Saturday, May 25, 2013

After All Book 3 : Queen of His Heart Chapter 9


Queen Richelle Montealegre


Dumating din ang araw na pinakahihintay ko. Today is my big day. Ang panahon kung saan kinasasabikan ng lahat ng babaeng nagmamahal.

Their wedding day.

Due to some traditions, almost one week din kaming hindi nagkita ni West. Ewan ko kung sino ang nagpauso ng tradisyong iyon basta sinunod lang namin. Super supportive naman ang mga kaibigan namin kaya walang naging problema sa preparations. Tanging guest list lang ang inintindi ko dahil from the church, reception, foods, AVP presentation, entourage, gowns, invitations....lahat.... mga kaibigan namin ang nagayos partikular na sina Regine at Aya na kahit may mga chikiting na eh active pa rin.


Sobrang namimiss ko na nga si West eh. Gusto ko na siyang makita. Puro text at calls lang kasi ang naging communication namin.

Umuwe din pala from Italy ang parents ko. Syempre gusto daw nilang saksihan ang special day ng baby girl nila.

“Girl kinakabahan ako” sabi ko kina Aya.

Kasalukuyan silang nasa hotel room na tinutuluyan ko bago pumunta sa church.

“Gusto mo ng magback out? Sabihin mo lang itatakas ka namin” pagbibiro ni JM.

“Oo nga. Baka narealized mo na hindi mo pala gustong mag-asawa at ayaw mong makasama si West habang buhay...ngayon palang eh mag-isip isip ka na” dugtong naman ni Raffy.

“Oo nga.. kasi alam mo ang pag-aasawa hindi yan parang kaning isusubo na pwede mong iluwa kapag napaso. It’s a lifetime commitment” sang-ayon din ni Ching.

“Alam niyo kayong tatlo...pag-uuntugin ko kaya kayo. Mas lalo niyong dinaragdagan ang nerbyos nitong si Queen eh” pagtataray ni Avee sa mga ito.

Nagtawanan lang naman ang tatlong babae tanda na niloloko lamang siya ng mga ito.

“Normal lang naman ang magkawedding jitters eh. Naranasan ko din yan nung kasal namin ni Lance.” Sabi ni Regine.

“Oo nga. Ako din nung ikasal kami ni Ivan, naranasan ko din yan.. parang gusto ko na nga nun na magback out eh... mabuti na nga lang at di ko ginawa..kundi wala akong baby boy ngayon.” natatawang sang-ayon ni Madz.

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ni Queen. Hindi naman pala siya nag-iisa at normal lang naman pala ang pinagdadaanan niya.

“Bakit ako hindi ko naranasan yun?” nagtatakang tanong ni JM.

“Kasi abnormal ka. Pang normal na tao lang yun” pang-aasar naman ni Avee rito.

Nagtawanan naman silang lahat. Kahit hanggang ngayon na may kanya kanya ng pamilya ang mga ito eh hindi pa rin nagbabago.

Mula sa labas ng hotel room ay bumukas ang pinto at sumungaw ang mukha ni Aya.

“Queen, it’s time” inporma nito.

“This is it Queen. Wala ng atrasan ito” bulong niya sa sarili at napabuntong hininga.

***

“Nandyan na daw si West” inporma sa kanya ni JM. Ito ang kasama niya sa bridal car dahil sina Regine at Aya ay nauna na para icheck kung wala na bang kailangang intindihin sa simbahan.

“Thank God’

“Hindi mo naman siguro ineexpect na tatakasan ka ni West diba?” natatawang sabi ni JM.

“Hindi naman. Subukan lang niya” nakangiting sabi ko naman.

“Basta Queen, picture ready ka dapat ah.. bawal ang nakasimangot”

“Yup”

Maya-maya pa ay kinatok na ni Jake ang salamin ng bridal car hudyat na magsisimula na ang kasal.

Pakiramdam ko ako na ang pinakamagandang babae sa mundo habang naglalakad ako papuntang altar at nakatingin ang lahat ng tao sa akin.

Pero wala akong nakikitang iba. Dahil ang mga mata ko eh nakatingin lang sa isang partikular na tao na nakatayo sa harap ng altar katabi ang bestman nito na walang iba kundi si Lieu.

Bawat hakbang ko eh parang napakabagal at wariy napakalayo ng altar samantalang hindi naman ito ganun kalayo kung tutuusin. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ako naiiyak habang naglalakad sa tabi nina Mommy at Daddy. Rinig ko din ang mahinang paghikbi ni daddy habang inihahatid ako.

Nang makalapit kami kay West ay ipinasa na ako ni daddy sa kanya.

“take care of my baby girl” bilin nito kay West.

“Yes dad. I will”

Sabay na kaming lumapit ni West sa naghihintay na pari.

***

“...and now I announce you husband and wife. You may now kiss the bride”

Kasabay ng paghalik ni West sa akin ang masigabong palakpakan mula sa mga taong sumaksi sa napakahalagang araw sa buhay namin. Mga taong naging parte ng buhay namin.

“I love you Misis” bulong ni West sa akin habang nakaupo kami sa mesa sa reception.

“I love you too Mister” ganting bulong ko din.

“Kiss...kiss...kiss” nagulat kami ng makarinig ng kalansing ng mga baso partikular na sa mesa ng mga barkada namin. Ito ang mga nangunguna sa pang-aasar.

Pinagbigyan naman namin ang mga ito as West and I kissed infront of all these people to see.

Ito na siguro ang pinakamasayang araw sa buhay ko.

Wala na akong mahihiling pa.

Well....a baby perhaps.

Para kumpleto na ang saya.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^