Monday, June 17, 2013

Witchcraft and Wizardry II Chapter 1: Part 2-5

Witchcraft and Wizardry II
Chapter One: Part 2-5


MAHIGIT isang oras na kaming nasa himpapawid. Wala kaming ibang makita kundi ulap. Bored na bored na rin ako sa upuan ko. Hindi ko naman makausap si Mari kasi busy sya sa pag-babasa. Nilingon ko si Kei, tulog na tulog sya sa upuan nya. Tumayo na lang ako naisip ko kasing manuod na lang ng T.V. Sa kusina naabutan kong nag-titimpla ng kape si Jeremy.

Oh Jay. Gusto mo mag-kape?”alok nya sakin. Umiling ako. Wala ako sa mood mag-kape ngayon.

No, thanks.”bago ako lumabas ng kusina papunta sa entertainment room may pinaabot sakin si Jeremy.

Jay, pakibigay nga 'to sa dalawa. Request kasi nila.”dalawang can ng soda yun. Nang abutin ko saka nag-thank you si Jeremy. Tumango lang ako.

Sa entertainment room hindi magkanda ugaga yung dalawa sa pag-lalaro ng Xbox. Excited sila sa bawat moves. Ni hindi na nga nila ako nilingon nung iabot ko sa kanila yung can ng soda eh. Naka-concentrate talaga sila sa ginagawa nila. Napaupo ako sa sofa ng bigla na lang umalog yung eroplano. Natigilan sa pag-lalaro sina Laurence at Jin dahil biglang namatay yung electricity. Pero bumukas din sya agad.

Anong nang-yayari? Nagca-crash ba yung eroplano?”kinakabahang tanong ni Jin. Pero ni isa walang nakasagot samin dahil hindi rin namin alam ang nang-yayari. Sabay sabay kaming napalingon ng pumasok si Jeremy punas punas nya ang white T-shirt nya. Natapunan siguro yun nang umalog ang eroplano.

Ano bang nang-yayari? Kainis! Natapunan tuloy damit ko ng kape!”napakapit si Jeremy sa pinto nang bigla uling umalog yung eroplano at bigla uling namatay yung mga ilaw tapos bumukas ulit.

Royalties, my apology as we are now entering the boundery of Royal Academy and Earth. Once again this is captain T.K. Just relax and enjoy your board. Thank You.”saka lang kami kumalma nang sabihin yun ni captain T.K.

Wow!!”napalingon ako nung marinig ko si Jin na sabihin yun. Nakasilip sya sa bintana kaya nakigaya na rin ako.

Wow!!”yun din ang naging expression ko. Wow naman kasi! Parang ayaw kong maniwala! Nasa galaxy ba talaga kami?? Ang daming stars sa paligid! Iba't ibang kulay! May blue, red, white, yellow! Wow! Tapos may mga sumasalubong saming mga comet. Yun siguro yung dahilan kaya umaalog yung eroplano namin. Sobrang naa-amazed ako! Hanggang sa sumalpok sa milky way yung eroplano namin. Sunod sunod na umalog yung eroplano, ang bilis ng andar namin. Wala akong ibang makita kundi halo halong kulay na sobrang bilis ng galaw. Hanggang sa biglang naging puti lahat, pag-kalma ng eroplano saka lang namin nalaman na nasa ibabaw na ulit kami ng mga ulap.

Kita namin yung landscape sa baba. Green land at blue na dagat. May mga bundok. Dumaan pa kami sa mga bulkan, gubat at bundok ulit. Sa tuktuk ng bundok may parang palasyo na sobrang laki! Sa ibaba ng bundok na yun may maliit na community at meron din parang malaking palasyo.

May I request the Royalties to return to their seats and pasten their seatbelt as we prepare for the landing. Thank You.”nag-balikan kami sa mga upuan namin nang marinig namin yung sinbi ni captain T.K.

Unti unting kaming bumababa. Hanggang sa maramdaman na naming lumapag na kami sa lupa. Maya maya pa huminto na sa pag-andar yung eroplano.

Welcome to Royal Academy Airport. Enjoy your stay here and we hope to see you again. Once again this is captain T.K. Thank You.”

Isa isa naming tinanggal ang mga seatbelt namin. Amazed parin kami sa mga punto na 'to dahil sa mga nasaksihan namin. Wala ni isa samin ang nag-sasalita hanggang sa si Doctor Park na lang yung bumasag ng katahimikan.

Mag-kita na lang tayo sa Royal Academy. May mga aasikasuhin pa kasi ako. Si Ruhan na ang bahala sa inyong mag-hatid doon. Tara na, nag-hihintay sya sa atin sa labas.”sumunod kami kay Doctor Park. Pag-baba namin ng eroplano lahat kami napa-nganga dahil hindi namin akalain na nasa tuktuk pala kami ng bundok.

Kitang kita mula dun sa lugar namin yung malaking palasyon na nasa tuktuk din ng bundok kasi katapat nya lang yun. Ang laki laki ng airport. Malaki pa sa airport sa Earth. May three story building na gawa sa glass. Marami namang tao, siguro mga Magus din yun na galing sa Earth? Nilibot ko pa paningin ko sa paligid. Napansin ko na parang may kung anong mahabang tulay na nag-dudugtong sa bundok na 'to papunta dun sa tuktuk ng kabilang building kung nasaan yung malaking palasyo. Tapos may isa pang mahabang tulay na pababa naman. Hindi ko na alam kung san papunta yun. Sobrang hangin ng lugar kasi tuktuk nga naman sya. Nakaka-refresh.

Maligayang pag-dating mga Royalties. Ako si Ruhan. Ako ang mag-hahatid sa inyo sa Royal Academy.”medyo nagulat ako dahil hindi tao hindi rin hayop ang sinasabi ni Doctor Park na Ruhan. Kundi isang... goblin na four feet ang taas. Mukhang tao yung mukha nya pero pang elf yung katawan nya. Medyo may edad na sya kasi namumuti at medyo wala na rin syang buhok sa bunbunan. Malaki na patulis yung tenga nya, at mabalbon na puti yung katawan nya. Maliliit lang yung ngipin nya at matataba na maliliit din yung kamay nya. Kulay blue na nagsa-shine yung mga mata nya. In short ang cute nya.

Ikaw na ang bahala sa kanila. Alam na rin ni Professor Almira ang gagawin pag-dating doon.”sabi ni Doctor Park kay Ruhan, tapos nilingon nya kami. “Sige, sumunod na kayo sa kanya. Mag-kita na lang tayo doon.”tinanguan nya si Ruhan para i-signal dito na pwede na kaming umalis. Tumango naman si Ruhan saka sya lumakad. Sumunod kami sa kanya. Nakita ko pang lumakad sa kabilang direksyon namin si Doctor Park.

Pumasok kami sa loob ng glass na building. Ang daming tao doon na hindi ko alam kung mga Magus ba sila o Vulgus.

Bakit ang daming tao dito? Mga Magus din ba sila?”si Kei na ang nag-tanong ng kanina ko pa gusto itanong kay Ruhan.

Ang iba sa kanila ay mga Magus, ang iba naman ay Praecantrix. Galing sila sa ibat ibang dimensyon. Nag-aaral sila sa Royal Academy para mas mapalawak pa ang kaalaman nila sa larangan na pinili nila.”paliwanag ni Ruhan.

Ano ibig mo sabihin sa larangan na pinili nila?”si Laurence naman ang nag-tanong.

Marami kang pwedeng pag-aralan sa Royal Academy. Kung nais mong mas mapalawak ang kaalalaman mo sa mga potion at doon ka lang mag-focus pwede mo iyong kuhain sa Royal Academy. Kung nais mo namang mag-aral tungkol sa pag-gawa ng istraktura gamit ang mahika tulad ng building na ito ngayon. Pwede mo mapag-aralan iyon dito. Kung nais mo namang maging isang Piloto ng eroplano para sa Royal Academy Airport, maari mo makuha iyon sa Royal Academy. Maraming pwedeng pag-aralan sa Royal Academy.”

Ang galing naman! Kung baga sa Earth para syang mga courses sa college.”manghang sabi ni Jin.

Yung malaking Palasyo na yun ba yung Royal Academy?”sa wakas narinig ko ring nag-salita si Mari nang ituno nya yung malaking palasyo. Kita sya kahit nasa loob kami dahil gawa nga sa glass ang building.

Hindi po. Diyan nakatira mga Minstro ng apat na Dimensyon. Dyan din nakatira ang Ministro ng Praecantrix at Magus. Royal Ministry's Palace po ang tawag diyan. Nasa ibabang bahagi po ang Royal Academy. Kung hindi ako nag-kakamali ay nadaanan iyon ng eroplanong sinasakyan ninyo.”

Ah... Yung isang malaking palace palang nakita ko sa ibaba, yun yung Royal Academy. Now I Know.

Kinuha na namin yung mga laugage namin, kumuha din kami ng cart para pag-lagyan namin ng mga gamit. Sumusunod lang kami kay Ruhan hanggang sa makarating kami sa labas ng airport. Imbes na driveway, stasyon ng tren ang sumalubong samin. Royal Acdemy Railway. Basa ko sa isip ko nang makita ko yung isang malaking sign board sa harapan namin.

Maari nyo ba akong hinatyin dito? Bibili lang ako ng ticket para sa inyo.”lumakad papuntang ticket booth si Ruhan.

Grabe! Parang feeling ko panaginip lang lahat ng nakikita ko. Laurence, sampalin mo nga ko.”sabi ni Jin. Sinampal naman sya ni Laurence. “Aray!”sigaw nya nang maramdaman nyang masakit yung sampal ni Laurence. Baliw talaga. Natawa na lang kami sa kambal na 'to eh.

Sabi mo sampalin kita eh.”paalala ni Laurence.

Oo nga! Pero hindi malakas! Ewan ko sayo!”tinalikuran nya si Laurence habang hawak nya yung pisngi nyang nasampal.

Uy! Jay! Kanina ka pa tahimik dyan ah?”nilapitan pa ko ni Jeremy nang mapansin nyang kanina pa nga ako walang imik.

Masyado lang kasi akong naa-amazed sa mga nakikita ko.”sabi ko sa kanya, napangiti na lang sya. Sabay sabay kaming napalingon nang mag-kanda hulog ang dala ng isang babae sa cart nya. Dahil malapit sya kay Jin lahat kami napatingin kay Jin. Hinihintay namin na tulungan nya yung babae. Ayaw pa sana nya kaso mukhang na-konsensya din sya dahil hirap na hirap sa pag-pupulot yung babae.

Hay! Kainis namang araw 'to oh! Bakit kasi nag-dala dala ka pa ng maraming gamit alam mo namang mag-isa ka lang!”kawawa naman yung babae. Sya pa tuloy yung napag-buntungan ni Jin ng inis nya. Natameme na lang tuloy yung babae.

Napansin ko na panay ang lingon ni Kei sa paligid. Nung may makita syang parang vendo machine lumapit sya. Dumukot sya ng barya sa bulsa nya pero natigilan sya nang maalala nyang wala na pala sya sa Earth. Napakamot na lang sya sa ulo nya. Paalis na sana sya nang may lumapit sa kanyang babae, tapos binigyan sya ng coins. Hindi ko alam pero parang ayaw ko sa babae na yun. Kung maka-pag-make up naman kasi kala mo wala ng bukas. Dress kong dress ang suot. Malamang enjoy naman ni Kei dahil may babae na lumapit sa kanya. “Ewan!”

Hu? May sinasabi ka?”tanong ni Jeremy. Narinig pala nya yung ewan ko.

Hu? Wala. Sabi ko ang tagal ni Ruhan.”dahilan ko na lang.

Oh, ayan na pala sya eh.”turo ni Jeremy. Buti na lang, kasi gusto ko na makarating sa Royal Acdemy para naman makapahinga na ko. Nakakaramdam na rin kasi ako ng pagod.

Heto na ang ticket. Mag-hintay lang tayo ng ilang minuto. Parating na rin po ang tren.”pinamahagi na ni Ruhan ang ticket. Siguro nang makita ni Kei na namimigay na ng ticket lumapit na rin sya samin. Inalok nya ko ng soda na nabili nya dahil sa sexy na babae pero in-snob ko lang sya. Kinuha ko yung ticket kay Ruhan tapos lumipat ako sa tabi ni Mari. Hindi ko na nakita expression ng mukha nya. Wala din naman akong pake.

May ticket ka na?”tanong ko kay Mari para ma-divert lang inis ko. Tumango si Mari tapos pinakita nya sakin yung ticket nya. Maya maya pa dumating na yung tren.

Di ko nanaman naiwasang ma-amazed kasi made of glass yung tren. Transfarrent. Kitang kita mo yung loob! Ang galing lang! Pag hinto may bumaba na isang orge. Medyo natakot ako kasi sa harapan namin ni Mari sya bumaba. Mas nagulat pa ako kasi bigla akong hinatak ni Kei papunta sa likuran nya. Si Laurence naman napatakbo kay Mari.

Wala po kayong dapat ikatakot. Sya si Morris, sya ang mga sumusundo sa mga tulad nyong may dugong Royal. Kung ikaw ay Prinsepe o Prinsesa o Hari o kaya naman ay Reyna o Goddess ng alin man sa apat na dimensyon. Si Morris ang susundo sa inyo. Kaya lamang ako nan dito dahil hiniling ni Haring Brai na samahan ko kayo.”paliwanag ni Ruhan. Dahil dun kumalma na ulit ako. Nang mapansin ko na nakahawak pa sa kamay ko si Kei tinulak ko sya. Napatingin na lang sya sakin.

Magandang araw mga Royalties! Ako si Morris! Ang inyong guidance ngayon. Maari ba kayong lumapit dito sa oras na marinig nyo ang pangalan ninyo?”inilabas ni Morris yung naka-rolyong papel. Binuksan nya yun tapos nag-umpisa na syang mag-tawag ng pangalan.

Bakit dumami yung mga tao sa paligid?”narinig kong sabi ni Jin. Oo nga, kanina lang wala yang mga yan. Dumami lang nung makita nila si Morris na bumaba ng tren. Ngayon pinalilibutan na nila kami. Feeling ko para kaming mga artista.

Prinsesa Bridget at Prinsepe Rizz ng Fomoire?”unang tawag ni Morris. Lumapit yung babaeng lumapit kay Kei kanina. At talagang sa gitna pa namin sya ni Kei dumaan. Pakunyari pang walang pake 'tong si Kei. Sa loob loob nyang kinikilig yan.

Prinsesa Anaya ng Magh Maell?”sunod na lumapit ang isang may ka-payatan na babae. Kulay orange ang buhok nya at may aura sya na mahiyain.

Prinsepe Jeremy Williams ng Ablach?”nang tawagin si Jeremy, nangibabaw ang mga bulong bulungan.

Sya! Sya yung napapabalita na anak ni Haring Brai!”

Kuhang kuha nya yung ka-gwapuhan ng ama nya. Sigurdo akong matalino din sya gaya ni Haring Brai!”

Prinsepe Laurence Norwood at Prisepe Jin ng Tir Na Nog?”mas lalong umingay ng marinig nila ang Tir Na Nog at yung dalawang Prince.

Tir Na Nog! Tir Na Nog!”

Sila daw yung dalawang kambal na anak ng dating Prinsesa na si Prinsesa Gyuri.”

Talaga? Kaya naman pala ang gwapo nila dahil napakaganda ni Prinsesa Gyuri.”

Pati pala sa mundo ng magic may mga chismakers? “Prinsesa Mari Dillinger at Prinsesa Jian Tenoryo ng Tir Na Nog?”kasunod ni Mari yung kaninang babae na tinulungan ni Jin. Princess pala sya ng Tir Na Nog?

Hay~ Nakakaingit naman sila! Ang swerte nila dahil isa sila sa Prinsesa ng Tir Na Nog. Pangarp ko talagang maging Prinsesa ng Tir Na Nog!”narinig ko ulit na bulung bulungan.

Asa ka pa! Buti ba kung anak ka ng Prinsesa o kaya naman ng Prinsepe ng Tir Na Nog. Pag ganun otomatikong ikaw ang papalit sa posisyon nila. May tyansa ka lang mapili kung dalawa sa kanila mahahalal bilang Hari at Goddess ng Tir Na Nog. Pero kailangan mo pang maging Adept Magus para makuha mo ang hinihingi ng palasyo ng Tir Na Nog. Pero hindi ganun kadaling mapili dahil sa dami ng magagaling na Adept.”

Hay!”

Wag ka nang maingay! Goddess na ang susunod na tatawagin!”lahat tumahimik. Medyo kinabahan ako sa maririnig kong bulungan. Pano kung hindi nila ako magustuhan? Pano na?

Goddess Jaydee Ryan Maundrell ng Tir Na Nog?”kinakabahan akong lumapit sa pwesto nila Jeremy. Parang bigla akong nabingi dahil sa kaba. Natauhan lang ako nang may binulong si Jeremy.

Ang ganda mo daw Jay.”

Hu---Ah.”yun na lang nasagot ko.

Haring Keiigo Tezuka ng Tir Na Nog?”lumakas ang bulungan ng si Kei na ang tinawag. Samot sari na ang boses. Halos hindi ko na maintindihan ang iba. Pero karamihan sa kanila iisang word lang ang bukang bibig. Ang gwapo gwapo ng mahal na Hari!

Nag-bigay galang si Morris ng lumapit si Kei sa kanya. Tapos gumilid sya para bigyan kami ng daan paakyat ng tren. “Kayo na po ang mauna Haring Kei.”

Di ba uso lady's first dito?”biglang tanong ni Kei, nang makita nyang mukhang hindi naintindihan ni Morris ang sinabi nya hinarap nya na lang kaming mga babae. Ilang segudo bago sya nakapag-isip kung sino uunahin nyang paakyatin.

Mauna ka na.”utos na kay Bridget. Tuwang tuwa naman si babaita. Abot hanggang tenga ngiti.

Maraming salamat.”nilambingan pa nya boses nya. Tumango lang si Kei, deep inside gustong gusto nya.

Mari, Jian sunod na kayo.”

Hay! Ano ba Kei! Ang dami mo pang moves eh! Pare pareho lang naman tayong papasok sa loob pa-Lady's Lady's First ka pang nalalaman! Di naman uso sayo yan!”urat nang reklamo ni Jin. Arte kasi ni Kei eh! Hanggnga dito ba naman sa mundo ng mga Magus dala dala nya kaartehan nya!

Di makapag-hintay! Jay halika na nga!”hinatak ako paakyat ni Kei saka naman sumunod sina Jeremy, Laurence at Jin.

Saglit akong nawala sa ulirat. Kasi ang ganda ganda talaga ng tren. Pati yung nilalakaran namin gawa din sa glass kaya kita mo yung railway ng tren. Kusina yung una naming nakita. May mahaba syang lamesa na nakadikit sa babasaging ding ding ng tren. Tapos yung upuan nya mataas na pwede kang mag-paikot ikot. Sa pinaka-loob may apat na kwarto, hindi ko makita kung ano meron sa loob ng kwarto kasi may nakaharang na kurtina na may ibat ibang kulay. Pero may nakalagay na mga pangalan sa Pinto. Skyblue yung sa Tir Na Nog, Yellow Green naman sa Ablach, Yellow sa Magh Maell at Pink sa Fomoire.

Ito ang kwartong pwede nyong pahingahan habang bumabyahe papuntang Royal Academy. Para sa inyong mga Royalties ang parte ng tren na ito kaya naman wala kayong iisipin na pwedeng mang-istorbo sa inyo.”sabi ni Ruhan. “Maari na kayong mag-pahinga. Mag-kita na lamang ulit tayo sa mismong Royal Academy.”yun lang tapos bumaba na si Ruhan ng tren. Ewan kung saan sya pu-pwesto.

Jeremy, okay ka lang ba dyan? Mag-isa ka lang eh.”alalang tanong ni Kei.

Bakit? Sasamahan mo ko?”pilosopo namang sagot ni Jeremy.

Pwede naman. Kung gustuhin mo lang naman. Alam mo namang hindi ako mapakali kapag wala ka sa tabi ko.”napailing na lang akong sumunod kanila Laurence, Jin, Mari at Jian sa loob. Ewan ko, hindi ko maintindihan kung anong klaseng bromance meron yang dalawa na yan.

Malaki din pala sa loob ng kwarto namin. Malaki at pahaba yung upuan. Malambot pa kaya pwedeng pwede mo syang higaan. Lumiwanag yung paligid nung hatakin ni Mari sa gilid yung kurtina. Agad na humilata si Jin sa upuan katabi si Laurence. Halatang pagod sila kasi ilang oras na kaming bumabyahe. Umalis kami sa Earth alas otso ng umaga, alas dose na ng tanghali pero nasa byahe parin kami. Pagod talaga yang mga yan. Nahagip naman ng paningin ko si Jian na tahimik lang sa tabi. Si Mari naman, as usual. Pumwesto na para mag-basa ng libro. Naupo na lang ako at nakinig sa MP4 na binigay sakin nang mama ni Kei nung mga panahon na akala namin wala na sya.

Hindi alam ni Kei na nasa akin parin 'tong MP4 na 'to hanggang ngayon. Mukha ngang hindi na nya naalalang ipinabigay nya 'to sakin eh. Asan na kaya yun? Bakit parang ang tagal? Di kaya dun talaga sya naki-kwarto kay Jeremy? Tingnan ko kaya? Pero pano? Baka mamaya isipin nya na hinihintay ko sya. Pano....? Ah! Alam ko na! Kunyari pupunta ako ng kusina para mag-kape! Tama!

Lumabas ako, wala na nga sila sa hallway. Mukhang dun nga sya naki-kwarto kay Jeremy. Sabagay, sobrang dami nga naman kasi namin sa loob. Si Jeremy isa lang, mag-kaibigan naman sila kaya okay lang din na doon sya maki-kwarto kay Jeremy. Pumunta na lang ako sa kusina para tingnan kung anong pwedeng makain doon. Pero natigilan ako nang makita kong lumabas mismo sa kwarto ni Jeremy si Bridget! Yung Prinsesang kinaiinisan ko! At anong ginagawa nya sa loob? Kung maka-ngiti akala mo aabot hanggang tenga.

Goddess Jay! Ikinaggalak kitang makilala.”nagawa pa nya kong batiin hu?

Thanks.”matipid kong sabi, pero hindi ako ngumingiti.

Sa kusina din ba ang punta mo?”

Hindi. Galing na ko dun. Babalik na ko sa kwarto. Sige.”tapos pumasok na ko sa loob. Hindi ko na natago yung inis ko kasi padabog akong umupo sa upuan. “Kainis!”saka ko na lang napansin na nakatingin na pala sakin sina Mari at Jian.

Kung nagse-selos ka. Ipakita mo sa kanya. Hindi yung tinatago mo. Pinahihirapan mo lang sarili mo.”deretsong sabi ni Mari. Inosente namang napatango si Jian

Hu?---Hi---Hindi ah!”bigla akong nautal, hindi naman kasi ako nagse-selos eh.



Selos? Ako? Bakit? Imposible naman yung sinasabi ni Mari. Ayaw ko lang talaga kay Bridget! Yun lang yun! Walang koneksyon kay Kei yun!




... to be continued






No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^