Saturday, May 25, 2013

One Summer Love 2 - "Second Time Around" : Chapter 1




One Summer Love 2: “Second Time Around”

written by : Aiesha Lee

A/N : I dedicated this story to SHINAYA WAARA / JONAH.

Super belated happy birthday uli sis! ^___^ Thank you at hindi mo na pinaabot ang story namin Marrion. Hahaha!


NOTE: SA MGA MAGBABASA PO NITO, BASAHIN NINYO PO MUNA ANG

“One Summer Love: My Other Half”

Here’s the link:



= = =
“Everybody owns you. Can I be the only one?”
= = =

Chapter 1
[ JONAH’s POV ]


Inilibot ko ang tingin sa beach resort. Madaming tao ngayon dahil summer. I sighed. Isang taon na ang lumipas pero parang wala pa ring pinagbago sa nakikita ko. Sa dinami-dami naman kasi ng beach resort na pwede naming puntahan, bakit dito pa?


“Ate!”


Napalingon ako sa kapatid ko. Si Demi. I am two years older than her. College na rin siya katulad ko, second year na siya sa pasukan, fourth year naman ako, pero mukha pa rin siyang high school student. Laging hyper.


“Ano pang hinihintay mo dyan?” tanong niya. “Let’s go na!”


“Coming!” Humakbang na ko palapit sa kaniya. Kumapit siya sa braso ko habang naglalakad kami papunta ng cottage namin. Nauuna na sila mama at papa samin kasabay ang brother ko.


Three days kaming mag-iistay dito sa beach resort. Gift ng parents for Demi’s eighteenth birthday three weeks from now.


“Hmm... where kaya ko unang pupunta?”


“Gagala ka agad?” tanong ko sa kaniya.


“Yes naman. Three days lang tayo dito kaya susulitin ko na. Hmm...” Nag-isip pa talaga. Parang bata. “I know na, ate!” malakas niyang sabi na ikinalingon ng mga tao sa gawi namin.


“Demi, can you please lower your voice? Wala tayo sa bahay.”


“Oops! Sorry!” Nag-peace sign pa siya habang nakangiti. “I know na kung where tayo unang pupunta.” bulong niya.


“Tayo?”


“Yes. Us.”


“Kayo na lang ni Matt. Tinatamad pa ko.”


“What? Tinatamad ka? Why naman?”


“Basta. Wag ka ng magtanong.”


She pouted. “Ate naman.”


“Tinatawag na tayo nila mama.” Binilisan ko ang lakad ko.


“You will not go with us later talaga?” pangungulit pa rin niya.


Huminto ako. Alam kong hindi niya ko titigilan. Dakilang makulit din ang kapatid kong ‘to, eh. Kaya... “Okay. After nating magpahinga.” Nang matahimik na siya.


“Okay.” Bumalik na rin ang ngiti niya. Bago siya patakbong pumasok ng cottage na tutuluyan namin.


I sighed. Hindi ko mapigilang ilibot ang tingin ko sa paligid. Three days akong mag-iistay dito. Hayyy... Ano naman? Bakit ko ba kasi iniisip ‘yon?


“Ate Jonah!” tawag na naman sakin ng kapatid ko. Not Demi. But Matt. My younger brother. Fifteen years old pa lang siya, pero kung umasta parang mas matanda pa kay Demi. Pero kahit gano’n, may pagkakapareho din silang dalawa. Parehas silang makulit.


“Coming!”


= = =


[ LYNUZ’s POV ]


I was humming a song while sitting on the sand when someone approached me.


“Hello.”


May dalawang babaeng nakatayo sa harap ko. Hindi lang babae, magandang babae. Wala, eh. Gwapo tayo.


“Hi girls!” Nginitian ko pa sila ng pagkatamis-tamis.


“I’m Mhira.” pakilala ng isa. “And this is Luzzi.”


“I’m Zy...” Napaisip ako. “I’m Lynuz.” Tutal naman, hindi pa nila alam.


“You’re with your friends?” tanong ni Mhira.


“Nope. I’m with my mom and dad.” Nginitian ko sila. “And my brother.” I added. Na alam kong ng mga oras na ‘to ay hinahanap na ko. Pagdating kasi namin kanina dito sa beach resort ay umalis agad ako ng cottage namin. Hindi ko lang mapigilang mag-libot.


Nagkatinginan ang dalawa. At napangiti. “Kasama namin ang mga kaibigan namin.” Luzzi said.


“Babae din ba?” tanong ko.


“Yes. We’re all girls. You can join us if you want.” Mhira said. “Isama mo na din ang kapatid mo.”


“Sure.” Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinagpag ang short ko. “Mamaya nandito na rin ang kapatid ko.” Malakas ang radar no’n, eh.


“You’re a college student, Zyruz?” tanong ni Mhira habang naglalakad kami. Napapagitnaan nila akong dalawa ni Luzzi.


“I just graduated last March.” sagot ko.


“How old are you?” tanong ni Luzzi.


“Turning twenty one a few months from now.”


“May girlfriend ka na?” Mhira asked.


Napangiti na lang ako sunod-sunod nilang pagtatanong. Pero sumagot pa rin ako. “I’m single. And always available.”


“Ows? Talaga? Wala kang girlfriend ngayon? Bakit naman?” sunod-sunod na tanong ni Mhira.


“Alam ko kasing maraming malulungkot kapag naging taken ako.” I winked.


“Pwedeng mag-apply?” tanong ni Luzzi ng pabiro.

“Gusto mo?” balik-tanong ko.


“Luzzi.” saway ni Mhira sa kaniya.


“Why, Mhira? Gusto mo din bang mag-apply?” tanong ko naman sa kaniya.


“Pwede ba?”


“Siya din naman pala.” Luzzi said.


Napangiti na lang ako. Ang hirap talaga ng gwapo. Hayyy... Nang maramdaman kong parang may nakatingin sakin. Napalingon ako sa bandang unahan ko. May babae akong nakitang nakatingin sa gawi ko. Sakin mismo. Kumunot ang noo ko. Napahinto ako sa paghakbang habang nakatingin sa mukha niya.


“Wait lang, girls.” sabi ko sa dalawang kasama ko bago ako humakbang palapit sa babae. “Miss, do I know you?” tanong ko sa babae ng tuluyan akong makalapit sa kaniya.


“Hah? Hindi ba’t...” Napahinto din ang babae habang pinagmamasdan ako.


“Demi!” Napalingon ako sa likuran niya. May lalaking tumatawag sa kaniya.


“Wait lang, munchy!” sabi ng babae sa lalaki. Pagkatapos ay nginitian niya ko. “Nagka-amnesia ka ba? Nagkita na tayo kanina diba? Ikaw yung nabangga ko. Sige. Bye.” Iyon lang at patakbo siyang lumapit sa lalaking tumawag sa kaniya.


Nabangga? Napailing na lang ako. Baka naman dahilan niya lang ‘yon para makalapit siya sakin. Napangiti na lang ako. Pero hindi pa rin ako mapakali sa nakita ko. Magkamukha talaga sila ni...


“Zyruz, let’s go.”


Napalingon ako sa likuran ko. Sina Mhira. “Oh! I’m sorry.” I smiled at them. “Let’s go.”


Naglalakad na kami papunta sa mga kasama nila pero hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang nakita ko.


Ano ka ba, Lynuz? Maraming taong magkakamukha, okay.


Tama.


Nang maramdaman kong parang may nakatingin na naman sakin. Paglingon ko sa taong ‘yon, napangiti ako. Hindi rin nagpahuli, ah. May dalawa ding kasama. Kinawayan ko siya. Lumapit siya sakin pati ang dalawang babae niyang kasama.


“Kakaiba ka talaga, Lynuz.” sabi niya. Tiningnan niya ang mga kasama kong babae.


“Parang siya hindi.” Nilingon ko sina Mhira na nakatingin lang saming dalawa ng kapatid ko. “Girls, kita-kits na lang mamaya.” Inakbayan ko ang kapatid ko at inakay palayo.


“Oh my God!” Narinig ko pang sabay na sambit ng mga babaeng iniwan namin. Nagkatinginan na lang kami ng kapatid ko at napangiti.


“Ba’t umalis agad tayo?” tanong niya. “Babae ‘yon. Iniwan mo.”


“Eh, ba’t ikaw? Iniwan mo din?” balik-tanong ko.


“Nauna akong nagtanong.”


“Nauna akong ipinanganak.”


“Anong connection?”


“Wala.”


Sabay pa kaming napabuntong-hininga.


“Ang lalim no’n.” I said.


“Mas malalim ang sa’yo. Anong mero’n?”


Naalala ko ang nakita ko kanina. “I just saw someone. Someone that reminds me of someone I knew.”


“Ang gulo mo.”


“Eh, ikaw?” tanong ko naman sa kaniya.


“Anong ako?”


“Why did you sighed?”


“Nagsasawa na ko sa mga babaeng—”


Bigla akong napalingon sa kaniya dahil sa sinabi niya. “Wow! Himala ‘yan!” Bago kayang statement ‘yon mula sa kapatid ko. Siya? Magsawa sa babae? Nah! Parehas lang kaya kaming chickboy.


Binatukan niya ko. “Hindi pa ako tapos. Excited ka naman dyan.”


Binatukan ko din siya. “Paganti lang. So, ba’t ka nagsasawa sa kanila?”


“Puro sila pa-cute. Hindi katulad ng babaeng nakita ko…”


Mas nagulat ako sa sinabi niyang ‘yan. “Babaeng nakita mo? Kailan? Saan? Bago ‘yan, ah.” sunod-sunod kong tanong.


He just smiled. “Secret.”


“Ang daya mo!”


Huh! Malalaman ko rin ang sikreto mo! Mag-hintay ka lang, kapatid!

 = = =

2 comments:

  1. Ang cute din nito
    Will be reading this kapag natapos ko na ang Book 1

    ReplyDelete
  2. wow.. this is it na...pasensya na sis kasi busy talaga ako eh..haha

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^