Saturday, May 25, 2013

One Summer Love 2 - "Second Time Around" : Chapter 7



Chapter 7
[ JONAH’s POV ]


Kinagabihan.


“Bakit kaya hindi tayo sinama nila mama?” Matt asked. Umalis kasi sina papa, kasama sina Tito Ric kanina. Umalis dito sa beach resort.


“Hindi maganda ang kutob ko dito.” I said. “At ‘yon ang dapat kong alamin.” Lalo ng maalala ko ang narinig kong pag-uusap nila papa kanina. Anong plano ang tinutukoy nila? Hmm...


“Ayan na naman kayong dalawa.” Napatingin ako kay Demi na nasa unahan ko. Nakaupo kasi kaming tatlo sa hagdan. Nasa second step si Demi, third step ako at fourth step si Matt. “Isipin ninyo na lang na gusto nilang i-enjoy ang pagkikita nila. At magiging istorbo lang tayo sa kanila. Ano tayo? Chaperone? At ako na ang nagsasabi, mabibingi lang kayo sa walang katapusang kwentuhan nila. Why don’t we just enjoy? Bakit hindi tayo mag-videoke?”


“Ayaw.” sabay naming sagot ni Matt.


“Hmm... Pasukin na lang natin ang gubat na ‘yon? May nakikita akong mga pumupunta do’n kanina. Safe naman do’n dahil my trail tayong susundan.”


“Nakapasok na kami do’n ni Kuya Lynuz kanina.” Matt said.


“Talaga? Ba’t hindi kayo nag-aya? Kayo lang dalawa?”


“May kasama kaming mga babae.”


Kumunot ang noo ko. Nilingon ko si Matt. “I told you, Matt, na wag kang didikit do’n. Mahahawa ka lang sa pagka-playboy no’n.”


“Ouch! It hurts, Jonah.”


Sabay-sabay kaming napalingong tatlo sa nagsalitang ‘yon. Hawak niya ang dibdib niya at nag-iinarteng nasaktan. Sino pa ba? Edi si Lynuz. Kasama niya si Zyruz.


“I’m not talking to you. Wag kang epal.” Inirapan ko siya.


He just smiled. Sabay taas sa hawak niyang supot. “You want to drink, guys?”


Nagsalubong ang kilay ko. “What? Alak ‘yang dala mo?”


“Light lang naman ‘to.”


“Kahit na!”


“I told you, Lynuz. Hindi sila papayag.” Zyruz said. “Besides, mga menor edad ang kasama natin. Except kay Jonah.”


“I’m not a kid anymore!” Demi said.


“But still you’re a minor.”


“But not three weeks from now.”


“But now, you’re still a minor.”


“Simulan na natin ‘yan, guys.” singit ni Matt kina Demi at Zyruz.


“Matt!” saway ko sa kaniya.


“Hindi naman tayo mag-lalasing, Ate.” Nagulat ako ng kunin niya ang dalang supot ni Lynuz at dere-deretsong pumasok ng cottage.


“Matt!” Sinundan ko siya. “Isusumbong ko kayo kina papa!”


“Ate naman! Wag ka namang KJ!”


“Hindi ako KJ, okay! Akin na ‘yan!”


Inilayo niya ‘yon sakin. “Hindi ako maglalasing, ate. Titikim lang ako.”


“Siguro lagi kayong umiinom ng mga classmate mo, noh?”


“Hindi, ah. Minsan lang kaya.”


“Alam mo bang walang mabuting dinudulot ang alak sa katawan ng tao?” Lalo na sakin. Kaya nga sinumpa ko na ‘yang alak na ‘yan, eh.


“Hang over lang naman, ate. Sige na, hah?”


Napailing ako. “Napaka talaga niyang si Lynuz.”


“Napaka ano, Jonah?” Napalingon ako sa pintuan. Nakangising si Lynuz ang nakita ko. “Bakit hindi mo tinuloy?”


“Ewan ko sa’yo! Bahala kayo dyan!” Pumasok ako ng kwarto ko.


“Jonah! Join us! Masaya ‘to!”


“Masaya your face! Wag mo kong kausapin!” Kinuha ko ang phone ko at kinontak sina papa. Pero walang sumasagot. Pati si mama, ayaw ring sagutin. Nakakainis!


= = =


Meanwhile.


“Ano na kayang ginagawa nila ngayon?” tanong ni Ric habang nag-da-drive.


“For sure, nangungulit na naman ang kambal.” sagot ni Erica.


“Tama bang iwan natin sila?” tanong ni Peter. “Hindi kaya nagtaka ang mga ‘yon? Lalo na si Jonah.”


“Don’t worry, sweetheart. Nag-eenjoy na ang mga ‘yon.”


“At may tiwala naman ako sa kambal ko.” Ric said.


“At tama din bang mag-playing cupid tayo?” tanong uli ni Peter. “Si Demi, hindi ko pa siya pinapayagang mag-boyfriend because I want her to finish her studies first.”


“Sweetheart, we’re just giving them time para mas makilala nila ang isa’t isa.”


“Hindi naman natin sila pipilitin kung hindi nila magustuhan ang isa’t isa. Malalaki na sila. They can decide on their own.” dagdag ni Erica.


“Pero mas maganda kung matupad yung gusto natin nung mga college pa tayo.” Ric said, sabay lingon sa katabi nitong si Peter. “Right, pare?”


“Right.” Nilingon nito ang dalawang babae sa likuran ng van. “Yun din diba ang gusto ninyo? Kayo nga ang pasimuno ng pangakong ‘yon na kung sakaling mag-kaanak tayo ng babae at lalaki, imamatch-make natin, para maging mag-balae tayong apat.”


Nagkatinginan ang dalawang babae at napangiti.


“Pero pinapaalala ko lang, after college pa pwedeng mag-boyfriend ang Demi ko.” Peter added.


“How about our Jonah, sweetheart?”


“Cleo, alam nating never nag-entertain ng manliligaw si Jonah.”


“Ang sungit naman kasi ng anak nating ‘yon.”


“Hindi siya masungit. Sadyang naka-focus lang talaga ang isip niya sa pag-aaral niya. Unlike Demi, napaka-friendly naman kasi ng isang ‘yon, mapa-lalaki man o babae. Siguro kung hindi ko lang siya pinagbawalang mag-boyfriend, nag-entertain na ‘yon ng manliligaw niya.”


“I don’t think so. Wala naman akong nakikitang nagustuhan niya sa mga kaibigan niyang lalaki.”


Nilingon ni Peter si Ric. “How about you, pare? Wala ba talagang girlfriend ang kambal mo ngayon?”


“Alam kong nag-ka-girlfriend sila. Pero ni isa, wala silang pinapakilala samin o dinadala sa bahay para makilala namin.”


“My question is kung may girlfriend sila ngayon?”


Napakamot ng noo si Ric. “W-wala.”


“Ba’t parang hindi ka sure?”


“Wala silang girlfriend ngayon.” sagot ni Erica. “I know my twins. Palibhasa kasi, nagmana sila sa’yo, Ric.”


“Hon naman!”


Napuno ng tawanan ang loob ng van.


“So, sa’n tayo ngayon?” maya-maya ay tanong ni Peter.


“Mag-bar hopping tayo.” sagot ni Ric.


“Hindi na tayo teenager, hon.” Erica said.


“Teenager lang ba ang nagba-bar hopping, hon?”


“Then let’s go!”


“Alright!”


= = =


[ JONAH’s POV ]


“Ate, ayaw mo talaga? Try mo lang.” alok sakin ni Demi.


“Ayoko.” hindi tumitinging sagot ko. Nakaupo ako sa sofa habang hawak ang laptop ko. Nakaupo naman sina Demi sa sahig. Kanina pa sila nag-umpisang mag-inuman. At nakabantay lang ako.


“Wag mo na siyang alukin, Demi. KJ nga kasi ‘yan.” Lynuz said.


Tiningnan ko siya. “Hind ako KJ!”


“Then why don’t you try to take a sip?”


“Hindi kasi ako umiinom.”


“Anong tawag mo sa tubig? Hindi ba iniinom ‘yon?”


“Hindi ‘yon!”


“Eh, ano?”


“I don’t drink alcohol!”


“Ows?” The way he looked at me, parang may meaning ang sinasabi niya. Hindi man niya direktang sabihin, alam kong ang tinutukoy niya ay ang pag-inom ko one year ago. Nang... nakakainis!


“Ewan ko sa’yo! Bumili ka ng kausap mo!”


Tumayo ako bitbit ang laptop ko at lumabas ng cottage. Umupo ako sa mismong verandah at sumandal sa pader. Sa langit ako nakatingin. Nakakainis ka talaga, Lynuz! Huminga ako ng malalim. Nang mapalingon ako sa gilid ko ng magbukas ang pintuan ng cottage. Nakita ko sina Demi at Zyruz.


“Hey, sa’n kayo pupunta?” tanong ko.


“Dyan lang.” sagot ni Zyruz. “Sama ka?”


“Ayoko.”


“Okay.”


Napailing na lang ako habang pinagmamasdan sila papalayo. Tinutok ko na ang mga mata ko sa laptop at pinagpatuloy ang pagta-type ko ng...


“Jonah.”


Napalingon ako gilid ko. “Zyruz. May nakalimutan ka?”


“Kapag hindi ka pumasok sa loob ng cottage ninyo at makipag-one on one kay Lynuz, lalasingin niya si Matt. Pinapasabi ‘yan ni kambal. At kapag hindi ka pa pumasok ngayon, ilang minuto na lang, bagsak na si Matt. At siya nga pala, kapag hindi ka daw uminom, hindi daw siya magso-sorry sa ginawa niya sa’yo one year ago.”


“What?!” Mabilis akong pumasok ng cottage. Nagwa-one on one nga sina Lynuz at Matt. At kung makatungga sila, dere-deretso. Parang nagmamadaling ewan.


Humalukipkip ako. “So, tama nga ang sinabi ni Zyruz. Lalasingin mo talaga ang kapatid ko.”


Napalingon sila sakin.


“Jonah—”


“Is this your way para inisin ako? Tuwang-tuwa ka ba kapag nakikitang nabwi-bwisit ako? Ganyan ka ba talaga, Lynuz? Napaka-insensitive mo talaga!”


“Wait, Jonah! Anong bang sinasabi mo? Ano bang sinabi ni Zyruz?”


“Ewan ko sa’yo!” Huminga ako ng malalim bago tingnan ang kapatid ko. “Matt. Tama na ‘yan.”


“Pero, ate...”


“Pinagbigyan na kita.” Namumungay na kaya ang mga mata niya. Napailing ako. Nilapitan ko siya. “Matulog ka na.”


“Three more... Please... Mabait ka naman diba?” Sumandal siya sa balikat ko. Tinapik ko ang noo niya.


“Lagot ka kay papa, bukas.”


“Okay lang... Kuya Lynuz, tagay pa...”


“Tama na sabi, eh.”


“One more...”


“Fine. One more.” Tiningnan ko si Lynuz na tahimik lang na nakatingin samin. “Kasalanan mo ‘to.”


Hindi siya sumagot.


“Ate...”


Napatingin ako kay Matt. “Ano?”


“Walang kainuman si kuya... kayo na lang...”


“What? Ayokong uminom!”


“Sige ka... ako na lang...”


“Matt!”


Tinawanan lang niya ko. “Sige na... tagay na ate...” Gumapang siya palapit ng sofa at humiga paharap samin. “I’m watching you...”


“Hindi nga kasi umiinom ang ate mo, Matt. KJ nga kasi ‘yan. Baka isang patak lang ng beer, bumagsak ‘yan.” pang-aasar pa ni Lynuz.


“Isang patak pala, hah.” Kinuha ko ang isang bukas na beer at tinungga ‘yon.


“Go, ate...”


“Jonah!”


Hindi ko sila pinansin. Naka-kalahati na ko ng beer ng tumigil ako. Kinurap ko ang mga mata ko. “Whoah!”


“Jonah, okay na. Wag ka ng uminom. Tulog na si Matt.”


“Isang patak pala, hah.” ulit ko. Inubos ko ang kalahati ng beer na natira.


“Jonah! Stop it!” Kinuha ni Lynuz ang beer na hawak ko. Na wala ng laman.


“Sinong may sabing isang patak lang ang kaya ko?” Kinuha ko ang beer niyang may bawas na.


“Jonah!”


Tinago ko ‘yon sa likuran ko. “I hate you...”


Nakita kong natigilan siya. “Jonah...”


“Kasalanan mo ‘to...” sabay tungga sa beer na hawak ko.


= = =


[ LYNUZ’s POV ]


“I heytchu...”


Napakamot ako ng noo habang nakatingin kay Jonah. Nakasandal siya sa sofa habang hawak ang bote ng beer na wala ng laman. Halos siya na ang uminom, dahil hindi na ko uminom simula ng uminom siya kanina. Hindi na ko nakisabay sa kaniya. Paano ko pa siya mababantayan kung pati ako iinom? Although, parehas kami ng kambal ko, mataas ang tolerance sa alcohol.


“Nahkakainish kah, Lynush...”


Lumapit ako sa kaniya. Kinuha ko ang boteng hawak niya. “Matulog ka na.”


“Vhakit kah fa kashi dyumating... vakhit kah fa kashi vumalik... Hindyi moh nah shana ginulo ang vuhay koh... Nahkakainish kah tyalagah...”


Sa totoo lang, lagpas sampung beses ko nang narinig na sinabi niya ‘yan from that ‘I hate you’ word.


Hindi ko na narinig na nagsalita pa siya. Nakapikit na rin ang mga mata niya. Saka ko lang siya binuhat at dinala sa kwarto niya. Dahan-dahan ko siyang binaba sa kama niya. Nang hawakan niya bigla ang braso ko. “Dyitoh kah lang...” Napilitan tuloy akong umupo sa gilid ng kama niya. “I heytchu...”


I sighed. Hinaplos ko ang pisngi niya. “Ano bang gagawin ko sa’yo, Jonah?”


“Nahkakainish kah...”


“Oo na. Nakakainis na kung nakakainis. Naiinis na rin ako sa sarili ko.” Inalis ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko.


“Dyitoh kah lang...”


Napailing ako. Pinisil ko ang ilong niya. “Ang gulo mo.”


Hinila pa niya ang braso ko at nilapit sa mukha niya. Nakita ko siyang ngumiti. Hanggang sa humimbing na ang tulog niya.


Inabot ko ang isang unan. At ‘yon ang ipinalit sa braso ko. Hinaplos ko ang pisngi niya sabay halik sa ilong niya bago ako tumayo. “Sweetdreams, babe.” Napangiti ako sa sinabi ko. Pero agad din akong napakamot ng ulo. “Patay ako kina daddy nito bukas.”

 = = =

1 comment:

  1. haha.. gusto ko yung pakipot effect.. dito ka lang tapos ayheytyu nah kagad!.. ahhaha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^