Saturday, May 25, 2013

One Summer Love 2 - "Second Time Around" : Chapter 11




Chapter 11
[ JONAH’s POV ]


Nandito ako sa forest trail ng beach resort. Dito ko dinala ng paa ko matapos ang madramang pagtatapat ko kay Lynuz. Nandito ako sa bungad ng mapatingin ako sa isang puno. Puno ng buko. Para akong tangang nakatingin lang sa puno. Para kasing hinihila ang paa palapit sa kaniya. Ang weird. Bakit kaya ganito ang pakiramdam ko?


Humakbang ako palapit sa puno ng buko. Umikot ako sa kaniya. “Ano bang mero’n sa’yo? Gusto mo ba kong damayan?” Pilit akong ngumiti. “Ganito lang siguro ang buhay. Hindi ko pwedeng makuha ang lalaking gusto ko. Kaya eto, mag-isa lang ako. Parang ikaw, mag-isa ka lang dito.” Pinasadahan ko ng tingin ang puno. Nang mapahinto ang mata ko sa lupa. Kumunot ang noo ko ng parang may maalala ako. Tiningnan ko uli ang puno. “Parang kilala kitang puno ka.” Pinitik ko ang daliri ko. “Ikaw ang punong ‘yon!”


Kumuha ako ng sangang putol at nagsimulang maghukay sa paligid ng puno. Medyo malalim na ang nahuhukay ko ng mapahinto ako. May nakita akong plastic. “Sabi ko na nga ba. Pero teka...” Naghukay pa uli ako. “Nasa’n ang mga star fish ko?” Hindi ko na ‘yon nabalikan last summer dahil... Napahawak ako sa dibdib ko. Iniling ko ang ulo ko.


Kinuha ko ang plastic. Papel ang laman no’n. Binuksan ko ang plastic. At binuklat ang nakatuping papel. Parang pinunit ‘yon mula sa sketch pad. Para lang magulat sa makikita ko. Isang sketch ‘yon. Isang sketch ng babae habang nakaupo sa buhangin at may hawak na mga starfish. “Ako ‘to, ah... pero... paanong...”


= = =


[ LYNUZ’s POV ]


Sinundan ko ng tingin si Jonah habang papalayo siya. Gustong-gusto ko na siyang habulin, eh. Pero si Tito Peter.


“Sundan mo na kaya.”


Napalingon ako kay Tito Peter. Tumikhim ako. “Bakit ninyo po ko hinahanap, Tito?”


“May gusto lang akong itanong.”


“Ano po ‘yon?”


“Did you and Jonah knew each other since then?”


Huminga ako ng malalim. “Hindi ko po alam kung paano ninyo nalaman. Pero yes, Tito. Last summer. Nagkakilala kami ng anak ninyo dito rin sa mismong resort na ‘to. Pero hindi pa po namin alam na magkakilala ang parents naming dalawa.”


Tumango-tango siya. “I heard the two of you. Nakarinig ako ng ingay nung unang gabi na nagkita-kita kami ng magulang mo dito. Sumilip ako sa likuran and I saw you two.”


Shit! “Kung may narinig man kayo sa mga sinabi ko na... alam ninyo na po... na hahalikan ko siya... I was teasing her, Tito.” I sighed. “I’m sorry.”


“I don’t know what happened between you two last summer. Pero ayusin ninyo ‘yan.” Tinapik niya ang balikat ko. “She’s my daughter. I don’t want her to get hurt. Pero alam ko namang hindi maiiwasan ‘yon. Kasama sa paglaki ‘yon. Pero syempre, ama niya ko. I want the best for her. If not the best, at least I want her to be happy. Mula pagkabata, walang inisip si Jonah kundi ang maging proud kami ng Tita Cleo mo sa kaniya. Hindi ko nga alam kung nag-eenjoy pa ba siya. Kaya kung ano man ‘tong gulo ninyo, ayusin ninyo na.”


“Tito, ibig ninyong sabihin...”


Tumango siya. “Yes, Lynuz.”


“Yes!”


“Umayos ka, Lynuz, ah. Sinasabi ko sa’yo.”


“Trust me, Tito. Gotta go, Tito!” Na sinabayan ko ng takbo para mahabol si Jonah. Narinig ko pa ang pagtawag nina Mhira sakin. Pero hindi ko sila pinansin. Nasalubong ko si Matt. “Nakita mo si Jonah?”


“Yap. Parang do’n siya papunta ng forest trail, eh.”


“Thanks, Matt!” Saka nagmamadaling pumunta do’n. Huminto ako sa pagtakbo ng nasa bungad na ako. Naglakad na lang ako ng matanaw ko siyang nakaupo sa tabi ng isang puno. Tatawagin ko na sana siya nang mapansin kong may hawak siyang papel. Ang papel na ‘yon.


 - F L A S H  B A C K -

Nandito ako sa dulo ng beach resort. Kalalabas ko lang ng forest trail ng may mapansin akong isang babae sa tabi ng dagat. Nakaupo siya at may hawak na kung ano. Ginamit ko ang binocular kong nakasabit sa leeg ko para mas makita ng malinaw ang hawak niya. “Star fish? Anong gagawin niya do’n?”


Itinutok ko ang binocular sa mukha niya. At dahil nakaharap siya sakin, kitang-kita ko ang mukha niya, ang ngiti niya habang nakatingin sa starfish na hawak niya. Nakita kong bumuka ang bibig niya at may sinabi siya. “Kinakausap niya ba yung mga starfish?” Hindi ko mapigilang matawa. Buti na lang at malayo ako sa kaniya, hindi niya ko maririnig. “Pero hindi nga, kinausap ba talaga niya yung starfish?” natatawang tanong ko na parang may sasagot naman sakin.


Hindi pa rin nawawala ang ngiti ko habang pinagmamasdan ko siya. Napatingin ako sa hawak kong sketch pad. Sabay balik ng tingin sa babae. Umupo ako ilalim ng isang puno. Habang hawak ang binocular at pasilip-silip sa kaniya. Nagsimula kong iguhit ang nakikita ko. Ang ngiti niya. Ang pagbuka ng bibig niya. The way she looked at the starfish she was holding.


Napangiti ako ng matapos ang ginagawa ko. “Ang ganda...”


“Jonah!”


Napalingon ako sa babae. May nakita akong isa pang babae di kalayuan sa babaeng may hawak na starfish. “Jonah pala ang pangalan niya...” sabi ko habang nakatingin sa iginuhit ko.


Nakita kong tumayo ang babae. Napatayo na rin ako. Nakita ko siyang papasok ng forest trail. Hindi ko alam pero napahakbang ako palapit sa kaniya. Tumakbo na nga ko, eh. Pumasok uli ako ng forest trail. And I saw her na may hinuhukay sa likod ng isang puno. Nagtago naman ako sa mga halaman. Ayokong makita niya ko, mapagkamalan niya pa kong stalker.


“Ayan! Tingnan natin kung may makakita pa sa inyo.” narinig kong sabi niya. Tumayo na siya at pinagpag ang mga kamay niya. “See you tomorrow. Hmm... See you the next, next day after tomorrow.”


Ngumiti siya pagkatapos. At lumabas na ng forest trail. Saka lang ako lumabas sa pinagtataguan ko. Napangiti ako. “Talagang tinago pa niya dito, ah.” Lumapit ako sa puno. At tiningnan ang lupang hinukayan niya. Napatingin ako sa sketch ko. “Hmm...”

 - E N D  O F  F L A S H  B A C K -


= = =


[ JONAH’s POV ]


“Sinong may gawa nito?” tanong ko habang nakatingin sa sketch na hawak ko. Tiningnan ko ang likuran ng papel. May nakasulat do’n.


Akin na lang yung mga starfish na kinuha mo. Souvenir ko. Souvenir from the first ever girl I sketched since the day na magsimula akong gumuhit. Talo mo pa ang mommy ko. At alam kong magtatampo siya sakin kapag nalaman niyang may ginuhit na akong babae. Lagi niya kasi akong kinukulit na iguhit ko siya. Kaya para hindi niya makita ang ebidensya, sayo na to.


I don’t know why I can’t do that. And that’s my same question with you. Why is it so easy for me to draw you? Ano bang mero’n ka na wala sa ibang babae para maguhit kita nang ganon lang kadali?


Contrary sa kung sino talaga ko pagdating sa mga babae, wala na kong balak na lapitan ka pa dahil ngayon pa lang naguguluhan na ko. At alam kong mas maguguluhan pa ko kung sakaling makikilala pa kita. Ayoko kasi sa lahat, mag-isip ng kung anu-ano at mag-analyze ng kung anu-ano. Gumugulo kasi ang isip ko.


I’m sorry kung hindi mo na makikita ang ka-cutan ko. Pero magpapakilala pa rin ako sayo. Nice to meet you, Miss Starfish. I’m Lynuz, at your service.


“Oh my God!” Natutop ko ang bibig ko. “Si Lynuz ang may gawa nito?” Nagsimulang mamuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko mapigilan, eh. Hinubad ko ang shades ko. “You’re a liar, Lynuz. Dahil nagpakilala ka pa rin sakin. Nagpa-cute ka pa rin sakin.” Pumatak na ang luha ko. “Bakit ba naman may pahabol ka pang ganito? Bakit ba kasi minahal pa kita, eh? Bakit ba kasi hindi na lang pwedeng ako? Everybody owns you... can I be the only one... ako na lang... Ako lang...”


“Oo naman, babe.” Kasabay no’n ay naramdaman kong may yumakap mula sa likuran ko. “Pwede namang ikaw lang, eh. Pwedeng-pwede. Kahit hindi mo sabihin.”


Napapikit ako. “Lynuz... joke na naman ba ‘to…”


Iniharap niya ko. “Ikaw lang ang babaeng pinagbawalan kong mahulog sakin. You know why? Dahil natatakot akong masaktan kita. Nang sabihin mong hindi ka maiinlove sakin, hindi ko matanggap ‘yon. I can use all my charms na nakatago sa baul ng lola ko mahulog ka lang sakin. Kahit ng mga panahong ‘yon, naguguluhan pa rin ako sa feelings ko sa’yo. And when I saw you hugging that Aljen, I backed out. Ang duwag ko noh? At alam mo bang pinagsisihan ko ang araw na ‘yon. Na sana, inagaw kita mula sa kaniya. I realized that when I saw you again. Habang sinusundan kita kasabay ng pagsusungit mo sakin.”


May nararamdaman din siya sakin no’n? At nakita niyang yakap ko si Allen? Kaya ba hindi na niya ko nilapitan para kausapin? “But I saw you kissing that girl...”


“Nakita mo ‘yon?” Tumango ako. Napakamot siya ng noo. “She’s the one who kissed me. Bakit ba kasi naninilip ka?”


“So, kasalanan ko?” tanong ko habang umiiyak.


“Tumahan ka na.” Pinunasan niya ang pisngi ko. “Kasalanan ko, okay. Dahil ang feelings ko ang magulo no’n. Bago lang kasi ang pakiramdam na ‘yon.” He sighed. “Bakit ba kasi yakap ka ni Aljen?”


“Allen ‘yon. He was just trying to comfort me. When I saw you kissing that girl, he saw it, too.”


“I’m not kissing her. At hindi ko rin siya girlfriend. She’s my ex. Nagulat na nga lang ako nang bigla siyang sumulpot no’n.”


“Hindi talaga?”


“Hindi nga. Bakit ba ayaw mong maniwala?”


“Maniniwala ba ko sa mga sinasabi mo kung hanggang ngayon, napapaligiran ka pa rin ng mga babae mo?”


“Mga babae ko?” Pinisil niya ang ilong ko. “Alam mo bang first time kong gawin ang bagay na ‘to? Ang gamitin sila para pagselosin ang isang babae dyan. Mukha namang hindi effective.”


“Anong hindi ka dyan?”


He smiled. “So, effective nga? Sabi ko na nga ba, eh.”


Umiwas ako ng tingin. “Nakakainis ka talaga...”


Niyakap niya ko. “I’m sorry, Jonah. I’m so sorry kung nasaktan kita. Kaya kong layuan ang mga babaeng nakapaligid sakin, wag ka lang magselos.”


“It’s okay. Ngayong alam ko nang mahal mo ko, ok—”


“Mahal kita? May sinabi ba kong gano’n?”


“Lynuz!” Sabay tulak sa kaniya. Tumayo na rin ako. Ang sama ng tingin ko sa kaniya.


Tumayo siya. “Kasi nga sasabihin ko pa lang.” He hugged me again. “Alam mo bang tuwing nakikita ko ang mga starfish na kinuha ko mula sa’yo, lagi kitang naaalala. To the point na itago ko na ‘yon para hindi ko na makita.”


Tiningnan ko siya. “Bakit?”


“Lagi ko kasing tinatanong ang sarili ko ng mga what ifs, and I hate it. Na hindi naman mangyayaring makikita uli kita. Pero alam mo bang sobrang tuwa ko ng makita uli kita. Kaya nga kahit nagtataka ko sa mag pagsusungit mo at pagtataboy mo, okay lang sakin.”


“Bumabalik lang kasi yung dating nararamdaman ko sa’yo. Kaya nga naiinis ako sa’yo.”


“Alam ko na ngayon. At naiintindihan ko na.” Pinisil niya ang ilong ko. “Ang charming ko kasi.”


I pouted. “Ang yabang mo.”


He smiled. “And I love you, Jonah. Sobrang namiss kita alam mo ba ‘yon?”


Ang lapad ng ngiti ko. Mahal niya ko. Mahal ako ng lalaking mahal ko. At ‘yon ang pagkakaiba ko sa mga babaeng nakilala niya. Mahal niya ko.


“Kaya lang, pwede bang wag mo na kong sungitan? O kaya ipalagaw mo na sa iba ang kasungitan mo.”


“Masungit ako?”


“Ay, hindi! Ang bait kaya ng babe ko!” biglang kabig niya. Hinaplos niya ang mata ko. “Isuot mo ‘yang shades mo, ah. O kaya, mamaya na tayo bumalik ng cottage.”


“Halata bang umiyak ako?”


“Kasalanan ko naman, eh.” Inakbayan niya ko. At inakay maglakad. “Ikutin muna natin ‘tong forest trail. Alam mo bang kaya Mystica ang pangalan ng beach resort na ‘to dahil puno ng mystery ang lugar na ‘to? Lalo na ‘tong forest trail.”


“Hah?”


“May isang babae daw na inalay ang buhay niya para sa isang lalaki na sa huli ay pinagpalit din siya sa ibang babae. Namatay ang babae sa mismong lugar na ‘to. At sa kinahihimlayan niya, tumubo ang isang puno. Simbolo ng buhay niyang inalay niya sa lalaking mahal niya.”


“Anong puno?”


“Yung puno ng buko kanina. Napansin mo bang nag-iisa siyang puno ng buko dito sa forest trail?”


Nilingon ko ang bukong tinutukoy niya. Tumayo ang balahibo ko.


“Ngayon alam mo na ang alamat ng buko. Buhay ko, in short, buko.”


Napalingon ako kay Lynuz. “Alamat ng buko lang ang sinabi mo?”


“Oo.” natatawang sagot niya. “Akala mo horror noh?”


“Nakakainis ka, hah!”


“I’m starting to like that word. Whenever you said it, it was like you’re telling me that you’re falling for me over and over again.”


“Ang yabang mo talaga!” nakangiting sabi ko.


“Oo na!” Huminto siya at tiningnan ako. Sumeryoso ang mukha niya. “Alam mo bang alam ng papa mo na magkakilala na tayo dati pa?”


“What?!”


“Don’t worry, hindi naman siya nagalit. Sa katunayan nga, pinayagan niya kong ligawan kita.”


“Sinabi ni papa ‘yon?”


“Yes.” He cupped my face. “For the second time around, can you be my girlfriend? For real.”


“Lynuz...”


He smiled. “Hindi mo naman kailangang sumagot ngayon. Liligawan pa nga kita diba? Edi lagot ako kay papa.”


“Papa ka dyan!”


“In the near future.” He winked.


I smiled. Nang may maalala akong itanong. “Ang sabi mo dito sa sketch na ‘to, wala ka ng balak na magpapakilala sakin. Bakit nagpakilala ka pa rin?”


“Because the second time I saw you again, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Para kasing inuutusan mo kong lapitan ka. Just by your laugh.”


Kumunot ang noo ko. “Laugh? Kailan ‘yon?”


He just smiled. “Palubog na ang araw. Bumalik na lang tayo, babe. Baka may mumu pa dito. Kunin ka pa sakin. Ayoko nga.” Hinawakan niya ang kamay ko. “Alam mo ba kung bakit ka special sa lahat ng babaeng nakapaligid sakin?” tanong niya habang naglalakad kami pabalik.


Nilingon ko siya. “Bakit?”


“Three reasons. Dahil ikaw ang unang babaeng nakapag-pagulo sa isip ko. Dahil ikaw lang babaeng nakapagpabago ng desisyon ko ng gano’n kadali. At ikaw lang ang babae, maliban kay mommy na kinilala ako bilang ako. Bilang Lynuz.”


= = =


Naglalakad ang isang lalaki sa tabi ng dagat ng makarinig ito ng tawang nagmumula sa isang umpukan. Kumunot ang nito habang nakatingin sa pinagmulan ng tawang ‘yon. Lalo na ng mapadako ang tingin nito sa babaeng ‘yon. Madilim man ay kitang-kita nito ang mukha ng babae.


“It’s her again.” the guy said.


Hindi na nito maialis ang tingin sa babae. Bawat galaw ng babae, nakikita nito. Ang tagal na nitong nakatayo sa pwesto nito, pero hindi man lang ito natinag sa pagkakatingin sa babae.


“She’s drunk.” Nagsalubong ang kilay nito. Lalo na sa katabing lalaki ng babae. 

Humakbang ito palapit sa umpukang ‘yon.


“It’s your turn, Allen!”


“Kiss Jonah!”


“Hey! Lasing na nga yung tao, eh!”


“Mga mokong talaga kayo!”


Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ng lalaki nang makalapit sa umpukang ‘yon. Hindi ito napansin ng mga taong ‘yon. Tumayo ang babae. Nang pagewang-gewang. Inalalayan ito ng katabi nitong lalaki.


Napailing ang lalaki. Hindi pa rin mawala-wala ang pagkakasalubong ng kilay nito.  


“Binabawi ko na ang sinabi ko sa sulat.” He whispered.


“Go, Allen!”


“Kiss her now!”


“Hey, guys! That’s foul!”


“It’s just a game!”


In just a swift movement, hawak na ng lalaki ang babae. And in just seconds, his lips came to hers. Kasabay ng pagbagsak ng ulo ng babae sa balikat nito. Wala sa isip nito kanina na halikan ang babae. It just happened.


“Sino ka?” sabay-sabay na tanong ng mga kasama ng babae.


Tiningnan ng lalaki ang babae. There was a feeling inside of him, telling him that this girl he’s holding is... “She’s mine. I’m Lynuz, her boyfriend.”

2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^