Saturday, May 25, 2013

One Summer Love 2 - "Second Time Around" : Final Chapter




Final Chapter
[ JONAH’s POV ]


After three weeks...


“My own laptop na ko, ate!”


“Chocolates! Talagang binigyan ako ng isang box ng chocolate ni Tita!”


“New phone! Yipee!”


“Teddy bear! It’s so laki, ah! But it’s okay! Para may ka-hug ako every night!”


“Sinong nagbigay sa’yo niyan, Dems?”


“My classmate!”


“Guy?”


“Yes!”


“Huh! Mas malaki pa dyan ang ibibigay ko!”


“Then where’s your gift? Wala ka pang binibigay sakin?”


“Ako nga ang gift mo diba?”


“Ang kuripot mo, ‘tol! Tsinelas lang ang gift mo kay Demi?”


“Shut up, Lynuz. And Dems, gift ko na sa’yo ang pagtira namin dito sa village ninyo.”


“Hindi naman ikaw ang nagbayad.” singit ni Lynuz.


“Wala kong sinabing ako ang nagbayad.”


“Wala nga.”


“Hep, hep! Eh, ikaw, Lynuz? Nasa’n ang gift mo sakin? Ba’t hindi ko makita dito?”


“Sa North pole pa kasi manggagaling, eh.”


“Anong gift ‘yon?”


“Si Santa.”


Napapangiti na lang ako habang nakatingin kina Demi, Zyruz at Lynuz. Tulog si Matt. Bagsak na. Nandito kami sa living room ng bahay namin. Madaling araw na at kanina pa tapos ang debu party ng kapatid kong si Demi na ginanap sa clubhouse ng village namin. Pero parang nakainom siya ng isang boteng enervon sa sobrang hyper niya. Alam ko naman ang dahilan. And I miss that Demi. Ilang linggo rin siyang parang wala sa sarili, eh.


Tumayo ako at pumunta ng kitchen para uminom ng tubig ng madaanan ko sa dining room ang parents ko at nina Lynuz. Hindi nila ako napansin.


“Natupad din ang pangarap natin.” Tito Ric said.


“Your sons and our daughters.” mama said.


“Talagang kakampi tayo ng tadhana.” Tita Erica said.


“Cheers for that!” papa said.


“Cheers!”


Napangiti na lang ako ng dumeretso ako ng kitchen. Sabi na nga ba. They’re playing cupid nung nasa beach resort pa lang kami.


Matapos uminom ng tubig ay lumabas ako ng backdoor na nasa kitchen. Shortcut papunta sa garden. May duyan na nakakabit sa magkabilang puno. Umupo ako do’n. Inilabas ko ang isang picture na nasa bulsa ko. May liwanag sa parteng ‘yon kaya nakikita ko ang nasa picture.


“Sino kaya sa kanilang dalawa ang nasa picture?”


“Ano ‘yang tinitingnan mo, babe?” Napalingon ako sa likuran ko kasabay ng pagkawala ng hawak kong picture. Nakita kong kumunot ang noo ni Lynuz. Maya-maya ay ngumiti siya. “Mero’n ka din palang copy nito?”


“Din?”


Umupo siya sa tabi ko. “Yes. Din.” Kinuha niya ang wallet sa bulsa niya at may pinakita sakin.


“Mero’n ka din? Ikaw ‘yang nasa picture na ‘yan?”


“Yap. Ito na lang natira sa lahat ng pictures na kasama namin kayo. And when I asked my mother kung sino ‘tong cute na batang ‘to ang nasa picture. Ako daw.” ngiting-ngiting sabi niya.


Napangiti ako. Pero binatukan ko pa rin siya.


“Ang sakit, ah! Para sa’n ‘yon?”


“Nang makita ko kasi ang picture na ‘yan. Itinago ko. And I promised myself na kung sino mang bwisit na lalaking ‘yan na kumuha ng first kiss ko, babatukan ko kapag nagkita kami. That’s why.”


Napakamot siya ng noo. “Wala, eh. Talagang may tama na siguro ako sa’yo nung mga bata pa tayo.”


Pinitik ko ang noo niya. “Pero bakit sa lips pa?”


“Kasalanan mo ‘yon.” Inakbayan niya ko. Hinilig ko ang ulo ko sa balikat niya. “Ang kwento sakin ni mommy, sa cheeks lang daw dapat kita hahalikan nung pipicturan na tayo. Bigla ka daw humarap kaya sa lips nag-landing. Tawa nga daw sila ng tawa no’n sa’yo. Ang lakas daw ng iyak mo.” natatawang pagkukwento niya.


Tiningala ko siya. “Ang sabihin mo, inborn na talagang kapilyuhan mo.”


Tiningnan niya ko. Pinisil niya ang ilong ko. “Sabi mo, eh.” Pagkatapos ay tumingala na siya sa langit. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kaniya. Sa loob ng tatlong linggo, kabi-kabila ang padala niya ng flowers and chocolates. Maski ang parents ko, nililigawan niya. “Jonah. Baka naman matunaw—“


“Yes, Lynuz.”


Napalingon siya sakin. “Anong yes ka dyan?”


“For the second time around, I can be your girlfriend. For real.”


Lumapad ang ngiti niya. “Thank you.” He hugged me. “Hug muna. May audience tayo, eh.”


“Hah?” Napalingon ako sa likuran namin. “Demi? Zyruz?” Kasabay ng pagsulpot ng... “Papa? Mama? Tito Ric? Tita Erica? Kanina pa po kayo dyan?”


“Congrats, Lynuz, son!”


“Alagaan mo ang anak ko.”


“Si ate ang other half mo na tinutukoy mo kanina, Lynuz?” gulat na tanong ni Demi.


“Dems, naman. Hindi ka talaga huli sa balita noh?” Zyruz said.


“Ba’t hindi ko nahalata? It’s unfair! Ang daya ninyo!”


“Kasi nga, iba ang laman ng isip mo.” Lynuz said.


“Syempre, ako ‘yon. Right, Dems?”


“Secret.”


“Dems naman.”


“Kantahan mo muna ko, Zyruz.”


“Kids! Come over here!”


Sabay-sabay kaming napalingon sa mga magulang namin.


“Kids daw, oh.” Lynuz said.


“Mukha kasing bata yung isa dyan.”


“Zyruz, ako bang pinariringgan mo?”


“Ofcourse not. Tinatamaan ka, Dems?”


“Hindi.”


Lumapit na kami sa mga magulang namin. Binigyan nila kami ng tig-isang sparkler.


“Para sa’n po ‘to?” I asked.


“To celebrate everything that had happened.” sabi ni papa.


“At dahil hindi na tayo pwedeng magpapaputok dito ng malakas at natutulog na ang mga tao. Kaya ito na lang sparklers.” Tito Ric said.


“Mag-make tayo ng wish bago natin sindihan. O kung ayaw ninyo ng wish, mag-thank you na lang sa kung anong gusto nating ipagpasalamat. Para masaya!” Demi suggested. “Kayo po munang parents namin.”


“Sana tumagal pa ang samahan namin ng mga magulang ninyo, bilang magkakaibigan at future magbi-bilas.” Papa said.


Nagkatinginan kami ni Lynuz at napangiti.


“Mas tumibay pa ang relasyon namin bilang mag-aasawa.” Tito Ric said.


“Bumait na sana si Ric.” Tita Erica said.


“Hon.”


Nagtawanan tuloy kami.


“Me and Cleo are so thankful for having Ric and Peter as our husband.” kabig ni Tita Erica.


“And we’re thankful for having you, guys, as our daughters and sons.”


“Me too, mama. We’re so thankful for having you guys as our parents. You’re the best of the best.” Demi said. Na parang maiiyak na sa itsura niya.


“Thank you sa pakikisakay sa mga kalokohan namin bilang anak ninyo. For acting as our friends, too. Parang two in one nga, eh.” Zyruz said. Inakbayan niya si Demi. “And thank you, Tito Peter, Tito Cleo for trusting me with your daughter.”


“Naiiyak na ko.” Demi said. Pati ako nahahawa na din sa kaniya.


“Thank you po at nabuo kami.” Lynuz said. Siniko ko siya. Hinawakan niya ang kamay ko. “Thank you po dahil kayo ang nagkatuluyan. Kung hindi nangyari ‘yon, hindi kami magkakakilalang apat.” Nilingon niya ko. “Hindi ko rin makikilala ang girlfriend ko.”


I smiled. Kahit parang tutulo na ang luha ko.


“It’s your turn, babe.”


Hindi ko na kayang habaan ang speech ko dahil baka tuluyan na kong maiyak. “Happiness for each one of us.”


“Anong mero’n?” Sabay-sabay kaming napalingon sa likuran namin. Si Matt na nakapaa pa. At mukha inaantok pa. Nilapitan ko siya at hinila. Binigyan ko din siya ng sparkler. “Ano ‘to?”


“Mag-wish ka, munchy!”


“Mag-wish?” parang bangengeng tanong niya. “Sana lumaki na ko...” Humikab siya. “Para kahit isang galon ng alak ang inumin ko...” Humikab na naman siya. “Walang sasaway sakin...” Hikab uli. Nagtawanan tuloy kami.


Sinindihan na namin ang mga sparklers namin. At sabay-sabay na tinaas ‘yon.


May isa pa pala akong wish. Tiningnan ko sila Demi at ang mga parents namin. Pumikit ako. Sana, kahit mamatay ang liwanag na nagmumula sa mga lussis namin, hindi mawala ang saya sa mga mukha namin. Oops! Sinabi ko na pala ‘yon noh?


Totoo na talaga ‘to. Naramdaman kong hinawakan ng mahigpit ni Lynuz ang kamay ko. I smiled.


I hope for a love that will last forever.


Until our next lifetime.


Because I do believe in reincarnation.


Until that next lifetime that we can finally say this words...


“I love you, for the second time around.”

4 comments:

  1. haii.. nkakainlove ka talagang gumawa ng kwento Miss Aiesha.. ^_^
    heto na nman ako sa pgka hopeless romantic q.. hehe.. ang galing mu talaga mgpakilig.. AJA :)

    ReplyDelete
  2. aaahhhhhh!!! naramdaman kong naiinlove na naman ako...pero since di na ako pwedeng mainlove sa iba..iisipin ko na lang na si Lynuz ang boyfriend ko...bwahahaha!!!

    thanks much sis.. you made me happy.

    ReplyDelete
  3. oohhhh emmmmm jiiii!!!! love love love it!!! hahhaha.. parang cross over na din namin to ni zyruz! hahah.. for the second time around din!! hahah.. ako na talaga! este, kami na talaga ni ate jhonah!!! hahahha..

    ReplyDelete
  4. woaaaaaaaaaaaaaaaaaa kinikilig ako sobra sobra.. eshaaaaaaaaaaaaaaaa ko it is me... hehehehe

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^