Saturday, May 25, 2013

One Summer Love 2 - "Second Time Around" : Chapter 3


Chapter 3
[ JONAH’s POV ]


Bitbit ang laptop ko ay sumilip ako sa labas ng kwarto. Walang tao. Yes! Dahan-dahan kong lumapit sa bintana. Sumilip ako sa labas. Ang parents ko lang at ang parents nila... Hmp! Nasa’n kaya sina Matt at Demi?


Hindi ako pwedeng lumabas dito sa front door. Makikita nila ako. Hmm... Napangiti ako. May daan nga pala sa mini kitchen nitong cottage. Sa bintana. Pero nawala din ang ngiti ko sa naisip ko nang may maalala ako. Iniling ko ang ulo ko. “Wag mo na ngang isipin ‘yon, Jonah.” Humakbang na ko sa mini kitchen. Malaki naman ang bintana. Kasya lang ako. Kumuha ako ng upuan. Pagkatapos ay sumampa sa bintana. Ingat na ingat ako na hindi mahulog ang dala kong laptop. Madilim na kaya alam kong walang makakakita sakin.


“Anong ginagawa mo?”


“Ay anak ng pating!” Sa gulat ko sa nagsalitang ‘yon ay nadulas ang paa ko. Okay na sana, eh. Makakalabas na sana ako ng ligtas at walang gasgas, kung hindi lang sa boses na ‘yon. Hinintay kong may sumakit sa katawan ko. Pero wala akong naramdaman.


“Got you.”


Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Sinalubong ako ng isang mukha. Isang nakangiting mukha. Ang ngiting hindi ko makakalimutan. Ang ngiting...


“Long time no see, babe.”


Dahil sa sinabi ng taong ‘to ay napakurap ako. Saka ko lang na-realize na kaya hindi ako nasaktan dahil sinalo niya ako. Ang lalaking ‘to! Parang replay na bumalik sakin ang lahat-lahat ng nangyari noon habang nakatingin ako sa kaniya. Bakit ba ako natameme kanina? Nakakainis! “Can you please put me down?” madiing sabi ko.


“I can’t.”


“I said—“ Mabilis niya kong binaba. Yakap ko pa rin ang laptop ko.


“Long time no see, babe.” ulit niya sa sinabi niya kanina.


“I’m not your babe, Zyruz.” may diing sabi ko sa pangalan niya. How dare him!


Hindi ko masyadong nakita ang reaksyon ng mukha niya dahil sa dilim. Pero I saw how he slowly smiled. “Don’t pretend that you didn’t know me, babe.”


“I’m not pretending that I didn’t know you. I know you’re Zyruz. How can I forget that face of yours?”


Humakbang siya palapit sakin. “Small world, huh?” sabi niya na parang hindi narinig ang sinabi ko. “Dito pa talaga tayo nagkita. Or should I say, dito pa talaga tayo uli nagkita.”


“Wag kang lalapit.” Umatras ako dahil patuloy lang siya sa paghakbang palapit sakin. Wrong move. Dahil napasandal lang ako sa pader. Isang hakbang na lang ang lapit niya sakin. “Stop right there!”


Tinakpan niya ang bibig ko. “Hey. You don’t need to shout.” Tumingala siya sa bandang ulunan ko. “Nothing change, huh. Ang hilig mo pa ring tumakas sa bintana.”


Inis na tinanggal ko ang kamay niya sa bibig ko. “Ano bang ginagawa mo dito?”


“I’m with my family which happened to be your parents long time friend.”


“That’s not what I’m asking!”


“Gusto mong malaman? Fine. Alam kong arte mo lang yung pagsakit ng ulo mo. Nagamit mo na ‘yan dati diba? At alam kong nakita mo na ko kanina kaya hindi ka lumabas ng cottage ninyo. At alam ko ding dito ka lalabas sa bintana ng kusina ng cottage ninyo para tumakas.” He smiled. “Ang talino ko noh? Kaya lang ang tagal mo naman, babe, pinapak na ko ng lamok dito.”


Talagang hinintay niya ko dito? Nakakainis! “I said don’t call me, babe, Zyruz.”


Sumeryoso ang mukha niya. “Isa pang banggit sa pangalan na ‘yan...”


“Bakit? Anong gagawin mo, hah?”


Inilapit niya ang mukha niya sakin. “Hahalikan uli kita. You heard me, babe? Hahalikan uli kita.” Makahulugan siyang ngumiti.


- F L A S H  B A C K –

 Nagising akong parang pinupukpok ang ulo ko. “Aray...” Napahawak ako sa ulo ko. Dahan-dahan akong umupo sa kinahihigaan ko. Narinig kong nagbukas ang pintuan ng kwarto. Pero hindi ako lumingon.


“Ayan ang napapala ng mga matitigas ang ulo.”


“Crizzy... wag ka ng dumagdag, okay...” Humiga uli ako. “Anong oras na ba?” tanong ko.


“Alas diyes na po.”


“Ng gabi?”


“Ng umaga.”


“Ano ba ‘yan...”


“Kasasabi ko lang kasi sa’yo na wag kang iinom. Pero anong ginawa mo? Uminom ka pa rin.”


Ipinikit ko ang mga mata ko. “Dahil alam kong puro kalokohan ang mga naisip nila Kai kagabi... Buti sana kung wala si Allen... Bakit ba kasi ang tagal mong bumalik?”


“Ako pa talaga ang sinisi? Kasalanan ko bang sumpungin ang tiyan ko kagabi? Ikaw, kasalanan mo ‘yan. Alam mo namang hindi ka sanay uminom, sumige ka pa rin.”


She’s right. The first and the last time na uminom ako, siya ang kasama ko. Sa bahay niya ng minsang maki-sleep over ako. Wala kasi ang parents niya no’n. Uminom kami. Hindi ko na alam kung anong nangyari pagkatapos kong malasing. Kinuwento lang niya pagkagising ko kinabukasan. Na para daw akong sirang plakang pauli-ulit sa mga sinasabi ko hanggang sa makatulog ako.


“Bessy... anong nangyari kagabi after kong malasing? Anong nangyari sakin? Paano ako nakarating dito?”


“Wala kang matandaan?”


“Magtatanong ba ko kung mero’n?”


“Wala rin akong alam. Nagulat na lang ako ng paglabas ko ng restroom ay buhat ka na ng boyfriend mo.”


“Boyfriend ko?!” Bigla akong napabangon para lang mapahiga uli. “Ouch...”


“Yeah, yeah. Boyfriend mo na hindi mo man lang pinakilala sakin.”


Naramdaman ko sa boses niya na nagtatampo siya. Pero ano bang boyfriend ko daw ang pinagsasabi niya?


“Ang mabuti pa. Si Mylie na lang ang tanungin mo. Siya ang kasama ng boyfriend mo ng ihatid ka dito sa cottage natin. May gamot dyan sa side table.” Hindi na ako nakasagot hanggang sa marinig kong nagbukas-sara ang pintuan.


“Ano bang boyfriend ang pinagsasabi niya?” Mas lalong sumakit ang ulo ko sa mga sinabi niya.


= = =


Nandito ako sa restaurant ng resort kasama si Mylie. Ayaw akong pansinin ni Crizzy dahil sa boyfriend issue na ‘yan na wala naman akong kaalam-alam. Masakit pa rin ang ulo ko until now kaya mamaya ko na lang kakausapin ang bestfriend kong may tampururot sakin after kong maliwanagan muna sa boyfriend issue na ‘yan.


Hindi pa ako nagsisimulang magtanong ay dumaldal na agad si Mylie. Typical Mylie. Madaldal talaga siya.


“Ang gwapo ng boyfriend mo, girl! May kapatid ba ‘yon? Pakilala mo naman sakin.”


“Sinong boyfriend?”


“Yung boyfriend mo. Teka, ano bang pangalan niya? May uz ‘yon sa dulo, eh. Hindi ko maalala dahil once lang niyang sinabi ‘yon. Bakit naman sinekreto mo pa samin na may boyfriend ka na? Kung ako sa’yo at kung gano’n ka-gwapo ang boyfriend ko, pinagkalat ko na school natin.”


“Sumasakit ang ulo ko sa’yo, Mylie. Pwede ba wala akong boyfriend.”


“Sows! Hinalikan ka nung tao, tapos hindi mo boyfriend? Don’t worry, hindi naman namin siya aagawin sa’yo, eh. Sa’yong—”


“Hinalikan niya ko?!”


“Oo. Teka, ba’t parang galit ka? Ah! Sinabi nga pala niyang may LQ kayong dalawa. At ang sweet ng boyfriend mo, hah. Talagang sinundan ka pa hanggang dito para amuin ka.”


Lalong nagsalubong ang kilay ko. “Sino ba ‘yang lalaking ‘yan, hah? Ipakita mo nga sakin!”


“Talagang malaki ang tampo mo sa kaniya, hah.” Napailing siya. “Kung ako sa’yo—”


“Nasa’n siya, Mylie?!”


“Galit ka ba, Jonah? Para kasing susugod ka sa gyera.”


Huminga ako ng malalim. Chilax lang, Jonah. Kung sino mang poncho pilato ‘yon, humanda siya sakin! “Nasa’n siya, Mylie? Nakita mo ba siya ngayong palibot-libot dito?” Ni hindi ko nga alam ang mukha ng mokong na ‘yon! Humanda talaga siya sakin! Ganitong masakit ang ulo ko!


“Wala ka bang number ng boyfriend mo?”


“Di-nelete ko. May LQ nga kami diba?” pakikisakay ko sa kaniya.


“Ikaw talaga. Hmm... Hindi ko pa siya nakikita, eh.” Nanlaki ang mata niya. “Ayun ang boyfriend mo!” May tinuro siya likuran ko. Isang lalaki lang naman ang nakikita ko.


“Siya? Sure kang siya? That guy in white shirt?”


“Alam mo ang weird mo. Boyfriend mo, hindi mo kilala.”


“May LQ nga kami diba? Kaya hindi ko siya kilala.” Tumayo ako. “Kakausapin ko lang siya.” Magtutuos kami ng lalaking ‘yon!


“Okay, girl! Magkabati na sana kayo!”


Sinundan ko ang lalaki. Maraming tao sa paligid namin kaya hindi ko siya pwedeng sitahin. Maghahanap ako ng tiyempo kung sa’n kami lang dalawa. At tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Talagang sa volleyball area pa ng resort nagpunta ang bwisit na lalaking ‘to. May mga naglalaro pero malayo naman sila samin ng lalaki. Huminto ang lalaki sa isang bench. Mabilis akong lumapit sa kaniya. Paupo na siya ng kalabitin ko siya. Napalingon siya sakin. Tama nga si Mylie. Gwapo siya. But I don’t care!


“Bakit, miss? May kailangan ka sakin? Gusto mo bang makipagkilala?” he extended his hand. “I’m—”


“Don’t act like you didn’t know anything.” Humalukipkip ako. “Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa harap ng mga kaibigan ko na boyfriend kita! Ang kapal ng mukha mo para halikan ako! I don’t even know you! How dare you! Anong LQ ang pinagsasabi mo? Siguro, stalker kita noh? At sinundan mo ako hanggang dito? Alam mo bang pwede kitang ipa-pulis ngayon din? May titong kong pulis, at kasama ko siya ngayon.” Syempre hindi ‘yon totoo.


“Teka lang, hah. Isa-isa lang, miss. Mahina ang kalaban.”


“Zyruz!”


Sabay kaming napalingon sa likuran niya. Nanlaki ang mata ko habang palapit ang isang lalaki samin. Hindi lang dahil sa wala siyang pantaas at naka-short lang siya. Idagdag pa na basa ng pawis ang katawan niya, pati mukha niya. Hindi lang dahil sa ngiti niya na para siyang nasa commercial ng toothpaste.


Fine! Dahil din do’n kaya ako parang ewan na nakatanga lang hanggang sa tuluyan siyang makalapit samin. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ilang beses kong kinurap ang mga mata ko. Kambal sila?


“Hello, Jonah!” nakangiting bati ng lalaking lumapit samin. Syete! Bakit ganyan siya makangiti? Ba’t ang gwapo-gwapo niya sa paningin ko kahit basa na ng pawis ang mukha niya. At bakit ganito ang reaksyon ng puso ko? Bakit pabilis ng pabilis habang pinagmamasdan ko siya?


Pero teka, bakit ganito ba ang reaksyon ko sa kaniya? Eh, magkamukha lang naman sila nitong lalaking nagpanggap na boyfriend ko? Teka, lang! Talaga bang itong lalaking sinita ko ang humalik sakin o itong lalaking bagong dating?


Sana, itong bagong dating na lang.


Teka, ano daw? May sinabi ba ko? Umayos ka nga, Jonah!


Ilang beses akong tumikhim. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. “Sino sa inyo ang nagpanggap na boyfriend ko?”


“Ako.” sabay na sagot ng dalawa.


Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko. “Sino nga sabi?”


“Ako nga.” chorus na naman nilang sagot. Nagkatinginan ang dalawa.


“Ako ‘yon, Lynuz.”


“That’s me, Zyruz.”


“Sige nga, sabihin mo nga ang nangyari kagabi.”


“She was drunk last night. I kissed him in front of her friends. And introduced myself as his boyfriend. Binuhat ko siya hanggang sa cottage nila. Sinukahan pa nga niya ko.”


“Yak! Kaya naman pala amoy suka ka kagabi.”


“Magtigil nga kayong dalawa!” singit ko. Mga kumag na ‘to! Sabay silang napalingon sakin. Humakbang ako ng isang hakbang.


Pak!


Pak!


“Yan ang bagay sa inyo! Mga bwisit!” Iyon lang at tinalikuran ko na silang dalawa.


“Ouch! Ang sakit, ah”


“Kasalanan mo ‘to, Lynuz. Nanghahalik ka na lang kasi bigla. Saka, ang dami namang babae, bakit pinagpipilitan mo pa ang sarili mo sa babaeng ‘yon?”


“Hindi ko pinagpipilitan ang sarili ko, okay. I just helped her.”


“Yan ka na naman sa heroic act mo, eh. Why don’t you quit schooling and pursue your dream to be a superman?”


“Shut up! Kasalanan mo ‘to. Bakit ba kasi sinabi mong ikaw ako?”


“Anong bago do’n? Para namang hindi natin ginagawa ‘to. At kasalanan mo. Pag napingasan ang gwapo kong mukha, I’ll sue you.”


“Suso your face!”


“Inlove your face!”


“Shut up!”


Mga bwisit talaga sila! At kilala ko na kung sino sa kanilang dalawa ang salarin. Ang Lynuz na ‘yon!


“O, ano, Jonah? Okay na kayo ng boyfriend mo?”


Napahinto ako ng salubungin ako ni Mylie. “Hindi.” Iyon lang at tinalikuran ko siya.


“Hey, girl!”


“Mainit ang ulo ko ngayon, Mylie. Sumasakit pa ang ulo ko. Kaya wag ka ng dumagdag.”


Pero parang wala siyang narinig sa sinabi ko dahil sinundan pa rin niya ko. “Alam mo, girl. Dapat nga mag-thank you ka pa sa boyfriend mo, eh.”


Hindi ako sumagot.


Nagpatuloy siya. “Kung hindi siya dumating, baka nahalikan ka na ni Allen. Sa lips pa kamo. Eh diba, iniiwasan mo siya to the max? Ang lakas naman kasi ng trip nila Kai. Nakita na ngang lasing ka na, ayaw pa ring tumigil. Pinagalitan nga ng boyfriend mo sina Kai. Edi natameme sila kagabi. Pati si Allen, tameme din. Tameme sila sa kagwapuhan ng boyfriend mo. Hay naku, kung nakita mo lang ang ginawa ng boyfriend mo kagabi. For sure, hindi ka na magagalit sa kaniya.”


Bigla akong napahinto dahil sa mga sinabi niya. “Pinapalabas mo bang pinagtanggol ako ng lalaking ‘yon?”


“Oo naman. Ang sweet kaya niya lalo ng buhatin ka niya. Kadiri ka, girl! Sinukahan mo pa siya. Ano nga uling pangalan ng boyfriend mo?”


“Zy—Lynuz.” sagot ko. Siya yung lalaking topless kanina. At hindi ko siya boyfriend. Pero bakit siya nakialam kagabi? Bakit kailangan niya pa akong halikan sa harap ng mga kaibigan ko? Napahawak ako sa labi ko.


“Uyy... Naaalala niya si Lynuz. Bati na sila.”


Nilingon ko si Mylie. “Hindi ko siya boyfriend.” Tinalikuran ko na siya.


“Ngek! Galit ka pa rin sa kaniya?”

= = =

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^