Saturday, May 25, 2013

After All Book 3 : Queen of His Heart Chapter 3




 WILLIAM “WEST” MONTREAL


Flashback…

Dahil trip naming asarin si Jake ay sumama kami ni Lieu sa covered court kung saan ginaganap ang audition para sa cheering team. Hindi kasi kami makapaniwala na gusto niyang sumali dun. Understandable pa sana kung sa Basketball team siya sasali eh.

Pero cheering??? No way!


“Tignan natin ang tapang ni Jake” biro ni Lieu habang nasa bench kami at pinapanood ang mga nagaaudition.

“Bakit nandito kayo?!” sita samin ni Jake pagkakita niya samin.

Kumpleto kasi kami na nanonood sa kanya. Ako, si Lieu, Lance at Aya. Kasama na din yung bagong friend ni Aya na sina JM.

“Susuportahan ka” sagot ni Aya.

“Manonood” sagot ni JM

“Mang-aasar” si Lieu

“Matutulog” si Lance
“All of the above” at ako.

“mga adik kayo. Umalis kayo dito bawal kayo dito!”

Bawal kasing pumasok sa loob ng gym ang hindi myembro ng cheering team o hindi magaaudition.

Pero sabi nga walang imposible sa isang Eulysis “Lieu” Andrade.

Dahil myembro ng student council si Aya ay kilala niya ang mga judge ng cheering team. Kaya napakiusapan nito na manonood kami.

Kaya ngayon ay nandito kami para asarin si Jake.

“Hoy Jake! Siguraduhin mong makakapasok ka ah. Nakakahiya kapag bumagsak ka” pang-aasar ko sa kanya.

“Mga baliw! Madidistract lang ako sa inyo eh” kakamot-kamot nalang sa ulo na bumalik si Jake sa pwesto niya.

“James Keneth Suarez” tawag dito ng cheerleader.

Kahit halatang distracted ay nagawa ni Jake ng maayos ang prinaktis niyang sayaw para sa audition. Animo myembro ng circus na nagpaikot-ikot at tumambling tambling ito.

“Woooohhh!!!! Ikaw na Jake!!! Ikaw na!!!” sigaw namin ng matapos ang sayaw niya.

Kumaway-kaway naman si Jake sa amin bago bumalik sa pwesto niya.

“Thank you Jake..next…Queen Montealegre”

Animo may dumaang anghel na natahimik ang buong gymnasium pagkadinig ng pangalan ni Queen.

In just 2 months ay nakagawa na siya ng pangalan dito sa CSL. Animo artista kung pagkaguluhan siya ng kalalakihan pero madami namang babae ang naiinggit sa kanya.

Tutok na tutok kami sa kanya ng lumapit siya sa mat.

At sa hudyat ng cheerleader ay nagsimula na siyang sumayaw.

She’s like a pro in dancing kahit na first year highschool palang siya. Halos lahat ng tao sa gym ay itinigil ang ginagawa at tinignan nalang siya.

She danced so gracefully. Bawat imbay ng balakang niya at kembot ng bewang ay napakagandang tignan.

Halos hindi ko maalis ang mata ko sa kanya.

“Hay naku pasikat na naman” nailing na sabi ni Lance ng matapos ang sayaw niya.

Tinapik naman ito ni Aya.

“Ano ka ba? You should be proud of her dahil pinsan mo siya. Ang galing niya sumayaw eh”

“Dun lang naman siya magaling. Sa pagharap sa mga camera at makipagplastikan sa mga tao.”

“Bitter ka Lance?” natatawang sabi ni JM.

Hindi ko nalang sila pinansin dahil ang mga mata ko ay sinusundan ang bawat paggalaw niya.

Nang matapos ang audition ay parehong nakapasok sina Jake at Queen.

“Tara celebrate tayo” yaya ni Lieu ng makalapit kami kay Jake.

“Yehey!!! Manlilibre si West” sigaw ni Jake

“Teka? Bakit ako?”

“nakakahiya naman kung si Aya diba?” pilosopong sagot niya.

“Eh bakit nga kami…samantalang ikaw itong nakapasa sa audition eh”
“Eh kasi nga…” inakbayan ako ni Jake “ kayo ang pinakamayaman dito”

“Kuripot ka lang talaga”

“Miss Queen sama ka?” tanong ni Aya.

Nagulat pa ako dahil nasa tabi lang namin pala si Queen.

“Hindi naman ako invited” nakaismid na sagot naman ni Queen.

“Niyayaya ka na nga diba? Wag ka ng maarte.” Pambabara ni Lance.

“Wag na…thank you nalang” sagot naman nito at iniwan na kami.

Sinundan nalang namin siya ng papalayong tingin.

“Tara..nagutom ako dun”

+ + + + +

Present Time


“Hey brhaw lumilipad na naman yang utak mo”

Nagulat pa ako ng makitang nasa tapat ko na si Jake.

“anong ginagawa mo dito?”

“Adik ka brhaw? Di ba ikaw nagpapunta sakin dito?”

Napaisip ako.

Oo nga pala ako ang nagpapunta kay Jake dito sa office. Kung saan saan kasi nakakarating ang diwa ko.

Prenteng naupo si Jake sa sofa matapos kumuha ng maiinom sa ref sa loob ng opisina ko.

It’s been 5 years mula ng makagraduate kami at magsimula akong magtrabaho bilang CEO ng La Breeze. Ang chain of hotels na pag-aari ng pamilya namin. Medyo pressured lang dahil nilayasan na ako ng kakambal ko at nagpapakalunod sa Japan. Pero maayos naman ang lagay niya dun kaya hindi ako masyadong nag-aalala.

“Bakit ikaw lang?” tanong ko at kumuha na din ng maiinom.

“Alam mo namang mga busy yung mga yun eh. Pero susunod daw sila”

“eh ikaw hindi busy?”

“Pang gabi ang Bar ko kaya may time ako”

Maya-maya lang ay nagsulputan na din ang iba ko pang barkadang lalaki.

“ahhh…office works kills me!!!” reklamo ni Lieu.

“Reklamador ka”

“Totoo naman eh. Buti pa ikaw pabasketball basketball nalang” baling nito kay Vaughn.

“ganun talaga”

“Oh..ano bang agenda natin ngayon?” tanong ni Lance.

Inabutan ko muna sila ng maiinom bago nagsalita.

“Aya is coming back” inporma ko sa kanila.

Halatang nagulat ang mga ito sa sinabi ko.

“Talaga? Kelan?”

“Three days from now. Pero ayaw niyang ipaalam muna satin na uuwi siya. Tinawagan lang ako nung PA niyang si Gia.”

“Is she staying for good?”

“Hindi natin alam. Basta ang alam ko uuwi siya dahil may show siyang gagawin dito..so I want to keep it a secret especially for the girls.”

“Okay noted yan”

Binalingan ko ang lalaking tahimik lang na nakikinig samin.

“Vince…welcome back” nakangiting sabi ko.

“Thanks brhaw”

Si Vince ang dahilan kung bakit nasa Japan ngayon si Aya dahil sa pag-aakalang patay na ito dahil sa aksidente. Pero we’re glad that he’s still alive.

May mga bagay talagang di kayang ipaliwanag ng syensya.

+ + + + +


“West, are you okay?” untag sakin ni Maddy ng puntahan ko siya sa bahay nila.

After kasi ng pagpunta ng mga boys sa office ko ay napagdesisyunan naming mag punta sa Bar ni Jake kaya kinabukasan na ako nakapunta kina Maddy.

Maddy has been my girlfriend since college. She is a very understanding girlfriend. Naiintindihan niya na busy ako kaya di kami madalas magkita. Hindi din siya demanding tulad ng ibang babae.

“Yeah pasensya na. medyo masakit lang ang ulo ko. Hindi na nga ako nakapasok sa office kanina eh”

Hindi ko naman kasi ineexpect na tatamaan ako ng hang-over sa alak na nainom namin kagabi.

“Uminom ka na ba ng gamot?” lumapit siya sakin at dinama ang noo ko.

“Yeah.. I think I just need to rest. Pasensya ka na”

“It’s okay” she smiled at me. “ Uwi ka na para makapagpahinga ka na din”

“Sorry talaga. Bawi nalang ako next time”

Tumayo na ako at hinalikan siya sa pisngi.

“Pakisabi nalang kina Tito at Tita mauna na ako”

“Okay. Ingat ka”

+ + + + +


While driving home, napadaan ako sa school namin.
Since madalas pa din akong magpunta dito dahil nagpapart-time coach ako sa mga myembro ng swimming team ay kilala na naman ako ng guardya kaya agad akong pinapasok.

Dire-diretso ako sa may garden ng highschool building.

Memorable kasi sakin ang lugar na iyon.

Halos wala pa din namang pinagbago ang highschool building. Bago nga lang ang mga pintura pero ang design ganun pa din.

Lumapit ako sa isang particular na puno sa garden. Bihira ang nagpupunta noon dito dahil sa takot sa multo pero hindi kami naniniwala doon.

Tandang tanda ko pa ang punong iyon. Umikot ako sa paligid ng puno at kinapa ang katawan nito.

Inilabas ko ang cellphone ko upang mailawan ang puno. Napansin kong parang may nakaumbok na lupa dito. Naghanap ako ng batong pwedeng gamitin. Mula sa ugat ng puno ay binungkal ko ang lupang nakaumbok.

Sa pagbubungkal na iyon ay nakita ko ang isang maliit na lata.

Pasalampak na naupo ako sa lupa. Di alintana kahit madumi pa ito at nanginginig ang kamay na binuksan ko ang lata.

“Oh…My….God….” paputol-putol pang sabi ko ng makita ang laman nito.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^