Chapter
7
[ ZYRUZ’s POV ]
Nandito ako sa volleyball area. Dito ako dinala ng paa ko kanina
sa paghahanap kay Demi. Napailing ako. Okay naman kami kagabi, ah. Bakit
ngayon? May ginawa ba ko kagabi para lantarang iwasan niya ko? Para tuloy akong
ewan na naghahabol sa kaniya. Never in my whole life na naghabol ako ng ganito
ng dahil sa isang babae.
“Argh! Nakakainis!” Inis na sinipa ko ang batong nakita ko.
“Mukhang mainit ang ulo ng
kambal ko, ah. Sumasabay sa init ng panahon.” Nilingon ko siya. “You want?” alok niya sa hawak niyang ice
cream.
“Ayoko.” Umupo ako sa bench. Tumabi siya sakin at
dumekwatro.
“Hindi ko na kailangang tanungin
kung anong problema mo. Ganyan talaga ang mga babae. Ang hirap na ngang
intindihin, ang hirap pang ispelengin. Sala sa init, sala sa lamig. Hay ewan!”
Hindi ako sumagot. Naiinis talaga ko, eh.
“Hayyy... kung may gamit lang
na pwede kong gamitin para malaman ang iniisip niya, ginamit ko na.”
Nilingon ko siya. “Mukhang hindi ang problema ko ang pinag-uusapan natin.”
“Problema mo kaya.”
“Hi, Zyruz!” Sabay pa kaming napalingon sa gilid namin.
I can’t remember her name. Pero natatandaan kong she’s one of the girls na
nakilala namin ni Lynuz nung first day namin dito sa beach resort. At hindi
siya sakin nakatingin. Kay Lynuz siya nakatingin. Napagkamalan niyang si Lynuz
ako.
Tiningnan ako ni Lynuz. Hindi ako sumagot. Humalukipkip lang ako
at tumingala sa langit. Alam na niya ang gagawin niya.
“Hi, Mhira.” Narinig kong sabi ni Lynuz sa babae.
“Last day ninyo na dito diba? Why
don’t we join us? Lagi na lang kasing si Lynuz ang kasama namin.”
“Ayaw mo bang kasama si
Lynuz?” tanong ni
Lynuz.
“Hindi naman sa gano’n, what I
mean is sumama ka naman samin. Lagi mo na lang kasing kasama ang babaeng ‘yon.”
“Hindi siya basta babae lang,
okay.” singit ko. “Her name is Demi.
Call her Demi.”
“Lynuz, hindi naman sa...”
Tumayo ako at lumayo sa kanila.
“Galit ba si Lynuz?” narinig ko pang tanong ng babae. “Nanibago tuloy
ako. Hindi naman siya ganyan, ah.”
Because I’m not Lynuz! Minsan talaga, nakakasawa na kapag
napagpapalit kami ng katauhan ni Lynuz. Buti na lang at may dalawang taong
nakakakilala kung sino kaming dalawa. Si mom and dad. Mero’n pa pala. May
dalawa pa.
“Don’t mind my twin. May
pinagdadaanan lang ‘yan. Let’s go with your friends, Mhira.”
Nang makalayo sila ay saka lang ako bumalik sa kinauupuan ko
kanina. Natanaw ko si Matt. Bumalik sa alaala ko ang pag-uusap namin kanina. “Nakakainis...”
I greeted my teeth.
- F L A S H
B A C K –
Katatapos lang naming mag-lunch. Nakapag-sorry na din ako kina
Tito Peter at Tita Cleo. Dahil ang alam nila mommy, ako ang pasimuno ng inuman
kagabi.
“Dems.”
Nilingon niya ko. Alanganin ang ngiti niya. “Wait lang, hah.” Umatras siya at iniwan ako.
“Dems, wait!” Akmang susundan ko siya nang may humawak
sa braso ko. “Matt.”
Siya ang nalingunan ko. “Bakit?”
“Can I talk to you, Kuya
Zyruz?”
“I’m Lynuz, Matt.”
“You are Kuya Zyruz. Ikaw
lang ang tumatawag ng Dems kay Demi.”
Nilingon ko muna si Demi. Nakalayo na siya. Napailing ako. Ano
bang nangyayari do’n? Kanina ko pa napapansing iniiwasan niya ko, ah.
“Kuya.”
I sighed. Nilingon ko si Matt. “Sure. Ano ba ‘yon?”
“About Demi.”
“About her?”
“Do you like her?”
Nagulat ako sa tanong niya. Masyado naman siyang direct to the
point. Humalukipkip ako. “Do I need to answer that?”
“Yes.”
“Why?”
“Because...”
“Because?”
“Dahil ayokong saktan mo lang
siya.”
“Saktan siya?”
“She’s a charming person.
Anyone can easily like her. Madali mo kasi siyang makakasundo. She’s friendly
and nice. At madali siyang magtiwala sa ibang tao.”
“I know.”
“Way back in highschool may
nakilala siyang kambal. Just what like you ang Kuya Lynuz always did,
pinagpapalit nila ang katauhan nila. Niloko nila si Demi. Hindi lang niloko,
pinahamak pa nila ang kapatid ko. At ayokong mangyari uli ‘yon sa kaniya.”
“You think na gagawin namin ni
Lynuz ‘yon sa kaniya?”
“Not Kuya Lynuz, but you.”
Tumango-tango ako. “Kaya ba bantay sarado ka lagi saming dalawa ni Demi?”
“Hah?”
“You thought I didn’t notice
it?”
“I just want to protect her.”
Lumapit ako sa kaniya. Tinapik ko ang balikat niya. “You’re still
young, Matt. Hindi mo pa maiintindihan ang mga bagay-bagay.”
“Naiintindihan ko na.”
“Bakit? May girlfriend ka na
ba?”
“Wala.”
“Pero nagka-girlfriend ka na?”
“Hindi pa.”
“Hindi pa? At fifteen ka na!”
Natigilan sila. Mukhang ngayon lang niya na-realize kung anong
sinabi niya. “Teka…teka!
Bakit ba napunta sakin ang topic? Kayo ang topic dito.”
“Fine.” I smiled. “I will not do anything to hurt your dear
sister. That’s a promise.”
“Then you like her?”
Makulit din ang isang ‘to, ah. “Sagutin mo muna ang tanong ko. Lalaki din ba
ang kambal na tinutukoy mong nanloko kay Demi? May nagustuhan ba sa kanila si
Demi? Sino sa kanila? Mas gwapo ba sakin?” Teka, tinanong ko ba
talaga ‘yon? Ano bang nangyayari sakin?
Hindi sumagot si Matt. Ngumiti lang siya. “I will not tell you unless you tell me you
like my sister.” Iyon lang at iniwan na niya ko.
“Matt! Kahit yung isang tanong
na lang!”
Huminto siya at nilingon ako. “Ano?”
“Lalaki din ba ang kambal na
‘yon?”
“Yes!”
- E N D
O F F L A S H B A C K -
“Hey.”
Naputol sa paglalakbay ang utak ko sa boses na ‘yon. May apat na
babaeng nasa harap ko. I don’t know them. Sabagay, sanay na kong may lumalapit
sakin na babaeng hindi ko naman kilala at nakikipagkilala.
“Alone?”
Tumingin ako sa magkabilang gilid ko. Nginitian ko sila. Pero
yung ngiting ginagamit ko kapag ayoko muna ng kausap. “Mukha ba kong may kasama?”
“Ahm.. sige.” Iyon lang at tumalikod na sila at naglaro
ng volleyball.
Napailing ako. Ito ang pagkakaiba namin ni Lynuz sa babae.
Masyadong mabait si Lynuz sa mga babae. Mahilig siyang mag-ligtas ng damsel in
distress. Ayaw daw kasi niyang makakita na may naaaping babae. Ang sabi ko pa
nga, dapat naging superhero na lang siya kesa nag-Fine Arts. Wala pang gastos.
Tumingala ako. Demi...
I sighed. I need a distraction. Para na kong sira nito. Tumayo ako at lumapit
sa mga babaeng lumapit sakin kanina. Hinanda ko na ang ngiti ko. “Can I join you,
girls?”
Impit pa silang nagtilian. “Sure!
sure!”
“Kampi ka na lang samin!”
“Anong sa inyo? Samin siya!”
Kulang na lang hatiin nila ang katawan ko sa ginagawa nila. “Ganito na lang,
me versus you four. Kapag natalo ninyo ko, may kiss kayo sakin. Deal?”
At kapag natalo ako, titigilan ko na ang pagsunod-sunod kay Demi.
So, dapat akong manalo. Kailangan kong manalo. [inner
self]
Nagtilian na naman sila. Hindi ba sila nabibingi sa mga tili
nila? Ang mga babae talaga, hindi ko sila maintindihan. Hindi pala, sa lahat ng
babae, si Demi ang hindi ko maintindihan.
= = =
[ DEMI’s POV ]
Hindi pa agad ako nakaderetso ng volleyball area dahil naharang
ako ni papa at mama. May pinakuha lang sila sakin sa cottage. Patakbo akong
pumunta ng cottage at kinuha ang inutos nila. Hindi ko pa ‘yon agad nakita.
Pagbalik ko sa kanila, sumibat agad ako ng alis papunta ng volleyball area.
Para kong sira noh? Kanina, iniiwasan ko si Zyruz. Tapos ngayon,
ako naman ang naghahanap sa kaniya. Alam ko, para akong baliw. Eh, ano naman?
Kayo kaya sa pwesto ko. First time mangyari ‘to kaya hindi ko alam ang dapat
kong gawin.
“Bakit
hindi mo muna alamin ang nararamdaman mo bago ka mag-isip ng kung anu-ano?”
Tama si ate. Saka ko na iisipin ang dapat kong gawin. First, I need
to be sure about my feelings. Kung crush lang ba, infatuation or what. Hayy...
What a summer vacation! Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sakin—
Napahinto ako sa paghakbang ko. Nandito na ko sa volleyball
area. At ang likod na ‘yon. I know it’s him. Si Zyruz. And he’s playing
volleyball with the other four girls. Him versus them. At mukhang ang saya-saya
nila dahil nagtatawanan pa sila. Ito ba ang malungkot? Mukhang hindi naman. Ang
saya-saya nga niya.
Napahawak ako sa dibdib ko. Si heart, bakit parang nasasaktan? Humakbang
na ko patalikod ng makarinig ako ng sigaw.
“Demi!”
Pagharap ko, may kung anong tumama sa noo ko. Bull’s eye! Para
kong inalog ng limang beses sa lakas. Iyon na lang ang naalala ko dahil
nagdilim na ang paningin ko.
=
= = = = = = =
“Hmm...” Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko.
Puting kisame ang nakita ko. Hanggang sa mapalitan ‘yon ng isang mukha. Zyruz’s
face.
Hinaplos niya ang pisngi ko. “Okay ka lang, Dems?”
Napahawak ako sa noo ko. “My head aches...”
“I’m sorry. Hindi ko na kasi
nahabol yung bola. Ano ba kasing ginagawa mo do’n?”
Saka ko lang naalala ang nangyari. Biglang bangon ang ginawa ko.
Nagkauntugan tuloy kami. Biglang balik ko ng higa. “Aray...”
“Sorry.” Hinaplos niya ang noo ko.
“I’m okay.” Umiwas ako ng tingin.
Umupo siya sa gilid ng kinahihigaan ko. “I win the game.”
Napatingin ako sa kaniya. “Hah?”
“Wala.” Hinaplos niya uli ang noo ko. “Masakit pa ba?”
Umiling ako. Medyo lang naman, eh.
“Masakit pa ba?”
“Hindi na nga.”
“Masakit pa, eh. Kiss ko na lang
para hindi na sumakit.”
Nanlaki ang mata ko. “Hindi nga—” His lips landed on my forehead.
Tugudug! Tugudug! Tugudug!
“Zyruz…”
Tiningnan niya ko. Dalawang dangkal lang ang layo ng mukha niya
sakin. “Bakit
mo ako iniiwasan, Dems? Did I said or did something wrong?”
Umiwas ako ng tingin. “Kasi ano...”
“Ba’t ayaw mo kong tingnan?”
“Ano kasi...”
“Binaligtad mo lang ang sinabi
mo.” Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko
para mapaharap ang mukha ko sa kaniya. Sa kaliwa lang ako tumingin. Pinaling
niya ang mukha niya at sinundan ang tingin ko.
“Zyruz naman, eh.”
“Naiinis ka na niyan?”
“You’re so kulit.”
“Ikaw pa ang naiinis? Ako pa nga
ang dapat na mainis sa’yo dahil para kong sira na naghahabol sa’yo. Hindi ko na
nga maintindihan ang ginagawa ko. Ano bang ginawa mo sakin? May pinakain ka ba
sakin o ano? Ginayuma mo ba ko? May spell ka bang ginamit para magkaganito ko
sa’yo?”
Teka, ano bang ibig sabihin ng sinasabi niya? Sinasabi ba niyang
may nararamdaman din siya sakin? OMG!
“At ikaw! Hindi kita
maintindihan. Bakit bigla mo na lang ako iniwasan? Okay naman tayo kagabi diba?”
“Yan din naman ang tanong ko
sa sarili ko, eh. Bakit nga ba kita iniiwasan? Bakit nga ba ko nagkakaganito?” Tinakpan ko ang mukha niya.
“Dems...”
“Nahihiya ko, eh.” I cleared my throat. “Naguguluhan din ako. Naguguluhan ako sa
nararamdaman ko. Sorry. Hindi ko naman dapat maramdaman ‘to, eh. Bigla na lang
kasi. Anong gagawin ko dito?” parang batang tanong ko.
He sighed. Inalis niya ang kamay kong nakatakip sa mukha niya.
Tinitigan niya ko. At hindi ko na maalis ang pagkakatingin ko sa mga mata niya.
Ang puso ko. Nagsabay-sabay na. Multi tasking na. Nag-floating.
Nakipagkarerahan. At parang gusto ng lumabas sa dibdib ko.
Hinaplos niya ang pisngi ko. “I’m sorry.” He kissed my forehead.
Pagkatapos ay inalalayan niya kong bumangon. Tumayo siya. He offered his hand.
He smiled. “Sabay
nating alamin.”
=
= =
at may mga impakta! inagaw pa si zyruz mylabs ko!!! makaktikim kayo sakin!!! war mode on!! rawr!
ReplyDeletewag nman san syang matalo, oh mahabaging otor, dont do this to me!! hahaha magpapamisa ako pag nanalo siya! hahaha..
anebeyen! suki na talaga ko ng clinic, baka mamaya strike 3 na talaga at matsugi na ako ng tuluyan!.. hahah.. ikaw atang ha, talgang pinapatay mo ako rito! maduga ka.. hahaha
kyaaaaahh!!! wave three!!!! alam nah!! the feeling is mutual!!!