Saturday, May 25, 2013

One Summer Love 2 - "Second Time Around" : Chapter 8



Chapter 8
[ JONAH’s POV ]


“Ate!”


“Hmm...” May tumatawag ba sakin?


“Ate!” Naramdaman kong may tumapik sa braso ko.


Dahan-dahan kong iminulat ang isang mata ko. Si Demi ang nakita ko. Pinikit ko ang mata ko. “Inaantok pa ko, Demi...”


“Nasa labas sina mama.”


“Ano naman...”


“Nalaman nilang uminom kayo kagabi.”


“Kayo?”


“I woke up early, eh. Kayo ni Matt, parehas pa ring bagsak, eh, tanghali na.”


“What time is it?”


“Almost ten am.”


Dahan-dahan akong bumangon habang nakapikit pa rin ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko. “Aray...”


“Uminom ka din pala kagabi? Akala ko ba ayaw mo?”


Niyakap ko ang tuhod ko. Ayoko ng alalahanin kung anong nangyari kagabi. “Nakakainis…” Tiningnan ko siya. “Paano nila nalamang uminom tayo?”


“May nakita silang bote sa ilalim ng sofa.”


 Napailing ako. “Galit ba sila?”


“Hindi naman. Tinanong lang nila kung sino tayong uminom kagabi.”


“Tapos?”


“Sinabi kong kami. Tapos, dinagdag ka ni Matt na uminom ka din daw.”


“Kailan ba sila dumating?”


“Kanina lang. Gising na ko dumating sila, eh.”


Dahan-dahan akong tumayo kahit ramdam ko ang sakit ng ulo ko.


“Ate, sa’n ka pupunta?”


Lumabas ako ng kwarto. Naabutan ko sina papa na kausap si Matt. “Pa, Ma.” Napalingon sila sakin. “Bakit hindi po ninyo sinasagot ang tawag ko kagabi? At bakit ngayon lang po kayo?”


Nagkatinginan ang parents ko. Tumayo si mama at lumapit sakin. “Ang mabuti pa, maligo ka na muna para matanggal ang hang-over mo.” Inakay niya ko palapit ng restroom.


“Pero, ‘Ma...” Bahagya niya kong tinulak papasok ng banyo. “Sinadya ninyo po bang umalis at iwan kami kagabi? Para ano?” Yun talaga ang nabuo sa isip ko kagabi, eh.


Tinapik niya ang ulo ko. “Ang dami mong iniisip, Jonah. Ang dapat sa’yo, nag-eenjoy din paminsan-minsan. Nag-enjoy ka ba kagabi?”


“Hindi po. Sige po, maliligo na ko.” Sinarado ko na ang pintuan. Binuksan ko agad ang shower at tumapat sa tubig. Ni hindi ko na hinubad ang suot kong damit. Umupo ako sa tiles. “Ano kayang ginawa ko kagabi habang lasing ako?” Napahawak ako sa ulo ko. Pinikit ko ang mata ko. Mukha ni Lynuz ang nakita ko. “Bakit ba kasi nakita pa kita? Hindi ko na sana mararamdaman ‘tong nararamdaman ko ngayon. Nakakainis ka...”


- F L A S H  B A C K –

“Bessy.”


Napalingon ako sa likuran ko. Si Crizzy. Umupo siya sa tabi ko. Nandito kami sa tabi ng dagat. Pinagmamasdan ko mga bituin sa langit.


“Nasa’n ang boyfriend mo?”


“Nagpapanggap lang kami, okay.”


“Hindi halata.”


“Crizzy. Pwede ba.”


“Fine.”


“Nasa’n sina Mylie?”


“Nasa bar sila.”


“Bakit hindi ka sumama?”


“Wala kang kasama dito.”


“Umalis lang saglit si Lynuz. May pupuntahan lang daw siya.” Pero ang totoo kanina pa siya.


“Saan naman?”


“Kailangan ko pa bang malaman ‘yan?” Pero ang totoo, may sinamahan siyang babae kanina.


Naglalakad kami ni Lynuz. At kasama namin ang kambal niyang si Zyruz. Wawa naman daw kasi walang kasama. Nang may lumapit na babae samin at hinila si Lynuz.

“Zyruz, ang sabi mo sasamahan mo akong mag-swimming?”

“He’s not Zyruz, miss.” singit ko.

“He’s Zyruz. Ba’t mas marunong ka pa sakin?”

Aba’t! “Alam mo—”

“I’m Zyruz.” singit ni Lynuz sakin.

Tiningnan ko siya. At ang kambal niyang si Zyruz. “Ano ‘to?” tanong ko sa kanila.

“Ikaw nang bahala, Lynuz.” Tinapik ni Lynuz sa balikat si Zyruz. Bago ako tingnan. “Babalik ako.” Iyon lang umalis na siya kasama ng babaeng nakakapit sa braso niya.

“Anong drama no’n?” tanong ko kay Zyruz.

“Selos ka naman?”

Tiningnan ko siya ng masama. “Hindi.”

“Okay. Babalik din ‘yon. May utang kasi siya sakin kaya bayad niya ‘yon.” Tinapik niya ang balikat ko. “Masasanay ka rin sa kaniya. Samin. Marami pang babaeng darating, Jonah. Tibayan mong loob mo.” Iyon lang at iniwan na rin niya ko.


“Jonah!”


Napakurap ako at napalingon kay Crizzy. “Ano na naman?”


“Tulala ka kasi, eh. At bakit parang inis ka?”


“Nakaka-frustrate lang kasi.”


“Frustrated ka kasi hindi naman totoong kayo pero kung kumilos siya, parang totoo. And you’re frustrated because you wish na sana totoo na lang ang relasyon ninyo. And you’re frustrated because you’re starting to like him na at naguguluhan ka. O baka naman na-fall ka na sa kaniya.”


Napalingon ako sa kaniya. “Crizzy!”


“Basang-basa kita, Jonah. We’re bestfriends since highschool. But I just want to remind you, girl, na matatapos na ang pagpapanggap ninyo ngayong gabi. Uuwi na tayo bukas, okay. Kaya kung ano man ‘yang nararamdaman mo—”


“I know.”


Natahimik kaming dalawa. Pinagmasdan ko ang dagat. Hindi ko alam, pero parang nakaramdam ako ng lungkot. Kahapon ko lang nakilala si Lynuz. Pero parang ang tagal na naming magkakilala. Although, wala kaming alam sa isa’t isa maliban sa mga pangalan namin. Hindi naman kasi kami makapag-kwentuhan dahil lagi rin namang kasama sina Crizzy.


Si Lynuz. Ang kakulitan niya. Ang ka-sweetan niya. Ang pagiging gentleman niya. He’s a perfect boyfriend material. Kaya siguro maraming babaeng nahuhulog sa kaniya. At isa na ko do’n. I sighed.


“Hey.” Napatingin ako sa brasong humawak sa balikat ko. Napalingon ako sa tumabi sakin. “Sorry kung natagalan ako, babe.”


Nakatingin lang ako sa kaniya. At gano’n pa rin ang pagtibok ng puso ko kapag kaharap ko siya. Mabilis. Alam kong hindi pwede, pero wala na bang extension ‘tong pagpapanggap namin? Because I’m—


Napakurap ako ng may pumisil sa ilong ko.


“Jonah. Yuhoo! I’m here!”


Umiwas ako ng tingin sa kaniya. “Sorry.”


Tinabig niya ko ng bahagya. “Iniisip mo ba ko? Ikaw talaga. Namiss mo agad ako.”


I pouted. “Hindi, ah.”


“Weh?”


“Hindi nga!”


“Eh, paano ba ‘yan? Namiss kita, eh.”


Hindi ko mapigilang mapangiti. Sino bang hindi mahuhulog sa kaniya?


“Ehem! Ehem!” Sabay kaming napalingon kay Crizzy. “Nandito pa ko, guys. Hindi ako invincible.” Pinanlakihan ko siya ng mata. “Aalis na nga muna ko.” Tumayo na siya at iniwan kami ni Lynuz.


“Sa’n mo gustong pumunta, babe?”


Nasanay na rin ako sa pagtawag niya sakin ng babe. Na parang hahanap-hanapin ko kapag naghiwalay na kami.


“Jonah.”


“Hah?”


“May problema ba?”


“Wala.” Tumayo ako. “Pumunta tayo ng bar.” Tumayo na rin siya. Humakbang na ko ng pigilan niya ang braso ko. Nilingon ko siya. “Bakit?”


“Wag kang maiinlove sakin, ah.” Natigilan ako sa sinabi niya. Ni hindi ko magawang sumagot. “Hindi ka pwedeng mainlove sakin.”


“Bakit?” lakas-loob na tanong ko.


“Because I don’t know what will I do kapag nainlove ka sakin. Maraming babaeng nakapaligid sakin. Baka masaktan lang kita.”


Pinilit kong ngumiti kahit parang maiiyak ako. Bakit kailangan niya pang sabihin sakin ‘yan ngayon? Bakit ngayon pa kung kailan nagustuhan ko na siya? Ganito ba ang feeling ng bigo?


“Don’t worry. Hindi ako maiinlove sa’yo. Tutal naman, hindi na tayo magkikita bukas at matatapos na din ang pagpapanggap natin ngayon. Thank you nga pala. Let’s go.” Tumalikod na ko. Kinagat ko ang labi ko. Nakakainis naman siya!


“Jonah!”


Saktong paglingon ko sa kaniya ay niyakap niya ko. “Lynuz...”


Humigpit ang pagkakayakap niya sakin. “Pwede bang totohanin na natin ‘tong pagpapanggap natin?”


Nanlaki ang mata ko sinabi niya. Ni hindi ko magawang magsalita.


“Lynuz!”


Napalingon ako sa likuran ko. May babae akong nakitang palapit samin. Dahan-dahang kumalas sakin si Lynuz. “Kaycee.” narinig kong sabi niya.


Sinalubong ng sampal ng babae si Lynuz. “Alam kong si Lynuz ka! I just saw your twin! And I hate you! Pumunta ko all the way here para makipag-ayos sa’yo! Tapos ito ang madadatnan ko!” Binalingan ako ng babae. Ni hindi ko naiwasan ang ginawa niyang pagsampal sakin sa gulat ko dahil sa biglang pagdating niya. Napangiwi ako sa sakit. Ni hindi ko magawang magsalita.


“Kaycee!” Inilayo ako ni Lynuz sa likuran niya.


“At ‘yang babae pa talaga ang kinampihan mo! Magsama kayo!” Nagmartsa paalis ang babae.


“Jonah, okay ka lang?” tanong ni Lynuz. Hinaplos niya ang pisngi kong nasampal. Umiling ako. “Dito ka lang, okay. Babalik ako.” Hinawakan ko ang braso niya. Ni hindi ko magawang sabihin na dito lang siya. Hinaplos niya ang pisngi ko. “Saglit lang ‘to.” Then he kissed my nose. Iyon lang at iniwan na niya ko.


Ang tagal ko pa sa kinatatayuan ko nang unti-unting nag-sink in sakin ang nangyari kanina. Girfriend ni Lynuz ang babaeng ‘yon. Girlfriend niya!


Hindi ko alam pero nagsimula akong humakbang pasunod kina Lynuz. Para lang mapatulala sa makikita ko. Lynuz was kissing that girl! Humakbang ako paatras. Napahawak ako sa pisngi ko. “Ang sakit...” Tinalikuran ko sila. At nagmamadaling umalis sa lugar na ‘yon.


Hinalikan niya ko! Pumayag siyang magpanggap kami! He acted as my real boyfriend! He did things that made me fell for him! Nahulog naman ako sa kaniya! Then suddenly told me na hindi siya pwede mahalin?! Pero bakit niya pa sinabing totohanin na namin ‘to?! Yun pala my girlfriend siya! Hindi niya ko sinalo when I fell for him, tapos kukunin niya ulit ang kamay ko para bitawan din sa huli! Ilang segundo lang ‘yon, umasa ako, eh! Pero ano ‘tong ginawa niya sakin? Pinaglaruan lang niya ko! At ako naman ‘tong si tanga, nakisakay sa laro niya!


“Jonah.” May humawak sa braso ko. Napalingon ako sa taong ‘yon.


“Allen.”


“Did you saw it, too? Si Lynuz ba ‘yon?” tanong niya.


Umiling ako. Pag inamin kong si Lynuz ‘yon, magmumukha lang akong tanga.


“It’s okay.” Niyakap niya ko. Wala siyang sinabi. Hanggang sa magsimulang pumatak ang luha ko. Hindi ko alam kung bakit ba ako umiiyak? Hindi dapat ako umiyak. Pero hindi ko mapigilan. Because in just two days of summer, I fell in love with a guy. Sa isang lalaking pag-aari ng lahat ng babae. And it’s not okay!


At tama si Zyruz sa sinabi niya sakin kahapon. Tama siya.


“I want to go home...”


“Pero bukas pa ng maaga ang alis natin.”


“I want to go home now...” I hate him! I hate this place!

 - E N D  O F  F L A S H  B A C K –


Napakurap ako ng makarinig ako ng katok sa pintuan ng banyo. “Ate! Hindi ka pa ba tapos?”


Tumayo ako mula sa pagkakaupo. “Malapit na, Matt.”

= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^