Saturday, May 25, 2013

One Summer Love 2 - "Second Time Around" : Chapter 5



Chapter 5
[ JONAH’s POV ]


“Ang saya-saya nila noh?” Zyruz said.


“Oo nga. Para silang mga bata.” Lynuz said.


“Mukhang sila nga ang mas nag-eenjoy kesa satin.” Matt said.


“Parang celebration pa ‘to ng reunion nila.” I added, habang hawak ang isang buko, nakaupo sa buhangin sa ilalim ng malaking umbrella at nakatingin sa mga magulang namin na nakasakay sa banana boat. Simula kagabi, parang ayaw ng mag-hiwalay ng apat. Parang hindi maubusan ng kwento. Sabagay, sobrang tagal na din. Kaya ang dami nilang kwentong naipon.


“Bakit hindi natin sila hayaan? Let them enjoy. Ngayon na nga lang uli sila nagkita-kita, kokontra pa ba kayo? I-enjoy ninyo na lang ang mga buko ninyo. Gaya ko.”


Napalingon ako kay Demi na katabi ko na katabi ni Matt na katabi naman ni Zyruz. Sigurado akong si Zyruz ‘yon. At hulaan ninyo kung nasa’n si Lynuz. Argh!


“What are you looking at? May sinabi ba kong mali?”


“Dahan-dahan sa pagkain, Demi.” I said.


“Kung ayaw mong maulit ang nangyari kagabi.” dagdag ni Matt.


Dinala kasi siya sa clinic kagabi dahil sa sobrang dami ng kinain niya. Ewan ko kung sa’n niya nilalagay ang mga kinakain niya. May anaconda ata ‘tong kapatid ko sa tiyan, eh.


“Jonah’s right.” Lynuz said. Na nakaupo sa kanan ko. Jonah’s right his face! Hindi ko siya nilingon. Magkaka-stiff neck na nga ata ako sa ginagawa ko, eh.


“Si Jonah lang, Kuya Lynuz?”


“And you, too, Matt.”


Nilingon ni Demi si Zyruz. “Ikaw? Wala ka bang sasabihin?”


“Kakampi mo ko, Dems.”


Kumunot ang noo ko sa tinawag ni Zyruz sa kapatid ko. Dems. Close na agad sila? Sabagay, magtataka pa ba ko kung si Demi ang pag-uusapan? She’s friendly and charming. Kahit sino, makaka-close agad siya.


“Dems?” ulit ni Lynuz. “Close na close na kayo, ah.”


“Inggit ka? Kung ako sa’yo, ‘tol, atupagin mo na lang—“


“Uy! Kilala ko ‘yon, ah!” singit ni Lynuz sa sinasabi ni Zyrus kasabay ng pagtayo niya. Napalingon tuloy ako sa kaniya. “Do’n muna ako. Madaming magagandang babae.”  malakas niyang sabi habang pasimpleng tiningnan ako. Pasimple ko siyang inirapan. Nang hilahin niya si Matt.


“Hoy! Sa’n mo dadalhin ang kapatid ko?” sigaw ko.


“Akong bahala kay Matt!”


Aba’t! Bwisit ‘yon, ah! Idadamay pa ang kapatid ko mga kalokohan niya!


“Napakababaero talaga niyang kambal mo. Yesterday, dala-dalawa ang kasama niya. Tapos ngayon, iba na naman.” Narinig kong sabi ni Demi.


“Hayaan mo siya. May pinagdadaanan lang ’yan.”


“Ano?”


Mukha bang may pinagdadaanan ‘yang lagay na ‘yan? Eh, hanggang tenga ang ngiti niya. Lumingon pa siya sakin. Pero mabilis din niyang iniwas ang tingin niya kaya hindi ko na nagawang irapan pa siya.


After nang nangyari kagabi, hindi na nga siya nagbanggit ng tungkol sa nakaraan. He didn’t called me babe again. Ayos ‘yon. Na parang ngayon lang kami nagkakilala.


Nagkakilala. Oo nga pala. Magkababata kaming dalawa. I was four years old that time and he was five nang huli kaming magkita. Ni wala na nga kong matandaan no’n. Except sa isang picture. That picture! Nanlaki ang mata ko! Oo nga! Ba’t ngayon ko lang naalala?


Tumayo ako hawak ang buko ko. “May kukunin lang ako sa cottage, Demi.”


“Balik ka, hah. Baka magkulong ka na naman do’n.”


“May kukunin nga lang ako.” Iniwan ko na silang dalawa ni Zyruz.


= = = = = = = =


“Tol, ako din. Mukhang masarap ‘yan, eh.” sabi ni Lynuz kay Zyruz. At ang Lynuz na ‘yan! Sakin na naman tumabi!


Nandito kami sa restaurant ng beach resort. At kumakain ng lunch namin. With my family and his family.


“Edi kumuha ka.”


“Lagyan mo din ako sa plato ko.”


“Ano ka sinuswerte? Neknek mo!”


“Grabe ka ‘tol. Hindi ka naman ganyan dati, ah.”


“Don’t start, Lynuz. Baka ikaw ang mag-walk-out sating dalawa.”


“Edi wag. Damot!”


Wala kong pakialam sa pinag-uusapan nila. May iba akong iniisip ngayon. Sino sa dalawang kambal ang nasa picture na hawak ko? Sino sa kanila? Ang nag-iisang picture lang na ‘yon ang natira sa mga picture namin na kasama sila. Dalawa lang kaming nasa picture. And he...


“Gusto mo ng hipon, Jonah? Masarap ‘to.”


Napalingon ako kay Lynuz. Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.


“Gaya-gaya.” parinig ni Zyruz.


“Lynuz, right? May allergy sa hipon si Jonah.” sabi ni mama.


“I’m sorry, Tita. I don’t know.” Mas lalong kumunot ang noo ko sa sagot niya. “Ito na lang ang kainin mo.” Akala ko yung breaded chicken ang ibibigay niya. Pero yung lutong gulay ang inilagay niya sa plato ko! Alam ninyo kung anong gulay? Ampalaya! Napangiwi ako. “For sure, favorite mo ‘yan. Sakin ‘tong breaded chicken, favorite ko ‘to, eh.” Ang lapad ng ngiti niya nang lingunin ko siya. Ihampas ko kaya sa ulo niya ang hawak kong kutsara ng matauhan siya sa pinagsasabi niya.


“Ampalaya ang favorite mo, Lynuz.” Zyruz said.


“Ah. Oo nga pala.”


“At breaded chicken ang favorite ni ate.” Demi said.


“Oh! I guessed it wrong. Hindi talaga ko magaling manghula.”


Hindi magaling manghula o talagang sinadya niyang magkamali?


- F L A S H  B A C K –

Papunta ko sa restaurant para kumain ng lunch. Nang mag-isa. Nasa’n ang mga kasama ko? Ayun! Naliligo sa dagat. Sa totoo lang, super late lunch na ‘to. Two pm na kaya. Wala lang talaga kong ganang kumain kanina. Noodles nga lang ang kinain ko para mainitan ang tiyan ko.


At isa pang dahilan kaya hindi ako sumabay sa kanila, dahil sa cottage pa lang, ang dami ng tanong sakin nila Mylie tungkol kay Lynuz. Paano pa kapag dumagdag sina Kai? At ang mga mokong na ‘yon! Pinagtripan ako kagabi! Hindi na talaga ko iinom! Hinding-hindi na!


Napahinto ako. Dumilim ang paligid ko. May mga kamay kasi na nakatakip sa mga mata ko.


“Guess who?”


Bumilis agad ang tibok ng puso ko. Bakit ganito? Boses pa lang niya, nagre-react agad ang puso ko? Napalunok ako. “L-lynuz..”


“Hindi.”


“You are.” Tinanggal ko ang kamay niya sa mata ko. Saka ako humarap sa kaniya. Sinalubong ako ng nakangiting mukha.


“Hi, babe! How’s your head?” Hinawakan niya pa ang ulo ko. “Still aches?”


My golly! Ano ka ba namang puso ka? Umayos ka nga, Jonah! Umayos ka lang! “O-okay lang.”


“Ba’t parang naengkanto ka?”


Sunod-sunod akong napailing. Pinagtatapik ko pa ang pisngi ko habang nakayuko. Ano ba ‘tong nangyayari sakin? “Okay lang ako.” sabi ko ng iangat ko ang tingin sa kaniya.


Amazement was written all over his face. Na parang may nakita siyang nakakatuwa at kakaiba sakin. Sabi ko nang umayos ka, Jonah, eh.


I sighed.


“Problem?”


Umiling ako. “Wala. Gutom lang ‘to.”


“Hindi ka pa kumakain? Anong petsa na?” Hinawakan niya ang kamay ko. “Let’s go, babe. Ililibre kita.”


“You don’t need to call me babe.” Kahit parang okay lang naman sa pandinig ko. “Wala naman dito ang mga kaibigan ko para magpanggap tayo.”


“Wala ba?” Lumingon-lingon siya. “Wala nga. But still, I wanted to.” He smiled at me. Wala na tuloy akong masabi hanggang sa akayin niya ko papunta SA restaurant. Kailan pa ko natameme ng ganito?


= = =


“Bakit hindi ka kumakain ng hipon?” tanong ni Lynuz sakin. Siya ang umorder no’n. Kumuha siya ng isang hinimay niya at akmang isusubo sakin.


“May allergy ako sa hipon, Lynuz.”


Napakamot siya ng noo. “Ito na lang ampalaya. Masarap ‘to. Favorite ko ‘to, eh.”


Napangiwi ako. “Hindi ako kumakain ng ampalaya.”


Napakamot na naman siya ng noo. “Lahat ng inaalok ko, hindi mo pwedeng kainin.” nakasimangot niyang sabi. “Sakit, ah. Sayang lang ang effort KO.”


Napangiti ako sa pagda-drama niya. “That one. Gusto ko ‘yan.” Yung breaded chicken na inorder ko ang tinuro ko.


“Gusto mo kasi ikaw ang umorder.” Nakasimangot pa rin siya.


“Favorite ko kasi ‘yan.”


“Talaga, favorite mo ‘to?”


“Yap.”


“May allergy ka sa hipon. You don’t eat ampalaya. Favorite mo ang breaded chicken. Noted!”


“Noted? Para sa’n?”


Ngumiti siya. “Wala.” Kumuha siya ng kapiraso ng breaded chicken at akmang isusubo sakin. “Eat.”


 “Hah? Ako na lang.”


“Tinanggihan mo na nga ang mga inalok ko na hindi mo gusto, pati ba naman ‘tong favorite mo?”


“Hindi sa gano’n. Kaya lang...”


“Kaya lang?”


Napalingon ako sa mga kasabay naming kumain. Na nakatingin samin. O mas tamang sabihin na nakatingin kay Lynuz. Agaw pansin naman kasi ‘tong si Lynuz. “Nakakahiya...”


“Anong nakakahiya? Girlfriend naman kita kaya okay lang na subuan kita.”


“You know the truth.” bulong ko.


“I know the truth. But they didn’t know.”


I sighed. “Nakakailang sa kanila...”


“O naiilang ka sakin?”


Napatingin ako sa plato ko. Hindi ako sumagot.


“Jonah, nagka-boyfriend ka na ba?”


Napatingin ako sa kaniya. “Hah?”


“Kung nagka-boyfriend ka na?”


Umiling ako. And I saw him smiled.


“Kaya pala.”


“Kaya pala ano?”


“Kaya pala gano’n na lang ang reaction mo ng malaman mong hinalikan kita kagabi.”


Umiwas ako ng tingin. “Ayoko ng pag-usapan ‘yon.”


“Okay. Hindi na. Eto na lang. Suitor mo ba si Aljen?”


“Aljen?”


“Si Aljen, yung lalaking katabi mo kagabi.”


Paano niya nalamang katabi ko si Allen? “It’s Allen. Not Aljen.”


“Kahit ano pa. Magkatunog lang naman. So, suitor mo nga siya?”


“He was.”


“Pero nililigawan ka pa rin niya until now?”


Kumunot ang noo ko. “How did you know?”


“Na-kwento lang kanina ng mga kaibigan mo.” Humalukipkip siya. “You’re so unfaithful. Naturingang may boyfriend ka, nagpapaligaw ka pa sa iba. It’s unfair you know. Ako pa nga ang dapat na magtampo sa’yo, eh.”


“Ano bang pinagsasabi mo?” Binato ko siya ng tissue. “Gutom lang ‘yan!”


He just laughed. Kinuha niya ang kutsarang may lamang breaded chicken. “Subo mo na ‘to.”


Pinanlakihan ko siya ng mata. “Lynuz!”


“Practice na din ‘to. Para pagnagka-boyfriend ka na, hindi ka na maiilang.”


Bakit parang may mali sa sinabi niya? Bakit parang...


“Hey, bessy! You’re here!”


Paglingon ko sa likuran ko, nakita ko si Crizzy with our friends. Pati sina Kai at Allen. Ngayon ko lang uli nakita ang mga mokong na lalaking ‘to pagkatapos ng nangyari kagabi, eh. Nang tingnan ko sila, umiwas sila ng tingin sakin. Pati si Allen.


“Kakain din ba kayo?” tanong ko kay Crizzy.


“Yap, bessy. Can we join you, guys?”


“Sure. The more the merrier.” Si Lynuz ang sumagot. Tumayo siya at lumipat sa katabi kong upuan. “Tabi tayo.” nakangiting sabi niya sakin.


Umupo na din si Crizzy sa kanan ko. Nagsipag-upuan na rin ang iba.


“Pare, I think I saw you somewhere here.” biglang sabi ni Allen. Si Lynuz ang kausap niya. Magkaharap lang kasi sila ng upuan.


“Where was that somewhere?”


“Sa pool area. You’re with someone.” Sabay tingin sakin ni Allen. “Akala ko nga si Jonah, eh. Hindi pala. Ang nakakapagtaka lang, nagkasalubong tayo pero parang hindi mo ako nakilala.”


Kumunot ang noo ko. Pero hindi ako nagsalita.


“Hindi naman talaga kita kilala, pare.” Pasimple kong pinalo ang hita ni Lynuz. “Hindi kita kilala sa personal. Kagabi lang kita nakita, madilim pa. Pero nakwento ka na sakin ni Jonah.” Umiwas ng tingin sakin si Allen. “At talagang hindi ka papansinin ng taong nakita mo kanina.”


“Taong nakita ko? Ikaw nga ‘yon diba?”


“Kung ako ‘yon, baka nginitian pa kita. Pero si Zyruz kasi ‘yon. My other twin. Snob kasi ‘yon minsan, eh. Lalo na pag tinotopak.”


“May kambal ka?” chorus na tanong nila Mylie, except kay Crizzy na alam na dahil nasabi ko na sa kaniya.


“Yes, girls. I have one. Pero mas gwapo naman ako do’n.” Pasimple ko siyang siniko. Ang yabang lang.


“Pakilala mo naman sakin, Lynuz.” Mylie said.


“Sure.”


“Paano ako makakasigurong ang kambal mo nga ‘yong nakita ko?” Napatingin ako kay Allen sa tanong niya. Alam kong ayaw niyang maniwala na boyfriend ko si Lynuz, na hindi na naman talaga. Para kasing kabute na bigla na lang akong nagka-boyfriend.


“Bakit kailangan mong makasigurado, Aljen?” balik-tanong ni Lynuz.


“It’s Allen.” bulong ko sa kaniya.


“I mean, Allen.”


“Na hindi mo niloloko si Jonah.” sagot ni Allen. “Na hindi mo ginagamit ang pagiging magkambal ninyo ng kapatid mo para makalusot sa mga kalokohang ginagawa mo.”


Nakita kong sumeryoso ang mukha ni Lynuz. Napalunok ako. Natahimik din ang mga kasama namin sa table. “Our relationship is out of your business, Allen.” Napahawak ako sa braso niya. Napalingon siya sakin. “It’s okay. I can handle this.”


Umiling ako. “Wag na. Sasabihin ko na lang ang totoo.” bulong ko. Bahala na si batman sakin. Kesa naman ganitong parang magkakagulo pa sila. Hindi na talaga ko iinom!


“Hindi pwede.”


“Pero—” Tinakpan niya ang bibig ko.


“Bakit pa ako maghahanap ng iba kung nakita ko na kay Jonah ang lahat? Ikaw ba, Allen? Kung may kakambal ka at may girlfriend ka, gagamitin mo ba ang pagiging magkambal ninyo para gumawa ng kalokohan at the back of your girlfriend whom you promise to love till you die?”


Hindi sumagot si Allen. At ako, napanganga sa sinabi niya.


“I don’t care what people would say about me. About the real me. What matters is,” Tiningnan niya ko. “Kilala ako ng taong mahal ko. Kung sino talaga ako. Na kahit pa dalawa ang mukha kong nabubuhay sa mundo, kilala niya kung sino si Lynuz.” Huminto siya. “Will you believe me if I said that I’m not that guy he saw?”


Napalunok ako. Nagpapanggap lang naman kami diba? Bakit kailangan niya pang sabihin lahat ng mga sinabi niya? “I will.” Teka lang, sinabi ko ba ‘yon?


He smiled. “Thank you, babe.” He kissed my nose. Kasabay no’n ay dumating na ang order nila Crizzy. Buti na lang. Nakahinga ako ng maluwag. Pero ang pagtibok ng puso ko, mabilis pa rin.


At si Allen, hindi na humirit pa.


“Pretending? Yeah right.” bulong sakin ni Crizzy.


“Crizzy.”


Napailing lang ang kaibigan ko. Bago nagsimulang kumain.


“Babe.”


Napalingon ako kay Lynuz. Bumalik na ang ngiti niya. Hindi katulad kanina na ang seryoso niya habang kausap si Allen. Hawak na naman niya ang kutsara kanina. “Kanina pa ‘to.”


Napilitan akong isubo ‘yon.

 - E N D  O F  F L A S H B A C K -


“Jonah.” Kasabay ng pagtapik sa kamay ko.


Sunod-sunod akong napakurap.


“Anak, okay ka lang?”


Napalingon ako sa kanan ko. Kay mama. “Ano po ‘yon, ma?”


“Natahimik ka na dyan.”


Nginitian ko siya. “May naalala lang po ako.”


“Kumain ka na.”


“Opo.”


Napatingin ako sa plato. Sa plato kong may ampalaya. Itinabi ko ‘yon. Bwisit naman kasi ‘tong katabi ko sa kaliwa ko.


“May allergy ka sa hipon. You don’t eat ampalaya. Favorite mo ang breaded chicken. Noted!”


Napahinto ako sa pagsubo dahil sa sinabi ni Lynuz. Déjà vu. Pero hindi ko siya nilingon. Inapakan ko lang ang paa niya sa ilalim ng mesa.


Nakakainis!

= = =

1 comment:

  1. waaahhhh!!!! nakakakilig naman..

    on the contrary..favorite food ko ang hipon hehe..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^