William “West” Montreal
Nanginginig ang kamay na binuksan ko ang takip ng lata. Ewan
ko pero pakiramdam ko may malaking mababago sa buhay ko.
Base sa pagkakabaon at lupang kumapit sa lata mukhang
matagal na itong nakabaon dun.
Teka? Ano bang silbi ng latang ito at bakit napakaimportante
sakin kung ano mang meron dito?
Way back in highschool ito ang madalas naming pagtripan ni
Queen. Tinuruan ko kasi siya nun na kapag may gusto siyang sabihin pero hindi
niya masabi sa taong involved o sa kahit sino isulat nalang niya iyon sa papel
at ibaon sa lupa. Makakadagdag sa polusyon kasi kung susunugin niya pa. pwede
din namang ganun eh.
At ako ang laging tagabasa ng mga sinusulat niya nun.
Hindi niya alam pero binabasa ko yung mga sinusulat niya dun.
Masyado kasing malihim yang si Queen kaya through her writings nalalaman ko ang
nararamdaman niya. Yung mga hinanakit niya sa daddy niya…yung mga asar niya sa
mga babaeng insecure sa kanya..yung mga pangarap niya…lahat iyon nalalaman ko
dahil sa nababasa ko sa mga sulat niya.
I guess hindi na mawawala yung hobby kong iyon.
As I removed the cover of the can I noticed a new different
paper.
I pick it up and read what’s written in it.
March 26, 20—
To my ever dearest William,
Tomorrow na ang alis ko. Sorry kung di ako makakapagpaalam ng personal
sayo… hindi ko kasi alam kung paano ka haharapin eh.. I guess nahihiya ako and
at the same time nalulungkot na din. At ayokong umiyak sa harapan mo. Regarding
dun sa sinabi mo sakin sa text kagabi…hindi ko alam kung paano ko sasagutin
yung sinabi mo kaya pinatay ko nalang yung cellphone ko. I admit I was afraid.
Bagong karanasan kasi sakin iyon. You’ve been a very good friend of mine since
the day that I met you so when you told me that you love me naconfuse ako. Ano
ba talagang nararamdaman ko sayo? So minabuti ko munang mag-isip.
That night pinag-isipan ko yung sinabi mo. And I finally realized to
myself that I also like you….No… I love you…sorry kung di ko agad nasabi sayo
at sorry din kung di ko masabi sayo ng personal kaya sinulat ko nalang dito….I
realized that ever since I laid my eyes on you minahal na pala kita without me
knowing it… I thought it was just a normal feeling but it isn’t…what you said
been an eye opener on me…
I love you too William but sorry if I can’t return your feelings for
me…I need to go.. I need to prove something for myself…and for my family…but I
wish someday…when I go back… I wish you could still love me…
Love lotz,
Queen
P.S.
Akala mo hindi ko alam na binabasa mo ang mga sulat ko dito?
Maluha-luha ako ng matapos mabasa ang sulat ni Queen.
She loves me!!!
All those years been a hell for me sa pag-aakalang she
doesn’t love me. Iniisip kong pinaglaruan niya lang ang nararamdaman ko. But I
was wrong.
I was totally wrong!!!
Bakit ba kasi hindi ko naisipang tignan ang latang ito
noon?! Eh di sana
matagal ko ng nalaman na mahal din pala ako ni Queen.
Kaso magmula kasi ng umalis siya kinalimutan ko na lahat ng
anumang bagay na may kinalaman sa kanya.
Nagtanim ako ng galit at hinanakit sa kanya. Isinarado ko
ang puso ko sa pag-ibig dahil siya nalang ng siya ang naaalala ko.
Until I met Maddy.
She gave me hope again that loving someone is not a bad
thing.
Yeah… I love Maddy.
I love her…
Napatingin ako sa sulat na nasa kamay ko.
But why do I have this feeling that I also love Queen?
Hanggang ngayon ba hindi pa rin nawawala yung nararamdaman
ko sa kanya?
It should have died a long time ago.
It shouldn’t be here.
+ + + + +
Daig ko pa ang nakatikim ng pinakamalupit na droga habang
nagmamaneho pauwi ng bahay.
Hindi ko alam kung nasa tamang huwisyo pa ba ang utak ko.
Mabuti nalang at madaling araw na kaya wala masyadong sasakyan sa kahabaan ng
highway.
Maya-maya ay narinig kong tumutunog ang cellphone kong
nakapatong sa ibabaw ng dashboard.
Aya calling….
I pressed the answer button and activate the loudspeaker.
“Hello”
“Kuya Where are you?!”
“driving”
“Driving where?”
“pauwi na ako ng
bahay. bakit ba?”
“Well anong oras na po
kaya…sabi ni Maddy kanina ka pa daw umalis ng bahay nila. Saan ka ba nagpunta?”
“At kelan ka pa naging
kanyan ka-OA sa oras ng uwi ko ha Shinaya?”
“Well..i just miss
you”
“I miss you too
honey..”
Yes I really did.
I really miss my twin sister ever since she moved out to Japan.
Mabuti nga at ngayon bumalik na siya and I’m really glad that she’s happy now.
“By the way kuya I
just called to say that I’m not in the house today…mga one week din ako
mawawala…may iniwan na naman akong food for you…good for one week yun…kasama ko
kasi si Yaya kaya wala kang katulong dyan sa bahay dahil pinag-leave ko na din
ang mga maids..so take care of yourself okay?”
Tignan mo itong babaeng ito? Kararating lang ng Pilipinas
aalis na naman agad?
“Shinaya..wala ka bang
balak tulungan ako sa pagmamanage ng hotel ah?”
“wala kuya..kaya wag
ka ng umasa okay?Sige na bye na”
“Teka? Nasaan ka ba?”
“Dito kami sa
resthouse nila Vince sa Batangas”
“Ano??? Kayo lang
dalawa?”
“OA ka kuya?! Kasama
namin si Yaya”
“wag kayo magtatabi ng
kama ah”
“Kuya!!! Hindi na ako
bata!”
“Kahit na!!! Shinaya
umayos ka ah!”
“Kuya, I’m still a
virgin so don’t worry okay? Vince is gentleman…so bye for now…I call you up
tomorrow…I love you…mwuaahh”
There at pinatayan na ako ng cellphone.
Hay naku naman oh! Pasaway.
Pero alam ko namang hindi siya pababayaan ni Vince eh. At
malaki na siya.
Ipinagpatuloy ko nalang ang pagmamaneho.
Kahit papaano nadistract ang isip ko.
+ + + + +
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^