Chapter
9
[ DEMI’s POV ]
Nakahinga ako ng maluwag ng maramdamang daliri lang pala niya
ang lumapat sa labi ko. Akala ko...
“The next word from you, baka
makuha mo na ang first kiss mo before you turn eighteen, Dems. Kaya be a good
kid.” Tinapik pa niya
ang ulo ko ng marahan.
Feeling ko, namula ang mukha ko sa sinabi niya. Mas ayokong
dumilat. Ayokong makita ang reaksyon niya. Loko talaga ‘to! At paano niyang
nalaman na wala pa kong first kiss?
“Alam kong wala ka pang first
kiss. May nagbulong sakin. Gusto mo bang malaman kung sino?”
Hindi ako sumagot.
“Ayaw mo bang malaman?”
Hindi pa rin ako sumagot.
He chuckled. “You’re smart, Dems.”
Tama siya. Kasasabi lang niya na one word from me, makukuha ko
na ang first kiss ko. Waaah! Maisip ko lang’yon hindi ko na alam kung anong
irereact ko. Kikiligin ba ko? Hihimatayin? Magpapamisa? Magta-tumbling? O
mapapalo ni papa? Hayy… Erase! Erase! Wag mo munang isipin ‘yon, Dems! Wag muna
sa ngayon. Saka na lang.
Parang isang siglo ang lumipas bago siya uli nagsalita.
“Open your eyes, Dems.”
Dahan-dahan akong dumilat. At kasabay ng pagdilat ko,
dahan-dahan din siyang ngumiti. Ang lapad ng ngiti niya na parang nanalo siya
sa lotto. Nagulat ako ng halikan niya ang noo ko. “Thank you, Dems. Now, I know.”
“Know what?”
Hindi siya sumagot. Tiningnan niya ang relo niya. “Meet me at eight
pm sa labas ng cottage ninyo. May pupuntahan lang ako.” Tumalikod na siya at tumakbo.
“Zyruz!”
Huminto siya at nilingon ako. “See you later, my dear Dems!” Iyon
lang at tumalikod na siya.
My dear Dems.
I smiled. Hanggang tenga ata ang ngiti ko.
This feeling I have. It’s not just a simple crush.
Eh, ano ‘to?
Infatuation...
Or love?
=
= = = = = = =
Nandito ako sa labas ng cottage namin. Nakaupo sa hagdan. Tiningnan
ko ang relo ko. Alas otso na. Nasa’n na
kaya si Zyruz. Bakit wala pa siya?
Tumayo ako at nagsimulang maglakad. Nakakalayo na ko ng maalala
ko ang phone ko. Napakamot ako ng kilay. Tinatamad na kong balikan kaya
nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Dumaan ako sa cottage nila. Walang tao.
“Sa’n ko kaya siya hahanapin?
Hmm...”
Naglakad-lakad uli ako. Sa tabi ng dagat. Sa volleyball area. Sa
pool area. Wala. Sinubukan kong dumaan sa restaurant na kinakainan namin. Baka
umorder siya ng makakain namin. Napangiti ako sa naisip ko. Pero agad ding
nawala ang ngiti ko. Napahinto ako sa paghakbang. Tama ba ang nakikita ko? Si
Zyruz ba ‘yon? O si Lynuz? At kasama niya si... Si Mhira?
Dahan-dahan akong humakbang palapit sa kanila. Nakatagilid sila
ng upo. Nasa labas sila ng restaurant kumakain. Nagtago ako sa isang halaman.
Sumilip ako. Nakita ko ang mukha ni... Tama nga ako. Si Zyruz nga.
Nagtago uli ako. Tss... para kong ewan nito. Bakit ba ako
nagtatago? Pero, bakit ba sila magkasama? Diba kami ang magkikita ngayong gabi?
Siya nga nagsabi diba? Bakit iba ang kasama niya?
“I’m not into commitment,
Mhira.”
Napaderetso ako ng tayo ng marinig ko ang boses na ‘yon.
“Girls just come and go. Hindi
ko sila pinipilit na mag-stay sa buhay ko. Hindi ko rin sila pinipilit na
mahulog sakin. Parehas kaming nag-enjoy sa company ng isa’t isa. End of story. Alam
‘yan ng mga babaeng nakikilala ko at naiinvolve sakin. And it was not my fault
kung mainlove man sila sakin. I don’t know what love is. I never believe that
word. Never. Nobody owns me. So, the question is, do you like me Mhira?”
“Yes.”
Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil mabilis na kong umalis
sa lugar na ‘yon. Hindi ko alam kung sa’n ako nakarating. Namalayan ko na lang
na nasa tabi na ko ng dagat. Malayo sa mga taong nagkakasiyahan. Samantalang
ako, parang...
“Zyruz...” Napahawak ako sa tapat ng puso ko. I closed
my eyes. Parang replay na paulit-ulit kong naririnig ang mga sinabi ni Zyruz
kanina. Kagat ko ang labi ko ng dumilat ako. Hindi ko namalayang pumatak na ang
luha ko. Parang batang pinunasan ko ang pisngi ko. “Why am I crying ba?” Pero
pumatak na naman ang luha ko. “Nakakainis! Bakit ayaw mong huminto? Huminto ka na,
oh...” Pero ayaw pa ring magpa-awat ng luha ko. “Talagang ayaw mo, ah...” Sunod-sunod
ang ginawa kong pagpunas sa mga mata ko. Pero ayaw pa rin kaya hinayaan ko na
lang. Huminga ako ng malalim. Ng malalim na malalim.
“I’m not inlove with him...
Hindi ako inlove sa kaniya… Hindi... Kaya hindi dapat ako ma-hurt sa mga sinabi
niya dahil hindi naman ako inlove sa kaniya…” Tumayo ako at lumusong sa dagat. At naligo.
Umahon lang ako ng mapagod ako sa paglangoy. Sa paglangoy na parang ewan.
Humiga ako sa buhangin habang nakatingala sa langit.
Zyruz...
Nang biglang lumitaw ang mukha niya sa harap ng mukha ko.
Kinurap ko ang mga mata ko.
“Kanina pa kita hinahanap, Dems.
Ang sabi ko magkita tayo ng eight sa cottage ninyo. Na-late lang ako ng kaunti,
umalis ka kaagad.”
Umupo ako. Pero hindi ako nagsalita habang nakatingin sa kaniya.
May hawak siyang gitara.
“Girls just come and go. Hindi ko sila
pinilit na mag-stay sa buhay ko. Hindi ko rin sila pinilit na mahulog sakin.
Parehas kaming nag-enjoy sa company ng isa’t isa. End of story. Alam ‘yan ng
mga babaeng nakikilala ko at naiinvolve sakin.”
Hindi ko naman alam na bawal pala, eh. Edi sana pinigilan ko na
nung una pa lang. Edi sana, hindi ako parang baliw sa kakaisip kung ano ba
‘tong nararamdaman ko. You’re so unfair, Zyruz!
Umupo siya sa tabi ko. “Akala ko ba ayaw mong maligo sa dagat pag gabi dahil
natatakot ka sa mga pating, bakit naligo ka?”
“And it was not my fault kung mainlove man
sila sakin. I don’t know what love is. I never believe that word. Never. Nobody
owns me.”
Tama si ate. Hindi ko hawak ang mundo niya. Maraming babaeng
nakapaligid sa kaniya. At isa na do’n si Mhira. At ako din. Isa na din ako sa
kanila.
“Dems, are you listening?” Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko na
nasa mukha ko. Iniwas ko ang mukha ko. Tumingala ako sa langit.
I tried to smile. To fake smile. Sana lang nagmukhang totoo. “Alam ko na
kung ano ‘tong nararamdaman ko.” Hindi ako nakarinig ng sagot mula
sa kaniya. “Crush
lang kita.” I lied.
“What?!”
Hindi ko siya nilingon. “Yap. Crush lang kita.” Tiningnan ko ang relo
ko. “Naku
po! Baka hinahanap na ko ni papa. May usapan pa naman kami.” Tumayo
na ko ng hawakan niya ang braso ko. Napilitan akong lingunin siya. “Zyruz.”
“Dems.”
Sinubukan ko uling ngumiti ng maramdaman kong nag-iinit na naman
ang sulok ng mga mata ko. “Ang sabi mo susundin mo ang gusto ko diba? Last na ‘to.”
Matagal bago siya sumagot. “What is it?”
“Layuan mo na ko.” Ayoko ng alamin kung ano ba talaga ‘tong
nararamdaman ko. Ngayon pa lang nga, nasasaktan na ko. Paano pa kung mas malala
pa dito ang mararamdaman ko sa kaniya kapag hindi pa ko lumayo. Tapos, wala
naman pala kong mapapala. Mas masasaktan lang ako diba?
Wala kong nabasang ekspresyon sa mukha niya. Dahan-dahan lang niyang
binitawan ang kamay ko. Kasabay no’n ay tumalikod na ko. “Thank you for the company, Zyruz. I really
enjoyed it. I really enjoyed my summer.” Wala pa rin akong nakuhang
sagot mula sa kaniya. “Sige.” Nakailang hakbang na ko paalis ng may
marinig ako. Napahinto ako pero hindi ako lumingon. Ang tunog na ‘yon. Pinikit
ko ng mariin ang mata ko.
“Hindi ko natapos ang kanta ko
kagabi dahil tinulugan mo ko. Happy birthday, Dems.”
Hanggang sa marinig ko siyang kumanta.
“The lingering question kept me up...
2 am, who do you love?
I wonder till I’m wide awake...
And now I’m pacing back and forth...
Wishing you were at my door...
I’d open up and you would say
‘And it was enchanting to meet you...’
‘All I know is I was enchanted to meet you…’
This night is sparkling... Don’t you let it go...
I’m wonderstruck... Blushing all the way home...
I’ll spend forever... Wondering if you knew...
This night is flawless… Don’t you let it go...
I’m wonderstruck... Dancing round all alone…
I’ll spend forever... Wondering if you knew...
I was enchanted to meet you...”
Zyruz naman, eh... Tinakpan ko ang bibig ko. Baka kasi marinig
niya ko. Marinig niyang para kong ewan na umiiyak dahil sa kanta niya. Pero
alam kung hindi lang naman ‘yon ang dahilan.
“This was the very first page...
Not where the storyline ends...
My thoughts will echo your name...
Until I see you again...
These are the words I held back...
As I was leaving to say...
I was enchanted to meet you...”
It was just a song, Demi. Nothing more, nothing less. Kaya wag
ka ng umiyak. Wag ka ng umiyak. Sayang ang luha mo. Tubig din ‘yan.
Pero maski ako, hindi natawa sa joke ko.
Nakakainis naman. So nakakainis!
Hindi ko naman mapigilan ang sarili kong lingunin siya. Nakatalikod
siya sakin. Nakaharap siya sa dagat habang nakatingala sa langit.
“I was enchanted to meet you,
too, Zyruz...” I
whispered as a tear fell on my cheek.
=
= =
One Summer Love - "My Other Half" | Chapter 1 | Chapter 2 | Chapter 3
Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9
Final Chapter 1 | Final Chapter 2
Chapter 4 | Chapter 5 | Chapter 6 | Chapter 7 | Chapter 8 | Chapter 9
Final Chapter 1 | Final Chapter 2
aikssss! sayang! akala ko ano na eh.. hahahhaha... pinagpapawisan ako ng malapot dahil sa no talking portion na yan!! wag! magsalita ka demi!!! haha..
ReplyDeletewhat happened??? naman! may pa suspense suspense effect pa kasi!! hohoho...
ilang waves na ang nakuha ko,pgkatapos, bugssshh! ayheytu na zyruz! may luha portion pala! lalong lalo na nung kinanta niyana ung continuation ng song... anebeyen!!! hndi ko na tuloy mabasa yung nasa screen.. waaaaaaaaaahhhhh!!!!
is this goodbye???