.
“Tulad nung mga nakaraang araw. Alam ko dinadamay ka lang niya
sa mga kalokohan niya, pero alam kong dahil masaya lang siya. Namiss ka niya ng
sobra, Ate.”
Napaisip ako sa sinabi ni
Harrah. Sa edad niyang yan, mas mature pa siyang mag-isip at mag-advice kesa
saakin.
“Bigyan mo siya ng chance Ate Allison. Gagawin niya ang lahat
para makabawi sayo.”
Napabuntung-hininga na
lang tuloy ako. “Umamin
ka Harrah, binayaran ka ba ni Harrem para sabihin mo yan?”
“Oo… isang-libo lang naman…”
“Harrah?”
“Pero gusto ko talaga kayong magka-ayos.”
Nginitian na niya ako at
nang tawagin na siya ni Daphne, umalis na rin siya at iniwan na akong mag-isa.
Kailangan ko rin ito para
makapag-isip. Gusto kong makasigurado kung handa ko na nga bang patawarin ng
buong-buo si Harrem.
Dahil hindi naman daw ako
nagsu-swimming, inutusan ako nila Titan a gumawa ng fruit shake para sa lahat.
Tamang-tama, nakahanda
naman na yung ingredients dun sa loob. At bet ko rin ito kasi ako ang unang
makakainom ng shake. Ang init kaya!
Watermelon, mango, kiwi,
apple, orange, melon at strawberries ang mga prutas na naririto. So magmi-mix
na lang ako ng kung anu-ano para marami silang pagpilian.
Sa pag-eexperiment ko,
nakakagawa pa nga lang ako ng isang pitchel nang biglang…
“Ay anak ng pakwan!!!”
May nanundot sa bewang ko
at dun pa mismo kung saan malakas ang kiliti ko. Isang epal na tao lang ang
kilala kong gumagawa nito saakin!
“Harr… Renz…?”
Nakangiti naman saakin si
Renz at naka-peace sign pa. Si Renz ang eternal crush ni Gelica. Ewan ko ba,
patay na patay ang babaeng yun sa kanya. “Akala mo si Harrem na noh?”
“Hindi kaya! Si HARRah… akala ko si Harrah!”
Tinalikuran ko na lang
siya at pinagpatuloy na lang ang pag-gawa ang pagbi-blender.
Pero itong si Renz, kumuha
pa ng upuan at dun naupo sa harap ko.
“Anong ginagawa mo?”
“Nakatingin…” Ngumiti lang ulit siya.
“Wag kang makulit Renz. Isusumbong kita kay Gelica.”
Pagkasabi ko sa pangalan
ni Gelica, may konting epekto yun sa reaction ni Renz. Oh well, ramdam ko rin
naman kasi na may may something sa kanilang dalawa. Yung tinatawag nating ‘Spark’.
“Bakit mo naman ako isusumbong kay Gelica? Psh!”
At umirap siya saakin kunwari. “At hindi ako nakatingin sayo… dun sa shake na ginagawa
mo!”
Tinignan ko nga siya ng
seryoso. Pero kahit nagsusungit ako sa
kanya, hindi naman din niya siniseryoso. Parang si Harrem din kasi siya.
Makulit pero hindi ganun kapasaway.
“Pwedeng patikim?”
“Hindi.”
“Please~”
“Hintayin mong matapos ko ‘to para sabay-sabay na makainom ang
lahat.”
“Sige na!” Meron na pala siyang hawak na baso na
itinago niya lang sa likod niya at akma n asana niyang kukunin yung pitchel
pero pinalo ko ang kamay niya.
“Sina Tita Mich pa mismo ang nag-utos saakin na gawin ‘to. Gusto
mo isumbong kita sa Mommy mo?”
Nag-pout na lang siya. “Damot…”
Kaya tinawanan ko na lang
siya. “Parang
bata lang ha, dinaig pa sina Pen-pen at Owen!” Biro ko sa kanya.
Anyway, nakatapos na ako
ng pangalawang pitchel at syempre, kinuha ko yung sarili kong baso para tikman
na yung pangalawang shake na ginawa ko. Ang kaso…
“ANG DUGA NAMAN TALAGA OH!!!” Halos mabulunan
ako sa sigaw ni Renz. “Bakit ikaw pwedeng tumikim?”
“Eh syempre ako nagti-timpla!”
“Sugapa ka! Penge!!!” Bigla niyang hinablot
yung baso ko at nilagok na yung natitirang juice ko.
“Magtira ka!!! Wag mong ubusin!!! Hindi ko pa nga natitikman ng
maayos eh!!!”
Pero inubos pa rin niya. “Okay lang yan!
Inom pa tayo ng isang baso, tutal tayo naman ang nagtitimpla.”
“Anong tayo? Ako lang noh!”
Kinuha na ni Renz yung
pitchel at plano niyang punuin yung basong hawak niya. “Ang kulit mo!!!” Kaya naman
nakipag-agawan na ako sa kanya ng pitchel.
Ang ingay-ingay na nga
naming dito sa kusina, hindi na rin maiiwasan na natatapon na yung juice. Lalo
akong nagwala kasi sayang yun!
At dahil sa ginagawa
naming ingay…
“Anong ginagawa niyo?”
Pumasok si Harrem at
seryoso siyang nakatingin saamin.
“Inom tayo ng shake, Harrem!” Aya sa kanya ni
Renz.
Iba yung tingin sa kanya
ni Harrem… tapos pati din saakin. At sumunod, dun sa kalat na ginawa naming ni
Renz.
“Ang kalat na dito. Sinasayang niyo yung juice. Lagot kayo kina
Tita.”
At saka siya nag-walkout.
Ano kaya yun? Magsusumbong
ang no.1 pasaway?
End of Chapter 5
o-em-gee! selos po si harrem! haha!
ReplyDeleteprANg aNg cuTe ni reNz,,, hwAhehE,,, pEo mAs cuTe c hArreM,,, sELos LNg yAn dudE,,,
ReplyDeleteat aLLisOn,,, bigAy k nG 2nd chAncE kEi harrEM,,, tAmA c hArrAh,,, mkiNig k s kaNya,,,
ReplyDeleteNagseselos lang yang Harrem na yan eh. Pfft. Suplado!
ReplyDelete