Chapter
9
[ JONAH’s POV ]
“Zyruz.” Hinarang ko siya.
“Nagmamadali ako, Jonah. Kung
may sasabihin ka, mamaya na lang. At hindi ako si Zyruz.”
Hindi ko pinansin ang huling sinabi niya. “Kung hinahabol mo si Demi, pabayaan mo
muna siya.”
“Katatapos lang akong hatulan
kanina ni Matt, pati ba naman ikaw?”
“It’s not about that.” Humalukipkip ako. “Bakit ikaw ang nag-sorry kina papa kanina
habang nagla-lunch tayo? Si Lynuz ang pasimuno ng inuman kagabi, hindi ikaw.
Pinagtatakpan mo ba ang kalokohan ng kambal mo?”
“Para namang hindi mo alam. You
saw it with your two eyes, right? O nakalimutan mo na. He will do me a favor, I
will do him one. Parang exchange gift lang. Wala ng bago sa ginagawa namin ni
Lynuz. At kung may reklamo ka, sa kaniya ka magreklamo. I have to go. May
aasikasuhin pa ko.”
Iyon lang at umalis na siya.
Napailing na lang ako hanggang sa makalayo siya.
“Jonah!”
Ang boses na ‘yon! Lumingon ako sa likuran ko. Si Lynuz. May
hawak siyang ice cream.
“Gusto mo ng ice cream?” alok niya ng makalapit siya sakin. Tiningnan
ko lang siya, pagkatapos ay tinalikuran ko agad siya. Pinigilan niya ang braso
ko. “Can we
talk?”
“Ano pa bang pag-uusapan
natin?”
Hinawakan niya ang ulo ko. Na iniwas ko naman agad. “Masakit pa ba
ang ulo mo?”
“Tinanong mo na ‘yan kanina
habang nagla-lunch tayo.”
“And you didn’t answer.”
“Sumasakit ang ulo ko lalo na
pag kausap kita.”
“Jonah...”
“Lynuz, tigilan mo na ko.” Iyon lang at nagmamadaling iniwan ko siya.
Dahil sa tuwing titingnan at kakausapin ko siya, hindi ko
mapigilang maalala ang nangyari noon. Mas lalo lang akong naiinis sa sarili ko.
Dahil akala ko naka-move on na ko sa nangyari no’n. Pero the moment na nakita
ko uli siya, ang ngiti niya, unti-unti kong naramdaman ang feeling na ‘yon sa
tuwing nandyan siya, sa tuwing malapit siya at sa tuwing titingnan niya ko. Na
may nararamdaman pa rin ako sa kaniya. Ginugulo na naman niya ko! Ang isip ko!
Ang puso ko! And I hate him for that!
=
= =
[ LYNUZ’s POV ]
Hindi ko na sinundan si Jonah. Hinayaan ko na lang siya. “Ano bang
gagawin ko sa’yo, Jonah? Ang hirap mong basahin.”
I acted like cool sa harap niya ng magkita uli kami. I even
called her babe. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. Lalo ng makita ko uli
siya. Namiss ko talaga siya. Iyon ang naramdaman ko ng makita ko uli siya. Hindi
ko expected na kabaligtaran ng mararamdaman ko ang mararamdaman niya. Halatang
galit siya sakin. At hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa nangyari last
summer? Pero ako nga dapat na mainis sa kaniya, ang sabi ko no’n, saglit lang
ako. Pero anong ginawa niya?
- F L A S H
B A C K -
Natanaw ko si Jonah na katabi si Crizzy na nakaupo sa buhangin.
Lumapit ako sa kanila. “Hey.” Inakbayan ko si Jonah. Napalingon siya
sakin. “Sorry
kung natagalan ako, babe.” May babae kasing lumapit saming dalawa
kanina. Ayaw ko man dahil kasama ko si Jonah, napilitan akong magpanggap na si
Zyruz dahil may utang ako sa kambal ko.
Hindi nagsalita si Jonah. Nakatingin lang siya sakin. Napangiti
ako. Pinisil ko ang ilong niya. “Jonah. Yuhoo! I’m here!”
Napakurap siya. Sabay iwas ng tingin sakin. “Sorry.”
Tinabig ko siya ng bahagya. “Iniisip mo ba ko? Ikaw talaga. Namiss mo agad ako.”
She pouted. “Hindi, ah.”
“Weh?”
“Hindi nga!”
Mas lalong lumapad ang ngiti ko. “Eh, paano ba ‘yan? Namiss kita, eh.”
“Ehem! Ehem!” Sabay kaming napalingon sa kaibigan niya. “Nandito pa ko,
guys. Hindi ako invincible.” I just smiled. “Aalis na nga muna ko.” Iniwan
na niya kami.
Tiningnan ko si Jonah. “Sa’n mo gustong pumunta, babe?”Babe. Nasanay na rin ako sa pagtawag ko
sa kaniya ng gano’n. Alam kong nagpapanggap lang kami. Pero hindi ko mapigilang
umaktong parang boyfriend niya. Hindi ko alam. Hindi ko rin maintindihan ang
sarili ko.
“Jonah.” Nang mapansin kong nakatulala lang siya.
“Hah?”
Kumunot ang noo ko. “May problema ba?”
“Wala.” Tumayo siya. “Pumunta tayo ng bar.” Kumunot
ang noo ko pero tumayo na rin ako. Tumalikod na siya ng hawakan ko ang braso
niya. “Bakit?”
“Wag kang maiinlove sakin,
ah.” Hindi ko rin alam kung bakit ko nasabi
‘yon. Siguro dahil ngayong gabi, matatapos na ang pagpapanggap namin. Gusto ko
lang malaman kung... “Hindi ka pwedeng mainlove sakin.”
Ano ba ‘tong sinasabi ko? First time kong sinabi sa isang
babaeng wag siyang mainlove sakin. Dati, wala naman akong pakealam kung
mainlove man sila sakin o hindi. It’s their choice, not mine. Pero bakit
pagdating kay Jonah, concern ako kung mahuhulog ba siya sakin o hindi.
“Bakit?”
Huminga ako ng malalim. “Because I don’t know what will I do kapag nainlove ka sakin.
Maraming babaeng nakapaligid sakin. Baka masaktan lang kita.”
Sinasabi ko ba ‘to sa kaniya para maiwasan kong masaktan siya kahit wala pa?
Pero kaya ko ba talaga siyang saktan?
“Don’t worry. Hindi ako
maiinlove sa’yo. Tutal naman, hindi na tayo magkikita bukas at matatapos na din
ang pagpapanggap natin ngayon. Thank you nga pala. Let’s go.”
Tumalikod na siya.
Napailing ako. Lalo ng marinig ko ang sinabi niya. Parang hindi
ko matanggap. “Jonah!”
tawag ko sa kaniya. Humakbang ako palapit sa kaniya. Lumingon siya sakin. Hindi
ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya.
“Lynuz...”
Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya. Hindi ko mapigilang
mapangiti habang yakap siya. Nababaliw na nga ko. At ang hindi ko inaasahang
sasabihin ko ay nasabi ko. “Pwede bang totohanin na natin ‘tong pagpapanggap natin?”
Para kasing hindi ko matatanggap na hanggang dito na lang. Kahit
parang naguguluhan din ako sarili ko. Sa nararamdaman ko. I just need to say
it. The urge to say it. Kahit parang kontra ‘yon sa sinabi ko kanina. I told
you, guys. Naguguluhan din ako.
“Lynuz!”
Napatingin ako sa unahan ko. Kumunot ang noo ko. Shit! Anong
ginagawa niya dito? Dahan-dahan akong bumitaw kay Jonah. “Kaycee.”
Mabilis siyang lumapit samin. Hindi ko nahulaan ang gagawin
niya. Sinalubong lang naman niya ko ng sampal. Aray! “Alam kong si Lynuz ka! I just saw your twin! And I hate you! Pumunta
ko all the way here para makipag-ayos sa’yo! Tapos ito ang madadatnan ko!” Ni
hindi ko naiwas si Jonah sa kaniya ng ito ang sunod niyang sampalin.
“Kaycee!” Inilayo ko si Jonah sa kaniya.
“At ‘yang babae pa talaga ang kinampihan
mo! Magsama kayo!” Nag-walk
out na siya.
Nilingon ko si Jonah na nasa likuran ko. “Jonah, okay ka lang?” Hinaplos
ko ang pisngi niyang sinampal kay Kaycee. Umiling siya. I gritted my teeth. “Dito ka lang,
okay. Babalik ako.” Hinawakan niya ang braso ko. Ayoko mang iwan
siya, pero kailangan ko lang makausap si Kaycee. “Saglit lang ‘to.” I kissed her
nose. Bago sundan si Kaycee. Malayo na siya ng maabutan ko siya.
“Kaycee!” Pinigilan ko ang braso niya. “Say sorry to her.”
“At bakit ko gagawin ‘yon? Manloloko ka!”
“Ako pa ‘tong manloloko? Baka
nakakalimutan mo, ikaw ang nanloko satin.”
“Lynuz...” Nawala ang galit sa mukha niya.
Humalukipkip ako. “Never akong nang-two time sa mga past girlfriends ko. To
show some respect. Kaya ang i-two-time ako ng girlfriend ko, hindi ko
matatanggap ‘yon. Lalo na ng makita ko ‘yon with my own eyes. Besides, it’s
almost three weeks simula ng mag-break tayo. Tapos magpapakita ka na lang bigla
dito.”
“I’m sorry, Lynuz. I still love you.”
“It’s over, Kaycee. I’m
sorry.”
“No! Guguluhin ko kayo ng babaeng ‘yon!”
“Kung kaya mo.” Tumalikod na ko para bumalik kay Jonah ng
hilahin niya ang kamay ko. The next thing I knew, she was kissing me. I didn’t
respond. Hinayaan ko lang siya. Hanggang sa unti-unti siyang bumitaw sakin.
“I hate you!” Nagmartsa siya paalis.
Napailing ako. Pinunasan ko ang labi ko. Binalikan ko na si
Jonah. Para lang magulat sa makikita ko. I saw her. With some guy. Not just
some guy, but that Allen. Magkayakap sila. Nagsalubong ang kilay ko. Akala ko ba umiiwas siya kay Allen?
Nang may tumapik sa balikat ko. Si Zyruz ang nalingunan ko. “Better luck next
time, ‘tol.”
Tinalikuran ko siya. “Ano bang pinagsasabi mo?”
Sumunod siya sakin. “Kunwari ka pa.”
“Wala akong alam sa sinasabi
mo.”
“You can call her, ‘tol.”
“I don’t know her number.”
“Dalawin mo siya.”
“I don’t know where she
lives.”
“Sa school niya.”
“I don’t know where it is.”
Tinapik niya ang balikat ko. “Masyado ka kasing busy sa pagpapa-cute mo,
eh. Kailan ka pa nakalimot sa mga gano’ng bagay?”
Kumunot ang noo ko. “Tigilan mo nga ko.”
“Iinom na lang natin ‘yan. Tara!
Ipagluksa natin ang kamatayan ng puso mo.”
“Shut up!”
“Don’t worry. Hindi ako maiinlove sa’yo.
Tutal naman, hindi na tayo magkikita bukas at matatapos na din ang pagpapanggap
natin ngayon.”
Tapos na nga.
- E N D
O F F L A S H B A C K -
Tapos na nga. Dahil kinabukasan, hindi ko na sila nakita ng mga
kasama niya.
I sighed. Tumalikod ako at naglakad-lakad. Hanggang sa
makarating ako sa volleyball area. Nakita ko ang kambal kong nakatayo. Lumapit
ako sa kaniya.
“Argh! Nakakainis!” Sinipa niya ang isang bato. Parang alam ko
na kung anong problema niya. Mukhang parehas lang din kami ng problema. Ang
mabuti pa, dadamayan ko na lang siya.
“Mukhang mainit ang ulo ng kambal
ko, ah. Sumasabay sa init ng panahon.” Napalingon siya sakin. “You want?” alok ko sa hawak kong ice cream.
“Ayoko.” Umupo siya sa bench. Umupo rin ako sa tabi
niya.
“Hindi ko na kailangang
tanungin kung anong problema mo. Ganyan talaga ang mga babae. Ang hirap na
ngang intindihin, ang hirap pang ispelengin. Sala sa init, sala sa lamig. Hay
ewan!” Parang si Jonah.
Bakit tuwing nakikita kong kausap niya sina Zyruz, lalo na si Zyruz, okay naman
siya. Pero bakit pagdating sakin, automatic na magkakasalubong agad ang kilay
niya? “Hayyy...
kung may gamit lang na pwede kong gamitin para malaman ang iniisip niya,
ginamit ko na.”
“Mukhang hindi ang problema ko
ang pinag-uusapan natin.” Zyrus
said.
“Problema mo kaya.”
“Hi, Zyruz!” Napalingon ako sa gilid namin. Si Mhira
ang nakita ko. At sakin siya nakatingin. Hindi kay Zyruz. Napagkamalan niyang ako
si Zyruz. Sanay naman ako. Walang bago. Nilingon ko si Zyruz. Humalukipkip lang
siya at tumingala sa langit. Nagkibit-balikat ako. Ayaw niya ng kausap ngayon,
then I will do him a favor. Ako ngayon si Zyruz.
Nilingon ko si Mhira. “Hi, Mhira.”
“Last day ninyo na dito diba? Why
don’t we join us? Lagi na lang kasing si Lynuz ang kasama namin.”
“Ayaw mo bang kasama si
Lynuz?” tanong ko.
“Hindi naman sa gano’n, what I
mean is sumama ka naman samin. Lagi mo na lang kasing kasama ang babaeng ‘yon.”
“Hindi siya basta babae lang,
okay.” biglang singit
ni Zyruz sa usapan namin. “Her name is Demi. Call her Demi.”
“Lynuz, hindi naman sa...”
Tumayo si Zyruz at lumayo samin. Napailing ako. Kahit kailan
talaga kong kambal ko, hindi maiwasang magsungit sa mga babae lalo na pag may
topak.
“Galit ba si Lynuz?” tanong sakin ni Mhira. Buti na lang at
smiling face ako, hindi ko na kailangang pigilan ang ngiti ko. “Nanibago tuloy
ako. Hindi naman siya ganyan, ah.”
“Don’t mind my twin. May
pinagdadaanan lang ‘yan.” Tumayo
na ako. “Let’s
go with your friends, Mhira.”
At kailangan ko ng distraction. Dahil kung hindi, baka matulad
ako kay Zyruz na parang mababaliw na sa kakaisip.
=
= =
kyyaaaaah!! even until now kinikilig pa rin ako kay Zyruz! haha..
ReplyDelete