Chapter
10
[ JONAH’s POV ]
“Ano bang ginagawa mo, Demi?
Para kang ewan. Bakit mo ba siya iniiwasan?”
Kumunot ang noo ko ng marinig ang boses na ‘yon mula sa cubicle
na kinaroroonan ko. Dito ako dumeretso kanina nang magkita kami ni Lynuz.
Umikot kasi ang sikmura ko kanina na parang masusuka ako.
“Ano ba kasing dapat kong
gawin? Tell me. Naguguluhan ako. Dapat ko ba siyang iwasan para hindi na
lumalala ang feelings ko sa kaniya? Pero mali, eh. At alam kong nakakahalata na
siya. Anong gagawin ko?”
Napailing ako sa mga narinig ko. Sinasabi na nga ba, at mangyayari ’to. “Hindi mo pa naman alam ang feelings mo,
bakit pinipigilan mo na agad?” Lumabas ako ng cubicle.
“Hi, ate!” bati sakin ni Demi. Tabingi ang ngiti
niya.
Lumapit ako sa sink at naghugas ng kamay. “This is not the right place para mag-emote
ka. Restroom ‘to, Demi. Hindi lang ikaw ang tao dito.”
“May ibang tao pa ba?” Inisa-isa pa niya ang mga cubicle sa
restroom. Humalukipkip ako at sumandal sa sink habang nakatingin sa kaniya. “Thanks, God at
ikaw lang, ate.”
“Ako nga lang.”
Nilingon niya ko. “Ate.”
“Ano?”
Lumapit siya sakin. “Wag mo kong isumbong kay papa.”
I sighed. I patted her head. “Hindi kita isusumbong.” Naiintindihan
ko naman siya.
Napangiti siya. “Talaga? Thank you, ate!” She kissed my cheek.
Napangiwi ako. Pinunasan ko ang pisngi ko. “Wag mo na uli gagawin ‘yon kung hindi
isusumbong kita. Bakit ba kasi tuwing hahalikan mo ko may kasama pang laway?”
“Kiss with love ang tawag
dyan.”
“Kadiri naman!”
“One more, ate?”
“Batok, gusto mo?”
“Sabi ko nga, hindi na.” Kumapit siya sa braso ko.
Tiningnan ko siya. “Mahirap ang magmahal ng tulad niya.”
Napalingon siya sakin. “Niya?”
“You know who I’m referring
to.”
“Zyruz...” Yumuko siya.
“Hindi mo hawak ang mundo
niya. Plus maraming insektong nakapaligid sa kaniya. Marami kang magiging
kaagaw. Ngayon pang hindi kayo—”
“Ate, he’s not courting me!”
Oo nga pala. “Ano bang nararamdaman mo sa kaniya?”
“Ano... I don’t know. I’m not
sure.”
“Bakit hindi mo muna alamin
ang nararamdaman mo bago ka mag-isip ng kung anu-ano?” Tss.. Bakit parang binubuyo ko pa siya kay
Zyruz? Siguro dahil naninibago din ako kay Zyruz ngayon. One year ago, hindi
naman siya ganyan na buong oras niya ibuhos niya isang babae. Sa isang babae
lang. Kay Demi. Nobody owns him, but the way he acts around Demi, it’s
different.
“Ikaw kaya ang nag-iisip ng
kung anu-ano.”
Kumunot ang noo ko. “Ako ba?”
“Yah. Anong kaagaw? Hindi ko
naman naisip ‘yon, eh.”
Tinitigan niya ko. “Bakit parang hindi naman si Zyruz ang pinag-uusapan
natin dito?”
Pasimpleng iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Nahuhuli ka sa sarili mong salita, Jonah.
Hinawakan ko ang ulo. “Sumakit na naman ang ulo ko... Nakakainis talaga...”
pagdadahilan ko para hindi na siya mangulit pa. Nang may pumasok sa restroom na
babae. Buti na lang. “Let’s go, Demi.” Lumabas na kaming dalawa.
“Hi, Demi! Hi Jonah!” Napaangat ang tingin ko sa taong ‘yon. May
kasama siyang babae na saglit niyang iniwan bago lumapit samin.
“Hi, Lynuz!” bati ni Demi sa kaniya.
Dere-deretso lang ako at iniwan sila. Hindi ko naman mapigilang
lingunin sila. Lumapit ang babae kay Lynuz. Kumapit pa nga sa braso niya.
Iniwas ko agad ang tingin sa kanila.
Ano ba kasing ginagawa mo, Jonah? You’re just—
“Jonah!”
Hindi ko siya nilingon.
“Jonah! Wait!” May humawak sa braso ko.
Nilingon ko siya. “Ano na naman ba, Lynuz?” Nilingon ko ang
babaeng kasama niya. “Hinihintay ka na ng girlfriend mo.” may diing
sabi ko. I saw him smiled. Pero nawala rin ‘yon. Nawala nga, pero kita ko sa
mata niya na natutuwa siya. “Bitiwan mo nga ko.”
“Okay. Pagbibigyan uli kita
ngayon, Jonah. Last na ‘to.”
Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”
Dahan-dahan niyang binitawan ang braso ko. Wala siyang sinabi.
Tinitigan lang niya ko. Pagkatapos no’n ay nilapitan na niya ang babaeng
naghihintay sa kaniya. Tumalikod agad ako. Kinagat ko ang labi ko.
Lynuz... nakakainis ka talaga!
=
= = = = = = =
This is life. Walang asungot na aaligid-aligid sakin. Walang
Lynuz. Iniling ko ang ulo ko. Bakit ko ba naiisip ang lalaking ‘yon? Last day
na namin dito, so dapat lang na mag-enjoy ako. Just what like my mother said.
Umayos ako ng pagkakahiga sa pool lounge chair. Inayos ko din
ang ang pagkakasuot ng shades ko. Nandito ako sa pool area ng resort. Pero wala
kong balak na maligo ngayon. Kaya pahiga-higa na lang ako. Medyo masakit pa
kasi ang ulo ko, siguro mamayang gabi na lang.
Nang mapatingin ako sa kabilang side ng pool. Nagtatawanan kasi
sila kaya agaw pansin. Isa pa, may isa silang kasama. Ang nag-iisang lalaki sa
grupo nila. Si Lynuz. Kasama niya ang mga babae kahapon. At nakakapit pa sa
kaniya ang dalawang babaeng ‘yon. That Luzzi and Mhira.
Pinikit ko ng mariin ang mata ko. Sa laki naman ng beach resort
na ‘to, bakit dito pa sila nagpunta? Gusto kong umalis sa kinahihigaan ko, pero
mas pinili kong manahimik. Tutal naman, naka-shades ako. At sa dami ng babaeng
kasama niya, alam ko namang hindi na niya ko mapapansin pa. Isinuot ko ang
headset ko at tinodo ang volume para hindi ko marinig ang tawanan ng mga
babaeng ‘yon.
Hapon na. At malakas pa ang hangin. Hindi ko tuloy namalayang
unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko. Hanggang sa tuluyan na kong
makatulog.
= = = = = = = =
“Hmm...” Umayos ako ng pagkakahiga. Hinapit ko ang
kumot na nakabalot sakin. Bakit parang ang tigas ng kinahihigaan ko? Idinilat
ko ang isang mata ko. Para lang salubungin ng isang mukha. Nakaupo siya sa
ktabi pool lounge chair habang nakapangalumbabang nakatingin sakin.
“Goodmorning, sleepyhead.
How’s your sleep? Nakatulog ka ba ng mahimbing?”
Hindi agad ako nakasagot. Anong ginagawa niya dito? Ah! “I’m just
dreaming...” Pinikit ko uli ang mata ko at tumagilid ng higa
patalikod sa kaniya.
Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. “Jonah.”
Idinilat ko uli ang mga mata ko.
“You’re not dreaming, okay.
Thirty minutes ka nang natutulog, so get up now.”
Tuluyan na kong nagising. I’m not dreaming! Tumagilid uli ako ng
higa paharap sa kaniya. He was smiling. Bumalikwas ako ng bangon. “Ba’t nandito
ka?”
Yumuko siya at pinulot ang... Towel? Nasa paanan ko ‘yon.
Nahulog ‘yon kanina ng bumangon ako pero hindi ko na pinansin. Inabot niya
sakin ‘yon.
“It’s not mine.”
“Oo nga. Sinabi ko bang sa’yo
‘to?”
“Eh, kanino ‘yan? Saka ba’t
gamit ko ‘yan?”
“This is mine.” Ibinalot niya sakin ang towel. “Kung may balak
ka palang matulog, dapat sa cottage ka na lang, hindi dito. Tapos ganyan pa ang
suot mo.”
Napatingin ako sa suot ko. Nakasuot ako ng two piece swumsuit.
Naka-maong short naman ako. Wala lang akong pang-top. Napatingin ako sa towel
na nakabalot sakin. I sighed. Bakit niya ba ginagawa ‘to? Bakit kailangan
niyang ipakita na concern siya sakin? “Kasalanan mo kung bakit ako nakatulog dito.”
Tinanggal ko ang towel na nakabalot sakin at hinagis sa kaniya. “Hindi ko
kailangan ‘yan. Dyan ka na nga.” Tumayo ako ng tumayo rin siya at
harangan ako. “Tumabi
ka nga.”
He just smiled. “Ayoko nga.”
“Isa!” madiing sabi ko.
Tiningnan niya lang ako. At napailing. Hinawakan niya ang
laylayan ng tshirt niya.
Nanlaki ang mata ko. “Anong ginagawa mo?”
He grinned. “Nakikita mo naman diba? Naghuhubad.”
Napatingin ako sa paligid namin. Nakatingin na sa kaniya ang mga
tao. Lalo na yung mga babae.
“Hindi mo ba alam na
pinagpipiyestahan ka na kanina ng mga mata dito? And I’m pissed off. Buti na
lang at nandito ako kanina.”
Napalingon ako sa kaniya sa sinabi niyang ‘yon. Nang bumaba ang
tingin ko sa abs niya. Nahubad na kasi niya ang tshirt niya. Umayos ka, Jonah! Tinutok ko ang mata ko
sa mukha niya. Humakbang siya palapit sakin.
“Kaya kung ayaw mong mapaaway
ako...”
Humakbang ako paatras. “A-ano?”
“Suutin mo ‘to.” Hindi na ko nakakilos ng isuot niya sa ulo
ko ang tshirt niya.
“Ayoko nito.”
“Jonah, please. Wag naman
dito. Ang daming tao. Ikaw din. Baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko.” sabi niya ng nakangiti.
Pasimple kong tiningnan ang mga babaeng nagbubulungan. Mga
tsismosa! Napilitan akong suutin ang tshirt niya. “Masaya ka na?”
He smiled widely. “Oo naman!”
Umiwas ako ng tingin. “Dyan ka na!”
“Hep, hep!” Nagulat ako ng buhatin niya kong parang
sako ng bigas.
“Lynuz! Put me down!”
Hindi niya ko pinansin. “May LQ lang kami ng girlfriend ko! Pasensya na!”
sa halip ay sabi niya sa mga tao.
Nanlaki ang mata ko. “Anong girlfriend ang pinagsasabi mo dyan?”
madiing bulong ko. “At pwede ba, ibaba mo ko!”
“Shhh... ang ingay mo, babe.
Pwede ring tumahimik.”
Humakbang na siya paalis. While carrying me!
“Lynuz!” Pinagpapapalo ko ang likuran niya.
“Ayaw mong tumigil? Ihagis kaya
kita sa pool? O kaya hahalikan na lang kita ng matahimik ka na dyan.”
“Bwisit ka!” Pinalo ko ang likuran niya. Bigla siyang
huminto. Nanlaki ang mata ko ng maramdamang ibababa niya ko. Todo kapit ko sa
likuran niya. Narinig ko siyang tumawa.
“Takot din naman pala. Gusto
pang—aray, ah!”
Pinalo ko kasi ang likuran niya ng malakas. “Nakakasakit ka na, hah!”
“Kasalanan mo!”
“Naku, Jonah! Kung hindi lang
talaga.”
“Kung hindi lang ano?”
“Wala!”
Akala mo, hah! Hinintay kong makalayo kami sa mga tao. Papaluin
ko na sana siya ng mapangiwi ako. Nakabaligtad kasi ako. At parang nakaramdam
ako hilo. “Pwede
bang pakibaba na ko? Nahihilo ako...”
Mabilis pa sa alas-kwatrong binaba niya ko. Hinawakan niya ang
ulo ko. “Nahihilo
ka pa?” Nagulat ako ng yakapin niya ko. “Yan. Hindi ka na ba nahihilo?”
Tinulak ko siya. “Ano namang connection ng pagkahilo ko kung yakapin mo man ako?” Inirapan ko siya.
Napakamot siya ng batok. “Power hug kasi ‘yon. Baka sakaling mawala ang hilo mo.”
“Ewan ko sa’yo!” Tinalikuran ko na siya para iwan dahil
hindi talaga ako makakatagal habang kasama ko siya, hindi dahil sa inis na
nararamdaman ko sa kaniya, kundi dahil sa puso kong tangang hanggang ngayon,
patuloy na nahuhulog sa mga pasimpleng pagpapa-cute niya. Masasaktan lang ako.
For the second time around. Ayaw ko ng mangyari ‘yon.
“Jonah.” Hinawakan niya ang braso ko.
“Lynuz naman. Hindi mo ba
talaga ko titigilan?”
hindi lumilingong tanong ko sa kaniya.
“Hindi. Tama nang para kong
tangang sunod ng sunod sa’yo. Tama nang para kong sira sa pag-iisip kung bakit
ganito ang pakikitungo mo sakin.”
“Nagtatanong ka pa? Talaga
bang hindi mo alam?”
“Paano ko malalaman kung
bigla ka na lang nawala ng araw na ‘yon? Ang sabi ko sa’yo, saglit lang ako.”
Saka ko lang siya hinarap. “Yeah. Saglit nga lang. Pero sa loob ng ilang saglit na
‘yon, pinaramdam mo sakin na katulad din ako ng mga babaeng nakilala mo. You
just used me, Lynuz. Wala ka kasing mapaglibangan last summer kaya pati
pagpapanggap na boyfriend ng ibang tao, pinasok mo.” Kinagat ko ang
labi ko para pigilan ang pag-iyak ko. “Pero bakit ako pa ang pinili mo? Wala naman akong
sinabing magpanggap ka na boyfriend ko. At lalong wala naman akong sinabing
saktan mo ko.” Tuluyan ng pumatak ang luha ko.
“Jonah...”
Humakbang ako paatras ng akmang hahawak niya ko. “Wag ka nang
lumapit. Kasi tuwing lalapit ka sakin, hindi ko mapigilang mainis, eh. Sa’yo at
sa sarili ko.”
“Lynuz! Nandyan ka lang pala!”
Hindi ko na kailangang lingunin ang nasa likuran ko. Ang mga
babaeng ‘yon na naman!
“Naiinis ako kasi hanggang
ngayon, pinaparamdam mo pa rin sakin na katulad din nila ko. Na wala kong
pinagkaiba sa kanila.”
“Lynuz! Come over here! Mamaya na kayo
mag-usap ng kasama mo!”
Pinilit kong ngumiti. Kahit patak ng patak ang mga luha ko. “Ngayong alam
mo na. Pwede bang tigilan mo na ko? Mas lalo mo lang akong sinasaktan, eh.”
“Did you fell for me last
summer, Jonah?”
“Madali ka lang mahalin.
Mahirap lang para sakin. Lalo na kung marami kami. Lalo na kung hindi kita
pwedeng angkinin. Nang akin lang. Sino ba namang babae ang gugustuhing may
kahati siya?”
Natawa ako ng pagak. “I don’t know why I’m saying this. Sira talaga ko...
Kaya nga naiinis ako...”
“Jonah, I’m—”
“Jonah! Anak!”
Mabilis pa sa alas-kwatrong pinunasan ko ang pisngi ko. Boses ni
papa ‘yon. Isinuot ko ang shades ko. Sabay lingon sa likuran ko. Naghihintay pa
rin yung mga babae. Pero mas tinutok ko ang mata ko kay papa.
“Bakit ‘Pa?” tanong ko na makalapit siya. Sana lang,
hindi niya ko mahalata.
“I’m looking for Lynuz.”
“Ah. Si Lynuz po ‘yan. Sige
po. Mag-usap na po kayo. May pupuntahan lang ako.” Iniwan ko na sila ng marinig kong nagtanong
si papa.
“Lynuz, may problema ba?”
“Wala po, Tito.”
Wala. Wala talaga. Dahil wala siyang pakiramdam. At ‘yon ang
masakit.
=
= =
waaahhh!!! nasasaktan naman ako dun..
ReplyDeletepero infairness ahh so sweet ni Lynuz nung pinasuot niya "sakin" yung tshirt nya,...ayiieee..kiligmatz yun.
anebeyen! may halong tawa nman na may kasamang kilig na naiinis ako sa chappy nito.. hhahaa..
ReplyDelete