Queen Richelle Montealegre
Hindi ko alam kung bakit sobrang iritable ako.
Siguro dala na din ng monthly period ko tapos sinabayan pa ng allergy. Kaya
tuloy mas pinili kong magkulong nalang sa kwarto. Nawala nga din sa isip ko na
anniversary pala namin ni West kahapon.
Siguro sobrang nabadtrip yun sakin. May kinancel
pa namang meeting yun.
Pero ano bang magagawa ko kung wala talaga ako
sa mood tumayo, kumilos at lumabas ng bahay. Alam ba nila kung gaano kahirap
maging isang babae kapag inabutan ka ng buwanang dalaw mo?
I guess I should say sorry to him nalang. Babawi
nalang ako.
***
Pinuntahan ko sa opisina niya si West. Hindi na
muna ako pumuntang boutique.
“Si West? May meeting ba siya?” tanong ko sa
secretary niya.
“Si Sir Vaughn po ang kameeting niya. Pwede na
naman po siguro kayong pumasok sa loob” sagot ng secretary nito.
“okay sige. Thank you”
Napatingin sakin ang dalawang lalaki ng pumasok
ako sa loob ng opisina.
“Hey Queen. It’s nice to see you” bati ni Vaughn
at hinalikan ako sa pisngi.
“Same here Vaughn” sagot ko naman at nginitian
siya.
Nilapitan ko naman si West na hindi man lang
tumayo kahit na nakita na niya ako. Mukhang galit nga yata talaga sakin.
“Hon...sorry” bungad ko sa kanya at naglalambing
na yumakap.
Napangiti naman sa amin si Vaughn. Maya maya ay
nagpasya na itong magpaalam.
“Sige Bhraw, ikaw na bahala dun ah. Thanks”
paalam nito kay West.
“Sige bhraw. Ako na bahala”
“Sige. Bye Queen”
“Bye, ingat ka”
Nang makalabas si Vaughn ay muli kong binalingan
si West na nananatiling tahimik pa rin. Talagang dinedema niya ang beauty ko.
“Hon...kausapin mo naman ako oh. Sorry na
kahapon.” Naglalambing na sabi ko. “Sorry na please” at marahang dinampian ko
ng halik ang mga labi niya. Hindi naman umiwas si West kaya alam kong
nagtatampo lang ito. Ipinagpatuloy ko ang paghalik sa kanya kahit na ako lang
ang gumagalaw. Alam kong susuko din iyang si West.
Hindi nga ako nagkamali dahil maya-maya lang ay
siya na ang humahalik sa akin. Hinawakan niya ako sa bewang habang patuloy pa
rin sa paghalik sakin.
“I miss you” bulong ni West sa tenga ko.
“I miss you too honey. I love you”
“I love you too”
Hindi talaga ako matitiis niyang si West. Mahal
na mahal ako niyan eh.
“Look i have something for you. Kahapon ko sana
ito balak ibigay sayo kaso sinusungitan mo naman ako eh” sabi ni West at
binuksan ang drawer sa tabi niya.
Akmang lalayo sana ako sa kanya pero agad
nahawakan ni West ang bewang ko dahilan para maout balance ako at mapaupo sa
hita niya.
“Dito ka lang” anito at dinampian ako ng halik
sa leeg.
Ramdam ko naman ang kakaibang kilabot na hatid
ng hininga ni West na tumatama sa balat ko. Napakaintense!
Isang gold necklace ang isinuot sa akin ni West.
“ang ganda” humahangang sabi ko.
“Happy anniversary honey”
“Happy anniversary din. Sorry talaga kahapon”
“Okay lang. Nangyare na eh. Pwede naman ngayon
natin icelebrate ang anniversary natin diba?”
“Wala ka bang importanteng gagawin?” tanong ko.
“Well that can wait..pero ang mahal ko hindi
dapat pinaghihintay” sabi nito at muli akong dinampian ng halik sa mga labi.
Ewan ko ba at naaadik akong halikan itong si
West.
***
William “West” Montreal
Pagkahatid ko kay Queen sa bahay nila ay
dumiretso ako sa bahay nila Vince at Aya. Wala lang. Gusto ko lang silang
dalawin. Hindi ko inakala na maaabutan ko roon ang mag-asawang sina Lance at
Regine kasama ang anak ng mga ito na si Rence.
“Oh kuya. Napadalaw ka” bati sa akin ni Aya.
“Namiss ko si baby Ayesha eh” sabi ko at
nanggigigil na hinalikan sa pisngi ang pamangkin ko. Nainggit naman yata ang
anak nila Lance na si Rence kaya naglalambing na nagpakarga din ito sa akin.
Inaaway naman ito ni Ayesha.
“Galing kang office?” tanong ni Regine.
“Hindi. Nagdinner kami ni Queen” sagot ko at
hinayaan munang maglaro ang dalawang bata.
“Ahhh..Next month na yung kasal niyo diba?”
kumpirma ni Vince.
“Hindi. Namove siya two months from now”
“Ha? Bakit?”
“Eh yun ang gusto ni Queen eh. Baka kinakabahan
pa siya”
“Kinakabahan?? Ang sabihin mo nag-iinarte na
naman yun” nakasimangot na sabi ni Lance. “hindi na nagbago”
“Oo nga..
I’m sure gusto lang ni Queen na maging magandang maganda sa araw ng
kasal niyo” segunda naman ng asaw nitong si Regine.
“Alam niyo kayong dalawa, bagay talaga kayo. Wag
lang sanang magmana si rence sa inyo” naiiling na sabi ko sa dalawa.
Tinawanan lang naman ako ng mga ito.
“Hala ka West...mamaya mag back-out sa wedding
niyo si Queen” pang-aasar ni Vince.
“Hindi magbaback-out yun noh. Mahal na mahal ako
nun” nagmamalaking sabi ko naman.
“Iyon tayo eh” sabi ni Vince at naghigh five
kami nito.
***
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^