Friday, May 10, 2013

One Summer Love - "My Other Half" : Final Chapter [Part 1]


Final Chapter (PART 1)
[ DEMI’s POV ]


After three weeks.


Nilingon ko ang paligid ko. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga bisita ko. Nandito kami sa clubhouse ng village namin. Dito ginanap ang debu party ko.


It was not a typical debu party. May pakulo sina mama at papa, kasama sina Tito Ric at Tita Erica. Dahan-dahang nawala ang ngiti ko. Iniwas ko ang tingin kina Tito Ric dahil may isang tao akong naaalala. Iniwas ko nga ang tingin sa kanila ng mapunta naman ang tingin ko sa isang table. Si Lynuz. Mas lalo tuloy nawala ang ngiti ko.


“Hey.”


Napalingon ako sa gilid ko. “Mama.”


Umupo siya sa tabi ko. “Okay ka lang, Demi? Ba’t parang hindi ka nag-eenjoy?”


I tried to smile. “Nag-eenjoy po ko, ‘Ma. Super.”


“Ba’t parang hindi naman?”


“Mama.”


“Demi.”


“Mama.”


Tinapik niya ng marahan ang pisngi ko. “Dalaga na ang Demi ko.”


“Pero para kay papa, baby Demi niya pa rin ako.”


“Alam mo naman ‘yang papa mo. Love na love ka.”


“I know, ‘Ma. Naiintindihan ko naman po, eh. I need to finish my studies first. Bago ang...”


“Bago ka mag-boyfriend.” dugtong ni mama. “Pero pwede ka namang makipag-date, eh. Hindi naman kita pinagbabawalan diba?”


“Ayoko po.”


“Dahil?”


Umiwas ako ng tingin. “Dahil wala po kung gusto.”


“Dahil wala kang gusto. O may nagustuhan ka na pero hindi mo maamin. O natatakot ka lang aminin dahil natatakot kang masaktan.”


Napalunok ako. “What do you mean, ‘Ma?”


Hinaplos niya ang gilid ng mata ko. “Tuwing ngingiti ka dati, umaabot sa mata mo. Pero simula ng umuwi tayo from our out of town, ngumingiti ka nga pero hindi naman umaabot sa mata mo. Nandito ka nga, pero parang wala ka naman. It was like your other half is missing.”


Mas lalong hindi ako nakapagsalita. Sobrang obvious na ba ko?


“Demi, you’re still young. Maraming darating at aalis sa buhay mo. Pero sana sa lahat ng dumating at umalis na ‘yon, naging totoo ka. Sa kanila at sa sarili mo. Nang tanggapin ko sa sarili ko noon na mahal ko ang papa mo, that was one of the best things. Because the best of the best things was meeting him. It was like... Hmm... yung lagi mong kinakanta, Demi, what is it again?”


“Enchanted po...”


“Yun nga. It was enchanting. Until now.”


Nang tingnan ko si mama. Ang lapad ng ngiti niya habang nakatingin sa gawi ni papa. Napangiti ako. Almost twenty years of marriage, pero para pa silang mga teenager kung minsan. Still sweet as ever. Sana ma-experience ko din ang ganyan. Sana ganyan din kami ng lalaking... hayy...


“Demi.”


“Yes, ‘Ma?”


“May tiwala kami ng papa mo sa’yo. Malaki ka na. You know your limitations.”


Hindi ko alam kung sa’n ba papunta ang pinag-uusapan namin. Pero hindi naman ako slow para hindi ma-gets ang mga sinasabi ni mama. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol samin ni Zyruz. Kung nahalata lang ba nila o ano.


“Wala din namang mangyayari kung magpapakatotoo ako sa sarili ko.” I said. Wala naman talaga diba? Kay Zyruz ko na mismo narinig. Nobody owns him. Not even me.


“Ngayon lang kitang nakitang ganyan.” Hinaplos niya ang pisngi ko. “Where’s the Demi I know na sinasabi ang gusto niya? Ang nararamdaman niya? Where’s the Demi I know na laging nakangiti? Where’s the Demi I know na lagi kaming kinukulit? Where’s that jolly Demi? We miss her so much.”


“Namimiss ko na din siya, ‘Ma.” Namimiss ko na ang dating ako. Ang dating ako before I met Zyruz.


She kissed my forehead. “Babalik na siya. Happy birthday, Demi.” Iyon lang at iniwan na ko ni mama. Na may pumalit naman agad.


“Happy birthday, Dems!”


“Shut up!” mahinang sabi ko.


Tumabi siya sakin. “Whoah! Ikaw naman ata ngayon ang pumalit sa trono ng ate mo. Nakakapanibago tuloy. By the way, long time no see, huh. It’s been what? Three weeks, right? Namiss kita, Dems.”


Tiningnan ko siya ng masama. “Tigilan mo ko, Lynuz.”


Tumawa siya ng mahina. “Smile, Demi. It’s your birthday today tapos nakasimangot ka. For sure, ang pangit ng kalalabasan ng mga picture mo pag nagkataon. Kaya ngumiti ka na.”


Ngumiti ako. Ng tabingi.


Napangiwi siya. “Wala kong masabi. Wala ng gamot dyan. Nga pala.” May inabot siya sakin. “Happy birthday daw sabi ni Zyruz. Sorry daw kung hindi daw siya nakapunta ngayong birthday mo. May importanteng mahalaga daw siyang gagawin. Mas importante pa sa’yo.” Tiningnan ko siya ng masama. “Sabi ko lang pala yung huli.” Napakamot siya ng batok. “Grabe ka, Demi! Nang sinaboy ba ng ate mo ang kasungitan niya, sinalo mo?”


“Anong sabi mo, Lynuz?”


Hindi ako ‘yon. Ang ate ko ang nagsalita mula sa likuran namin. Nakapameywang siya.


“Ah, Jonah. Wala, ah. Ang sabi ko nga kay Demi, ang bait-bait mo.”


“Parang hindi naman ‘yon ang narinig ko.” Tinaasan siya ng kilay ni ate.


“Nabingi ka lang.”  Hinila na ni Lynuz si ate palayo.


I sighed. Tiningnan ko ang regalong inabot sakin ni Lynuz na galing daw sa kambal niya. Gusto ko siyang buksan. Gustong-gusto. Pero hinaplos ko lang siya. Hinawakan ni Zyruz ang gift na ‘to. Kahit dito man lang, parang nahawakan ko din siya.


Because after three weeks, I just realized something. Yes, I’m in—


“Demi!” May humawak sa kamay ko.


“Mama!” Inakay niya ko sa gitna ng stage. Hawak ko pa rin ang gift sakin ni Zyruz. Naghiyawan ang mga bisita ko. Anong mero’n? Teka, bakit hindi ko alam, eh party ko ‘to? Tss… Lumulutang naman kasi ang isip ko, eh. May binigay na papel si mama sakin. “Ano pong gagawin ko dito?”


“Syempre, hindi pwedeng hindi ka kasama sa game. Ikaw ang birthday celebrant, eh. Right, madlang people?”


Nag-second the motion naman ang mga bisita ko.


Binasa ko ang nasa papel. Kumunot ang noo ko. “What’s this? A map?” May malaking X kasi akong nakita. At base sa nakikita ko, sa likod siya ng clubhouse. Do’n sa may garden. “May treasure po bang nakabaon sa likod ng clubhouse?”


“May treasure talaga, Demi, kaya go na.” Si Ate na ang umakay sakin papunta sa likod ng clubhouse. Pagkatapos ay iniwan na rin niya ko pagkatapos sabihing, “goodluck!”


Tiningnan ko ang nasa papel. Yun lang. Hindi ko makita. Nakapatay naman kasi ang ilaw dito sa garden. Hindi ko alam kung nagtitipid ba o ayaw lang nilang mahanap ko ang treasure. Nang mula sa kung saan ay may nag-abot sa kamay ko na kung ano.


“Flashlight. Gamitin mo.”


Si Matt ‘yon.


“Flashlight ba ‘to? Ang laki, ah. Wala na bang mas lalaki pa dito?”


“Pagtiyagaan mo na lang ‘yan.” Iniwan na niya ko.



Paano ba naman ang liit ng flashlight. Pero pwede na ring pagtiyagaan. Tiningnan ko ang papel. Hmm... Ano kayang treasure ang makikita ko. Baka yung gift sakin nila papa.


Ang sabi sa papel, two steps from right. Yun ang ginawa ko.


“One… Two...”


Next, five steps forward.


“One... Two... Three... Four... Five...”


Next, four steps from left.


“One... Two... Three... Four...”


Next, ten steps forward.


“One... Two... Three... Four... Five... Six... Seven... Eight... Nine... Ten...”


Next, seven steps from right.


Napakamot ako ng ulo. “Pinagloloko ba ko nitong mapang ‘to?” Naka-gown pa man din ako at heels. Nakakapagod, ah. “One... Two... Three... Four... Ay!” Hindi ko na natapos ang pagbibilang ko at paghakbang ko ng may mabangga ang mga paa ko na kung ano.


“Pinaglololoko nga ko ng mapang ‘to. Nasa four pa lang ako, ah.” Hinagis ko ang papel. Sabay tapat ng flashlight ko sa nabangga ko. Isa yung malaking kahon na nakabalot sa itim na tela. Kaya pala hindi ko napansin kanina. “Hmm... Ito na ba ang treasure? Ang laki naman. Ano kayang laman nito?” Akmang hahawakan ko ang kahon para buksan ng bigla yung bumukas. “Ay!” Sa gulat ko, napaatras ako at naapakan ko ang gown ko. Natumba tuloy ako at napaupo sa damuhan. “Ouch...”


“Okay ka lang?”


Nanlaki ang mata ko! Parang ayokong tumingala. Baka kasi, nabingi lang ako. Pero hindi ko naman mapigilan ang sarili ko. Dahan-dahan akong tumingala. And there I saw him. His smile. His smiling eyes. His face. Nasa loob siya ng kahon! Siya ang treasure!


Pero teka, kailan ba nagkailaw dito? Bakit lumiwanag?


Pero teka, hindi ‘yon ang dapat kong itanong. Anong ginagawa ni Zyruz dito? Akala ko ba...


Wala kong maisip na sagot. Nakatingin lang ako sa kaniya. Kaya bawat galaw niya, nakikita ko. Umalis siya sa loob ng kahon. Lumapit at lumuhod sa tapat ko. “Hi, Dems!”


Kinurap ko ng ilang beses ang mga mata ko. “Ikaw...”


“Yes. Me. Miss me? Ako, namiss kita, eh.” And kissed my forehead.


Napakurap na naman ako. Sabay hawak sa noo ko. “W-what are you doing here? Akala ko ba…”


“Na hindi ako pupunta? Pwede ba kong mawala sa birthday mo?”


“Diba sabi ko lumayo ka sakin?”


“Yes. But you never said that I should stay away from you forever.”


“Wala nga. Pero...”


Tinakpan niya ang bibig ko. “Bakit? Gusto mo na ba talaga kong lumayo sa’yo? Ayaw mo na ba talaga sakin?”


Umiling ako.


“So, ayaw mo na talaga sakin?”


Hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling. Kaya tinanggal ko na lang ang kamay niya sa bibig ko. “I never said that I don’t like you.”


“So, you like me?”


“Hah?”


“You like me, Dems.” Ang lapad ng ngiti niya.


“No.”


“What?!”


“Maraming darating at aalis sa buhay mo. Pero sana sa lahat ng dumating at umalis na ‘yon, naging totoo ka. Sa kanila at sa sarili mo.”


Huminga ako ng malalim. Tama si mama. Ano man ang dahilan ni Zyruz kung bakit siya nandito, bahala na. Basta ako... “I just don’t like you. But I love you.”


“Wha... What?!”


“I love you, Zyruz! There! I said it na! And don’t blame kung bakit ako nahulog sa’yo! Hindi ko naman kasalanan ‘yon, eh! Kasalanan mo ‘yon! Bakit ba kasi ang sweet mo? Bakit ba kasi ang bait mo sakin? Bakit kasi ganyan ang ngiti mo? Bakit ba kasi...” Kinagat ko ang labi ko. Ayokong umiyak pero sa tuwing naaalala ko ang mga sinabi niya ng gabing ‘yon, hindi ko mapigilang umiyak. “Bakit ba kasi bawal kang mahalin?”


“Dems...”


Pinunasan ko ang pisngi ko. “Bakit ba kasi hindi pwede? Ano na ngayong gagawin ko? Mahal kita, eh... Sisisihin mo rin ba ko kasi katulad ng ibang babae, nahulog din ako sa’yo? And I will be just like them? End of story na agad tayo...” Pumatak na naman si tears. “Nobody owns you, Zyruz. Can I be... Can I be the first one?”


Pinunasan niya ang pisngi ko. He cupped my face. Nakangiti siya ng titigan niya ko. “Remember what I told you the last time?”


Tumango ako habang pasinghot-singhot. “Happy birthday. Happy birthday lang ang sinabi mo... Just a simple happy birthday.”


Umiling siya. “It’s within the lyrics of the song I sang to you.” He started to sing that line he was talking to. This was the very first page... Not where the storyline ends... My thoughts will echo your name... Until I see you again... These are the words I held back... As I was leaving to say... I was enchanted to meet you...” Hinaplos niya ang pisngi ko. “Sabi ko na nga ba, ikaw ang nakita ko ng gabing ‘yon...”


1 comment:

  1. tama na nga yan 'Ma.. sapul na sapul na eh!! tagos na tagos nah!


    oh eeem jiiii!!! nakita ko na yung "same wave length" na sinasabi mo!!! it's like ako talaga ang nagsabi nun!!!! hahaha... galing mo teh!!!


    anong treasure toh??? grabe, supeeer excited!!!
    lokong map yun ah! ano yun! naglolokohan lang kami?? hahah..


    my gass!!!!!!! sya yung treaasssuureee!!!


    alam mo yung feeling na you're crying nah pero natatawa ka pa rin?? ganyan ako ka loka sa last part ng chappy na to.. hahaha... ang kyuuuuttt kasi eh!! tapos umanta pa sya! para lang akong ewan dito!!!

    kasalanan mo to! ikaw ang salarin ng mga luha ko, magbayad ka!! hahaha.. hndi biro lang..


    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^