Chapter
2
[ DEMI’s POV ]
“Sino po, ‘Ma?” tanong ko sa nakita daw nila kanina habang
naglilibot sila.
“Si Ric at Erica. Yung
barkada namin nung college. Na madalas naming i-kwento sa inyo.”
“I can’t remember their
faces.” sabi ko.
Madalas ngang i-kwento nila mama at papa ang mga kaibigan nilang ‘yon. Natangay
kasi ng baha ang mga pictures namin na kasama sila nung mga bata pa kami kaya
hindi ko talaga sila matandaan.
“Even me.” sabi ni Matt.
“Because the last time na
nagkita sila nila mama at papa, two years old ka pa lang, Demi. At ikaw, Matt,
hindi ka pa nag-e-exist.”
Napalingon ako sa ate ko. Nakaupo siya habang nakatutok ang mga
mata niya sa laptop niya. “How about you, Ate, natatandaan mo pa ba sila Tito Ric?”
tanong ko.
“Their faces? Nope. I was
four years old that time. Pero may isang pangyayaring hindi ko talaga makalimutan.”
“What was it?”
Lumapit pa ako sa kaniya.
“I forgot what was it.”
“What? Hindi mo makalimutan
but you forgot what was it? Ano kaya ‘yon?”
“Wag mo na nga kong kulitin,
Dems.”
“You’re so sungit talaga.” Tiningnan ko ang ginagawa niya. “Nag-uupdate ka
ng stories mo?”
Hindi siya sumagot.
“Ate, wala ka bang balak
lumabas dito sa cottage? To enjoy the sand, the sun, the beach, the scenery,
the boys?”
“Ano ‘yon, Demi?” tanong ni papa.
Lihim akong napangiwi. “The voice po. Yung mga kumakanta dyan sa tabi-tabi.”
Study first muna daw kasi bago ligaw-ligaw. Bakit sila? May ligaw na agad nung
college sila? Unfair diba? Tapos two years after college nagpakasal na sila ni
mama. Bakit ako, bawal pa?
“Ano, ate? Let’s go outside
muna habang wala pa yung bisita nila mama.”
Hindi pa rin siya sumagot.
“You know what, Ate. We went
here to enjoy. Sana hindi na lang tayo pumunta dito kung magmumukmok ka lang
dito sa cottage.” Three days kami dito kasama ng family ko. Nila. Ito ang gift
nila sakin for my eighteenth birthday aside from the party na gaganapin sa
mismong birthday ko three weeks from now.
Saka lang niya ako nilingon.
“Fine.” Isinara niya ang laptop niya.
I smiled and hugged her. I’m so galing talagang mangonsensya. “I love you
talaga, Ate! Muah! Muah! Muah!”
Pinunasan niya ang pisngi niya. “Ba’t may kasama pang laway?” nakangiwi
niyang tanong. Tinawanan ko lang siya. Sabay halik uli sa pisngi niya. “Demi!”
=
= = = = = = =
“Nandyan na ata sila. Ang
ingay na sa labas, eh.”
sabi ni Matt.
“Talaga? Excited na ko! Let’s
go outside na. Where’s, Ate?”
“Nasa loob ng room niya.”
Kinatok ko si Ate. “Ate, let’s go outside na. Nandiyan na sila Tito Ric.”
“Susunod na lang ako.”
“Okay.” Lumabas na kami ng cottage ni Matt. Nakita
ko na ang mga bisita namin. I’m ready to say hi to them ng mapatutok ang mga
mata ko sa isang lalaki. Na anak siguro nila Tito Ric. Nanlaki ang mata ko ng
makilala ang lalaki, lalo na ng mapatingin ako sa katabi niya. “Waah! Dalawa
sila!”
“Teka, siya yung kanina diba?
I mean, sila...”
bulong sakin ni Matt.
Nakakunot ang noo ng isa. The one in red shirt. Ngumiti naman
ang isa. The one in blue shirt.
Kambal sila? Kaya pala kanina, ng makita ko uli ang isa sa
kanila, hindi niya ko nakilala. Pero teka, sino sa kanila ang lalaking nabangga
ko? At ang lalaking may dalawang kasamang babae?
“Anong dalawa? They were
twins, Demi.” sabi
ni papa. “Hindi
ba nabanggit na namin ‘yan sa inyo?”
Oo nga pala. Nagulat lang naman ako na sila pala ang anak nila
Tito Ric. And speaking of Tito Ric. Lumapit ako sa kanila ng asawa niya, sabay halik
sa pisngi nila. “Nice
to meet you po, Tito Ric and Tita Erica.”
“She’s Demi.” sabi ni mama.
“Talaga? Ang laki mo na,
Demi, hah. Dati panay pa ang pa-karga mo sa papa mo.” nakangiting sabi ni Tito Ric.
“And still as sweet as ever.” dagdag ni Tita Erica.
“And this is Matt.” pakilala ni papa.
“Hello po, Tito, Tita.”
“Hello, iho.” Nilingon ni Tita Erica ang kambal. “Demi, Matt, this
is Zyruz and Lynuz, my twins.”
“Hi, kambal!” nakangiti kong bati sa kanilang dalawa.
Magkamukhang magkamukha talaga sila.
Kambal nga kasi, Demi.
“Hello, Demi.” nakangiting bati ng lalaking naka-blue. “Long time no
see.”
“Are you Zyrus or Lynuz?”
“Zyrus.”
“Lynuz.” saway ni Tita Erica sa kaniya.
Napakamot ng ulo si Lynuz na nagpakilalang Zyruz. Napangiti na
lang ako. Tiningnan ko ang lalaking naka-red shirt. “And you are Zyruz. Nice to meet you.”
Nginitian ko siya.
Nawala ang pagkakakunot ng noo niya. Unti-unti siyang ngumiti. “Hello, Demi.” Nagulat
na lang ako ng lumapit siya at halikan ako sa pisngi ko. “Nice to meet you.”
Napakurap ako. He kissed me! Wala pang lalaking nakakahalik sa
pisngi ko, except kay papa at Matt. I cleared my throat. Para kong ewan sa
reaksyon ko. It was just a simple kiss. Nothing more, nothing less.
“Ang ate ninyo?” tanong ni mama.
“Puntahan ko lang uli, mama.” Pumasok ng cottage si Matt.
Nag-simula ng magkwentuhan ang mga magulang namin. Samantalang
ako, lumapit sa kambal.
“Magkamukhang-magkamukha
talaga kayo noh?”
Palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. “Kambal nga kasi.” sagot ko din
sa tanong ko.
“Ikaw yung babaeng nakita ko
kanina.” sabi ni Lynuz.
“Nakita mo din siya?” tanong ni Zyruz sa kambal niya.
“Din? So, nagkita rin kayo
kanina?”
“I’m asking you.”
“I’m asking you, too.”
“Hep! hep!” sabay silang napalingon sakin. “Parehas ko
nga kayong nakita. Pero sino kaya sa inyo ang nakita ko kanina? I mean, sino sa
inyo ang una kong nakita at nabangga and the second one I saw at the beach?”
Nagkatinginan ang dalawa. Mukhang nag-uusap sila sa pamamagitan
ng mga mata nila. Gano’n naman talaga ang kambal.
“Kasi yung nakita ko sa
beach, he didn’t remember me. Now I know, dahil ang isa niyang kambal ang una
kong nakita, not him.”
“Hulaan mo nga.” sabi ni Lynuz.
“Kung mahuhulaan nga niya.” dagdag ni Zyruz.
“Nang tama.” dugtong ni Lynuz.
Tinitigan ko sila. Ang mga mata nila. Nakangiti ang mga mata ni
Lynuz kahit hindi naman siya ngumingiti. Samantalang itong si Zyruz...
Napangiti ako. Iniwas ko na agad ang tingin sa kaniya.
Tinuro ko si Lynuz. “You were the one I saw who didn’t remember me.”
Humarap ako kay Zyruz. “And you were the first guy I saw habang hinahabol ko ang
kapatid ko. Am I right?”
Nagkatinginan ang dalawa. Na parang hindi makapaniwala. Nagulat
ako ng tumawa si Lynuz. Tinapik niya sa balikat si Zyruz. “Now I know you’re secret, ‘tol.”
“Now I know what you saw, too.”
“What secret? Anong nakita?” tanong ko.
“Secret.” sabay na sagot ng dalawa.
“So, how did you know who is
who?” tanong ni Lynuz.
I smiled. “Tama nga ko? I’m so galing talaga! How did I know? I
don’t know. Instinct maybe. When I was in high school, naka-encounter na rin
kasi ako ng kambal na katulad ninyo.”
“Talaga? Babae ba? Ipakilala
mo nga samin.” nakangiting
sabi ni Lynuz.
May tumapik sa balikat ko kaya hindi na ko nakasagot. Paglingon
ko, si Matt ang nakita ko. “Where’s Ate Jonah?” tanong ko.
“Masakit daw ang ulo.” sagot niya. “Kakatutok kasi sa laptop niya.”
“Ang liit talaga ng mundo.” Lumingon ako sa kambal. I don’t know kung
sino ang nagsalita sa kanila. They have the same faces, pati boses. Still, I
can say who is who. Iba kasi ang dating ni Zyruz sa mga mata ko.
=
= =
[ ZYRUZ’s POV ]
“Hey.”
Napalingon ako sa likuran ko. Si Demi. Nakangiti siya habang
hawak ang dalawang barbecue. Umupo siya sa tabi ko.
“Where’s Zy—” Napahinto siya at tinitigan ako. Ngumiti
siya. “Where’s
Lynuz?” Binigay niya ang isang barbecue sakin. “Gulat ka noh? Nagpalitan pa kayo ng damit,
ah.”
It was not my idea. It was Lynuz. Gawain na namin ‘yon noon pa.
Ang magpalit ng katauhan. Tutal naman, hindi nakakahalata ang mga taong nasa
paligid namin. Gustong subukan ng kambal ko kung makikilala pa rin kami ni
Demi. Baka kasi nakatyamba lang siya kanina. Pero ngayong nakilala na naman
niya kung sino ako, kahit nagpalit pa kami ni Lynuz ng tshirt, curious talaga
ko kung paano niya nalaman kung sino si ano sa aming dalawa ni Lynuz. No one
can distinguish us. No one except our dear parents.
“How did you know? Psychic ka
ba? Manghuhula o ano?”
“Hmm... I just know.” Ngumiti na naman siya. Tumingala siya sa
langit. “Can
you still remember anything about our childhood. Two years old pa lang ako no’n,
eh. Wala kong matandaan.”
“Five years old pa lang ako no’n,
eh. Wala kong matandaan.”
“Huh? Ba’t parang ginaya mo
lang ang sinabi ko?”
Napangiti ako. “Ewan ko, pero parang may natatandaan ako. I asked my mom
about it and she confirmed it. May isang batang babae na laging sumasakay sa
likuran ko at ginagawa akong kabayo. Mukha bang kabayo ang ka-cutan ko no’n?”
Nagulat ako ng bigla siyang tumawa. “I know her! I know her! Na-kwento na sakin
nila papa ‘yan. Hindi lang nila matandaan kung sino sa inyo ni Lynuz ‘yung
ginagawang kabayo. Nalilito daw kasi sila sa inyo.”
“Sino? Ang ate mo o ikaw?”
“Secret.” Kumagat siya sa barbecue niya habang
nakangiti.
“Demi!” Napalingon kaming dalawa sa likuran namin.
Si Matt. Di-kalayuan samin.
“What?” tanong ni Demi.
“Come here!”
“Why?”
“May ipapakita ako sa’yo!”
“Ayoko! Baka ipis na naman ‘yan!” Iningusan ni Demi ang kapatid niya. Na
akala ko pa kanina, boyfriend niya. Kaya nagulat ako ng malamang magkapatid
pala sila. Hindi ko mapigilang mapangiti kanina.
“Bahala ka!”
“Talaga!”
“Bakit, munchy ang tawag mo kay
Matt?” tanong ko.
“Pang-asar ko sa kaniya.
Hindi niya kasi ako tinatawag na ate, eh. Feeling niya kasi mas matanda siya
sakin.”
“I thought he’s your boyfriend.
May pa-munchy-munchy ka pa kasing tawag.”
“What?” natatawang tanong niya.
“Hindi kasi kayo magkamukha.
Ampon ka siguro?”
“Baka ikaw ang ampon.”
“Si Lynuz ‘yon. Mas gwapo naman
ako sa kaniya.”
“Magkamukha lang kayo.”
Hindi ko alam pero natahimik ako sa sinabi niya. Katulad ng
reaksyon ko kanina ng titigan niya kami ni Lynuz na parang isang specimen at
sabihing magkamukhang-mukha talaga kami.
Kinalabit niya ko. “Tayo ka nga.”
“Bakit?”
“Basta.”
“Bakit muna?”
“Tayo ka muna.”
Napapailing na tumayo ako. “What now?” Nagulat ako ng sumampa siya sa
likuran ko. Muntik pa kaming matumba sa ginawa niya. “What are you doing?”
“I’m that liitle girl na
ginagawa kang kabayo no’n. Cute ka namang kabayo, eh.” natatawa niyang sabi. “Yatigidig-tigidig! Yatigidig-tigidig!
Lakad na!”
Hindi ko mapigilang mapangiti. It was like we’ve known each
other since then. Sabagay, mga bata pa lang kami, magkakilala na kami. Yun nga
lang. Hindi na namin matandaan ang isa’t isa.
“Kumapit kang mabuti. Baka
ihulog kita.”
“Ihuhulog mo ko?”
“Wala kong sinabi.”
“Kasasabi mo lang.”
“Demi, anong ginagawa mo?” Napalingon ako kay Tito Peter. “Bumaba ka sa
likuran ni Lynuz.” Dahil siguro sa t-shirt ko kaya napagkamalan niya
kong si Lynuz.
“Diba po nung bata ko,
sumasakay ako sa likuran niya?”
“Oo nga. Pero bata ka pa
no’n. Dalaga ka na ngayon.”
“I’m still seventeen.”
“But not three weeks from
now.”
Magde-debu na pala siya. “Three weeks pa naman po, eh.”
“Demi.”
“Oo na po.” Bumaba na si Demi sa likuran ko. Nang
tingnan ko siya, Nakasimangot siya.
“Tara.” biglang aya ko sa kaniya. Hindi ko naman alam
kung sa’n kami pupunta.
“Where?” Nakasimangot pa rin siya.
“Mag-ikot-ikot tayo.”
“Where?”
“Dito sa mismong pwesto natin ng
mahilo tayo.”
Napatingin siya sakin. Nginitian ko siya. Tinapik ko ang ulo niya. “Malamang dito sa
beach.”
Unti-unti siyang napangiti. Nilingon niya ang parents niya. “Maglilibot
lang po kami ni Zyruz, Ma, Pa,Tito, Tita!” Hinila na niya ko. “Let’s go!”
“Si Zyruz ba ‘yon? Diba si
Lynuz yung naka-blue-ng t-shirt?” Narinig ko pang sabi ni Tito Peter bago kami nakalayo sa kanila.
“Dems.” Natigilan ako sa tinawag ko sa kaniya.
Pero mukhang hindi naman niya ‘yon napansin ng lingunin niya ko.
“Why?”
Pumunta ako sa unahan niya. “Sampa ka sa likuran ko.”
“Hah?”
Nilingon ko siya. “I just heard that it’s your eighteenth birthday three weeks
from now. Three days lang kayo dito diba? Sa three days na ‘yon, anything na
gusto mong ipagawa sakin, gagawin ko. Birthday gift ko na sa’yo.”
Teka, tama ba ‘yong narinig ko na sinabi ko? Para ko nang sinabing gawin niya
kong utusan o alila. Hmm, gwapo namang utusan.
“Talaga?” Unti-unti siyang ngumiti. Bago sumampa sa
likuran ko. “Yatigidig-tigidig!
Yatigidig-tigidig!”
“Pwede bang wala ng yagitigitig...
err, basta ‘yon?”
“Ayoko.”
“Pero—”
“Kasasabi mo lang na susundin
mo ang utos ko.”
“Fine. Ako kawawa, ah.”
Tinawanan lang niya ko. Napakamot na lang ako ng noo ko habang
buhat ko siya sa likuran ko. Buti na lang at macho ako. Oops! Wala ng kokontra.
=
= =
One Summer Love - "My Other Half" | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3
Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9
Final Chapter 1 | Final Chapter 2
Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9
Final Chapter 1 | Final Chapter 2
kung sunog sa kanila, baha naman samin!! hahha.. naglolokohan ata kami ng kapalaran..
ReplyDeleteat first naguluhan ako kung sino ang nagsasalita, tatlo pala kami!! haha.. at si ate josa ko ang ate ko dito.. hndi na talaga kami nglalayo.. hahaha i have a feeling na gagawan mo din sya ng story.. ;p
sobrang tawa ako dun "the boys??" hahah.. ang landi talaga!!
ang landi rin nman tong si zyrus, nkahalik kagad eh.. hahah.. i like him nah! yyiiiiip!! what a sweet gesture!!!
kaya nga i wonder, ako pala ang older kay munchy, pero hes not calling me ate.. pasaway kang bata ka! hndi gumagalang sa nakakatanda! pero k eri na din, that would sounds like im an oldie already.. hahahha.. feeling young pa rin eh noh..
hahaha, adik lang! ginawang petrang kabayo si zyrus! sa gwapo nyang yun! patay kang bata ka! pero.. ahemm.... gustong gusto ko yun!!!!! hahahah..
ooookay???? he called me "Dems" already!!! akala ko sa ending pa yun eh.. goshness!!!!
yiiiiiiiiiippppppppp!!!!!