Friday, May 10, 2013

One Summer Love - "My Other Half" : Chapter 8


Chapter 8
[ DEMI’s POV ]

“Dapat sinama natin sila ate.” Nandito kasi kami ni Zyruz sa forest trail na sakop ng beach resort. Last day na daw namin dito, kaya lubus-lubusin na daw namin. May kasabayan din kaming pumasok ng gubat. Mga college students din gaya ko. Kami ang nahuhuli ni Zyruz. Safe naman daw dito sabi ng management.Hindi naman masyadong malaki ang gubat, eh.


“Gusto mong bumalik?” tanong ni Zyruz.


Nilingon ko ang dinaanan namin. Tinatamad na kong bumalik. “Sabi ko nga hindi na.”


Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako do’n. “Baka mawala ka.” he said smiling. Hindi ko makita ang mga mata niya dahil sa suot niyang shades. Pero alam kong nakangiti rin ‘yon.


Pigil ko ang ngiti ko habang naglalakad kami ng mula sa kung saan ay may marinig akong malakas na pagaspas ng kung ano. Parang ang lapit lang no’n samin. Nagkatinginan kaming dalawa. Wala naman talaga kong balak tumakbo. Wala talaga. Kaya lang nagtakbuhan naman yung ibang kasama naming nauuna samin. Napasunod na din ako habang hila si Zyruz.


“Dems, wait!”


“Tumakbo ka na lang!”


“Tatakbo talaga ko! Hila mo ko, eh!”


Hindi ko alam kung ga’no na kalayo ang natakbo namin ng huminto ang mga kasama namin. Huminto na din ako.


Nagkatinginan kaming lahat. Nagsimulang tumawa ang isa, hanggang sa mahawa na din kami ni Zyruz.


“Sinong unang tumakbo?”


“Hindi ako ‘yon, ah!”


“Uyy...defensive!”


Nag-asaran pa ang mga kasama namin. Napatingin ako sa paa ko ng may maramdaman ako. Kinalabit ko si Zyruz.


“Bakit?”


Tinuro ko ang paa ko. “My other half is missing.” Hindi ko alam kung sa’n ko naiwan ang isa kong tsinelas kanina habang tumatakbo kami. At hindi ko man lang napansin. Siguro dahil sa pagmamadali ko.


“I’m just here. Hindi naman ako nawawala, ah.”


“Hah?” Pero rinig na rinig ko ang sinabi niya.


He smiled. “Wala.” Nilingon niya ang pinanggalingan namin. “Gusto mong balikan ko?”


“Favorite ko pa naman’yon.”


“Kaya nga babalikan ko, eh.”


“Eh, paano yung narinig natin kanina?”


“Wala lang ‘yon.”


“Wag na lang. May nabibili namang tsinelas do’n sa souvenir shop nitong resort. I’ll buy a new one na lang.”


“Pero malulungkot ang isang tsinelas mo. Wala na ang other half niya.”


“Hah?” Tiningnan ko ang tsinelas na nasa kanang paa ko.


“Everyone needs an other half. Bagay man ‘yan o hayop. Maski tao. Maski ako. Malulungkot ako kapag nawala ka.”


Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Umangat din ang puso ko sa narinig ko. “Talaga? Malulungkot ka kapag nawala ako?”


Napakurap siya. “Hah? May sinabi ba kong ako?” Napakamot siya ng ulo, sabay iwas ng tingin.


“Malulungkot ka ba talaga pag nawala ako, Zyruz?”


He sighed. And looked at me. “Yes, Dems.”


“Me too.”


He smiled. I smiled.


Tumalikod siya. “Sakay ka sa likuran ko.”


“I can walk.”


“Baka masugatan ang paa mo.”


“Hindi ‘yan.”


Nilingon niya ko. “Gusto mo pa bang buhatin kita? Bahala ka dyan. Naiwan na nila tayo. Baka mamaya bumalik na naman yung narinig natin kanina. Hala ka!” pananakot pa niya.


“Oo na po!” Sumakay na ko sa likuran niya.


“Susunod din pala.” bulong niya.


“Teka lang. Hindi ba dapat ikaw ang sumunod sakin?”


“Hind pa ba tapos ‘yon?”


“Hindi pa kaya! Before twelve midnight pa matatapos ‘yon. Hapon pa lang kaya.”


“Hapon na pala. Ang bilis ng oras.”


“Uuwi na din diba kayo bukas?”


“Yap.”


Natahimik ako. Tatlong probinsya ang pagitan namin. Magkikita pa kaya kami? Siguro naman. Lalo na ngayong nagkita na uli ang parents ni Zyruz at sina papa.


“Dems.”


“Hmm?”


“Paglabas natin ng gubat, maligo agad tayo sa dagat.”


“As in agad-agad?”


“Yes, ilang oras na lang kasi.”


Sinilip ko ang relo ko. 4pm pa lang. Pero parang ang bilis ng oras.


“Sabay nating alamin.”


Naalala ko ang sinabi niya. Kaya ba naming alamin ang dapat naming alamin sa loob lang ng ilang oras? Hmm... Kakayanin.


“Bilisan mong maglakad, Zyruz. You’re so bagal.”


He chuckled.


= = = = = = = =


“Dems.” Kasabay ng paglingon ko sa likuran ko, may sumaboy na tubig sa mukha ko. May pumasok tuloy na tubig sa ilong ko. Nandito kami sa dagat at naliligo. Kanina pa kami.


“Zyruz naman, eh.” Pinisil ko ang ilong ko.


“Sorry.” natatawang sabi niya.


“Ang sakit, ah.”


“Sorry na nga.”


Nginitian ko siya. “Paganti muna.”


“Sige lang.” He opened his arms. “Libre ang yakap.”


Sa halip na sundin ang sinasabi niya na naa-attempt na kong gawin dahil sa macho niyang katawan. Patay ako nito kay papa. Kung anu-ano ng pumapasok sa isip ko. Sinabuyan ko lang siya ng tubig.


“Yan pala ang gusto mo, ah.”


“Zyruz!” Binuhat niya kasi ako. Binuhat sabay hagis sa tubig na parang sako. “Aaaaaahhhhh!”


Tinawanan niya lang ako. Nakatayo na ko ng lumapit uli siya at buhatin na naman ako. Akmang ihahagis niya ko ng...


“Demi!”


Napalingon ako sa pinagmulan ng boses na ‘yon. Si papa! Sinenyasan niya kami na lumapit. Naglakad si Zyruz. Ni hindi man lang niya ko ibinaba.


“Uy! Ibaba mo na nga ko.”


“Ano naman kung buhat kita?” Nakangiti pa talaga siya.


“Si papa!”


“Oo nga. Palapit na tayo kay Tito Peter.”


“Zyruz!” bulong ko.


“Yes, Tito? Ano po ‘yon?” tanong pa niya paglapit namin kay papa.


Nagpalipat-lipat ang tingin ni papa saming dalawa ni Zyruz. Lihim kong kinurot si Zyruz.


“Ouch! May kumagat pa saking langgam.”


“Ahm, papa. Naglalaro lang po kami ni Zyruz. May problema po ba?”


“Oh! I thought he’s Lynuz.” Napakamot ng ulo si papa. “Si Lynuz ang hinahanap ko.” Tiningnan niya kaming dalawa. “Sabagay...”


“Ano pong sabagay, papa?” tanong ko.


“Nevermind. Hindi ka ba nabibigatan sa anak ko, Zyruz?”


“Hindi po, Tito. Parang wala lang nga.”


Pinalo ko ang braso niya. “Anong akala mo sakin? Payatot? Papa, oh! Si Zyruz! Payatot daw ako!”


“Wala kong sinabing ganyan, ah.”


Tumawa lang si papa. “Sige na. Hahanapin ko pa si Lynuz. Enjoy, kids.” Umalis na si papa.


“Papa! We’re not kids!” pahabol ko. Kumaway lang si papa. “Hmm...bakit kaya hinahanap ni papa ang kambal mo?”


“Isa lang ang alam ko.”


Tiningnan ko siya. “Ano?”


“Eto.” Naglakad siya ng mabilis papunta sa malalim ng madapa siya. Syempre kasama ko dahl buhat niya ko. Pero wag ka, buhat pa rin niya ko ng tumayo siya. “Ang galing ko noh?” He winked.


Tugudug! Tugudug! Tugudug!


Heart, chilax lang naman.


= = = = = = = =


Pabalik na kami ng mga cottage namin ni Zyruz para magbihis ng may masalubong kami. Nakilala ko ang isang babae. Yung kasama ni Lynuz kanina ng makita namin siya ni ate paglabas namin ng restroom.


“Hi, Lynuz! Bakit wala ka kanina?”


“Are you sure he’s Lynuz? Si Zyruz ‘yan, eh. Zyruz, ba’t umalis ka kaagad kanina.”


“Si Lynuz ‘yan. Right, Lynuz?”


Hindi sumagot si Zyruz sa tabi ko.


“Si Zyruz ‘yan. Right, Zyruz?”


“He’s Lynuz.”


Parang gusto ko ng umepal sa kanila. At sabihing si Zyruz ‘tong kasama ko. pero bago ko pa masabi ‘yon...


“He’s Zyruz.” sabi nung babaeng kasama ni Lynuz kanina.


“Are you sure, Mhira?”


“Yes, I’m sure. Kasama niya kasi ang babaeng ‘yan.” sabay turo sakin.


Dahan-dahang binaba ni Zyruz ang kamay ng babaeng nakaturo sa mukha ko. “I told you already, don’t call her that way. Her name is Demi. Demi.”


”Wait! Si Lynuz ang nagsabi niyan kanina, ah. Don’t tell me, si Lynuz ang sumama sakin sa volleyball area kanina at hindi ikaw?”


“Si Zyruz ang sumama sa’yo. I’m Lynuz.” Hinawakan ni Zyruz ang kamay ko. “Excuse us.” Inakay na niya ko palayo sa kanila.


“Sabi ko sa’yo, eh. He’s Lynuz.”


“He’s Zyruz. Sinabi lang niyang si Lynuz siya.”


Narinig ko pang sabi ng mga babae. “Bakit hindi mo sinabing ikaw si Zyruz?” tanong ko sa kaniya.


“Kahit naman sabihin ko, mukhang hindi naman sila maniniwala. Kaya kung ano ang gusto nilang paniwalaan. Be it.”


“Okay lang ba sa’yo na hindi ka nila kinikilala bilang ikaw?”


Huminto siya. “The truth?”


Tumango ako.


“It’s not okay. Pero nakasanayan na namin ni Lynuz ang ganito. Besides, nagagamit din naman namin ang pagiging mag-kambal namin. What matters most is that, kilala kami ng mga taong mahalaga samin. Nila daddy.”


“Bakit ako? Never ka pang nagpakilala sakin bilang Lynuz?”


He smiled. “Dahil the first day pa lang, Zyruz na ang tingin mo sakin at hindi ang kambal ko. At hindi mo naman ako tinatawag na Lynuz, eh.” Tinitigan niya ko. “Thank you, Dems, for looking at me as me, as Zyruz.”


“Your welcome, Lynuz.”


“Anong sabi mo?”


Humagikgik ako. “I mean Zyruz.” Humalukipkip siya. “I’m just kidding.” Natatawa pa rin ako sa itsura niya ng hawakan niya ang magkabilang pisngi ko. “Zyruz. Wh—”


“Close your eyes.”


“What?”


“Close your eyes, Dems.”


“Bakit nga?”


“May gusto lang akong malaman.”


“Ano?”


“Just close your eyes. Please. Wag ka ng mangulit.”


“O-okay.” I closed my eyes. “Wala kang gagawin, ah. Isusumbong kita kay papa.”


“Keep your mouth shut or I will keep it shut with mine.”


Tinikom ko ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Lokong ‘to, ah. Takutin pa daw ba ko. Ramdam ko ang paghinga niya. Na tumatama sa mukha ko. Ano ba kasing gagawin niya at pinapikit niya ko?


“Ano ba kasing...”


“Dems. Kasasabi ko lang.”


“Oo na. Ikaw naman—” Nanlaki ang mata ko habang nakapikit. Hindi ko alam kung paano ko nagawa ‘yon. Basta gano’n.


1 comment:

  1. yyiiiiipppppp!! HHWW?????? hahaha.. lumelevel up!!!!!


    mga adik na bata yun! nandamay pah! hahah.. napabalik tuloy ng wala sa oras..


    so ayun! alam nah! siya yung other half kooo!!!! lumilipad na talga ako sa kilig!! my golly!!


    yiiiiiiiiiiiiiiippp!! another piggy back ride!!! wave four!!!!! hahaha.. wala na bang katapusan toh?..


    may wave five pa pala!!! eeehhhhhkk!! iba na talaga to sa dagat eh!!! hahaha.. mabuti na lang hndi umepal si pudra.. hahha..


    anogn close yor eyes?? wave six na ba ito????? hindi kaya??? waaaaaahh!! ayokong mag-isip!!!

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^