Chapter
6
[ ZYRUZ’s POV ]
“Bakit ninyo pinainom sina
Matt kagabi?”
‘Yon ang sumalubong samin paglabas namin ng kwarto ni Lynuz.
Kakagising lang namin. Tinanghali na kami ng gising dahil nag-inuman pa kami kagabi.
Nagkatinginan kami ni Lynuz. Sabay pa kaming nag-turuan.
“Lynuz. Zyruz.”
“It was Lynuz’ idea, dad.”
“Anong ako? Ikaw ‘yon.”
“Ikaw.”
“You.”
“Yes. You.”
“Enough!” saway ni dad.
Napaderetso kami ng tayo ni Lynuz.
“Hon, ako ng kakausap sa
kanila.” sabi ni mommy.
Tiningnan niya kami. “Pagdating namin, dumeretso kami sa cottage nila Cleo.
It’s almost ten o’clock pero tulog pa ang mga anak nila except kay Demi. And we
saw this.” Itinaas ni mommy ang isang supot. “Favorite brand ninyo ‘tong dalawa diba? ”
Tumango kami.
“We trusted you, two, na
hindi kayo gagawa ng kalokohan kagabi. Pero anong ginawa ninyo? Nakakahiya kina
Cleo. Nilasing ninyo ang mga anak nila. Fifteen pa lang si Matt. At si Jonah,
hindi daw umiinom ‘yon.”
“Demi, too, mom. Uminom din
siya.”
Siniko ko si Lynuz.
“Talaga naman diba?”
“Bakit sinabi mo pa?”
“Zyruz.”
Tiningnan ko si mommy. “Fine. Five shots lang po.”
Hinilot ni mommy ang noo niya. “Kayo talagang dalawa...”
Siniko ko si Lynuz.
“What?” bulong niya.
“Kasalanan mo ‘to.”
“You owe me two.”
“What? Two?”
“I helped you last night with
Matt.”
“That means I owe you one.”
“You told something to
Jonah.”
“Fine. Bayad na ko sa’yo sa
gagawin ko.”
Nilingon ko ang parents namin. “It’s my fault, dad, mom. Ako po ang pasimuno nito. I’m
sorry. Gusto lang namin mag-enjoy. Tutal naman iniwan ninyo kami dito kagabi.
And it looks like na kararating lang po ninyo.” Tiningnan ko ang
relo ko. “Tanghali
na po, ah. Sa’n po kayo galing?”
Nagkatinginan ang dalawa. Na parang nag-iisip ng isasagot.
Nagkatinginan din kami ni Lynuz at napangisi.
“Sabi na nga ba.” I said.
“Sinadya ninyo pong iwan kami
kagabi.” dugtong ni
Lynuz.
Sabay silang napalingon samin. Humakbang kami ni Lynuz palapit
sa kanila. Sabay na humalukipkip, yumuko at tinitigan sila.
“What’s the hidden agenda?” I asked.
“Share ninyo naman po.”
“May pinuntahan lang kami.” sagot ni dad.
“Saan po?” tanong ni Lynuz.
“Malapit lang.” mom answered.
“San pong malapit?”
“Ba’t hindi ninyo po kami
sinama ni Zyruz at nila Jonah? The more the merrier po diba?”
Biglang tumayo si dad at hinawakan ang kamay ni mommy. “Say sorry to
Peter and Cleo. Maliligo lang kami ng mommy ninyo.” Humakbang na
sila papasok ng kwarto nila.
Nagkatinginan kami ni Lynuz. At napangisi.
“So, okay lang sa’yo na mag-playing
cupid sila mommy?” tanong
niya.
“Is it okay with you?”
“I’m asking you.”
“I’m the one who asked you
first.”
“Ako kaya ang unang
nagtanong.”
“Secret.”
sabay naming sagot. Sabay pa kaming pabagsak na umupo sa sofa. “Hay, buhay...”
chorus naming sagot. Nagkatinginan kami. At napailing.
“So, tinamaan ka na din?” tanong niya. “Sabi na nga ba.”
“Ikaw din? Sabi na nga ba.
Kunwari ka pa.”
“Kailan ako nag-kunwari? Baka
ikaw ‘yon.”
Sinandal ko ang ulo ko sa sofa at tumitig sa kisame. “Naguguluhan ako.”
“Me, too. I don’t know what
to do.”
Nagkatinginan kami. Napailing. Sabay naming tinaas ang kamay
namin at nag-kamay. “Welcome sa mundo ng mga—”
“Zyruz! Lynuz! Maligo na
kayo!” That was mom’s
voice.
Nagtitigan kami ni Lynuz at nag-unahang pumasok ng kwarto namin
papunta ng restroom.
“Ako muna!” Ginitgit ko siya.
“Ako!”
“Edi sabay na lang tayo!”
“Ba’t ngayon mo lang naisip
‘yan?”
“Wala ka kasing isip!”
“Wala ka namang puso!”
=
= =
[ DEMI’s POV ]
“Demi!” Napalingon ako sa likuran ko. Si Matt.
“Why, munchy?” Humalukipkip lang siya. “Bakit nga?”
“Magkagalit ba kayo ni Kuya
Zyruz?”
“Hah?”
“Napansin ko lang kasi na
parang iniiwasan mo siya kanina habang nagla-lunch tayo kasama nila. May
problema ba?”
“Wala, ah.” Pero totoo ang sinabi niya. Iniiwasan ko
nga si Zyruz. Wala na kong matandaan kagabi. Nagising na lang ako na nasa kama
na ko. Hindi ko na kailangang magtanong. Nakatulog ako habang kumakanta si
Zyruz kagabi. At binuhat niya ko!
“I know you. Kailan ka pa
umiwas sa isang tao? Maski yung kambal na nanloko sa’yo nung high school hindi
mo iniwasan, pinatawad mo pa nga.” Hindi talaga niya mabanggit-banggit ang pangalan ng kambal na
‘yon.
“Hindi mo pa rin
nakakalimutan ‘yon?”
“Hindi talaga. Niloko ka
nila, eh. Muntik ka pang mapahamak ng dahil sa kanila.”
“That’s not true.”
“Ang ano?”
“Yap. Niloko nila ko. Nung
umpisa. Dahil hindi ko pa alam na kambal sila. They just want to test me kung
makikilala ko kung sino talaga sila. We became friends pa nga, eh. Pero hindi
nila ko pinahamak.”
“Pinahamak ka nila.”
“It was all my fault. Not
theirs.” Mahilig kasi na
magpalit ng katauhan ang kambal na ‘yon way back in highschool. Then one time,
katuwaan lang, exam ng isa sa kambal. Nakipag-pustahan ako sa kanila na
magpalit sila during exams. Lalabas ang isa, at ang isang kambal ang babalik.
Kung mero’n bang makakahalata o wala. Nakatatlong palit na ang kambal ng mula
sa likuran namin ay sumulpot ang advider ng isang kambal at nahuli kami. Sa
principal’s office ang bagsak namin ng araw na ‘yon.
“Besides, wala na sila dito.
Nasa ibang bansa na sila kaya patahimikin muna ang mga kaluluwan nila.”
“Demi!”
Nag-peace sign ako. “Ang serious mo naman kasi, eh.” natatawang
sabi ko.
“Tell me the whole story.”
“Ayoko. Tinatamad ako, eh.”
“Demi.”
“Munchy.”
“Dems!”
Ang boses na ‘yon! “Patay! Nandyan na siya!” Nilingon ko si Zyruz
na palapit samin. “May pupuntahan pa ko!” sabi ko sa kaniya
sabay sibat ng alis.
“Dems!”
Ayokong lumingon sa likuran ko dahil alam kong nakasunod siya
sakin. Lakad-takbo ang ginawa ko ng hindi niya ko maabutan. Pumasok ako sa
restroom na nadaanan ko. Lumapit ako sa sink. Tiningnan ko ang reflection ko sa
salamin. At kinausap. “Ano bang ginagawa mo, Demi? Para kang ewan. Bakit mo ba
siya iniiwasan?” I sighed. “Ano ba kasing dapat kong gawin? Tell me. Naguguluhan
ako. Dapat ko ba siyang iwasan para hindi na lumalala ang feelings ko sa
kaniya? Pero mali, eh. At alam kong nakakahalata na siya. Anong gagawin ko?”
“Hindi mo pa naman alam ang feelings mo,
bakit pinipigilan mo na agad?”
OMG! Ang boses na ‘yon! Hindi ko na kailangang lumingon dahil
mula sa reflection ng salamin, nakita kong lumabas ang ate ko. Napangiwi ako. “Hi, ate!”
Lumapit siya sa sink at naghugas ng kamay. “This is not the right place para mag-emote
ka. Restroom ‘to, Demi. Hindi lang ikaw ang tao dito.”
“May ibang tao pa ba?” Lumingon-lingon ako. Inisa-isa ko pa ang
bawat cubicle. Nakahinga ako ng maluwag. “Thanks, God at ikaw lang, ate.”
“Ako nga lang.” Nilingon ko siya. Nakasandal siya sa sink
at nakahalukipkip.
“Ate.”
“Ano?”
Lumapit ako sa kaniya. “Wag mo kong isumbong kay papa.”
She sighed. She patted my head like what she always do kapag may
problema ako. “Hindi
kita isusumbong.”
“Talaga? Thank you, ate!” I kissed her cheek.
Pinunasan niya ang pisngi niya. “Wag mo na uli gagawin ‘yon kung hindi
isusumbong kita. Bakit ba kasi tuwing hahalikan mo ko may kasama pang laway?” nakangiwi
niyang tanong.
“Kiss with love ang tawag
dyan.”
“Kadiri naman!”
“One more, ate?”
“Batok, gusto mo?”
“Sabi ko nga, hindi na.” Sumandal din ako sa sink at kumapit sa
braso niya.
“Mahirap ang magmahal ng
tulad niya.”
Napalingon ako sa kaniya. “Niya?”
“You know who I’m referring
to.”
“Zyruz...” Yumuko at tiningnan ang sahig.
“Hindi mo hawak ang mundo
niya. Plus maraming insektong nakapaligid sa kaniya. Marami kang magiging
kaagaw. Ngayon pang hindi kayo—”
“Ate, he’s not couting me!”
“Ano bang nararamdaman mo sa
kaniya?”
“Ano...” Ano nga ba talaga? “I don’t know. I’m not sure.”
“Bakit hindi mo muna alamin
ang nararamdaman mo bago ka mag-isip ng kung anu-ano?”
“Ikaw kaya ang nag-iisip ng
kung anu-ano.”
“Ako ba?”
“Yah. Anong kaagaw? Hindi ko
naman naisip ‘yon, eh.”
Tinitigan ko siya. “Bakit parang hindi naman si Zyruz ang pinag-uusapan
natin dito?”
Hinawakan niya ang ulo niya. “Sumakit na naman ang ulo ko... Nakakainis
talaga...” Kasabay ng pagbukas ng pintuan ng restroom. “Let’s go,
Demi.”
Paglabas namin ng restroom, nasalubong namin ang isa sa kambal.
Muntik pa nga kong mapaatras sa pag-aakalang si Zyruz siya. “Hi, Demi! Hi
Jonah!” May kasama siyang babae na saglit niyang iniwan at lumapit
samin. At parang namumukhaan ko ang babae. Isa siya sa kasama ni Lynuz the
first day I saw him sa tabi ng dagat.
“Hi, Lynuz!” bati ko. Dere-deretso lang si ate. Ni
hindi man lang niya binati si Lynuz. “Pasensya ka na kay ate. May hang-over pa, eh.”
“Kanina pa kita hinahanap,
Dems. Bakit mo ba ko iniiwasan?” sa halip ay sabi niya.
Nginisihan ko siya. “Lynuz. I know it’s you. Hindi ka ba napapagod sa
ginagawa mo?”
Ngumiti siya. “Hindi. Ang saya kaya nito. Nga pala. Kanina ka pa
hinahanap ni Zyruz.”
“I know.”
“Nando’n siya sa volleyball
area. Wala siyang kasama at nag-iisa. Kawawang bata. Mukha nga siyang
malungkot, eh. Bakit hindi mo siya samahan? Baka magbigti na ‘yon do’n. At
least, may kasama siya bago siya mawala sa mundong ibabaw.”
“Hindi mo pa naman alam ang feelings mo,
bakit pinipigilan mo na agad?”
Naalala ko ang sinabi ni ate. “Pupuntahan ko siya dahil baka ikaw ang
ibigti ko sa mga pinagsasabi mo.”
“Goodluck!” Pero bakit parang may ibang ibig sabihin
ang goodluck niya?
“Zyruz!” tawag ng babaeng kasama niya.
“He’s Lynuz, Miss!” sabi ko bago sila iwan.
“You’re Lynuz?” Narinig ko pang tanong ng babae.
“I’m Zyruz.”
Napailing na lang ako sa huling narinig ko.
=
= =
One Summer Love - "My Other Half" | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3
Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9
Final Chapter 1 | Final Chapter 2
Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9
Final Chapter 1 | Final Chapter 2
ang kyuuutt talaga ng kambal!!!
ReplyDeletegusto ko talaga yung mga buhat-buhatportion na yan!! haha.. landi rin eh..
bakit ba ang hilig ng mga babaeng mag emote sa public restroom?.. hahah.. including myself..
kiss with love!! thats noted!!
yiiiiipppp!! this is more getting exciting!!