Friday, May 10, 2013

One Summer Love - "My Other Half" : Chapter 5


Chapter 5
[ DEMI’s POV ]


“Ate, ayaw mo talaga? Try mo lang.” alok ko kay ate na nakaupo sa sofa. Hawak niya ang laptop niya.


“Ayoko.” hindi lumilingong sagot niya. Simula ng magsimula kaming uminom, hind na maipinta ang mukha niya.


“Wag mo na siyang alukin, Demi.” Nilingon ko si Lynuz. “KJ nga kasi ‘yan.”


“Hind ako KJ!”


“Then why don’t you try to take a sip?”


“Hindi kasi ako umiinom.”


“Anong tawag mo sa tubig? Hindi ba iniinom ‘yon?”


“Hindi ‘yon!”


“Eh, ano?”


“I don’t drink alcohol!”


“Ows?”


“Ewan ko sa’yo! Bumili ka ng kausap mo!” Tumayo si ate at nagmartsa palabas ng cottage.


“Ginalit mo na naman si Jonah.” Zyruz said.


“I didn’t said anything.” Inabot niya sakin ang shot glass. “Your turn, Dems, Oh! Demi pala.” sabay ngisi niya.


Inabot ko ang shot glass ng agawin sakin ‘yon ni Zyruz sabay inom niya ng laman no’n.


“Akin ‘yan, eh!” sabay palo sa braso niya.


“Naka-five shots ka na.”


“Nabilang mo ‘yon?”


“Hindi. Hinulaan ko lang.”


“Then mali ka ng hula mo. Three shots pa lang ako.”


“Five shots.”


“Wag na nga kayong magtalo.” singit ni Matt na nasa gitna namin ni Zyruz. Nakaupo kami sa sahig at nakapaikot.


Tiningnan ko siya. “Wag ka ng tatagay, ah.”


“Bakit naman?”


“Baka malasing ka, eh. Patay tayo kina papa pagdating nila.”


“Hindi ‘yan.” Nilingon niya si Lynuz. “Mukhang ayaw na nila. One on one na lang tayo, Kuya Lynuz.”


“Sinong nagsabing ayaw ko na?” tanong ko.


“Ako.” Zyruz answered. Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko. “Tara.”


“Hah? Bakit? Sa’n tayo pupunta?” Hinila na niya ko patayo.


Hinawakan naman ni Matt ang isang kamay ko. “Sa’n kayo pupunta?” tanong niya.


“Ewan ko dito.” sagot ko sabay turo kay Zyruz.


“Dyan lang.” sagot niya.


“Sama ko.” Matt said.


“Dito ka lang.” singit ni Lynuz, sabay hawak sa braso ni Matt.


Para tuloy kaming ewan sa itsura namin. Hawak ni Zyruz ang kaliwang kamay ko. Hawak naman ni Matt ang kanan ko. At hawak naman ni Lynuz ang braso ng kapatid ko.


“Pero, kuya...”


“Mag-wa-one-on-one pa tayo diba?”


“Let’s go, Dems.” Hinila na ko ni Zyruz.


“You owe me one, Zyruz.” pahabol ni Lynuz bago kami tuluyang makalabas ng cottage.


“Ano daw?” tanong ko kay Zyruz.


“I don’t know.”


“Hey, sa’n kayo pupunta?” tanong ni ate na nasa labas.


“Dyan lang.” sagot ni Zyruz. “Sama ka?”


“Ayoko.”


“Okay.” Nakalayo na kami ng huminto si Zyruz. “Wait lang, Dems.” Bumalik siya ng cottage ay may kung anong sinabi kay ate.


“What?!” Sa lakas ng boses ni ate, narinig ko pa ang reaksyon niya.


“What did you told her? Mukhang nagalit siya, ah.” tanong ko kay Zyruz ng makalapit siya sakin.


“Wala lang.”


“Ano nga?”


“Ang kulit mo!” Ginulo niya ang buhok ko.


“Don’t do that. I looked like a kid whenever you do that.”


“Do what? This.” Ginulo na naman niya ang buhok ko.


“I said—” Inakbayan niya ko.


“You said?” Nilapit niya ang mukha niya sakin.


Napakurap ako at napalunok. Nakalimutan ko na ang dapat kong sabihin. Ang lapit kasi ng mukha niya sakin.  “L-lasing ka ba?” Out of nowhere kong tanong.


“Of course not. Mataas ang tolerance ko sa alcohol.”


“Ah, okay. Ahm, can you please...” Pwede bang lumayo ka sakin? Parang hindi ako makahinga, eh.


“Please what?” Mas lalo pang lumapit ang mukha niya sakin. Habang hindi mawala-wala ang ngiti niya. Na parang natutuwa pa siya sa reaksyon ko.


“Zyruz...” Ano ba naman ‘tong lalaking ‘to? Alam kong cute siya. Pero wag na siyang magpa-cute pang lalo. Hindi ko na ma-take, eh. Hindi na ma-take ni heart.


“What is it, my dear Dems?”


Tuluyan nang natunaw ang puso ko sa sinabi niya. My dear Dems. Hindi ko alam kung dahil sa ilang shots na nainom ko o dahil sa pagpapa-cute niya na hindi na kinakaya ng powers ko, tuluyan ng nanghina ang tuhod ko.


“Dems!”


“Okay lang...ako.” Napaupo kasi ako sa buhangin. Kasi naman siya! Kasalanan niya ‘to, eh.


“Are you sure?” Hinaplos niya ang noo ko.


Bigla kong hinawi ang kamay niya sa noo ko. Na ikinagulat niya. Na ikinagulat ko din. Kasi naman, nawawala na ko sa sarili ko, eh. Kailangan ko muna ng space. Kailangan ko munang makalayo sa kaniya. Ng saglit.


“Dems...”


“I’m okay...” Yumuko ako at pumikit. “Sumakit lang ang ulo ko...” I lied.


“Are you sure you’re okay? Dalhin na kaya kita sa clinic.”


“No!” Malakas na sabi ko sabay tingin sa kaniya. Nakita ko sa mukha niya na nagulat siya sa biglang pag-sigaw ko. “I mean, no. I’m really okay.” Ngumiti ako. para ipakitang okay lang talaga ko. “Can you please get me some water?”


“Kukuha lang ako sa cottage.”


“Gusto ko ng mineral water. Yung malamig na malamig.”


“Okay. I’ll buy you one.” Hindi na ko nakapag-protesta ng buhatin niya ko at ilapag sa nakatumbang puno ng buko. “Dito ka lang.”


Nakangiting tumango ako.


Akmang hahaplusin ng kamay niya ang ulo ko ng binawi niya rin ‘yon. Tumalikod na siya at umalis. Nang makalayo siya ay saka lang ako huminga ng malalim. Pinagtatapik ko ang pisngi ko. Sabay padyak ng paa ko.


“Ano ka ba naman, Demi! Umayos ka nga…” I sighed. Sabay hawak sa tapat ng puso ko. “Heart naman, hindi ka ba napapagod? Mag-chilax ka na, okay? Wala na siya. Kaya chilax lang.”


Pero parang ayaw namang makinig ng puso ko.


“Hindi pwede ‘to. Hindi pwedeng laging ganito ang reaksyon ko kay Zyruz. Baka kung sa’n na mapunta ‘to.”


“What is it, my dear Dems?”


Tinakpan ko ang mukha ko ng maalala ang eksena na ‘yon. “Iiiiiiiihhhhhhhh! Naman, eh!”


= = = = = = = =


“Gusto mong maligo, Dems?” Nilingon ko si Zyruz. Pero ng lilingunin niya ko ay umiwas agad ako ng tingin. Ayoko munang tumingin sa mga mata niya. Baka mamaya hindi ko na naman mapigilan si heart at kung ano nang magawang reaksyon. Katatapos lang niyang matunaw kanina, eh. Baka next time, lumabas na siya sa dibdib ko.


Tumingala ako sa langit. At pinagmasdan ang mga bituin. Nandito kami sa tabi ng dagat pagkatapos naming mag-ikot-ikot. Napahikab ako bago sumagot. “Ayokong maligo sa dagat ng gabi.”


“Why?”


“Baka kasi may pating na lumapit at hindi ko makita.”


I heard him chuckled. “There’s no shark here, Dems.”


I smiled. “I know. I’m just kidding.”


“At kung mero’n man, akong bahala sa’yo.”


Pinigilan ko ang lumingon sa kaniya. Todo pigil talaga ang ginawa ko. Ayan na naman kasi siya. “Then thank you.”


“For what?”


“Thank you dahil ang sabi mo kung may shark man dito, ikaw ang bahala sakin. Kaya thank you.”


I heard him chuckled again. Nilingon ko na siya. Nakatingala rin siya sa langit gaya ng ginagawa ko kanina. At nakangiti siya habang umiiling. “Dems.” Dahan-dahan siyang lumingon sakin.


Hindi ko na nagawang umiwas ng tingin sa kaniya. “B-bakit?”


Ngumiti siya. “Just wait me here.”


“Hah?”


“May kukunin lang ako.” Tumayo siya at pinagpag ang suot niyang short bago umalis.

 CREDIT : remskie88

Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya. “Sa’n kaya pupunta ‘yon?” Umayos ako ng upo at niyakap ang tuhod ko habang nakatingin sa mga naliligo sa dagat. Humikab ako. Namumungay na rin ang mga mata ko. Naka-five shots nga lang ako, pero ang taas naman ng tagay ni Lynuz kanina.


Hindi ko alam kung anong oras na. Siguro mga ten o’clock na. Ayoko pang matulog. Sayang ang oras na itutulog ko na dapat ay ie-enjoy ko.


Nag-inat ako. “Ang tagal naman ni Zyruz...” Baka mamaya tuluyan na kong makatulog dito. “Sa’n ba kasi nagpunta ‘yon?” Pumikit ako at yumuko sa tuhod ko. Nang makarinig ako ng tunog ng gitara sa tabi ko. Ang tunog na ‘yon! Wala pang lyrics pero alam na alam ko ang kantang ‘yon!


“There I was again tonight...
Forcing laughter, faking smiles...
Same old tired lonely place...”


Dahan-dahan akong lumingon sa gilid ko. And I saw Zyruz. He was holding a guitar. At kinakanta niya ang kantang ‘yon! Ang favorite song ko!


“Walls of insincerity…
Shifting eyes and vacancy...
Vanished when I saw your face...”


OMG! Ba’t ang ganda ng boses niya? Bakit lahat na lang nasa kaniya? At ang puso ko, huminto na ata sa pagtibok. Ano ba naman ‘to?


“All I can say is it was…
Enchanting to meet you…”


Hayyy...Zyruz naman... Iniwas ko na ang tingin ko sa kaniya bago pa magcardiac arrest ang puso ko sa mga titig niya. Tumingala na lang ako at pumikit habang pinakikinggan ang pagkanta niya.


“Your eyes whispered, ‘have we met?’
Across the room, your silhouette...”
Starts to make its way to me…”


Hayyy... para naman akong hinehele ng boses niya. Ayokong makatulog, pero hinihila na ko ng antok.


“The playful conversation starts...
Counter all your quick remarks like...
Passing notes in secrecy…
And it was…
Enchanting to meet you...
All I can say is I was...
Enchanted to meet you...”


Malala na ‘tong si heart. Kailangan ko nang umiwas bago pa ‘to mapunta sa...


= = =


[ ZYRUZ’s POV ]


Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin kay Demi. Yung ulo niya kasi gumegewang na, na parang ilang segundo lang babagsak na. Nakakaantok pala ang boses ko. O sadyang boses anghel lang ako. Pinagpatuloy ko ang pagkanta habang naggigitara.
 

“This night is sparkling...
Don’t you let it go...
I’m wonderstruck...
Blushing all the way home...
I’ll spend forever...
Wondering if you knew...”


Tuluyan ng bumagsak ang ulo ni Demi. Hindi sa buhangin kundi sa balikat ko. Napangiti ako. At tinapos ang kanta habang nakatingin sa mukha niya.


 “I was enchanted to meet you...”


Sinenyasan ko ang lalaki sa likuran ko. Lumapit siya sakin. Inabot ko ang gitara sa kaniya. “Thank you, pare.”


“No problem. Ang galing mo, ah. May banda ka ba?”


“Wala. Hobby ko lang. Thank you again.” Dahan-dahan kong binuhat ang natutulog na si Demi. Dinala ko siya sa cottage nila. Naabutan ko pa si Lynuz na nasa labas ng cottage at nakaupo sa hagdan.


“Anong ginawa mo sa kaniya?” tanong niya na parang may ginawa akong masama kay Demi.


“Tumabi ka nga dyan sa daraanan ko.”


Tumayo naman siya. “Ano ngang ginawa mo kay Demi?”


“Yung pinto, Lynuz.” Binuksan naman niya ang pintuan ng cottage. Tulog na si Matt sa sofa. “Sa’n ang kwarto nila Demi?”


“Right.”


Humakbang ako papunta do’n. Hindi na siya sumunod sakin. Tinulak ko lang ng paa ko ang pintuan. Inilapag ko si Demi sa tabi ng ate niya. Kinumutan ko siya. Yumuko at tinitigan ko siya. I smiled. “Sweetdreams, my dear Dems.” bulong ko. Akmang hahalikan ko ang noo niya ng may sumutsot. Paglingon ko sa pintuan, nakangising si Lynuz ang nakita ko. Balewalang dumeretso ako ng tayo at lumabas ng kwarto nila Demi.


“Anong nangyari dito?” tanong ko. “Bagsak si Matt, ah.”


“Wala kong alam dyan.”


“Humanda ka bukas, Lynuz.”


“Kaya nga lubus-lubusin na natin.” Inangat niya ang isa pang supot. “Tayo naman ang uminom.”


Nilingon ko si Matt. Napailing ako. “We can’t leave them here. Wala pa sila Tito Peter.”


“Kaya nga sa labas ng cottage tayo iinom.”


“Ano pang hinihintay natin? Umpisahan na natin ‘yan.”

 = = =



1 comment:

  1. hahha.. pag awayan pa talaga ang numbers!.. munchy namn eh! wag nang umepal pls!! makipagcooperate ka na lang kay kupido! hahaha


    atey, isususnod mo na yung kay ate jhonah? excited na rin kasi ako eh!! hahaha..


    my dear Dems daw!!!!!! wala nah,natangay na talaga si heart!!!!


    ang FAV SONG kooo!!!!!!!!!!!!! kaya pala u asked me last time if ano pa yung fav song ko.. yyiiiiiiipppp !!!! kilig to the highest level!!!! ayoko na, nagpagulong gulong na talaga ako atey sa tili!! hahah, nababaliw na ako..


    epal din tong si lynuz ah.. sayang! hahah..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^