Chapter
6
[ JONAH’s POV ]
Paglabas ko ng kwarto, walang tao. May narinig akong ingay sa
labas. Lumabas ako ng cottage. Sina papa, mama, Tito Ric at Tita Erica.
“Ma, si Demi po?” tanong ko.
“Kasama ng isa sa kambal. I
think he’s Zyruz.”
sagot ni mama.
Lagi na lang silang magkasama simula kagabi, ah. “Si Matt po?”
“Kasama ng isa sa kambal. I
think he’s Lynuz.”
sagot naman ni papa.
“Ayaw ninyo ng parehas ang
sagot noh?”
sabi ni Tito Ric.
“Gusto kaya nila.” Tita Erica said.
Kasama na naman ng Lynuz na ‘yon ang kapatid ko!
“Naliligo sila sa dagat,
anak. Why don’t you join them?”
“Sino po ‘Pa? Sina Demi o sina
Matt?”
“Sina Matt. Sina Demi magbaba-volleyball.”
“Okay po.”
Humakbang na ko paalis ng may marinig ko.
“May plano ako.” Narinig kong sabi ni Tito Ric.
“Ano ‘yon, pare?”
“Mamaya...”
Wala na kong narinig. Dahil parang bubuyog na sila. Kailangan
talagang magbulungan? Napailing ako. Sina papa, parang bumalik sa pagkabata
ngayon. Ewan ko ba.
Hindi ko alam kung san’ ako pupunta. Pero nakarating ako sa
tabing dagat. Four o’clock na ng hapon. Parang gusto kong maligo. Kaya lang
hindi pa pala ako nakapagpalit ng damit-pampaligo.
“Ate!”
“Huh?” Lumingon ako sa paligid ko.
“Ate Jonah! We’re here!”
Lumingon ako sa bandang unahan ko. Si Demi, kasama niya si...
malamang si Zyruz. Akala ko ba, nagba-volleyball silang dalawa? Naliligo din
pala sila. Lumapit ako sa kanila. Nasa tubig sila. Umupo naman ako sa buhangin.
“Join us, ate!”
“Later, Demi. Where’s Matt?”
“There, o.”
Napatingin ako sa tinuro niya. Sa bandang likuran niya. Sa
malalim na bahagi. Nasa hanggang beywang lang kasi si Demi. She doesn’t know
how to swim. Unlike me and Matt.
Kumunot ang noo ko ng makita ang mga kasama ni Matt. Mga talaga.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo. At napailing. May mga kasamang babae si Matt.
Pero hindi ko makita si Lynuz. Lumusong ako sa tubig.
“Maliligo ka na, ate?”
“Yes, Demi. Gusto mong
sumama?”
“Oh! I’m fine here na. Dito
na lang ako sa mababaw. Baka malunod lang ako if I go there sa malalim.”
“Nandito naman ako, Dems. So
don’t worry. Tara na sa malalim.” Zyruz said.
“Ayaw!”
“Kailan ka pa naging hero
like your brother, Zyruz?”
tanong ko sa kaniya.
“Kahapon lang. Eh, ikaw, Jonah?
Ba’t parang ang sungit mo na ngayon?”
Hindi ko siya sinagot. Lumangoy na ko palapit kina Matt. Apat na
babae ang kasama niya. May gamit na salbabida ang dalawa.
“Hi, Matt!”
“Ate!”
“Ate mo?” tanong ng mga babae.
Ay, hindi mga teh! Kuya niya ko. Parang ang sarap barahin, eh.
“Hi, girls!” bati ko sa kanila. Kaniya-kaniya silang
pakilala. Nagpakilala din ako. Dumikit ako kay Matt. “Wag kang masyadong magdidikit kay Lynuz.
Mahawa ka sa pagka-playboy niya, sige ka.” bulong ko sa kaniya.
“Ate!”
I just smiled. At balewalang nag-floating.
“Ang tagal naman nila Mhira.” sabi nung Luzzi. “Akala ko ba ipapatingin lang niya yung
mata niya sa clinic.”
“Baka nagsolo na silang dalawa ni Lynuz.”
“Nakakainis! Naisahan niya ko
do’n, ah!”
“Mukhang
type niya si Lynuz, eh.”
“Basta
ako kay Zyruz.”
“Na
kasama ang kapatid ni Matt.”
“Matt,
nililigawan ba ni Zyruz ang ate mo?”
“No.”
I rolled my eyes habang pinakikinggan sila. Tutal naman
naka-floating ako. Nag-feeling hero na naman si Lynuz. Hanggang ngayon pa rin
talaga. Tinakpan ko ang tenga ko. Pinadyak ko ang paa ko para mapalayo sa
umpukan nila. Ayoko ng marinig ang mga sinasabi nila. Para silang babaeng
mauubusan ng lalaki. Nag-aagawan pa sa dalawang lalaki. Eh, hindi nga nila alam
kung sino si Lynuz at kung sino si Zyruz sa kambal. Tapos kung angkinin pa nila
ang kambal para namang pag-aari nila. Si Zyruz, subukan nilang angkinin kung
kaya nila. Pero kung si Lynuz—
Bigla akong napalubog sa tubig sa gulat. May humawak kasi sa paa
ko. May pumasok pang tubig sa ilong ko. Hanggang sa maramdaman kong may humawak
sa beywang ko at hilahin ako paitaas. “Halps!”
“Okay ka lang?”
Na-realize kong yakap ako ng isang tao. At nakayakap rin ako sa
leeg niya.
“Jonah?”
“Lynuz?” Tiningnan ko siya. “Lynuz!”
“Okay ka lang ba?”
Ilang saglit akong natigilan habang nakatingin sa mukha niya. He
looked so worried. “O-okay lang.” Pinisil ko ang ilong ko. “Ang sakit.” Suminga ako ng makita kong nakatingin siya sakin.
“Are you okay?” Hinawakan niya ang ilong ko.
Iniwas ko ang mukha ko. “Okay lang ako. May humawak lang kasi sa paa ko.
Tapos...” Tiningnan ko siya ng may marealize ako. “Ikaw ba ‘yon?”
“Oo pero—”
“Bitiwan mo nga ko!” Bumitaw ako sa kaniya.
“Ayoko nga.” Nakayakap pa rin siya sakin.
“You scared me, you know!” inis na sabi ko.
“I’m sorry, okay. Ikaw naman
kasi.”
“At bakit ako?”
Sumeryoso ang mukha niya. “Can’t you see where are you right now?”
Saka lang ako napatingin sa paligid ko. Syete! Ba’t ang layo ko
na sa mga tao?
“Paano na lang kung mapulikat
ka?”
Napalingon ako kay Lynuz. “Hindi ako napulikat, okay. Malulunod ako
ng dahil sa takot sa’yo kanina.” naiinis na sabi ko. “Bakit ba kasi
hindi mo na lang ako tinawag?”
“I did that. Three times. Pero
mukhang nakarating na naman sa ibang planeta ang isip mo kaya hindi mo ko
narinig. Mag-iingat ka nga, Jonah! Paano na lang kung mapulikat ka? Tapos
walang nakakita sa’yo? Nangyari na ‘to sa’yo dati diba? Hindi ka ba nadala?
Next time nga, wag ka munang mag-iisip habang nagpo-floating ka! Wala ka sa
pool, nasa dagat ka! Malay mo kung may pating dito! Paano na lang kung bigla
kang—”
“Oo na! Ang dami mo na namang
sinabi!”
“I’m just worried.”
Natigilan ako sa sinabi niya. Umiwas ako ng tingin. I sighed. “Pwede mo na
kong bitawan. Kaya ko na.”
“Ayoko. Pinaghirapan kong
lumangoy papunta dito tapos pakakawalan lang kita? No way!”
“Lynuz! Isa!”
Hindi niya ko pinakinggan. Dinala niya ko palapit sa mga tao.
“Lynuz!”
Napahinto sa paglangoy si Lynuz sa pagtawag na ‘yon. Napalingon
din ako sa gawi nila Matt. May isang babaeng kumakaway samin. Naka-salbabida
siya. Siya siguro yung babaeng hinihintay ng mga kasama ni Matt kanina.
“Come here! Turuan mo na kaming
lumangoy!” sigaw ng babae.
“Wait lang, Mhira! Ihahatid
ko lang—”
Bumitaw ako sa kaniya. Tinulak ko siya palayo.
“Jonah...”
“Kaya ko na, okay. Pumunta ka
na sa mga babae mo. Kailangan ka nila. Hindi kita kailangan.” Mabilis akong lumangoy palayo sa kaniya.
“Jonah!”
Nang makarating ako sa pampang ay saka ko lang siya nilingon.
Kasama na niya ang mga babaeng ‘yon. Iniwas ko ang tingin sa kanila. Umupo ako
sa buhangin at pabagsak na humiga. I closed my eyes. Nakakainis!
- F L A S H
B A C K –
Pagkatapos naming kumain at makapagpahinga ay nag-aya sina
Crizzy na maligo uli. Kasama pa rin namin si Lynuz.
“Hindi ka ba hahanapin ng mga
kasama mo?”
tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami palapit ng dagat.
“Shhh...” Tinakpan niya ang bibig ko. “Wag kang
maingay.” bulong niya. “Ang alam nila sinundan ko ang girlfriend ko dito. Hindi
nila alam na may mga kasama ako.”
“Sinong kasama mo? Girlfriend
mo?”
“Kasama ko kaya ang
girlfriend ko. Ikaw.”
“Seryoso nga. Baka magulat na
lang ako may sumabunot na lang sakin dito.”
“As if I would allow that.
Don’t worry. Kami lang ni Zyruz ang magkasamang pumunta dito.”
“Bakit naman?”
“Marami naman kaming
makikilala dito.”
Sabay tingin sakin.
“Katulad ko.”
“Of course not. Iba ka kaya.”
“Pano’ng iba?”
Pinisil niya ang ilong ko. “Secret.”
“Lynuz! Bessy!”
“Tinatawag na nila tayo,
babe. Let’s go!”
Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palapit kina Crizzy.
= = =
“Jonah.” Napalingon ako sa likuran ko. Tumingala ako sa kaniya. “I’m sorry kung natagalan ako.” Umupo siya
sa tabi ko. Nakatitig lang ako sa kaniya. “Ang
bigat nung babae, ah. Sumakit ang muscles ko.”
Bakit ganito? Bakit walang reaksyon ang puso ko? Normal lang
siya ngayon. Dahil ba...
“Zyruz.”
“I’m Lynuz.”
“You are Zyruz.”
He smiled. “Kaya pala masyado kang special sa kambal ko.”
“Special? What do you mean?”
“Special. Because you could
distinguished us from each other. Aside from our parents, walang ibang
nakakagawa no’n. How did you do that?”
Hindi ko siya sinagot. Hindi ko naman pwedeng sabihing iba ang
reaction ng puso ko kapag kaharap ko si Lynuz.
“Jonah.”
“Secret. Hindi ko pwedeng
sabihin. At lalong walang clue.”
He chuckled. “Fine. Nasalubong ko nga pala si Lynuz. May buhat siyang
babae. Sino ‘yon?”
“I don’t know.”
Palusong na sana kami ni Lynuz sa dagat kanina ng may
tumatakbong babae na biglang natipalok di kalayuan samin. Binitiwan niya ang
kamay ako at mabilis na nilapitan ang babae. Nakita ko na lang na binuhat niya
ang babae. Pagdaan niya sakin, dadalhin lang daw niya sa clinic ang babae.
Mauna na daw akong maligo.
“Here he goes again.”
Napalingon ako kay Zyruz. “Again?”
“Yap. Lagi naman siyang ganyan.
To the rescue sa mga babaeng nangangailangan ng tulong. I still remembered one
time, sinugod ako ng isang babae. Napagkamalan niya kasi akong si Lynuz. Break
na daw kami dahil hindi ko na daw siya binalikan sa restaurant kung sa’n kami
nag-date. Mas inuna ko pa daw yung babaeng hinimatay. When I asked Lynuz about
it, he confirmed it. May babae ngang hinimatay sa labas ng restaurant na
tinulungan niya. Hindi naman daw niya maiwan dahil walang kasama. Pero yung
date niya, hindi man lang niya naalala.”
Umiwas ako ng tingin. “Bakit ba sinasabi mo pa sakin ‘yan?”
“For you to know. For you not to
expect too much. For yourself. Nobody owns me. ‘Yan ang lagi kong sinasabi sa
mga babaeng nakikilala ko. Kabaligtaran ko si Lynuz. Everybody owns him.”
“Kung sinasabi mo sakin ‘yan
dahil akala mo may relasyon kami ni Lynuz. Wala ang sagot ko.”
“Ows?”
“Wala nga.”
“But you are special.” Tinapik niya ang balikat ko. “Hindi ko alam
kung anong drama ng kambal ko. Teka, ano bang alam mo tungkol sa kaniya?”
Natigilan ako. Wala. Aside from his name. And he has a twin brother.
“Nothing.
Kanina lang naman kami nagkakilala.”
“Gusto mo bang ako na lang ang
magsabi ng mga alam ko tungkol sa kaniya?”
Hindi ako sumagot.
“Okay. He loves girls. Girls
loves him. Pero alam ko namang mas charming ako sa kaniya.”
“Maliligo na ko.” Na sinabayan ko ng tayo.
“Ayaw mo ng makinig?”
“Sila na lang ang kausapin
mo.” Sabay turo kina Mylie na palapit samin.
“Ba’t ayaw ninyong maligo ni
Lynuz?” tanong ni Mylie
ng makalapit sila samin.
“He’s Zyruz. Lynuz’ twin.
Kayo ng bahala sa kaniya.”
Iyon lang at iniwan ko sila.
Narinig ko pa ang malakas na boses ni Mylie. “Waah! Para
talaga kayong pinagbiyak na bunga ni Lynuz! May girlfriend ka na, Zyruz?”
“I’m single. You are?”
“Mylie.”
Lumusong na ko sa tubig. At lumangoy papunta sa malalim. Nang
mapagod sa pabalik-balik na paglangoy ay nag-floating na lang ako. Pinikit ko
ang mga mata ko.
“Lagi naman siyang ganyan. To the rescue sa
mga babaeng nangangailangan ng tulong.”
Katulad ng pagtulong niya sakin kagabi? I sighed.
“For you to know. For you not to expect too
much. For yourself. Nobody owns me. ‘Yan ang lagi kong sinasabi sa mga babaeng
nakikilala ko. Kabaligtaran ko si Lynuz. Everybody owns him.”
Napadilat ako ng maalala ang sinabing ’yon ni Zyruz. I sighed.
Ano naman? Wala naman akong gusto kay Lynuz, okay. Hanggang
bukas ng gabi lang ‘tong pagpapanggap namin. After that, tapos na. Madali ng
magdahilan sa mga kaibigan ko kung bakit kami nag-break.
Nag-break. Paano kaming magbe-break kung hindi naman naging
kami? Argh! Inis na napahilamos ako sa mukha ko. Umalis ako sa pagkaka-floating
at lumangoy. Natigil lang ako sa paglangoy ng may maramdaman ako.
“Jonah!” Napalingon ako sa likuran ko. Si Lynuz!
Lumalangoy siya palapit sakin. “Ang lalim na masyado dyan! Come here!”
Saka ko lang napansin na ang layo ko na nga. “Ouch!”
Napahawak ako sa paa ko sa ilalim ng tubig. “Syete! Pinupulikat ata...aray!”
Nanlaki ang mata ko ng pati ang isa kong paa, pinupulikat din! “Lynuz!”
Lumubog ako sa tubig. Sinubukan kong umahon. “Pinupulikat ako!” Kasabay ng
paglubog ko. Shit! ang layo niya pa sakin! Sinubukan ko pa ring palutangin ang
sarili ko. Pero ang sakit ng magkabilang paa ko. Bakit ngayon pa? “Lyn—”
Hindi ko na kayang palutangin ang sarili ko kaya sinikap ko na lang na
patagalin ang pagpigil ng paghinga ko sa tubig. Kaya mo ‘yan, Jonah! Kayanin
mo! Hindi ka pa pwedeng matigok!
Pero kahit anong pagkukumbinsi ko sa sarili ko, nagpapanic na
din ako lalo na’t wala pa rin si Lynuz.
Lynuz...
Hanggang sa maramdaman kong may humawak sa beywang ko. “Halps!”
Naramdaman ko na lang na may tumatamang hangin sa mukha ko. Yumakap agad ako sa
taong may hawak sakin. Hinang-hina ko. Na parang katatapos ko lang
makipag-karerahan sa paglangoy. Habol ko ang paghinga ko. Sobrang paghabol ang
ginawa ko. Idinilat ko ang mga mata ko. Sobrang higpit ng pagkakayakap ko sa
leeg ni...
“Okay ka lang?” Si Lynuz.
Sunod-sunod lang akong tumango. Ni hindi ko magawang magsalita.
“Bakit ba kasi nakarating ka
dito? Ang sabi ko lang, mauna ka ng maligo! I didn’t told you na magpakalunod
ka! Paano na lang kung wala pa ko dito? Paano na lang kung walang nakakita
sa’yo? Paano na lang kung nalunod ka? Hindi pa nga kita—”
“I’m sorry...” Nagsimulang pumatak ang mga luha ko. Sa
takot ko kanina na hindi niya ko maabutan.
Tiningnan niya ko. “Umiiyak ka?”
“I’m sorry... Natakot lang
ako kanina...”
“Shhh...” Niyakap niya ko. “Okay na. Nandito na ko. You’re safe now,
okay.”
Tumango ako. “Thank you...”
Humigpit ang pagkakayakap niya sakin. “Wag mo na ulit gagawin ‘to, okay?”
Tumango lang ako.
Wala naman sigurong masama kung magustuhan ko siya diba?
- E N D
O F F L A S H B A C K -
May pumitik sa noo ko. Dumilat ako. “Mukhang malalim ang iniisip mo, ah.”
Mukha ni Lynuz ang nakita ko. Kinurap ko ang mga mata ko. Pero hindi siya si
Lynuz. Ang kambal niyang si Zyruz.
Ni hindi ako bumangon. “Anong ginagawa mo dito?” tanong
ko.
“Bakit nakahiga ka dito?” balik tanong niya.
“Ewan ko sa’yo.” Bumangon ako at umayos ng upo. “Si Demi?”
“May binili lang.”
“Pagkain na naman?”
“Cotton candy.”
“Pagkain na naman nga.”
“Makulit, eh. Ayaw magpaawat.
Kaya pinagbigyan ko na. Mabait ako, eh.”
Nilingon ko siya. “Sinasabi ko sa’yo, Zyruz. Wag ang kapatid ko.”
Kumunot ang noo niya. “What do you mean?”
“You know what I mean.” Tumingin ako sa dagat. Do’n sa hindi ko
makikita sina Lynuz. “Nobody owns you, right?”
“I thought it was just Matt.
Pati ba naman ikaw?”
“She’s my sister. I don’t
want her to get hurt.”
By the same face that hurts me.
“Hindi mangyayari ‘yon.” Tumayo na siya.
Kasabay ng pagdating ni Demi. “Ate, gusto mo?” alok niya sa
hawak niyang cotton candy.
“Ayoko.”
“Ayaw mo na bang lumangoy,
Jonah?” Zyruz asked.
“Ayoko na.” Hindi sinasadyang napatingin ako kina
Lynuz. Nagtatawanan sila ng mga babaeng kasama niya. At rinig na rinig ko.
Tumayo na rin ako. “Ayoko na rin dito. Ang pangit ng view. Dyan na kayo.” Iniwan
ko na sila.
“Sinong pangit?” narinig kong tanong ni Demi.
“Malamang hindi ako ‘yon. Penge
nga niyan.”
=
= =
Everybody owns him!!! sarap mong sakatan..di pwede yun..ayoko ng ganung lalaki..dapat akin lang hehe
ReplyDelete