Saturday, May 25, 2013

One Summer Love 2 - "Second Time Around" : Chapter 2




Chapter 3

[ JONAH’s POV ]


“I can’t remember their faces.” narinig kong sabi ni Demi.


“Even me.” sabi ni Matt.


Napailing ako. Para namang hindi nakukuwento sa kanila nila mama at papa kung bakit hindi nila matandaan ang mga mukha ng kaibigan nina mama. Hindi ko tuloy mapigilang sumabat. “Because the last time na nagkita sila nila mama at papa, two years old ka pa lang, Demi. At ikaw, Matt, hindi ka pa nag-e-exist.” singit ko habang nakatutok ang mga mata ko sa laptop ko.


After so many years kasi na hindi nakita nila mama at papa ang dalawa nilang barkada nung college. Sina Tito Ric at Tita Erica. Dito pa daw sila sa beach resort nagkita-kita. At mamaya nga, pupunta dito sa cottage sina Tito Ric at magba-barbecue party kami.


Sa totoo lang, hindi ko na rin matandaan ang mga mukha nila. Tinangay kasi ng baha ang mga pictures namin na kasama sila. Pero may isang nakaligtas. Wala na rin akong masyadong matandaan sa mga nangyari no’n. Lagi lang nagku-kwento sila papa at mama ng tungkol sa kanila at tungkol sa anak nila. Kambal ang anak nila. Si Cyrus at Mynus. Pero maski pangalan ng kambal, hindi na sure sina mama at papa. Madalas daw kasi silang malito no’n, kaya pati pangalan, napagrarambol nila.


“How about you, Ate, natatandaan mo pa ba sila Tito Ric?” tanong ni Demi sakin.


“Their faces? Nope. I was four years old that time. Pero may isang pangyayaring hindi ko talaga makalimutan.” But not literally pangyayari. Hawak ko kasi ang ebidensya ng pangyayaring ‘yon.


“What was it?” Lumapit pa siya sakin.


“I forgot what was it.” dahilan ko. Bakit ba kasi nabanggit ko pa ang bagay na ‘yon kay Demi?


“What? Hindi mo makalimutan but you forgot what was it? Ano kaya ‘yon?”


Bakit ko pa kasi nabanggit? Eh, alam kong kukulitin lang naman niya ako tungkol do’n. “Wag mo na nga kong kulitin, Dems.”


“You’re so sungit talaga.” Sinilip niya laptop ko. “Nag-a-update ka ng stories mo?”


Hindi ako sumagot. Ni hindi ko siya nilingon. Pero tama siya, nag-a-update ako ng mga story ko sa blog. I write stories online kasi.


“Ate, wala ka bang balak lumabas dito sa cottage? To enjoy the sand, the sun, the beach, the scenery, the boys?”


Simula kasi kaninang dumating kami, nagkulong lang ako dito sa cottage. Puro ‘mamaya na lang’ ang sagot ko sa kanila ni Matt tuwing aayain nila ko. I have my own reasons kung bakit ayokong lumabas dito ng cottage.


“Ano ‘yon, Demi?” narinig kong tanong ni papa.


“The voice po. Yung mga kumakanta dyan sa tabi-tabi.”


Napailing na lang ako. Ayan kasi. Ang daldal! Ayaw pa kasi ni papa na mag-boyfriend si Demi hangga’t hindi siya nakakatapos ng pag-aaral. Mas mahigpit pa kesa sakin samantalang ako ang panganay. Sabagay, wala naman silang nakitang ipinakilala kong manliligaw ko. Naka-focus ang atensyon ko sa pag-aaral ko simula pa nung highschool ako.


Si Demi naman kasi, hindi mabilang ang kaibigan. Mapababae man o lalaki. Pero mas marami siyang kaibigan na lalaki. Kaya siguro nag-aalala si papa. May mga kaibigan din naman ako, pero mas marami ang babae.


“Ano, ate? Let’s go outside muna habang wala pa yung bisita nila mama.”


Hindi pa rin ako sumagot sa pangungulit niya.


“You know what, Ate. We went here to enjoy. Sana hindi na lang tayo pumunta dito kung magmumukmok ka lang dito sa cottage.”


Nakonsensya naman ako sa sinabi niya. Saka ko lang siya nilingon. “Fine.” Isinara ko ang laptop ko.


“I love you talaga, Ate! Muah! Muah! Muah!”


Pinunasan ko ang pisngi kong hinalikan niya. Napangiwi ako “Ba’t may kasama pang laway?” Tinawanan lang niya ko. Sabay halik uli sa pisngi ko. “Demi!”


= = = = = = =


Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto. “Ate, let’s go outside na. Nandiyan na sila Tito Ric.” Si Demi.


“Susunod na lang ako.” sagot ko. Ka-chat ko kasi ang bestfriend kong si Crizzy.


“Okay.” Binalikan ko ang pag-uusap namin ni Crizzy.


CRIZZY: Nandyan ka sa Mystica Beach Resort?!

JONAH: Yeah. Sinabi ko na diba?

CRIZZY: Bakit dyan pa?

JONAH: Ask my sister Demi. Siya ang pumili nito. (-_-)

CRIZZY: Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. Kung ano pa talaga yung ayaw mong puntahan na beach, dyan ka pa bumagsak. Hulaan ko. Hindi ka pa lumalabas ng cottage ninyo noh?

JONAH: Ang galing! Pak! Pak! (-_-) Hayyy...

CRIZZY: Bessy...

JONAH: I know. I know. Matagal na ‘yon. Pero... Nakakainis! Hindi ko mapigilang mainis!

CRIZZY: You know why?

JONAH: Stop right there. Alam ko na ang sasabihin mo at hindi ‘yan totoo!

CRIZZY: Ewan ko sa’yo! Mag-deny ka hangga’t gusto mo. Aminin mo man o hindi, wala rin namang mangyayari. Wala na siya.

JONAH: I don’t want to talk about it. Out na ko. Nasa labas na ang bisita namin.

CRIZZY: Try mo ding lumabas dyan sa lungga mo. Mag-libot-libot ka din.

JONAH: Fine. (-_-)


Nag-out na ko. Pagkatapos ay lumabas na ko ng kwarto. May naririnig akong ingay sa labas ng cottage. Hindi ko binuksan ang pintuan. Sumilip muna ko sa bintana. May nakita akong mag-asawa. Hmm... sila siguro sina Tito Ric at Tita Erica.


Nang mapunta ang tingin ko sa dalawang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko. Napaderetso ako ng tayo. Umatras ako ng hakbang. Sunod-sunod na hakbang paatras, pabalik sa kwarto ko. Pumasok agad ako sa loob. Napasandal ako sa likod ng pintuan at naupo sa sahig. Napahawak ako sa tapat ng puso ko.


“Bakit...” Sunod-sunod akong napailing. “Hindi pwede...”


One year. One year na simula ng huli ko siyang makita. Pero bakit dito pa? Bakit dito na naman?


- F L A S H  B A C K -

“Jonah!”


Mula sa hawak kong mga star fish, napalingon ako likuran ko. Nakita ko si Crizzy, ang bestfriend at classmate ko, na kumakaway sakin. Pinapalapit niya ko.


“Wait lang!” Tiningnan ko ang tatlong starfish na hawak ko. “For sure, sesermunan lang ako ni Crizzy kapag nakita niyang hawak ko kayo. Pero gusto ko kayong iuwi, eh. Teka lang...” Nagpalinga-linga ako. “Aha! Yung forest trail.” Na nasa bandang likuran ko lang. Nilingon ko si Crizzy. “Susunod na lang ako, bessy! Mauna ka na!”


“Bilisan mo!” Iyon lang at tumalikod na siya.


Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa buhangin. “Kailangan ko kayong itago. Kukunin ko na lang kayo bago ako umuwi, okay.” Kausap ko sa mga star fish.


Tuwing pupunta kasi ako ng beach, naghahanap ako ng starfish na dedbol na natatangay sa pampang. Nilalagay ko ‘yon sa bottle pag-uwi ko sa bahay. Nilalagyan ko ng design at style. At kung sa’ng beach resort ko sila nakuha. Ginagawa ko silang display sa kwarto ko. Ang dami ko na ngang collection, eh.


Pumasok ako sa forest trail. Hindi ako masyadong lumayo. Naghanap lang ako ng puno. Yung unang puno ng buko ang nilapitan ko. Naghukay ako sa bandang likuran ng puno at itinago ang tatlong star fish.


“Ayan! Tingnan natin kung may makakita pa sa inyo.” Tumayo ako at pinagpag ang mga kamay ko. “See you tomorrow. Hmm...” Teka, Three nights and two days pala kami dito sa Mystica Beach Resort. At kararating lang namin ngayong hapon. So... “See you the next, next day after tomorrow.”


= = =


“Ang tagal mo naman, bessy. Lumubog na ang araw, ah.” reklamo ni Crizzy ng umupo ako sa tabi niya. Nakapaikot sila sa isang bonfire.


“Sorry, guys.” Naglibot-libot pa kasi ako. Napatingin ako sa dagat. Palubog pa lang naman ang araw.


“Jonah, o.” Napalingon ako sa katabi ko. Si Allen. Binatukan ko ang ulo ko sa pamamagitan ng isip ko.


Ano ka ba naman, Jonah? Kay Allen ka pa talaga tumabi!


Hindi naman sa ayaw ko siyang katabi. Sadyang umiiwas lang ako sa kaniya. Umiiwas sa mga pagpapalipad-hangin niya. Nung una pa lang, sinabi ko ng wala siyang aasahan sakin. Sadyang makulit lang. Maghihintay daw siya, blablabla.


Kinuha ko ang barbecue na inaabot niya sakin. “Thank you.”


“Uyyy...”


“Ang sweet naman nila...”


Biglang lingon ko sa dalawang mokong na ‘yon. Sa totoo lang, all girls lang dapat ‘tong summer outing na ‘to, eh. Kami lang ni Crizzy at ang tatlo naming close friends and classmates na girls. Kaya lang, may umapelang dalawa. Kung pwede daw bang isama yung mga boyfriends nila. Sagot daw ng mga boyfriends nila ang kakainin namin dito. Aba! Umo-o naman kaagad si Crizzy at ang isa naming kaibigang si Mylie. So, no choice naman ako. Ayoko namang matawag akong kontrapelo sa mga love life nila noh.


At kasalanan ng dalawang mokong na boyfriends nila kung bakit nasama din dito si Allen. Kaya ko nga nakilala si Allen ay dahil sa kanila. Nang minsang lumabas kami nila Crizzy and our friends, kasama nung dalawa naming kaibigan ang mga boyfriends nila. Na nagsama din ng isa. At ‘yon nga ay si Allen.


And that were all started. Ligaw. Basted. End of story. Para sakin. Dahil para kay Allen, nagsisiumula pa lang daw.


“Why don’t we play a game?” Kai suggested. One of the boys. “Truth or consequence. Pero yung lalaruin natin, walang truth. Consequence or one glass shot.”


Nagets ko agad ang sinabi niya ng makita ko ang isang kahon ng beer.


“Sige!”


“Oo ba!”


“Masaya ‘to!”


Yeah, right. Sila lang naman ang mag-e-enjoy.


“Lahat kasali. Walang KJ.”


“Wait, guys!” Napalingon ako kay Crizzy. Hawak niya ang tiyan niya. “May tatawagan lang ako. Emergency lang. I’ll be right back.” Binulungan niya ako. “Masaki ang tiyan ko, bessy. Mukhang labag sa loob ng mga mokong na ‘yan ang panlilibre ng food satin.”


“Sige na. Pumunta ka na sa pupuntahan mo.” bulong ko din.


“Wag kang iinom, okay. Remember the first and last time you drink? Consequence lang lagi ang piliin mo.” bulong pa rin niya.


“Oo na.”


Nagsimula na kaming maglaro. Paiikutin yung bote at kung sinong matapatan, siya ang pipili between consequence or one glass shot.


At kung sinuswerte ka nga naman. Ako pa unang natapatan ng bote. At base na rin sa ngitian ng mga mokong na ‘to, alam ko na ang ipapagawa nila sakin kapag consequence ang pinili ko.


“One glass shot.” sagot ko.


“Jonah.” Allen said. “Isang baso ‘yan.”


“So?” Kesa naman kung anu-anong ipagawa sakin nila Kai. Napalunok ako ng ilang beses habang nakatingin sa basong hawak ko. Kaya ko ‘to! Fighting! Pikit-matang ininom ko ang laman ng baso. Ilang beses kong kinurap ang mga mata ko pagkatapos. Omeged!


“Jonah, okay ka lang?”


“Okay ka lang, girl?”


“Oo naman, guys! Back to the game!”


Hindi ko na alam kung ilang beses akong natapatan ng bote. Na mukhang love na love ako. Basta ang alam ko, umiikot na ang paligid ko. Dahil hindi ko talaga pinili ang consequence.


“An dyaya niyoh, guyhz ah...” Pinagtuturo ko silang lahat. “Lagih nah lang akoh... An dyaya-dyaya niyoh... Mey ghalit kayoh shakin noh...”


“Girl, lasing ka na. Paulit-ulit ka na lang, eh. Ihatid ka na namin sa kwarto.”


Itinaas ko ang kamay ko. “Weytaminute... walah fah shi beshy koh weh...”


“Okay. One more game. Then we’re done!”


Hindi ko alam kung sinong poncho pilato ang magsalita no’n. Hindi ko alam dahil umiikot na ang mundo ko.


“It’s your turn, Allen!”


“Kiss Jonah!”


“Hey! Lasing na nga yung tao, eh!”


“Mga mokong talaga kayo!”


Wala na kong maintindihan sa sinasabi nila. Sinubukan kong tumayo nang may umalalay sakin. Kumapit ako sa braso niya kung sino man siya. I can’t even stand still.


“Go, Allen!”


“Kiss her now!”


“Hey, guys! That’s foul!”


“It’s just a game!”


Hanggang sa maramdaman kong may humila sakin. At ang paglapat ng mainit na bagay na ‘yon sa labi ko.

- E N D  O F  F L A S H B A C K –


Napakurap ako ng makarinig ako ng sunod-sunod na katok mula sa labas ng kwarto.  “Ate Jonah!” Si Matt ang nasa labas.


Ni-lock ko pala ang pinto kaya hindi siya makapasok. “Yes, Matt?”


“Pinapatawag ka na nila mama.”


Napapikit ako. “Pakisabi naman na sumakit ang ulo ko. Magpapahinga na muna ko.”


“Uminom ka na ba ng gamot?”


“Yes, Matt.”


“Sige, ate. Magpahinga ka na lang dyan. Wag ka kasing nakatutok sa laptop mo.”


“Okay. Wag ka ng maingay dyan at matutulog na ko.”


Wala na kong narinig. I sighed.


I know na magkikita-magkikita pa rin kami. Mamaya o bukas. Pero wag muna ngayon. Ayoko pa...

= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^