Saturday, May 25, 2013

After All Book 3 : Queen of His Heart Chapter 7




William “WEST” Montreal


Lately pansin ko parang masyadong nagiging irritable si Queen. Akala mo lagging galit eh. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Ewan ko ba…ang dami-dami ko na ngang problema sa La Breeze sinasabayan niya pa… pinagpapasensyahan ko na nga lang eh…pero nakakainis na talaga.



“Nasaan ang Maam Queen mo?” tanong ko sa katulong nila ng pumunta ako sa bahay nila.


May usapan kasi kami na sa labas magdidinner dahil anniversary namin ngayon. Kaya nga kahit na may important meeting ako with our client eh pinacancel ko muna dahil alam kong magagalit sakin si Queen kapag hindi ko siya pinuntahan.


“Nasa kwarto niya po si Maam Queen Sir”


“Ganun ba sige” dire-diretso na akong umakyat ng kwarto ni Queen para puntahan siya. Baka nagbibihis na ito. Maaga pa naman ako kaya hindi naman siguro magagalit sakin si Queen.


Bitbit ang bulaklak ay dali-dali akong umakyat ng kwarto niya. Hindi naman nakalock ang pinto kaya agad ko itong binuksan.


Pero ganun nalang ang gulat ko ng maabutang sobrang dilim ng kwarto ni Queen.


“Hon…bakit ang dilim ng room mo? Brownout ba dito sa kwarto mo?” nagtatakang tanong ko.


BROWNOUT???  Adik ka ba West? Saan ka naman nakakita ng brownout sa loob ng kwarto?! Pwedeng pundido ang ilaw pero hindi brownout.



Akmang bubusan ko na sana ang ilaw dahil sobrang dilim talaga. Wala akong maaninag.


Pero ganun nalang ang gulat ko ng bigla siyang sumigaw.


“Don’t you dare open the lights!!!”


Ay?? Galit lang?? Highblood agad? Eh sa wala akong Makita eh.


“Hey! Is there any problem?” pinipilit kong aninagin siya sa dilim. “Ouch!!!” badtrip tumama ang tuhod ko sa may kanto ng lamesa.


Ano na naman ba kasing drama nitong si Queen at nagtatago sa dilim eh. Mabuti na lamang at sa paika-ikang paglalakad ko eh nakarating din ako sa kama kung saan naroon siya.


“Is that a flower?” tanong ni Queen.


“Yeah…it’s for you” sabi ko at akmang iaabot sa kanya ang bulalaklak ng itaboy niya ito palayo sa kanya.


“Take that away from me!!!” ani Queen at tinabig ang bulaklak palayo dahilan para matapon ito sa sahig.


Medyo nainis naman ako sa inasal ni Queen. Imagine??? Pinaghirapan kong makipagaway sa tindera para lang pagandahin ang pag-gawa ng flower arrangement na iyon tapos itatapon lang niya? Asar talaga.


Ang hirap talaga intindihin ng mga babae. Kung minsan mabait…kung minsan naman saksakan ng sungit. Yung tipong nakakabadtrip?! Alam niyo ba yun?!


“Ano bang problema mo ha?! Bakit nakakulong ka pa dito sa kwarto? Isn’t you’re supposed to be ready ka na for our dinner date?”


“Ayokong lumabas ng bahay”


“Whaaaatttt????”


Alam niyo yung reaksyon ko?! Yung tipong sinabihan ka ng may cancer ka at 24 hours nalang ang nalalabi sayo sa mundo. Ganun…pero joke lang..mga 1 month naman pala.


Anyways…nakakaasar talaga…medyo di pa nagsink-in sa utak ko yung sinabi ni Queen kaya inulit ko pa talaga ang tanong ko.


“Anong sinabi mo?”


“I said ayoko lumabas ng bahay. ayokong magdinner”


Napakamot naman ako sa ulo ko. Ano na namang drama ito?! Mahaba-haba na namang paliwanagan ito. Baka abutin kami ng end of the world kapag ganito ang drama ni Queen eh.


“Isang big client meeting ang kinancel ko dahil sa anniversary natin ngayon at may hinanda na akong dinner date for the two of us.. then all of a sudden sasabihin mo ayaw mo?!”


Grabe sumasakit ang ulo ko dito kay Queen.


“Bakit ba ayaw mo?”


“Basta ayoko….umalis ka na nga..ayoko ding Makita ka?”


“Whhhaaaatttt???? Bakit pati ako?”


Bakit naman pati ako eh nadamay sa toyo ng utak ng babaeng ito?


“Basta!”


Yun lang yun?! Basta lang ang isasagot niya?!


“Ano bang kasalanan ko sayo? Hindi naman ako nambabae ah”


Yun lang naman ang iniisip kong posibleng dahilan ng pag-aalburoto niya eh.


“So kasalanan ko pa na hindi ka nambabae??? Sinisisi mo ako?”


Naririnig niyo ba yung katwiran niya? Kung minsan talaga baliko ang utak nitong mahal ko eh.


“Hindi naman sa ganun… Hon naman eh..ayoko ng ganito”


Oo na..kung minsan..ay hindi..madalas pala ako ang nanunuyo kapag may topak itong si Queen. Natural lang yun dahil ako ang lalaki eh.


“Umalis ka na okay?! Bukas na tayo magkita…now Go!!!”


Wala na akong nagawa kundi ang lumabas ng kwarto niya. Mas lalo lang kasing magagalit si queen kapag hindi ko siya sinunod.


= = = = =


“Hey bro..i thought you’re on a date?” tanong sakin ni Trevor ng datnan niya ako sa bahay at mag-isang umiinom sa bar.


Hay naku ipaalala daw ba? Kita na ngang bwisit na bwisit ako eh.


“Something came up”


“Really??? You’re girl break up with you?”


Break agad? Sira-ulo din itong si Trevor eh. As if naman papayag akong makipagbreak sakin si Queen.


Duh?! Nevah!!!!


“No”


“Ohh…unlucky me”


Napatingin ako sa kanya. Mas pinili ko na lang ignorahin ang sinabi ng pinsan ko.


“You know what??? Instead of boring yourself here why don’t you come with me”


“Where??”


“Lets find some girls to rock our night”


GIRLS???? Come On!!! Bubugbugin ako ni Queen kapag nalaman niya yun.


“No thanks bro”


“Don’t tell me you already lost your charm in girls? Or don’t tell me under ka ng girlfriend mo?”  sabi nito at binigyan ako ng nakakalokong ngiti.


OHHHH!!!! How I hate that smile of his!


Ang pinakaayaw pa naman ng isang lalaki eh sasabihan siya na “Under” siya… kasiraan sa ego namin iyon. And im sure sinusubukan lang nitong si Trevor ang pasensya ko eh.

“If you want to piss me off…you better stop because right now. I’m not in the mood okay?”


“You’re becoming a pathetic, loser guy who’s wasting his time for a girl” iiling-iling na umalis nalang si Trevor sa tabi ko.


Mabuti naman dahil baka hindi ko siya matantya eh masapak ko pa siya.


“Bad day?”


Napatingin ako sa nagsalita. Sino na naman itong panibagong istorbo sa pag-inom ko?


“Aya?”


Anong ginagawa ng kakambal ko dito?


“Hey Bro…kumusta na?” bati ni Vince sabay tapik sa balikat ko.


“I’m fine..kayo?” hinalikan ko sa pisngi si Aya bilang pagbati at marahang niyakap at tinapik sa balikat si Vince. “Si Ayesha? Kasama niyo ba?” tanong ko sa two years old daughter nila na pamangkin ko.


“Andyan kasama ng yaya”


Maya-maya ay pumasok nga sa loob ng bahay si Ayesha na hawak-hawak sa kamay ng yaya nito.


“Tito daddy!!!!!” tili ng bata pagkakita kay West.


“Hello baby” akmang yayakapin at hahalikan naman ni West si Ayesha ng biglang magpumiglas ang bata.


“EEEEEeehhhhhh…don’t big hug me tito daddy!!! You’re so mabaho..you take a bath first!!!” tili nito at nagtatakbo na palayo sakin.


Inamoy-amoy ko naman ang sarili ko para amuyin kung mabaho ba talaga ako.


“Hindi naman mabaho ang tito daddy ah”


“You’re mabaho!!! Don’t big hug me!!!”


Pesteng bata ito ah napaka-arte kanino ba nagmana ito eh hindi naman maarte ang kakambal ko? Kay Vince kaya???


Ang lakas naman ng tawa ng mag-asawang Aya at Vince. Ano bang nakakatawa dun? Eh sobrang asar na nga ako sa nangyayari sa paligid ko.


“What’s funny?”


“Amoy alak ka kasi and Ayesha doesn’t want the smell of alcohol.” Natatawang paliwanag ng daddy nito. “She thinks all drinkers are mabaho”


Hay naku naman oh!


“Bakit ka ba naglalasing dyan kuya?”


“Umiinom lang ako at di naglalasing noh…kapag uminom ba naglalasing na agad?”


Mukhang may tama na nga yata ako o sadyang nabubwisit lang talaga ako kay Queen.


“Ewan ko sayo kuya” irap ni Aya.


Bakit ba ang hilig umirap ng mga babae? Simpleng salita lang may kasama pa talagang irap…hay ewan!!!


Kahit ilang dictionary o encyclopedia o i-google ko pa hinding hindi maipapaliwanag ng lahat ng iyon ang ugali ng mga babae.


Daig pa ang bagyo pabago-bago ng isip.


Naalala ko tuloy ulit ang inasal ni Queen kanina at pag-cancel sa anniversary date namin.


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^