Friday, May 10, 2013

One Summer Love - "My Other Half" : Chapter 3


Chapter 3
[ DEMI’s POV ]

“Anong year ka na?”


Napalingon ako kay Zyruz. Naglalakad kami sa tabi ng dagat. Hindi na niya ko buhat dahil pinagtitinginan na kami ng mga tao kanina. “Second year this coming school year.”


“Highschool.”


“Do I looked like a highschool student? Hmm, sabagay, ang cute ko kasi, eh.”


Ngumiti siya. Ginulo niya ang buhok ko.


“Ikaw?” tanong ko.


“Tapos na ko ng highschool.”


“Hindi naman ‘yon, eh.”


Ngumiti na naman siya. “Kakagraduate lang namin ni Lynuz last March.”


“What course?”


“Fine arts and Engineering.”


“Alin ka do’n?”


“Both.”


“Alin nga?”


“Kahit ano do’n. Magkamukha naman kami ni Lynuz, eh.”


“Zyruz naman, eh.”


“Zyruz naman, eh.” pang-gagaya niya sakin.


“Pangit ka kapag hindi mo sinabi.”


“Engineering.” mabilis niyang sagot.


“Natakot siya.” natatawang sabi ko. “Congrats, ah! Libre ka nga.”


“Anong libre? Parang never ko pang na-encounter ang word na ‘yan.”


“Hindi nga? Never ka pang nanlibre?”


“Never.”


“Ang kuripot mo naman. Paano kapag nagde-date kayo ng girlfriend mo?”


Tiningnan niya ko. “Single ako.” Na parang sinasabing pwede akong mag-apply. At bakit parang nag-floating ang puso ko sa narinig ko?


“Eh, yung mga ex mo?”


“Mga talaga? Ang sakit mo namang magsalita.” With matching hawak pa sa dibdib niya. “Alam kong gwapo ako. Pero mukha ba kong playboy?”


Hinimas ko ang baba ko habang nakatingin sa kaniya. “Yes.” Sa mukha niyang ‘yan, malamang, marami na siyang naging ex.


Sumeryoso ang mukha niya. “Yes. Nagka-girl friend na ko. Pero never ko silang pinagsasabay. And yes, nagka-girlfriend ako. Pero wala sa kanila ang babaeng gusto ko.” Ngumiti siya. “Ako kasi ang nililigawan nila. At dahil lamang ako ng isang paligong kabaitan kay Lynuz, sinasagot ko sila. Wag lang nila akong liligawan kapag may topak ako, baka kasi mabasted ko sila.”


I pouted. “You’re so yabang.”


“Yes, I am.” Kumindat pa siya.


“Tangayin ka sana ng hangin.”


Bigla siyang kumapit sakin. “Baka tangayin ako, isasama na kita. Para naman may kausap akong cute daw habang nililipad ako ng hangin.”


Natatawang tinulak ko siya. Bigla siyang napaupo sa buhanginan. “Ang OA mo naman. Hindi naman malakas ang pagkakatulak ko.”


“Malakas kaya.” sabay himas sa braso niya.


“Hindi kaya.”


“Malakas.”


Umupo ako sa tabi niya. “Malakas ba talaga?”


Nangingiting tinapik niya ang ulo ko. “Hindi.”


“Wala ka talagang magawa noh?”


“Mero’n. Gusto mo isa-isahin ko? Pero bukas na lang.” Tumingala siya sa langit. “Ba’t hindi lumabas ang ate mo?”


“Ewan ko do’n. Masakit daw ang ulo, eh. Don’t worry, ipapakilala ko siya sa inyo ni Lynuz tomorrow.”


Tumango-tango siya. Pagkatapos ay napangiti na parang may nakita. Nilingon ko ang tinitingnan niya. Nakita ko ang ate ko, bitbit ang laptop niya at nagmamadaling naglalakad. “Si ate ‘yon, ah! Wait, ipapakilala ko siya sa’yo.” Tumayo na ko. “Akala ko ba masakit—” Pinigilan ni Zyruz ang kamay ko.


“Next time na lang. Maglibot na lang tayo.” Tumayo na rin siya at hinila ako.


“Pero ang sabi mo magpapahinga na muna tayo?” Nilingon ko si ate. May tumakip sa mga mata ko. “Zyruz. Wala kong makita.”


“Kasi nga may takip ang mata mo.”


“Pupuntahan ko lang si ate.”


“Ay! Wala na siya.” Saka lang niya inalis ang kamay sa mga mata ko. Hindi ko na rin makita ang ate ko.


Nilingon ko si Zyruz. “I-libre mo ko.”


“What?”


“I-libre mo ko. Nawala si ate because of you.”


Ngumiti siya. “Oh! Sure! First time kong manlibre kaya lubus-lubusin mo na.”


“Talaga!”


= = = = = = = =


Iminulat ko ang mga mata ko. Puting paligid ang nakikita ko. “Nasa’n ako?” Akmang babangon ako ng mapalingon ako sa kanan ko. May lalaking nakayukyok sa gilid ng kinahihigaan ko. Natutulog siya. Hawak niya ang kamay ko.


Dahan-dahan kong hinila ang kamay kong hawak niya ng magising siya. Unti-unti niyang iminulat ang mata niya. Naalimpungatan pa ata siya dahil ilang saglit pa siyang nakatingin lang sakin.


“Zyruz...”


“Demi!” Napaderetso siya ng upo. Kinusot niya ang mga mata niya. Napangiti ako. May gwapo talaga kahit bagong gising noh? And Zyruz is the best example. “Okay ka lang ba? Ang tiyan mo?”


Dahil sa sinabi niya, saka ko lang naalala kung nasa’n ako at kung bakit ako nandito.


- F L A S H  B A C K -

Palapit na kami ni Zyruz sa cottage namin. Asual, nando’n pa rin sa labas ang parents namin. Na mukhang kulang ang buong gabi sa pagkukuwentuhan nila. Sabagay, sobrang tagal na rin ng huli silang nagkita-kita. Mukhang hindi nga nila napansin na ang tagal naming nawala ni Zyruz.


Napalingon sila samin ng makalapit kami. “Demi, hindi mo ba kasama ang ate mo?” tanong ni mama.


“I saw her kanina. Nandyan po ba si Matt?”


“Wala rin.”


“Baka po magkasama sila.”


Umupo ako sa tabi ni papa. Umupo naman si Zyruz sa tabi ng mommy niya.


“Where’s your twin, Zyruz?” tanong ni Tita Erica.


Kumuha muna ng barbecue si Zyruz bago sumagot. “I saw him kanina.”


Pasimple kong inapakan ang paa niya sa ilalim ng mesa. “Ginagaya mo ko.” bulong ko.


Ngumiti lang siya at kumagat sa barbecue. “You like?” Kumuha siya ng barbecue at inabot sakin.


“Thank you.”


“Wala kang kabusugan.”


“Hindi ba naka-blue na tshirt si Lynuz?” tanong ni papa.


Tiningnan ni Zyruz ang damit niya. Naka-blue siya dahil nga nagpalit sila ni Lynuz kanina.


“Zyruz. You’re doing it again.”


“It’s not my idea, Dad. It’s Lynuz.” dahilan ni Zyruz. Tiningnan niya si papa. “I’m sorry, Tito, kung nalilito kayo. Mas gusto ni Lynuz ng red kaya nakipagpalit siya sakin kanina.”


“It’s okay, iho.”


Inapakan ko ang paa ni Zyruz. ‘Liar’, I mouthed.


Nagkibit-balikat lang siya habang kumakain ng barbecue.


“Buti hindi kayo nalilito sa dalawa.” sabi ni papa. “Simula’t sapul, litong-lito ako sa kanila. Siguro kung nagkaro’n ako ng kambal, mababaliw lang ako sa pag-iisip kung sino si ganito sa kanila.”


“Bakit, pare, may balak ka pa bang sundan si Matt?” natatawang tanong ni Tito Ric.


“Kung kaya pa, eh.”


“No way!” kontra ni mama.


“Shhh... may mga bata dito.” saway ni Tita Erica sa kanila.


“I’m not a kid anymore, ‘My.” Inginuso ako ni Zyruz. “Yan ang bata.”


“I’m not a kid! Dalaga na ko noh! Diba, papa?”


“Yes, baby.”


“Papa naman, eh!” Nagtawanan lang sila. “Pinagtutulungan ninyo ko, ah.”


“Don’t worry, Dems, kakampi mo ko.” natatawang sabi ni Zyruz.


“Tse!” Binelatan ko siya. Saka ko lang napansin ang tinawag niya sakin. Dems. Yun din ang tinawag niya sakin kanina ng buhatin niya ako sa likuran niya. Napangiti ako. Dems. Ang cute. Parang ako. Hehe.


Nagpatuloy ang kwentuhan, chikahan, daldalan at pagbabalik-tanaw ng parents namin. Nakikinig lang kami ni Zyruz. Minsan, nakiki-epal din. Maya-maya ay nagpaalam akong may kukunin lang sa cottage. Pero ang totoo, nakaramdam ng sakit ang tiyan ko. Katakawan ko kasi. Umupo ako sa gilid ng sofa.


“Anong nangyayari sa’yo, Demi?” Si mama. Lumapit siya sakin. “Masakit ang tiyan mo?”


“Opo...”


“Ano bang kinain mo?”


“Madami, iba-iba, halo-halo...”


“Alam mo namang hindi ka pwedeng kumain ng kung anu-ano. Hindi ka natutunawan.”


Napangiwi ako. “Ma... ang sakit...”


“Peter!” sigaw ni mama.


Dinala nila ko sa clinic na nasa resort. Kasama sila Tito Ric, Tita Erica at Zyruz. Si Zyruz pa nga ang bumuhat sakin.


“She’ll be okay. Tomorrow morning pwede na siyang lumabas.” Narinig kong sabi ng doctor bago ko ipikit ang mga mata ko.


“I’m sorry...” Narinig ko pa ‘yon kasabay ng paghaplos sa noo ko. That warmth. Pamilyar sakin ang init na ‘yon. Tuluyan na kong nakatulog.
 
- E N D  O F  F L A S H B A C K -


“Dems.”


Napalingon ako kay Zyruz ng haplusin niya ang pisngi ko. “Okay lang ako.” Hinawakan ko ang tiyan ko. “Okay na din ang tiyan ko.”


“Mabuti naman.” Humikab siya.


“Bakit parang puyat ka? Did you sleep here?”


“Hindi ako masyadong nakatulog dahil binantayan kita.” Nag-floating na naman ang puso ko sa sinabi niya. Ano ba ‘tong nangyayari sakin? Ba’t parang kinikilig pa ko?


“Ikaw ang nagbantay sakin? Where’s papa and mama?”


“Nag-presinta akong bantayan kita kagabi. Tutal naman, kasalanan ko ‘to.”


“It’s not your fault.”


“It’s my fault.” Hinaplos niya ang ulo ko. “I’m sorry.”


“Hindi mo kasalanan. I’m so takaw kasi.”


“Kasalanan ko, okay!”


“Ba’t parang galit ka?”


“I’m sorry. Ano lang kasi... ” He sighed. “Akala ko kasi kung ano nangyari sa’yo kagabi.”


“You’re worried.”


“I’m not! I mean...” He sighed.


Ba’t parang ang hirap para sa kaniya na sabihin niyang nag-alala siya? Hmm, baka naman, nakonsensya lang talaga siya sa nangyari sakin.


Napalingon ako sa wall clock. Nine am na. Napabangon ako bigla. “Nakakainis naman!”


“I said I’m sorry.”


Napalingon ako kay Zyruz. Yung mukha niya, mukha frustrated na ewan. “It’s not you okay. Nakakainis lang, why did I wake up this late? Nine am na kaya. Sayang yung oras na sana isi-swimming at igagala ko dito sa resort.”


“Yun lang?”


“Oo, yun lang. Ano ka ba? Every second counts. Baka naman pwede na kong lumabas ngayon? As in now na.”


“Okay. Tatawagin ko lang si Doc. At sina Tito.” Tumayo na siya ng tawagin ko uli siya. “Why?”


“Thank you sa pagbabantay sakin, ah.”


Ngumiti siya. “Your welcome.” Patalikod na siya ng humarap siya na parang may nakalimutang sabihin. Seryoso ang mukha niya. “From now on, inaalis ko na sa vocabulary ko ang salitang libre.”


“Sure. Sa iba na lang ako magpapalibre.”


“Subukan mo lang.” Iyon lang at tumalikod na siya.


1 comment:

  1. errr?? sinabi ko na ba sayo na mukha akong elem o HS? umamin ka!! manghuhula ka talaga o assistant ka ni madam auring! naka ilang puntos ka na bah.. hihihih.. slow sa numbers eh..


    sya daw nililigawan.. psh.. yabang!! haha.. atey! kinikilig na talaga ako sa kulitan nila! ilang wave ba to ng kiligness?? hahah..


    ay bakit tinakpan nya yung eyes ko? well, aalamin ko na lang yun sa kwento ni ate ko.. hihi..


    strike two na sa endearment na yan ha!!! anebeyen!!! yyiiiiiip!! so kilig!!


    sapul ako dun ateng ha! nabanggit talaga ang katakawan ko dito!.. hahaha..


    at talaga binantayan niya ko, ang sweeeet na malagkit!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^