Saturday, May 25, 2013

One Summer Love 2 - "Second Time Around" : Chapter 10



Chapter 10
[ JONAH’s POV ]


“Ano bang ginagawa mo, Demi? Para kang ewan. Bakit mo ba siya iniiwasan?”  

Kumunot ang noo ko ng marinig ang boses na ‘yon mula sa cubicle na kinaroroonan ko. Dito ako dumeretso kanina nang magkita kami ni Lynuz. Umikot kasi ang sikmura ko kanina na parang masusuka ako.


“Ano ba kasing dapat kong gawin? Tell me. Naguguluhan ako. Dapat ko ba siyang iwasan para hindi na lumalala ang feelings ko sa kaniya? Pero mali, eh. At alam kong nakakahalata na siya. Anong gagawin ko?”


Napailing ako sa mga narinig ko. Sinasabi na nga ba, at mangyayari ’to. “Hindi mo pa naman alam ang feelings mo, bakit pinipigilan mo na agad?” Lumabas ako ng cubicle.


“Hi, ate!” bati sakin ni Demi. Tabingi ang ngiti niya.


Lumapit ako sa sink at naghugas ng kamay. “This is not the right place para mag-emote ka. Restroom ‘to, Demi. Hindi lang ikaw ang tao dito.”


“May ibang tao pa ba?” Inisa-isa pa niya ang mga cubicle sa restroom. Humalukipkip ako at sumandal sa sink habang nakatingin sa kaniya. “Thanks, God at ikaw lang, ate.”


“Ako nga lang.”


Nilingon niya ko. “Ate.”


“Ano?”


Lumapit siya sakin. “Wag mo kong isumbong kay papa.”


I sighed. I patted her head. “Hindi kita isusumbong.” Naiintindihan ko naman siya.


Napangiti siya. “Talaga? Thank you, ate!” She kissed my cheek.


Napangiwi ako. Pinunasan ko ang pisngi ko. “Wag mo na uli gagawin ‘yon kung hindi isusumbong kita. Bakit ba kasi tuwing hahalikan mo ko may kasama pang laway?”


“Kiss with love ang tawag dyan.”


“Kadiri naman!”


“One more, ate?”


“Batok, gusto mo?”


“Sabi ko nga, hindi na.” Kumapit siya sa braso ko.


Tiningnan ko siya. “Mahirap ang magmahal ng tulad niya.”


Napalingon siya sakin. “Niya?”


“You know who I’m referring to.”


“Zyruz...” Yumuko siya.


“Hindi mo hawak ang mundo niya. Plus maraming insektong nakapaligid sa kaniya. Marami kang magiging kaagaw. Ngayon pang hindi kayo—”


“Ate, he’s not courting me!”


Oo nga pala. “Ano bang nararamdaman mo sa kaniya?”


“Ano... I don’t know. I’m not sure.”


“Bakit hindi mo muna alamin ang nararamdaman mo bago ka mag-isip ng kung anu-ano?” Tss.. Bakit parang binubuyo ko pa siya kay Zyruz? Siguro dahil naninibago din ako kay Zyruz ngayon. One year ago, hindi naman siya ganyan na buong oras niya ibuhos niya isang babae. Sa isang babae lang. Kay Demi. Nobody owns him, but the way he acts around Demi, it’s different.


“Ikaw kaya ang nag-iisip ng kung anu-ano.”


Kumunot ang noo ko. “Ako ba?”


“Yah. Anong kaagaw? Hindi ko naman naisip ‘yon, eh.” Tinitigan niya ko. “Bakit parang hindi naman si Zyruz ang pinag-uusapan natin dito?”


Pasimpleng iniwas ko ang tingin ko sa kaniya. Nahuhuli ka sa sarili mong salita, Jonah. Hinawakan ko ang ulo. “Sumakit na naman ang ulo ko... Nakakainis talaga...” pagdadahilan ko para hindi na siya mangulit pa. Nang may pumasok sa restroom na babae. Buti na lang. “Let’s go, Demi.” Lumabas na kaming dalawa.


“Hi, Demi! Hi Jonah!” Napaangat ang tingin ko sa taong ‘yon. May kasama siyang babae na saglit niyang iniwan bago lumapit samin.


“Hi, Lynuz!” bati ni Demi sa kaniya.


Dere-deretso lang ako at iniwan sila. Hindi ko naman mapigilang lingunin sila. Lumapit ang babae kay Lynuz. Kumapit pa nga sa braso niya. Iniwas ko agad ang tingin sa kanila.


Ano ba kasing ginagawa mo, Jonah? You’re just—


“Jonah!”


Hindi ko siya nilingon.


“Jonah! Wait!” May humawak sa braso ko.


Nilingon ko siya. “Ano na naman ba, Lynuz?” Nilingon ko ang babaeng kasama niya. “Hinihintay ka na ng girlfriend mo.” may diing sabi ko. I saw him smiled. Pero nawala rin ‘yon. Nawala nga, pero kita ko sa mata niya na natutuwa siya. “Bitiwan mo nga ko.”


“Okay. Pagbibigyan uli kita ngayon, Jonah. Last na ‘to.”


Kumunot ang noo ko. “What do you mean?”


Dahan-dahan niyang binitawan ang braso ko. Wala siyang sinabi. Tinitigan lang niya ko. Pagkatapos no’n ay nilapitan na niya ang babaeng naghihintay sa kaniya. Tumalikod agad ako. Kinagat ko ang labi ko.


Lynuz... nakakainis ka talaga!


= = = = = = = =


This is life. Walang asungot na aaligid-aligid sakin. Walang Lynuz. Iniling ko ang ulo ko. Bakit ko ba naiisip ang lalaking ‘yon? Last day na namin dito, so dapat lang na mag-enjoy ako. Just what like my mother said.


Umayos ako ng pagkakahiga sa pool lounge chair. Inayos ko din ang ang pagkakasuot ng shades ko. Nandito ako sa pool area ng resort. Pero wala kong balak na maligo ngayon. Kaya pahiga-higa na lang ako. Medyo masakit pa kasi ang ulo ko, siguro mamayang gabi na lang.


Nang mapatingin ako sa kabilang side ng pool. Nagtatawanan kasi sila kaya agaw pansin. Isa pa, may isa silang kasama. Ang nag-iisang lalaki sa grupo nila. Si Lynuz. Kasama niya ang mga babae kahapon. At nakakapit pa sa kaniya ang dalawang babaeng ‘yon. That Luzzi and Mhira.


Pinikit ko ng mariin ang mata ko. Sa laki naman ng beach resort na ‘to, bakit dito pa sila nagpunta? Gusto kong umalis sa kinahihigaan ko, pero mas pinili kong manahimik. Tutal naman, naka-shades ako. At sa dami ng babaeng kasama niya, alam ko namang hindi na niya ko mapapansin pa. Isinuot ko ang headset ko at tinodo ang volume para hindi ko marinig ang tawanan ng mga babaeng ‘yon.


Hapon na. At malakas pa ang hangin. Hindi ko tuloy namalayang unti-unti nang pumipikit ang mga mata ko. Hanggang sa tuluyan na kong makatulog.


= = = = = = = =


“Hmm...” Umayos ako ng pagkakahiga. Hinapit ko ang kumot na nakabalot sakin. Bakit parang ang tigas ng kinahihigaan ko? Idinilat ko ang isang mata ko. Para lang salubungin ng isang mukha. Nakaupo siya sa ktabi pool lounge chair habang nakapangalumbabang nakatingin sakin.


“Goodmorning, sleepyhead. How’s your sleep? Nakatulog ka ba ng mahimbing?”


Hindi agad ako nakasagot. Anong ginagawa niya dito? Ah! “I’m just dreaming...” Pinikit ko uli ang mata ko at tumagilid ng higa patalikod sa kaniya.


Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. “Jonah.”


Idinilat ko uli ang mga mata ko.


“You’re not dreaming, okay. Thirty minutes ka nang natutulog, so get up now.”


Tuluyan na kong nagising. I’m not dreaming! Tumagilid uli ako ng higa paharap sa kaniya. He was smiling. Bumalikwas ako ng bangon. “Ba’t nandito ka?”


Yumuko siya at pinulot ang... Towel? Nasa paanan ko ‘yon. Nahulog ‘yon kanina ng bumangon ako pero hindi ko na pinansin. Inabot niya sakin ‘yon.


“It’s not mine.”


“Oo nga. Sinabi ko bang sa’yo ‘to?”


“Eh, kanino ‘yan? Saka ba’t gamit ko ‘yan?”


“This is mine.” Ibinalot niya sakin ang towel. “Kung may balak ka palang matulog, dapat sa cottage ka na lang, hindi dito. Tapos ganyan pa ang suot mo.”


Napatingin ako sa suot ko. Nakasuot ako ng two piece swumsuit. Naka-maong short naman ako. Wala lang akong pang-top. Napatingin ako sa towel na nakabalot sakin. I sighed. Bakit niya ba ginagawa ‘to? Bakit kailangan niyang ipakita na concern siya sakin? “Kasalanan mo kung bakit ako nakatulog dito.” Tinanggal ko ang towel na nakabalot sakin at hinagis sa kaniya. “Hindi ko kailangan ‘yan. Dyan ka na nga.” Tumayo ako ng tumayo rin siya at harangan ako. “Tumabi ka nga.”


He just smiled. “Ayoko nga.”


“Isa!” madiing sabi ko.


Tiningnan niya lang ako. At napailing. Hinawakan niya ang laylayan ng tshirt niya.


Nanlaki ang mata ko. “Anong ginagawa mo?”


He grinned. “Nakikita mo naman diba? Naghuhubad.”


Napatingin ako sa paligid namin. Nakatingin na sa kaniya ang mga tao. Lalo na yung mga babae.


“Hindi mo ba alam na pinagpipiyestahan ka na kanina ng mga mata dito? And I’m pissed off. Buti na lang at nandito ako kanina.”


Napalingon ako sa kaniya sa sinabi niyang ‘yon. Nang bumaba ang tingin ko sa abs niya. Nahubad na kasi niya ang tshirt niya. Umayos ka, Jonah! Tinutok ko ang mata ko sa mukha niya. Humakbang siya palapit sakin.


“Kaya kung ayaw mong mapaaway ako...”


Humakbang ako paatras. “A-ano?”


“Suutin mo ‘to.” Hindi na ko nakakilos ng isuot niya sa ulo ko ang tshirt niya.


“Ayoko nito.”


“Jonah, please. Wag naman dito. Ang daming tao. Ikaw din. Baka hindi mo magustuhan ang gagawin ko.” sabi niya ng nakangiti.


Pasimple kong tiningnan ang mga babaeng nagbubulungan. Mga tsismosa! Napilitan akong suutin ang tshirt niya. “Masaya ka na?”


He smiled widely. “Oo naman!”


Umiwas ako ng tingin. “Dyan ka na!”


“Hep, hep!” Nagulat ako ng buhatin niya kong parang sako ng bigas.


“Lynuz! Put me down!”


Hindi niya ko pinansin. “May LQ lang kami ng girlfriend ko! Pasensya na!” sa halip ay sabi niya sa mga tao.


Nanlaki ang mata ko. “Anong girlfriend ang pinagsasabi mo dyan?” madiing bulong ko. “At pwede ba, ibaba mo ko!”


“Shhh... ang ingay mo, babe. Pwede ring tumahimik.” Humakbang na siya paalis. While carrying me!


“Lynuz!” Pinagpapapalo ko ang likuran niya.


“Ayaw mong tumigil? Ihagis kaya kita sa pool? O kaya hahalikan na lang kita ng matahimik ka na dyan.”


“Bwisit ka!” Pinalo ko ang likuran niya. Bigla siyang huminto. Nanlaki ang mata ko ng maramdamang ibababa niya ko. Todo kapit ko sa likuran niya. Narinig ko siyang tumawa.


“Takot din naman pala. Gusto pang—aray, ah!” Pinalo ko kasi ang likuran niya ng malakas. “Nakakasakit ka na, hah!”


“Kasalanan mo!”


“Naku, Jonah! Kung hindi lang talaga.”


“Kung hindi lang ano?”


“Wala!”


Akala mo, hah! Hinintay kong makalayo kami sa mga tao. Papaluin ko na sana siya ng mapangiwi ako. Nakabaligtad kasi ako. At parang nakaramdam ako hilo. “Pwede bang pakibaba na ko? Nahihilo ako...”


Mabilis pa sa alas-kwatrong binaba niya ko. Hinawakan niya ang ulo ko. “Nahihilo ka pa?” Nagulat ako ng yakapin niya ko. “Yan. Hindi ka na ba nahihilo?”


Tinulak ko siya. “Ano namang connection ng pagkahilo ko kung yakapin mo man ako?” Inirapan ko siya.


Napakamot siya ng batok. “Power hug kasi ‘yon. Baka sakaling mawala ang hilo mo.”


“Ewan ko sa’yo!” Tinalikuran ko na siya para iwan dahil hindi talaga ako makakatagal habang kasama ko siya, hindi dahil sa inis na nararamdaman ko sa kaniya, kundi dahil sa puso kong tangang hanggang ngayon, patuloy na nahuhulog sa mga pasimpleng pagpapa-cute niya. Masasaktan lang ako. For the second time around. Ayaw ko ng mangyari ‘yon.


“Jonah.” Hinawakan niya ang braso ko.


“Lynuz naman. Hindi mo ba talaga ko titigilan?” hindi lumilingong tanong ko sa kaniya.


“Hindi. Tama nang para kong tangang sunod ng sunod sa’yo. Tama nang para kong sira sa pag-iisip kung bakit ganito ang pakikitungo mo sakin.”


“Nagtatanong ka pa? Talaga bang hindi mo alam?”


“Paano ko malalaman kung bigla ka na lang nawala ng araw na ‘yon? Ang sabi ko sa’yo, saglit lang ako.”


Saka ko lang siya hinarap. “Yeah. Saglit nga lang. Pero sa loob ng ilang saglit na ‘yon, pinaramdam mo sakin na katulad din ako ng mga babaeng nakilala mo. You just used me, Lynuz. Wala ka kasing mapaglibangan last summer kaya pati pagpapanggap na boyfriend ng ibang tao, pinasok mo.” Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag-iyak ko. “Pero bakit ako pa ang pinili mo? Wala naman akong sinabing magpanggap ka na boyfriend ko. At lalong wala naman akong sinabing saktan mo ko.” Tuluyan ng pumatak ang luha ko.


“Jonah...”


Humakbang ako paatras ng akmang hahawak niya ko. “Wag ka nang lumapit. Kasi tuwing lalapit ka sakin, hindi ko mapigilang mainis, eh. Sa’yo at sa sarili ko.”


“Lynuz! Nandyan ka lang pala!”


Hindi ko na kailangang lingunin ang nasa likuran ko. Ang mga babaeng ‘yon na naman!


“Naiinis ako kasi hanggang ngayon, pinaparamdam mo pa rin sakin na katulad din nila ko. Na wala kong pinagkaiba sa kanila.”


“Lynuz! Come over here! Mamaya na kayo mag-usap ng kasama mo!”


Pinilit kong ngumiti. Kahit patak ng patak ang mga luha ko. “Ngayong alam mo na. Pwede bang tigilan mo na ko? Mas lalo mo lang akong sinasaktan, eh.”


“Did you fell for me last summer, Jonah?”


“Madali ka lang mahalin. Mahirap lang para sakin. Lalo na kung marami kami. Lalo na kung hindi kita pwedeng angkinin. Nang akin lang. Sino ba namang babae ang gugustuhing may kahati siya?” Natawa ako ng pagak. “I don’t know why I’m saying this. Sira talaga ko... Kaya nga naiinis ako...”


“Jonah, I’m—”


“Jonah! Anak!”


Mabilis pa sa alas-kwatrong pinunasan ko ang pisngi ko. Boses ni papa ‘yon. Isinuot ko ang shades ko. Sabay lingon sa likuran ko. Naghihintay pa rin yung mga babae. Pero mas tinutok ko ang mata ko kay papa.


“Bakit ‘Pa?” tanong ko na makalapit siya. Sana lang, hindi niya ko mahalata.


“I’m looking for Lynuz.”


“Ah. Si Lynuz po ‘yan. Sige po. Mag-usap na po kayo. May pupuntahan lang ako.” Iniwan ko na sila ng marinig kong nagtanong si papa.


“Lynuz, may problema ba?”


“Wala po, Tito.”


Wala. Wala talaga. Dahil wala siyang pakiramdam. At ‘yon ang masakit.

= = =

2 comments:

  1. waaahhh!!! nasasaktan naman ako dun..

    pero infairness ahh so sweet ni Lynuz nung pinasuot niya "sakin" yung tshirt nya,...ayiieee..kiligmatz yun.

    ReplyDelete
  2. anebeyen! may halong tawa nman na may kasamang kilig na naiinis ako sa chappy nito.. hhahaa..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^