Saturday, May 25, 2013

One Summer Love 2 - "Second Time Around" : Chapter 4


Chapter 4
[ JONAH’s POV ]


Continuation of flashback…


“Bessy, may bisita ka sa labas.”


Napaangat ang tingin ko mula sa laptop ko. “Sino?”


“Lynuz, your boyfriend.”


“What? Anong ginagawa ng lalaking ‘yon dito?”


“Dumadalaw.” Hanggang tenga pa ang ngiti niya.


“I don’t like your smile, Crizzy. At hindi ko siya boyfriend.” Nakwento ko na sa kaniya kanina ang kwento sa likod ng boyfriend issue na ‘yan. Lahat-lahat. Kaya nga, nawala na ang tampo niya sakin.


“Yeah. Yeah. Pero ang gwapo ng boyfriend mo, hah.”


Pinanlakihan ko siya ng mata. “Crizzy!”


“Fine. Pero ang pagkakaalam nila Mylie, boyfriend mo siya. At kung ipagpipilitan mo na hindi mo siya boyfriend, ikaw din ang mapapahiya. Hinalikan ka lang naman ng lalaking hindi mo naman kilala sa harap ng mga kaibigan natin. Alam mo naman ang takbo ng mga uatak no’n. At kung ako sa’yo, lalabas na ako ng cottage natin dahil pinuputakte na nila Mylie ang Lynuz na ‘yon. Ikaw din.”


“Tell him na masakit pa rin ang ulo ko.”


“Ikaw ang magsabi.”


“Crizzy. Sige na. Please.. Ayokong humarap sa kaniya. Nahihiya ako. eh. Sinampal ko lang naman sila ng kambal niya kanina. Ni hindi ko inalam ang buong kwento. Pero kasalanan din naman niya, hinalikan niya ko, eh.”


She grinned. “Yeah. Your first kiss.”


“Just shut up and tell him.” Nagtalukbong akong kumot.


“Bahala ka na nga.” Narinig kong nagsara ang pinto. Dahan-dahan akong bumangon. Sumilip ako sa pintuan. Nakita kong lumabas ng cottage si Crizzy. Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto at pumunta ng kusina. Alam kong babalikan pa rin niya ko kaya tatakas na muna ako.


Kumuha ako ng upuan at sumampa sa bintana. “Buti na lang at may bintana dito.” Nakasampa na ko sa bintana. Nailabas ko na ang isang paa ko ng...


“Bessy! Anong ginagawa mo dyan?”


“Ay anak ang pating!” Nadulas ang isang paa ko. Nakalabas nga ako ng bintana. Yun lang, para akong palaka ng makalabas. “Aray...”


“Okay ka lang, bessy?” narinig ko pang tanong ni Crizzy.


“Do you think I’m okay?”


“Wait lang. Pupunta ko dyan.”


Umupo ako ng makita ko ang gasgas at sugat sa magkabilang tuhod ko. Napangiwi ako. “Ang malas ka naman... tatakas na nga lang, nagkasugat pa.”


“Bakit ka ba kasi tatakas?”


Napalingon ako sa gilid ko. Nagulat ako ng makita si... si... Bumilis ang tibok ng puso ko. Si Lynuz. “I-ikaw?”


“Ba’t parang nagulat ka? Patingin nga.” Hinawakan niya ang tuhod ko. Para akong napaso sa pagkakahawak niya kaya iniwas ko ang tuhod ko.


Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Napatingin din siya sakin. Ngumiti siya. Umiwas agad ako ng tingin. Nagulat na lang ako ng bigla niya kong buhatin.


“Hey!”


“You can’t walk, babe.”


“Anong babe ka dyan?!”


“Shhh...”


“Jonah.” Napalingon ako kay Crizzy na ngayon ko lang napansin. Ba’t ngayon lang nga ba? Pinanlakihan niya ko ng mata na parang nagsasabing tumahimik na lang ako. Saka ko lang din napansin na nakasunod samin sina Mylie at ang dalawa naming kaibigan.


“Ano bang ginagawa mo dito?” bulong ko sa kaniya.


“Dinadalaw ang girlfriend ko.” Then he winked. Napakurap na lang ako. At natahimik hanggang sa makapasok kami ng cottage. Ibinaba niya ko sa sofa. “May first aid kita ba kayo dyan, Crizzy?” tanong niya sa kaibigan ko na parang close na close na sila.


“Alcohol at bulak lang ang dala ko, eh.”


“Pwede na ‘yan.”


“Kunin ko lang sa room.”


“What? Lalagyan mo ng alcohol ang sugat ko? No way!”


He just smiled. “Yes way!”


Binigay ni Crizzy ang alcohol at bulak kay Lynuz. “Let’s go, girls.” Hinila niya sina Mylie palabas ng cottage.


“Wait lang, Crizzy. Dito na lang kami.” protesta ni Mylie.


“Kailangan nilang mag-usap. Nang sila lang.” kontra ni Crizzy.


“Crizzy!” protesta ko.


Pinanlakihan niya ko ng mata. “Mag-usap kayo.”


“Pero...”


Tuluyan na silang nakalabas ng cottage. Kami na lang ang naiwan ni Lynuz. Nag-indian seat siya sa harap ko. Kinuha niya ang isa kong paa at pinatong sa hita niya. Nang akmang idadampi niya ang bulak na may alcohol sa sugat ko ay itinaas ko ‘yon sa sofa.


“Jonah.”


“Teka, paano mo nalaman ang name ko?” Hindi ko natanong ‘yan kanina ng sugudin ko sila ng kambal niya.


“Sasagutin ko ‘yan kung ibibigay mo sakin ‘yang tuhod mo. Bilis na. Baka may lumabas dyang kabayo, sige ka.”


Inirapan ko siya. “Hindi ako bata para sabihan mo niyan.”


“Kaya nga akin na para wala ng lumabas na kabayo.”


“Babasain ko na lang tubig.”


“Tubig? Anong magagawa ng tubig dyan?” He smiled. “Don’t tell me, takot ka sa alcohol sa laki mong ‘yan?”


Umiwas ako ng tingin. “I’m not.”


“You are.” Hinila niya ang paa ko.


“Lynuz.”


Natigilan siya. “You know me?”


Kumunot ang noo ko. “Narinig ko kanina habang magkausap kayo ng kambal mong si Zyruz.”


“I mean, hindi mo ako napagkamalang ang isang kambal ko.”


Umiling ako. “Nope.” Natigilan din ako. Oo nga noh. Para silang pinagbiyak na bunga. Ni hindi ko man lang napagkamalang siya si Zyruz.


He smiled. “Thanks, Jonah. That’s so sweet of you.”


“Hah? Anong sweet do’n?”


“That.”


“Anong that—Ouch!”


“Sorry.” Hinipan niya ang sugat ko na nilagyan niya ang alcohol. Napakurap na naman ako. Normally, kapag nilalagyan ng alcohol ang sugat ko, napapahiyaw ako. Yung exagge. Pero bakit sa kaniya, natatameme ako ng ganito? Kasi naman... He was so gentle. Nakakakonsensya tuloy ang ginawa kong pananampal sa kanila ng kambal niya.


I cleared my throat. “I know the whole story now. I’m sorry if I slapped you and your twin. Mainit lang ang ulo ko. Salubungin ba naman ako ng kwentong may boyfriend ako at hinalikan ako ng boyfriend ko, blablabla! May hang-over pa ko kanina tapos malalaman kong may nagnakaw ng halik sakin na hindi ko naman kilala.”


“I’m sorry about that.” hindi lumilingong sabi niya.


“For kissing me?”


“For your hang-over. And I’m not sorry for kissing you.” He’s not sorry for kissing me? Ano ‘yon? Ginusto niya na halikan ako? Tinapik niya ang binti ko. “Okay na.”


“T-thank you...” mahinang sabi ko. Iniisip ko pa rin yung sinabi niya, eh. He’s not sorry for kissing me?


“Hindi pa ‘yan tapos.”


“Hah?”


“May pupuntahan lang ako. Babalik din agad ako.” Pagkalabas na pagkalabas niya ay nagpasukan agad ang mga kasama ko.


“Bati na kayo?”


“Ang sweet naman ng boyfriend mo, girl.”


“Sana katulad din siya ni Kai.”


“Kaya pala binasted mo si Allen, may boyfriend ka na.”


“Girls.” saway sa kanila ni Crizzy. Tiningnan niya ko. Seryoso ang mukha niya hanggang sa unti-unti siyang ngumiti. “Anong nangyari, bessy? Okay na kayo ng boyfriend mo? Wala na ba kayong LQ? Hindi ka na galit sa kaniya? Pinatawad mo ba siya?” sunod-sunod niyang tanong.


Binato ko siya ng throw pillow na nadampot ko. “Baliw!”


Tinawanan lang niya ko.


Maya-maya ay may narinig akong katok kasabay ng pagdungaw ng ulo ni Lynuz.


“Ang bilis naman. Miss agad?” react ni Crizzy.


“Nakakamiss naman talaga ang girlfriend ko.” pakikisakay pa ni Lynuz. Lumuhod siya harap ko.


“You don’t need to pretend.” bulong ko sa kaniya.


“I have to.” Nilagyan niya ng band-aid ang magkabilang sugat ko. Tumayo siya. Akala ko aalis na siya. Pero nagulat na lang ako ng yumuko siya at yakapin niya ko. Nanlaki ang mata ko.


“A-anong ginagawa mo?” madiing bulong ko.


“I’m sorry pero hindi ko pwedeng sabihin na hindi talaga tayo. Ayokong pag-isipan ka nila ng masama ng dahil sakin dahil sa ginawa kong paghalik sa’yo kagabi.” bulong niya. Kumalas siya sakin. Kinuha niya ang kamay ko at may inilagay. “For your hang over.” Gamot ‘yon. “See you later, babe.” Tumalikod na siya para umalis nang humarap uli siya sakin. “I forgot something.”


“Hah?”


“Ito.”


He leaned on me. And kissed my nose. “Bati na tayo, okay? Ikaw lang naman ang love ko, eh. So don’t be jealous.”


Nakalabas na siya ng cottage ay para lang akong estatwa sa kinauupuan ko.


“Ang sweet talaga ng boyfriend mo!”


“Ayiiih! Kinikilig ako!”


“Wag nga kayo! May boyfriend na kayong dalawa, eh. Teka! May kapatid ba siya, Jonah? Ipapakilala mo nga sakin.”


Hindi ko sila sinagot. Tumayo ako at dere-deretsong pumasok ng kwarto. Napahawak ako sa ilong ko. He hugged and kissed me. Tapos na. Nangyari na. Pero ang puso ko, until now, ang bilis pa rin ng tibok.


Oh my! Ano ba ‘tong nangyayari sakin? Bakit parang...
 
- E N D  O F  F L A S H B A C K –


“Babe. Sa’ng planeta ka na nakarating?”


Napakurap ako. Sinalubong ako ng nakangiting mukha. Ni Lynuz. Kumunot ang noo ko ng marealize na sobrang lapit na nang mukha niya sakin. “Lumayo ka nga!” Sabay tulak sa kaniya. Sinamantala ko ‘yon para makalayo sa kaniya. Yakap ang laptop ko ay lakad takbong iniwan ko siya.


“Hey!” Hinabol niya ko. “Jonah!” Mas binilisan ko ang lakad ko. Tumakbo na nga ko.


Bakit ba kasi sa dinami-dami ng pwedeng maging anak nina Tito Ric, bakit siya pa?! Bakit naman kasi sa dami ng Ric sa mundo na pwedeng maging kaibigan nila papa, bakit ang parents pa niya?!


Napahinto lang ako sa pagtakbo ng hindi ko na marinig ang pagtawag niya. Hay salamat! I grinned. Pasimple ko siyang nilingon habang naglalakad ako. Napahinto ako sa paghakbang ng makita ko siya sa malayo na may kausap. Kausap na babae. Dalawang babae.


Nothing change huh? Hindi pa rin siya nagbabago.  Napaka-malapitin pa rin niya sa babae. Naramdaman siguro niyang nakatingin ako sa kaniya kaya napalingon siya sa gawi ko. Kinawayan pa niya ko. Kapal!


Inis na tumalikod ako. Mabibilis ang hakbang na pumunta ko sa tabi ng dagat. Para lang mapahinto sa makikita ko. Si Demi. Kasama niya ang kambal ni Lynuz. Si Zyruz. Nakatingin sa gawi ko si Zyruz habang nakatakip ang mga kamay niya sa mata ni Demi. Kumunot ang noo ko. Ayaw ba niyang makita ako ni Demi na sinusundan ng kambal niya?


“Jonah!”


Napalingon ako sa likod ko. Palapit na sakin si Lynuz. Napatingin ako kay Demi at Zyruz. Tss... Hindi pwedeng malaman ni Demi na dati ko pang kilala si Lynuz. Hindi pwede.


Patakbo akong lumayo sa kanila. Sa kanilang tatlo. Nakarating ako sa volleyball area ng resort. Do’n ako naabutan ni Lynuz.


“Jonah!”


Inis na hinarap ko siya. “Bakit ba?! Ano bang problema mo?! Pwede ba, wag mo kung sundan!” Kung libro lang ‘tong hawak ko, naibato ko na sa kaniya sa sobrang inis ko.


“Why are you so mad at me?”


Nagtanong pa talaga. “Why are you following me?”


He put his hands on his pocket. “It’s been a year, Jonah. Gusto lang kitang kamustahin.”


Huminga ako ng malalim. “I’m okay. I’m fine. Okay ka na? Kaya pwede ba, wag mo na kong sundan.” Tumalikod na ko.


“I miss you, babe.”


Pinikit ko ng mariin ang mata ko. Bakit ba ganyan siya? Wala ba siyang pakiramdam? “Don’t ever call me that way again. We never had a relationship in the first place.” hindi lumilingong sabi ko.


“Bakit? Mga mag-boyfriend-girlfriend lang ba ang mero’ng endearment? Bakit si Demi, munchy ang tawag sa kapatid ninyong si Matt? So, pwede rin kitang tawaging babe.”


Napailing ako. Ang kulit! “Pwede ba, Lynuz...”


“I miss that. The way you say my name.”


Hindi ko pinansin ang sinabi niya. “Pwede ba, wag mo na kong sundan? Pwede ba wag mo ng banggitin o ipaalala ang nangyari satin noon?”


“Bakit may nangyari ba?”


“Wala.”


“At bakit ayaw mong humarap sakin?”


“Wala. At kung pwede ba, wag mo ng ipaalam sa kanila na dati pa tayong magkakilala.”


“Bakit naman? Naging masama ba ko sa’yo dati?”


Saka ko lang siya hinarap. Para sakin... “Oo.”


“Jonah...”


“Kaya kung pwede lang, wag mo ng ipaalala ang mga nangyari one year ago. Any single thing.” Iyon lang at tinalikuran ko siya. Ni hindi ko na narinig ang sagot niya dahil...


“Lynuz!”


“Zyruz!”


“He’z Lynuz!”


“He’s Zyruz!”


“Ah, basta!”


Dahil sa mga nasalubong kong babae na kung makasigaw parang nasa palengke. Ni hindi ko na nilingon ang paglapit nila kay Lynuz.


Napahigpit ang yakap ko sa laptop ko. Lynuz, hanggang ngayon, nakakainis ka pa rin!

= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^