Final
Chapter (PART 2)
[ ZYRUZ’s POV ]
Three weeks ago...
“Close your eyes.” utos ko kay Demi habang hawak ang
magkabilang pisngi niya.
“What?”
“Close your eyes, Dems.”
“Bakit nga?”
Ang kulit talaga! “May gusto lang akong malaman.” For sure,
magtatanong pa ‘yan, oh.
“Ano?”
See? “Just close your eyes. Please. Wag ka ng mangulit.”
“O-okay.” She closed her eyes. “Wala kang gagawin, ah. Isusumbong kita kay
papa.”
Tss.. “Keep your mouth shut or I will keep it shut with mine.”
Tinikom nga niya ng mariin ang labi niya. Hindi ko mapigilang
mapangiti. Natakot atang halikan ko siya. Ba’t ngayon ko lang naisip ipantakot
sa kaniya ‘yon kapag nangungulit siya sakin?
“Ano ba kasing...”
Nagtanong na naman. “Dems. Kasasabi ko lang.”
“Oo na. Ikaw naman—” Tinakpan ko ng daliri ang bibig niya. Ang
kulit!
“The next word from you, baka
makuha mo na ang first kiss mo before you turn eighteen, Dems. Kaya be a good
kid.” Sabay tapik sa
ulo niya ng marahan.
She blushed. May araw pa kaya kitang-kita ko pa rin ang pamumula
ng mukha niya. And she looked so cute. So cute lalo na ngayong nakapikit siya.
Mas lalong lumapad ang ngiti ko sa nakita ko. So, totoo nga.
Wala pa siyang first kiss. Hmm... Sabagay. Alam kong NBSB siya.
Hmm... Masubukan nga. “Alam kong wala ka pang first kiss. May nagbulong sakin.
Gusto mo bang malaman kung sino?”
Hindi siya sumagot.
“Ayaw mo bang malaman?”
Hindi pa rin siya sumagot.
I chuckled. “You’re smart, Dems.”
Hindi ko pa rin siya narinig na nagsalita o nag-react. Nakapikit
lang siya. Hindi na rin ako nagsalita at pinagmasdan ko lang siya. Pinikit ko
ang mata ko. Pero isang segundo lang ang lumipas ng dumilat uli ako. Parang
ayokong mawala siya sa paningin ko. This girl. Siya lang ang nakakapagpagawa
sakin ng mga bagay na hindi ko akalaing magagawa ko sa isang babae. Siya lang
ang nakapagparamdam sakin ng mga bagay na alam kong hindi ko mararamdaman sa
isang babae.
Ngayon. Alam ko na ang nararamdaman ko sa kaniya. Alam ko na.
“Open your eyes, Dems.”
Dahan-dahan siyang dumilat. Dahan-dahan din akong napangiti. Wala
siyang pinakain sakin. Walang gayuma. Mas lalong walang spell. I kissed her
forehead. “Thank
you, Dems. Now, I know.”
“Know what?”
Hindi ako sumagot. Tiningnan ko ang relo ko. “Meet me at eight
pm sa labas ng cottage ninyo. May pupuntahan lang ako.” Tumalikod na ko at tumakbo. Baka abutin ako ng dilim
at hindi ko na mahanap ‘yon.
“Zyruz!”
Huminto ako at nilingon siya. “See you later, my dear Dems!”
Dumeretso agad ako sa forest trail. Do’n sa gawi kung sa’n
nawala ang tsinelas ni Demi. Pero bakit hindi ko makita. “Nasa’n na ba ‘yon?”
“What are you looking for,
Lynuz?”
“He’s Zyruz.”
“He’s Lynuz.”
Napalingon ako sa likuran ko. Mhira and her friends.
“Sinusundan ninyo ba ko?” tanong ko.
“No.”
“Yes.”
“Bakit ka umamin?”
“Girls. Quiet.” saway ni Mhira sa kanila. Tiningnan niya
ko. “Zyruz.”
“I’m Lynuz.”
“Fine. Are you looking for this?”
She waved her hand holding a slipper. Ang
tsinelas ni Demi!
I smiled. “Yes. Thank you.” Akmang kukunin ko ‘yon ng itago
niya ‘yon sa likuran niya.
“Ibibigay ko sa’yo ‘to. In one
condition.”
“What condition?”
“Be my date tonight. At exactly eight
pm.” Sinabi niya ang name ng restaurant. Iyon
lang at humakbang na siya paalis. Kasunod ng mga nag-aangalan niyang kaibigan.
“Kahit lahat pa kayo, eh. Makuha
ko lang ang tsinelas na ‘yan.” bulong ko habang napapailing. Girls will be girls.
8:00 PM
“Sabi ko na nga ba at pupunta ka.
Ano ba kasing mero’n sa tsinelas na ‘yon?”
Umupo ako sa katapat niyang upuan. “Where’s the slipper?”
“Here.” Tinaas niya ang supot. “But later.”
Nilapag niya sa ilalim ng mesa ang supot. “So, umorder muna tayo.” Nagtawag siya ng waiter.
Hinayaan ko na rin siyang umorder. At ang dami niyang inorder. Ang mga babae
talaga. Tapos, hindi naman uubusin lahat. Unlike Demi, kahit magkandasakit na
ang tiyan niya, uubusin niya talaga. Tiningnan ko ang relo ko. Ang tagal namang
umorder nito. Anong petsa na? Pasimple kong tiningnan ang ilalim ng mesa. Patay
kang supot ka! Hintay lang.
“Anong gusto mo sa isang babae,
Zyruz?” tanong niya
habang hinihintay ang order namin.
“It’s Lynuz.”
“Fine.”
“Hmm... Anong gusto ko?” Naisip ko si Demi. I smiled. “Cute na hindi na
kailangang magpa-cute. Sweet na hindi sobrang tamis na halos langgamin na ko. Makulit
na hindi papansin. Nice and friendly. At isa pa, a girl who always smile. The
smile like—”
“Like me!”
Napakamot ako ng baba habang nakikinig sa mga sinasabi niya
tungkol sa sarili niya. Bla-bla-bla. Buti na lang at dumating na ang order
namin. Nakatakas ang tenga ko sa speech niya. I don’t want to be rude kaya
hinahayaan ko lang siya. Besides, nasa iba ang atensyon ko. Nasa supot sa
ilalim ng mesa. Tiningnan ko ang relo ko. Shit! Anong oras na?!
“May girlfriend ka ba ngayon?”
Talagang hindi na niya binanggit ang pangalan ko. Ayaw na siguro
niyang i-correct ko siya. Okay lang ba sa kaniya na hindi niya alam kung sino
ang taong nasa harap niya?
Nang mapalingon ako sa gilid ko. Para kasing may nakita akong
nagtatago sa likod ng halaman. Parang may nakatingin sakin. Parang si Demi
‘yon, eh. Pero, hindi. Ano namang gagawin ni Demi dito? Alam kong nasa cottage
siya dahil nag-text pa siya sakin kanina. Hindi ko naman siya matext ngayon
dahil naiwan ko ang phone ko sa cottage namin.
“Hey.”
Napatingin ako kay Mhira.
“May girlfriend ka ba ngayon? As
in serious girlfriend? Nainlove ka na ba?” sunod-sunod niyang tanong.
Nginitian ko siya. “I’m not into
commitment, Mhira.” Habang pasimpleng inaabot ng paa ko ang supot sa
ilalim ng mesa. “Girls
just come and go. Hindi ko sila pinipilit na mag-stay sa buhay ko. Hindi ko rin
sila pinipilit na mahulog sakin. Parehas kaming nag-enjoy sa company ng isa’t
isa. End of story. Alam ‘yan ng mga babaeng nakikilala ko at naiinvolve sakin.
And it was not my fault kung mainlove man sila sakin. I don’t know what love
is. I never believe that word. Never. Nobody owns me. So, the question is, do
you like me Mhira?”
“Yes.”
Wow! Whatta girl!
“Siguro kung sinabi mo sakin
‘yan three days ago at kung nagkakilala tayo ng mas maaga pa, baka pwede pa.
Pero hindi na ko available ngayon, eh.”
“I thought you said, nobody owns
you?”
There! Nakuha na ng kamay ko ang supot! “Yes, nobody owns me. But that was my status
three days ago. Nagbago na kanina.” Tumayo na ko hawak ang supot. “Thanks for this,
Mhira.”
“How did you—” Sabay tingin niya sa ilalim ng mesa.
“Enjoy your night, Mhira.” Yumukod pa ko bago umalis sa restaurant.
“Zyruz! I mean, Lynuz! Jeez!
Nakakainis!”
=
= =
[ DEMI’s POV ]
“Kaya next time, wag makikinig
sa usapan ng may usapan.”
Pinitik niya ng marahan ang noo ko. Napakurap ako. Iniisip ko pa rin kasi ang
sinabi niya. Bakit ba kasi hindi ko siya pinatapos no’n? At saka, ang sabi
niyang nagbago ang status niyang ‘nobody owns me’, what does he mean? Ayokong
magpaka-slow pero... Hindi kaya...
“Tinatanggap ko ang proposal mo,
Dems.”
“Proposal?”
Itinaas niya ang laylayan ng gown ko. At tinanggal ang isang
sandals ko. Kinuha niya ang kahon na nasa gilid ko. Yung gift niya sakin.
Binuksan niya ‘yon. At nakita kong tsinelas ang laman no’n. Ang tsinelas ko!
Isinuot niya ‘yon sakin.
“Nobody owns me, Dems. Ikaw lang
ang binibigyan ko ng karapatan.”
Kinurap ko na naman ng sunod-sunod ang mata ko. Totoo ba ang
sinabi niya? Na ako daw...
May kung ano siyang kinuha sa likuran niya. Nagulat na lang ako
ng makitang tsinelas ko din ‘yon. Ang other half ng tsinelas ko na naiwan sa
gubat na kinuha ni Mhira para maka-date siya!
“Ang sabi ni Matt sakin, naging
bugnutin ka na daw this past weeks.”
“Si Matt?”
“Yap. Close na kaya kami.
Sobrang close.”
Hinaplos niya ang pisngi ko. “I’m right. You’re right. Malulungkot nga tayo kapag nawala
ang isa.” Tinanggal niya ang
sandals kong isa. “Kaya nga binababalik ko na sa’yo ‘to. Pati ang sarili ko.
Ang other half mo.” He winked.
“Zyruz...” Kasabay ng pagpatak ng luha ko.
“Yes, Dems. I love you, too.”
Natatawang umiiyak ako. “You love me, too. You love me, too.” Tumingala
ako sa langit. “Ayokong
umiyak. Yung make-up ko. Sayang.” Habang pinunasan ko ang luha ko. “Pero
nakakaiyak, eh. Tears of joy lang.”
Natatawang niyakap niya ko. Nakaupo pa rin ako sa damuhan habang
nakaluhod siya. “I
miss you, my dear Dems.”
I smiled. “I miss you, too, Zyruz.”
“Tumahan ka na. Patay ako sa
papa mo kapag nakita niyang umiiyak ka. Ang hirap pa namang ligawan no’n.
Parang babae.”
“Niligawan mo si papa?”
Humiwalay siya sakin. Pinunasan niya ang luha ko. “Yes. Kaya nga
hinayaan muna kita ng sabihin mong layuan kita. Naisip ko kasi na ang parents
mo muna ang ligawan ko, bago ikaw. To prove them that I love you.”
“What did papa said?”
Nawala ang ngiti niya. “Basted.”
“What?!”
Tumawa siya. “I’m just kidding. Basta ang sabi niya, magtapos ka muna daw ng
pag-aaral mo. Second year ka na sa pasukan. So, seven years pa kong maghihintay
at manliligaw sa’yo.”
“Seven years?!”
“Oh! College ka na nga pala.
Akala ko highschool ka pa lang. Three years lang pala.” natatawa niyang sabi.
Pinanggigilan ko ang pisngi niya. “Cute kasi ako kaya mukha kong highschool.”
Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. “Dems.” Tinitigan niya ko. Walang
kangiti-ngiti ang mukha niya.
“Zyruz, b-bakit?” Napalunok ako ng lumapit ang mukha niya
sakin. Napapikit na lang ako at hinintay ang mangyayari. Hahalikan niya ba ko?
As in now na? Waaah!
Napadilat din agad ako. His lips landed on my nose. “I love you.”
he whispered. I smiled. Tumayo siya. “May I have this dance?”
“Walang music.”
He winked. “Akong bahala.” Inabot ko ang kamay ko sa kaniya.
Inalalayan niya kong tumayo. Kumapit ako sa leeg niya. Samantalang siya, sa
beywang ko. “Hindi
ko pa pala natatapos yung kanta the last time.”
Napangiti ako. “Kakantahin mo uli ako?”
Bilang sagot ay nagsimula siyang kumanta.
“Please don’t be inlove with someone else...
Please don’t have somebody waiting on you...
Please don’t be inlove with someone else...
Please don’t have somebody waiting on you...
This night is sparkling... Don’t you let it go...
I’m wonderstruck... Blushing all the way home...
I’ll spend forever... Wondering if you knew...
This night is flawless… Don’t you let it go...
I’m wonderstruck... Dancing round all alone…
I’ll spend forever... Wondering if you knew...”
Pinagdikit niya ang ilong namin.
“I was enchanted to meet you...”
I smiled. “I was enchanted to meet you, too, Zyruz.”
He hugged me. Tightly. Nang makarinig ako ng palakpakan mula sa
likuran namin. Pag-lingon ko, nakita ko sina papa at mama. Pati ang parents ni
Zyruz. Si Ate at si Lynuz.
Kumalas ako kay Zyruz. “Kanina pa sila dyan?” bulong ko sa kaniya.
“Ngayon lang. Kaya nga niyakap
na kita, dumating na ang mga istorbo.” he answered whispering.
Sabay pa kaming napangiti.
“Okay na kayo, kids?”
“Papa! Eighteen na po ko! I’m
not a kid anymore!”
“But still you’re my baby
Demi.”
“Papa naman!”
Tinawanan lang nila ko. Natawa na din ako.
“Oo nga, Tito. Dalaga na po
siya kasi may manliligaw na siya. Hindi na siya kid.” singit ni Lynuz.
“Epal.” Binelatan ko siya.
“Basta after college, Demi.”
“Yes, papa!”
“Pagka-graduate na
pagka-graduate po, Tito.”
dagdag ni Zyruz. Tiningnan siya ni papa. “Este, mga ilang buwan po after. Promise po! Magpapakabait
po ko!”
“Dyan nga ko kinakabahan.” Napakamot ng ulo si papa. “Ilang beses
nang nasabi sakin ‘yan ng papa mo nung kabataan namin. Kanino ka pa ba
magmamana?”
“Pare naman! Wag mo kong
ibuko!”
“Totoo naman diba?”
“People change, Tito, when they
meet their other half.” sabi ni Zyruz. Nang lingunin ko siya, sakin siya nakatingin. I
smiled. Nang lingunin ko ang mga magulang ko. They were looking at each other
smiling.
“Let’s go inside.” sabi ni papa.
“Akala ko ba ako ang other
half mo, ‘tol?”
sabi ni Lynuz habang pabalik kami sa loob.
“Kambal lang kita. Maghanap ka
ng other half mo.”
“Nahanap ko na kaya.”
“Talaga? Sino, Lynuz?
Tinamaan ka din?”
sunod-sunod kong tanong.
Nagkatinginan silang tatlo. Si Zyruz, Lynuz at Ate.
Tinapik niya ko sa balikat. “Okay lang ‘yan, Demi. May nahuhuli talaga sa balita.
Palibhasa, laging si Zyruz ang napapansin at naiisip mo kaya hindi ka na tuloy
aware sa nangyayari sa paligid mo.” Nasa loob na kami ng clubhouse.
“Ano daw?” tanong ko kay Zyruz dahil umalis na sila
ate.
“Don’t mind him. Just mind us.” Humarap siya sakin. Nang bigla siyang
magpigil ng tawa.
“What are you laughing at?”
“Wait lang.” Umalis siya saglit. Pagbalik niya, may
dala na siyang tissue. Pinunasan niya ang mukha ko.
Napangiwi ako. “Nagkalat ba yung make-up ko?” Pinitik ko ang
noo niya. “Kaya
pala tumatawa ka, hah.”
Ngumiti siya. “Okay na.”
“Sure?”
“Yap.”
Napatingin ako sa baba. Nanlaki ang mata ko. “Naka-tsinelas
lang ako!”
“Okay lang ‘yan. Hindi naman
halata.”
Tiningnan ko siya. “Cute pa rin naman diba?”
“Super.”
I smiled. Nang may maalala ako. “Ahm,
Zyruz. Paano ‘yan? Ang layo mo.”
“Malapit naman ako, ah. Gaano ba
kalapit ang gusto mo?” Nilapit
pa niya ang mukha sakin.
“Hindi ‘yan.”
“I know.” He smiled. “Alam mo bang may nakuhang bahay sina daddy
dito sa village ninyo?”
Nanlaki ang mata ko. “Talaga? Edi dito na din
kayo titira?”
“Edi ang saya mo na?”
“Oo naman. Super.”
“At dahil masaya ka, may
itatanong ako sa’yo.”
“What is it?” Hindi pa rin mawala-wala ang ngiti ko.
Araw-araw ko na siyang makikita. Yeboi!
“Way back in your high school.
Yung kambal na nakilala mo, lalaki rin ba sila?”
“How did you know that?”
“Si Matt. So, lalaki rin ba
sila? May nagustuhan ka ba sa kanila?”
“Hmm...” I started to sing. Yung version ni Adam [Owl
City] ng Enchanted. Yung last part.
“I was never inlove with someone else…
I never had somebody waiting on me...
Cause you were all of my dreams come true...
And I was glad you knew...
Zyruz, I am so inlove with you…”
Ang lapad ng ngiti niya pagkatapos kong kumanta. “Ehem! Ehem!
Wag kang masyadong humanga, Zyruz.”
“Pero hindi mo naman sinagot ang
tanong ko. Lalaki rin ba sila?”
“Hmm...” Lumingon ako sa mga bisita ko. And their I
saw them. Kasama nila ang kapatid kong si Matt na hindi maipinta ang mukha. “Ayun sila,
Zyruz. Yung kambal na kasama ni Matt.” Nagbakasyon lang ang kambal
na ‘yon ngayong summer dito sa Pinas.
Pinigilan ko ang matawa sa reaksyon ng mukha ni Zyruz. “Si Matt talaga!”
Napailing pa siya. “Ang sabi niya, lalaki yung kambal na nakilala mo.”
Nilingon niya ko. “But it’s okay. Buti na lang at babae sila.”
Nang may marinig akong kanta mula sa speaker. Sabay pa kaming
napangiti.
“Enchanted.”
sabay naming sabi.
Hinawakan niya ang kamay ko at inakay ako palapit sa mga
nagsasayaw. Kasunod din namin sina mama at papa. Sina Tito Ric at Tita Erica.
Si Lynuz at si Ate. Si Matt kasama ng isa sa kambal.
I looked him in the eyes while where dancing in slow dance.
It’s not just a crush.
It’s not just an infatuation.
It is they so called ‘love’.
And Taylor’s right. Her song’s right. Kapag nahanap mo na ang
taong mamahalin mo. It will be an enchanting one.
“Happy birthday, Dems.” Zyruz said.
And in him, I found my other half.
- E N D
-
A/N : Yes po. Zyruz and Lynuz characters was inspired by a notorious twins. Haha! Knows ninyo na 'yon! :)))
May kasunod pa po ito.
ONE SUMMER LOVE 2 :
Ang story ko for JONAH.
THANKS FOR READING! SALAMAT! MUAH!
One Summer Love - "My Other Half" | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3
Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9
Final Chapter 1 | Final Chapter 2
Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9
Final Chapter 1 | Final Chapter 2
nakakabilib! hindi ko pa natatapos ang Love Sees at ngayon may panibago ka na namang completed story! how did you that beb? you're so great! inggit much ako!!! >____<
ReplyDeleteand i'll be first one to congratulate you na din for finishing this kahit na hindi ko pa din ito nababasa. ^____^
for sure, matutuwa ang mga makakabasa nito, especially si demi dahil sa kanya dedicated ang story na ito.
thank you sis! :))) Kamag-anak ata ko ni Flash eh, wahahaha!
DeleteWaaaaaaaaaaaah! Mamaya na ako mag rereact *U*
ReplyDeleteso ala cinderella pala ito.. hahha.. slippers nga lang in my case! ang impaktitang yun!! papasukin ko na talaga ang computer screen!! aagawin nya pa si mylabs!
ReplyDeletenemen! may karugtong pala yung sinabi niya, now i know!! hahahha.. ang habaaaaaaaa ng hair kooo! i-trimm mo nga ate leesh,mahiya nman ako sa iyo.. hahah.. lesson learned!
hanggang sa huli ba nman eh sinisingit ang HS?? haha.. loko sya!.. haha! gano daw bah kalapit ang gusto ko?? parang counterpart ni JL cruz lang ah!! at talagang nilagay ang version ng owl city!!! ako nah talaga!!!! hahhaaha..
of course!! the trigger and jigger samaniego twins of SRC!
i have love the song more than i did before!! thank you so much ate leesh!! for giving justice to my fav song and for letting me dream an enchanting story, my story.. hahah.. kahit thousand times ko pa tong basahin, kilig pa rin ako ng bongga!! tuloy para akong baliw kagabi before going to sleep! ung smile ko hanggang batok nah hndi matanggal! hahah
at supeeeeeerbbb kilig sa male version!! my gass!!! nilipad ko na ata ang buong galaxy!!! nasa alapaap na ko siss!! kagabi pa toh! haha..si heart! FLOATING!! nagtutumbling pa nga eh!! hahha nakakaasar ka! pinasaya mo ako masyado!! pwede na akong mamatay! ay hndi pa pala,ikakasal pa kami ni zyruz eh,hahahahah!!!!!
kung alam mo lang sis! abot hanggang other world yung kasiyahan ko! walang mapagsidlan!! hahaha.. nobela na ata tong sinusulat ko,haha.. mei nakalimutan pa ba akong sabihin?.. haha! nauna pa talaga akong lumandi kesa kay ate jonah..
THANK YOU SO MUCH!!! lablabyuuuuuu!!!! muuuah!! kisss with LOVE! ^___^
P.S. kuhang kuha mo talaga ang ARTs sa pagsasalita ko.. haha.. if you know what i mean.. ;)
hahaha.. i know the notorious twins,... its's Jigger and Trigger of SRC..sobrang fan nila ako..ayiieee... cant wait for the next update!!! Go Girl!
ReplyDelete