Saturday, May 25, 2013

After All Book 3 : Queen of His Heart Chapter 10




William “West” Montreal


After Several Years...

Masayang nagkakatuwaan kaming magkakaibigan. Ang mga lalaki ay nag-iinuman at ang mga babae naman ay nagkukwentuhan.

Ang mga anak ng mga ito ay binabantayan ng mga yaya.

Since birthday ko eh kasalukuyan silang narito sa bahay namin at nagcecelebrate.


“Kayo West kelan ba kayo magkakaanak niyan ni Queen ha? Aba nakadalawa na kami ni JM hindi ka pa rin nakakaisa.” Biro ni Jake sakin habang nag-iinuman.

“Wala brhaw mahina ka” tukso naman ni Lieu.

Mula ng ikasal sina Lieu at Avee ay tumigil na sa pagshoshowbiz si Avee at nagtayo nalang ng business ang mag-asawa.

“Nagsalita..eh ikaw din naman wala pang anak ah” ganting sabi ko kay Lieu.

“Atleast ako bagong kasal pa lang eh ikaw limang taon na kayong kasal ah”

“nagpacheck na ba kayong mag-asawa?” tanong ni Vaughn.

Kasama nito si Raffy at ang one year old baby boy nila. Silang dalawa din ang nagkatuluyan. Kung paano nangyare yun eh hindi ko na maalala. Basta inannounce nalang nila na sila na.

“Pareho naman daw kaming normal eh. Siguro hindi pa nga lang panahon…gusto na din naman naming magkaanak eh lalo na si Queen..”

“Maghintay lang kayo brhaw at darating din yan.”

“Sana nga..naiinip na ako eh..gusto ko na magkaroon ng makakargang bata at tatawag sakin ng daddy”

“Daddy naman tawag sayo ni Ayesha ah” tukoy ni Lance sa super cute na anak nila Aya at Vince.

“Syempre iba naman yun pamangkin ko yun eh”

Lalo pang sumaya ang usapan nila ng makisalo na din ang mga girls sa kanila.

Mula naman sa bakuran ay naririnig nila ang boses ng mga anak nilang naglalaro.

Maya maya lang ay narinig namin ang matinis na tili ni Ayesha.

Nagtatakbo ito palapit sa amin kasunod ang anak nila Lance na si Rence.. Sa likod naman ng mga ito nakasunod ang mga yaya ng mga ito.

Agad nagpakarga si Ayesha kay Vince at inalo naman nito ang umiiyak na anak.

“Baby what’s wrong? Are you hurt?”

Pinaghalong mukha ni Aya at Vince si Ayesha…pero sa batang edad ay kakikitaan na ito ng pagiging bibo. Idagdag pa na napakagandang bata nito.

No wonder kapag nagdalaga ito ay tiyak na hahabulin ito ng mga lalaki.

“Daddy….Rence kissed me in the lips…” Iyak ng bata habang nagsusumbong sa ama.

Lahat naman sila ay napamulagat na napatingin sa anak ni Lance.

“Woohh!!! Masyadong mabilis yang anak mo Lance ah” biro ni Jake.

“Hindi naman pwedeng mana sa tatay eh makupad din kumilos yang si Lance..malamang kay Regine nagmana yan” dugtong naman ni Queen at tinabihan ako sa upuan.

“Hahaha..oo nga eh. Sa akin nagmana yang si Rence..pero yung kasungitan naman niya sa daddy niya.” Sagot ni Regine.

“Magugulat ka nalang balang araw may nabuntis ng maaga iyang anak mo” biro ni Vaughn

“Wahhh….i’m gonna be pregnant daddy!!!!” iyak ni Ayesha.

“Hush baby….that’s not true” alo ni Vince sa anak.

“But my classmate told me that when a boy kisses you you’re going to be pregnant” patuloy na iyak nito.

“Eh di kapag nabuntis ka ipakakasal ka namin kay Rence” biro ko sa pamangkin at pinaggigilan ang pisngi nito.

Mas lalo namang lumalakas ang iyak ni Ayesha.

“Hey Rence..is it true? Did you kissed Ayesha?” tanong ni Lance sa anak.

Pero imbes na matakot ay taas-noo pa itong sumagot sa kanila na animo matanda.

“I told her I’m going to marry her someday. But she ignored me so I kissed her” proud pang sagot ng bata.

“Diosmio!!! Rence…ang bata mo pa gusto mo ng pakasalan si Ayesha? At bata pa rin ang anak ko.” gulat na tanong ni Aya sa bata.

“ I like Ayesha Tita Aya”

“But I don’t like you. I only love my daddy” nakalabing sagot ni Ayesha at yumakap pa sa leeg ng ama.

“Your daddy can’t marry you but I can.” Sagot ulit ni Rence kay Ayesha.

“Naku naman!!! Ang bata mo pa…at bata pa din si Ayesha” napapailing na sabi ni Lance sa anak.

“I said someday and not for today” sagot ni Rence at kapagkuway bumaling kay Vince.

“I will marry your daughter Tito Vince someday.. So please don’t let other boys marry Ayesha”

Napakamot nalang sa ulo si Vince at napailing.

“Why do I have this feeling na poproblemahin kita balang araw Rence?”

Napuno ng tawanan ang buong bahaging iyon ng bahay.

Sila kaya kelan magkakaroon ng makukulit na chikiting na tulad ng mga ito. Gusto na nila na mapuno ng tilian ng mga bata ang malaking bahay na tinitirhan nilang mag-asawa. Hindi naman sa nagmamadali pero sadyang naiinip na sila.

Kaya nga itong si Queen ay madalas hiramin sina Ayesha at Rence para may mapaglibangan eh.

Hayy!!! Sana naman magkaanak na din kami.

***

Queen Richelle Montealegre

Mabigat ang ulo ko pagkabangon kinabukasan. Pakiramdam ko din eh binabaligtad ang sikmura ko. Hindi naman ako uminom nung birthday ni West pero parang may hangover ako sa sakit ng ulo ko.

Maya-maya pa ay naramdaman ko na gusto kong ilabas lahat ng laman ng tyan ko kahit na wala pa naman akong kinakain. Dire-diretso ako ng takbo sa banyo at doon nga ay nagduwal. Pero wala naman akong inilalabas.

“Hon, are you okay?” medyo inaantok pang tanong sakin ni West at agad na hinimas ang likod ko.

“Yeah…medyo hindi lang maganda ang pakiramdam ko.” Muli pa akong naduwal.

Mukha namang nagising bigla si West at hinimas himas ang likod ko habang dumuduwal ako.

“Hon…hindi kaya buntis ka na?” alanganing tanong nito sakin.

Come to think of it…two months na din pala siyang hindi dinaratnan ng monthly period niya. Pero since irregular naman siya ay hindi niya ito masyadong nabibigyang pansin.

“What do you think hon?” muling tanong ni West “Buntis ka na ba?”

“Ewan ko…pero two months na akong delayed eh”

Bumakas naman ang tuwa sa mga mata ni West.

“Baka buntis ka na hon…punta tayong doctor. Pacheck ka.”

“Baka hindi naman. Ayokong umasa”

“Wag kang negative agad. Tara sasamahan kita”

Pero ganun nalang ang lungkot namin ng sabihin ng doctor na hindi naman siya buntis.

“I’m sorry hon” sabi ko kay West ng pauwe na kami.

“Okay lang yun Hon… maghintay nalang tayo pa.. darating din yan” nakangiting sabi ng asawa ko.

Ngumiti nalang din ako sa kanya at hinawakan ang kamay niya. Alam kong gusting gusto na ni West na magkaanak at naguguilty ako na hindi ko pa siya mabigyan ng inaasam nito. Sana naman ay dumating na din ang hinihintay naming para mapasaya ko na din si West.

***


Epilogue

Authors’ Note :

Hindi naman nasayang ang pagdarasal at paghihintay ng mag-asawang Queen at West dahil matapos ang isang taon ay nagsilang si Queen ng isang malusog na sanggol na lalaki na pinangalanan nilang Ranzell o Ran. At matapos ang isang taon ay sinundan naman ito ng isang cute na cute na baby girl na pinangalanan nilang Angel Jennylyn. Wala na siguro silang mahihiling pang mag-asawa.

=The End=

A/N :

Read Ran’s story at Monster Couple and Jen’s story at My Own Prince Charming.







No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^