Friday, May 10, 2013

One Summer Love - "My Other Half" : Chapter 1


One Summer Love:
“My Other Half”


Written by Aiesha Lee

A/N : This story is for DEMIDOLL.
I don’t know if how many times did I greeted you a happy birthday, Hahaha! Alam mo ‘yan, Dems! Hahaha! Again, super belated happy birthday sis! Ang sisteret kong inilayo sakin! Haha! Luvyah so much! ~_^

= = =
“Nobody owns you. Can I be the first one?”
= = =

Chapter 1
[ DEMI’s POV ]


Inilibot ko ang tingin sa beach habang nakaupo sa isang nakatumbang puno ng buko. Hayyy… ang ganda talaga dito.


“Demi!” Lumingon ako sa likuran ko. Nakita ko si Matt na palapit sakin.


“Why, munchy?”


Hinila niya ang kamay ko. “May ipapakita ko sa’yo.”


“What is it muna?”


“Basta.”


Pumunta kami sa likuran ng cottage room namin. Pero wala naman akong nakita na kahit ano. “Hmm... there’s nothing here naman, ah.”


 Biglang humarap sakin si Matt. “May surprise ako sa’yo.”


"What—aaaahhhh!” May ipis siyang hawak na inilapit niya sa mukha ko. In front of my face! So kadiri! I run away from him. Sinundan niya ko.


“Demi! Pwede daw makipag-friends ‘tong cockroach sa’yo?”


“Ayoko! Ilayo mo sakin ‘yan!” Humarap ako sa kaniya. Nagulat na lang ako ng ihagis niya sakin yung ipis na hawak niya. Tumama pa ‘yon sa mukha ko! “Aaaahhhh!” Muntik pa kong matalisod dahil sa pag-iwas ko. Para kong sira na nagtatatalon. Ayoko talaga ng ipis! Ayoko talaga!


“Hahahahahahahaha! It was just a toy, Demi. Don’t freak out.”


Napahinto ako. Tiningnan ko yung ipis. Hindi ‘yon gumagalaw. Nilapit ko pa yung mukha ko do’n. “Laruan nga lang.” Nakahinga ako ng maluwag.


“Hahahahahahahaha!”


Nilingon ko si Matt na tawa pa rin ng tawa. “You, munchy!”


“Nakakatawa kasi yung itsura mo kapag nakakakita ka ng ipis, eh. Para kang--Hahahahahahahaha!”


“Akala mo, hah.” Pinagalaw ko ang mga daliri ko. “Humanda ka sakin!” Nahulaan niya ang gagawin ko kaya tumakbo na siya. Hinabol ko naman siya. “Nandyan na ko, munchy!”


“Kung mahahabol mo ko!”


Alam kong mabilis siyang tumakbo. Pero mas mabilis naman ako sa kaniya. Tiningnan ko ang watch ko. For sure, wala pang isang minuto, mahahabol— “Ouch!” Tumama ang noo ko sa kung ano o sino dahil nakayuko ako kanina. At dahil sa impact, napaupo ako sa buhanginan. Hinimas ko ang noo ko. It hurts, ah.


“Miss, okay ka lang?”


Umangat ang tingin ko sa taong umuklo sa harap ko. Una kong napansin ay ang mga mata niya. Napatitig na lang ako sa mga ‘yon. Of all the eyes I saw, parang ang mga mata ng taong ito ang pinakagusto ko. Dahil ba kulay kape ang mga mata niya o sadyang may kakaiba lang sa mga mata niya? Para kasing kung makatingin siya parang binabasa niya ang isip ko. Parang tagos hanggang bone marrow ang titig niya. Hmm, ngingiti din kaya ang mga mata niya kung ngingiti siya?


Teka, what am I thinking ba?


“Hey.”


Napakurap ako ng tapikin niya ng marahan ang pisngi ko. Lalo na ng makita ko ang mga ngiti niya. At tama nga ako. Ngayong nakangiti siya, pati mata niya parang ngumingiti rin.


= = =


[ ZYRUZ’s POV ]


Palabas na ko ng cottage room namin ng mapalingon ako sa kaliwa ko. Di-kalayuan ay may nakita akong isang babaeng ang lakas ng tili habang tumatalon, habang tawa naman ng tawa ang kasama niya. Kumunot ang noo ko. Tinanggal ko ang shades ko at pinagmasdan sila. I don’t know why, but I smile curved on my lips habang nakatingin sa babaeng tumapak pa sa nakatumbang puno ng buko na parang may kung anong iniiwasan. Maya-maya ay nakita kong inilapit niya ang mukha niya sa buhangin.


“You munchy!” malakas na sabi ng babae. Pero mukha naman siyang hindi galit.


Teka. Munchy? Oh! Boyfriend niya ang tinawag niyang munchy. Ano bang klaseng tawagan ‘yon? Iniwas ko ang tingin sa kanila. Isinuot ko uli ang shades ko at nagsimula ng maglakad. Mag-iikot muna ko. At hahanapin ang lagalag kong kapatid. Halos kararating lang namin, gumala agad. Hindi man lang ako isinama. Hmm... parang alam ko na ang dahilan. Gusto niyang masolo—


Naramdaman kong may bumangga sakin. Pag-lingon ko, nakita ko ang isang babae na nakaupo sa buhangin habang hawak ang noo niya. Umuklo ako sa harap niya. Tinanggal ko ang shades ko. “Miss, okay ka lang?”


Umangat ang tingin niya sakin. Oh! Siya yung babae kanina. Napansin kong saglit siyang natigilan habang nakatingin sakin. Sa mga mata ko. Na parang specimen sa microscope ang mga mata ko kung tingnan niya. Hindi ko mapigilang mapangiti sa ginagawa niya. Madalas, ang mga babaeng nakakasama ko, sa mismong mukha ko nakatingin. Pero ang babaeng ito...


“Hey.” Tinapik ko ng marahan ang mukha niya.


Napakurap siya. Unti-unti siyang ngumiti. Sabay sabing, “Sorry.”


Ako naman ang natigilan. Napakurap na lang ako. Sa ngiti niya. Parang ang gaan-gaan sa pakiramdam. Parang... Iniling ko ang ulo ko.


“Are you okay?”


“Hah?” Siya pa talaga ang nagtanong kung okay lang ako. Eh, siya nga ‘tong napaupo sa buhanginan. “I’m the one who should ask that. Okay ka lang ba?” Hinawakan ko ang noo niya. “Masakit ba?”


“Hah?” Napakurap ang babae. The way she blinked her eyes, para siyang bata. Parang batang inosente na walang muwang.


“Do I need to take you to the clinic? Para kasing wala ka sa sarili mo. Mukhang napasama ang tama ng noo mo.” Akmang bubuhatin ko siya nang bigla siyang tumayo. Tumayo na rin ako.


“I’m, okay. Promise!”


“Are you sure? Para kasing may sugat ka sa noo mo.”


“Huh?” Hinawakan niya ang noo niya. “Wala naman, ah.”


“Dumi lang pala. Pero sure ka bang okay ka?”


Sunod-sunod siyang tumango. Pinalo pa niya ang noo niya. “Kita mo? I’m really okay.”


Humalukipkip ako. “Para kasing hindi, eh.” Pigil ang ngiti ko. Ewan ko ba, pero parang gusto ko pa siyang kausapin. Kailan pa nangyari ang ganito sakin? Na halos ako ang gumawa ng way para hindi umalis ang isang babae sa harapan ko?


At alam ko namang okay lang talaga siya. Pero bakit gano’n? Nagtataka lang ako. Hindi naman sa nagmamayabang, pero hindi siya katulad ng ibang babaeng nakikilala ko na halos gagawa ng way para mapalapit ako sa kanila. Pero siya, tumanggi pa na buhatin ko siya at dalhin sa clinic.


“Okay lang talaga.” Sunod-sunod pa siyang tumalon. “No broken bones. No fracture. No injury. I’m definitely fine.”


“Demi!”


Napalingon ang babae sa likuran ko. Napalingon din ako. Naghihintay ang lalaking kasama niya di-kalayuan samin.


“Tinatawag ka na ng kasama mo. Sa susunod wag kayong maglalaro dito. Hindi ito playground. Beach ‘to.” Hindi ko mapigilang mag-sungit. Dahil ba sa epal niyang boyfriend? I don’t know.


“Huh? Bakit sila naglalaro? Bakit ako bawal?” Itinuro ng babae ang mga naglalaro ng volleyball.


Napakamot ako ng noo. “What I mean—” Humagikgik siya kaya napahinto ako.


“I’m just kidding. Sineryoso mo naman. I will not play again here. Only if I catch munchy. And speaking of munchy,” Lumingon siya sa likuran ko. “I’m gonna catch him na.” Tiningnan niya ko. At nginitian. “Ba-bye.” Kinaway pa niya ang kamay niya sa harap ng mukha ko bago habulin ang kasama niyang lalaki.


Napasunod na lang ako ng tingin sa kaniya. At napailing. Pero hindi ko namang mapigilang mapangiti.


“Hi.”


Napalingon ako sa gilid ko. May isang babaeng nakangiti sakin. Pero ang ngiti niya, hindi katulad ng ngiti ng babae kanina.


Teka, bakit ko ba siya iniisip? Nginitian ko ang babaeng nasa harapan ko. “Hello.”


= = =


[ DEMI’s POV ]


“Sino ‘yong kausap mo?” tanong ni Matt ng makalapit ako sa kaniya. Nilingon ko ang tinutukoy niya. Ang lalaking nabangga ko. May kausap na siyang babae.


“I don’t know.” Napahawak ako sa noo kong hinawakan ng lalaki kanina. Ang init ng kamay niya. Ang sarap sa pakiramdam.


“Hindi mo kilala pero kung makipag-usap ka parang close kayo. Hindi ka ba nadadala?”


Nginitian ko siya. “Im just being friendly and nice, munchy.”


“Pero napahamak ka na—”


Sinutdot ko ang tagiliran niya. “Sumeryoso ka naman agad. Parang kanina lang ang kulit-kulit mo. Kaya tumatanda ka niyan, eh.” Deep inside, alam ko naman kung bakit siya ganyan.


“Wag mo kong kilitiin.”


“What? May sinasabi ka?” Kiniliti ko ulit siya.


“Demi!”


Binelatan ko lang siya.


“Para kang bata.”


“Para ka namang matanda.”


“Matanda pala, hah.” Pinanggigilan niya ang pisngi ko.


= = = = = = = =


Naglalakad ako sa tabi ng dagat habang nakangiting nakatanaw sa mga taong lumalangoy. Gusto kong maligo. Hinihintay ko lang si Matt. May kinuha lang siya sa cottage.


Nagpalinga-linga ako ng may mahagip ang mga mata ko. Yung lalaki kanina na nabangga ko. May kasama siyang dalawang babae. At masasalubong ko sila.


Napansin siguro niya na pinagmamasdan ko sila. Napatingin siya sakin. At napahinto siya. Literal na napahinto siya at pinagmasdan ako. Hindi pa ata siya nakuntento, lumapit pa siya sakin.


“Miss, do I know you?”


“Hah? Hindi ba’t...” Napahinto din ako habang pinagmamasdan siya. Bakit parang may kakaiba sa kaniya ngayon?


“Demi!” Napalingon ako sa likuran ko. Nakita ko si Matt.


“Wait lang, munchy!” Nilingon ko uli ang lalaki. Nginitian ko siya. “Nagka-amnesia ka ba? Nagkita na tayo kanina diba? Ikaw yung nabangga ko. Sige. Bye.” Patakbong lumapit ako kay Matt.


“Ba’t kausap mo na naman ‘yon?” tanong niya agad ng makalapit ako sa kaniya.


“Nasalubong ko lang.” Hinila ko siya. “Ligo na tayo.”


= = =


[ ZYRUZ’s POV ]


Napailing ako ng matanaw ko ang kapatid ko. Sabi na nga ba. Babae na naman. Mukhang naramdaman niyang nakatingin ako sa kaniya kaya napalingon siya sakin. Kinawayan niya ko. Lumapit ako sa kaniya. Sumunod naman ang dalawang babae kong kasama. Yung babaeng lumapit sakin kanina at ang kaibigan niya.


“Kakaiba ka talaga, Lynuz.” sabi ko. Tiningnan ko ang mga kasama niyang babae.


Ngumiti siya. “Parang siya hindi.” Nilingon niya ang mga kasama niya na tulala habang nakatingin saming dalawa. “Girls, kita-kits na lang mamaya.” Inakbayan niya ko at inakay palayo.


“Oh my God!” Narinig ko pang sabay na sambit ng mga babaeng iniwan namin. Nagkatinginan na lang kami ng kapatid ko at napangiti.


“Ba’t umalis agad tayo?” tanong ko. “Babae ‘yon. Iniwan mo.”


“Eh, ba’t ikaw? Iniwan mo din?”


“Nauna akong nagtanong.”


“Nauna akong ipinanganak.”


“Anong connection?”


“Wala.”


Sabay pa kaming napabuntong-hininga.


“Ang lalim no’n.”


“Mas malalim ang sa’yo.” sabi ko. “Anong mero’n?”


“I just saw someone. Someone that reminds me of someone I knew.”


“Ang gulo mo.”


“Eh, ikaw?”


“Anong ako?”


“Why did you sighed?”


“Nagsasawa na ko sa mga babaeng—”


“Wow! Himala ‘yan!”


Binatukan ko siya. “Hindi pa ako tapos. Excited ka naman dyan.”


Binatukan din niya ko. “Paganti lang. So, ba’t ka nagsasawa sa kanila?”


“Puro sila pa-cute. Hindi katulad ng babaeng nakita ko…” My voice trailed off when I realized what I just said. Shit! Ang daldal ko!


“Babaeng nakita mo? Kailan? Saan? Bago ‘yan, ah.”


Nginitian ko siya. “Secret.”


“Ang daya mo!”


= = = = = = = =


5:00 PM.


“Sa’n tayo pupunta, My?” narinig kong tanong ni Lynuz kay mommy.


“Nakita namin dito ng daddy ninyo ang barkada namin nung college.” Excited na sagot ni mommy.


“Pupunta tayo sa cottage nila at magba-barbecue party tayo.” dugtong ni daddy.


“Excited na ko! Sobrang tagal na din ng huli tayong magkita. Diba hon?”


“Oo nga, hon. Biruin mo dito pa tayo nagkita-kita.”


Alam ko ang tinutukoy nila. Ang bestfriend ni daddy na si Tito Peter. At ang asawa niyang si Tita Cleo na bestfriend naman ni mommy. Naging magbabarkada daw sila ng ligawan ni daddy si mommy. Na-fall naman daw si Tito Peter kay Tita Cleo. Hanggang maging mag-on, hanggang sa maging magbabarkada. Five years old pa lang daw kami ni Lynuz ng huling makita nila ang mga kaibigan nila. They lost communication simula ng mag-migrate kami sa States. Bumalik lang kami dito sa Pinas after highschool. At ngayon, dito pa talaga sila nagkita-kita. Hindi ko na nga masyadong matandaan ang mga mukha ng kaibigan ng parents ko. Naging abo ang mga pictures namin na kasama sila nang masunugan kami no’n. May mga natira nga, pero hindi ang mga pictures na kasama sila.


“Tatlo na ang anak nila, hon.” sabi ni mommy.


“Natalo pa tayo, ah. Tayo ang unang nakabuo. Pero sila ang nakarami. Hindi ba’t nagpustahan pa tayo no’n na kung sino ang makakarami satin? Mukhang matatalo tayo sa pustahan natin. Ikaw naman kasi.”


“Bakit ako? Ikaw ang lalaki dyan.”


“Basta ikaw.”


Nagkatinginan na lang kami ni Lynuz sa takbo ng usapan ng parents namin. Kanino pa ba kami magmamana? Syempre sa kanila. Sinenyasan ko si Lynuz. Hinila ko si daddy. Hinila naman niya si mommy.


“Baka abutin pa tayo ng umaga dito sa kwentuhan ninyo, Dy.” sabi ko.


“Sayang ang barbecue. Ang mga barbecue.” dugtong ni Lynuz.


Nagkatawanan kami.


= = = = = = = =


“Ayun sila.” sabi ni daddy sabay turo sa isang cottage di kalayuan sa cottage namin.


“Bilisan natin.” Hinila pa ni mommy si daddy. Nagkatinginan kami ni Lynuz. Natatawang napapailing na lang kami.


Nang makalapit kami sa mga kaibigan nila. Todo yakap naman sila sa isa’t isa. Mukhang sobrang namiss talaga nila ang isa’t isa.


“This is Peter and Cleo.” nakangiting pakilala ni mommy.


“Nice to meet you po, Tito Peter and Tita Cleo.” sabay naming bati ni Lynuz.


“Ito na ba sila? Mga binata na, hah. At ang gagwapo!” sabi ni Tita Cleo.


“Yung mga anak ninyo? Nasa’n na?” tanong ni mommy.


“Nasa loob pa. O ayan na pala sila.”


Napalingon ako sa veranda ng cottage nila. Pababa sa hagdan ang isang babae at lalaki. Kumunot ang noo ko ng makilala sila.Tumutok ang mga mata ng babae sakin. Nanlaki ang mata niya. “Waah! Dalawa sila!”

= = =


4 comments:

  1. Babasahin ko pag completed na

    ReplyDelete
  2. kahit maging sirang plaka ka na sis sa kaka greet sakin! hindi ako magsasawa.. hahah.. thank you ng madami!

    munchy??? kyuut! hahaha. akala ko talaga bf ko yun! sayang! hahaha.. incest lang..

    my gass! takot ako sa ipis pero ibang usapan na tlaga pag binato sa la fez ko ang ipisss!! gaaaah!! nahulaan mo talaga sis! dahil jan, 1 point ka na!

    i love to stare someone eyes too! dun ako laging naatract kesa mukha.. dahil jan 2 points ka na!! baka malagpasan mo na ang puntos ni madam auring ah..

    akala ko talaga sis nung when he forgot who i am sa beach, mga ala "50 first date" ang drama nang kwento.. hahah.. mabuti na lang hindi..

    so they are twins! parang may something something ah.. hahha..

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^