Queen Richelle
Montealegre
Dumating din ang
araw na pinakahihintay ko. Today is my big day. Ang panahon kung saan
kinasasabikan ng lahat ng babaeng nagmamahal.
Their wedding day.
Due to some
traditions, almost one week din kaming hindi nagkita ni West. Ewan ko kung sino
ang nagpauso ng tradisyong iyon basta sinunod lang namin. Super supportive
naman ang mga kaibigan namin kaya walang naging problema sa preparations.
Tanging guest list lang ang inintindi ko dahil from the church, reception, foods,
AVP presentation, entourage, gowns, invitations....lahat.... mga kaibigan namin
ang nagayos partikular na sina Regine at Aya na kahit may mga chikiting na eh
active pa rin.