Chapter One : The Match Maker
“Published”
Nakangiting pinagmamasdan ko ang kakagagawa ko lang na blog.
Ang Maryy The Match
Maker kong blog. Tungkol saan ang blog ko? Sabihin na nating para ito sa mga
taong malapit ng magkalovelife.
Napapitlag ako ng maramdaman kong may malamig na bagay ng
dumampi sa pisngi ko.
“Lance!!”sigaw ko sa naglagay ng malamig na softdrinks sa
pisngi ko. Hindi naman niya pinansin ang pagsigaw ko sa halip ay tumabi pa siya
sa akin at tinitingnan ang gawa ko.
Tumatawang kinurot niya ang pisngi ko. “Ano na namang
kalokohan yan?” sabi niya habang kinakalikot ang blog ko.
“Seriously, Maryy lakas ng topak mo ha---ARAY! “Binatukan ko
nga. Pinagtatawanan niya yung name ng blog ko eh siya naman ang may kasalanan
kung bakit ganyan yan.Ayaw na ayaw kong tinatawag akong ganyan pero
nagpupumilit siyang yan ang tawag sa akin hanggang makasanayan ko na.
“I’m not talking
about your name, Maryy I love calling you like that, what I’m talking about is
this.” Hinarap niya sa akin yung laptop ko.
“Oh? Napano ang laptop ko?”tanong ko.
“Maryy, hindi ang laptop mo! Yung blog mo.” Naiiritang sabi
niya.Ang cute talaga ng bestfriend ko alam ko naman yun ang tinutukoy niya.
Gusto ko lang talaga siyang inisin.
“Aba?! Problema mo sa blog ko? Saka kanino bang idea yan?
Diba sayo?” nakapout na sabi ko.
Totoo naman eh. Idea niya yan.
[Flashback]
“Wow! Ang astig po
ng tula niyo”
Pagkatapos kong ipost ang comment ko na iyon,nagpatuloy lang
ako sa pagbabasa ng mga tula. Napapangiti ako sa mga nabasa ko sa tula niya.At
nakaka curious kaya naligaw din ako sa profile niya.
D’Code
-I'm a lover...
I LOVE MY FAMILY.
I love my piano,
I love my guitar,
I'll love my soon to
be drum set,
I love my violin
(although I've been practicing for half a month now but still no future for me
playing it),
I love my not so good
voice.
I love my drawings,
but i'm not good at drawing.
I love my poems
I love my dreams. I dream
often about love, friendship, and Religion. I also dream a lot about losing my
teeth don't know why.
I love Lee Min Jeong!
<3
I love my recorded
songs
I love my multiple
personalities. uhm i think "multiple" is not a good word. lemme use
the word "stretchable".
I love love songs,
church songs (I am a choir member), and
songs with good meaning and tone.
I love Math.I love
Physics. I love Puzzles and Challenges.I love animes and manga.
I love being cliche
^_^lastly, I love those who love me. <3and I erase those who hate me
>:)I've got a lot of goals.
There is no limit on
how many you want to dream as long as you try to reach them. If you don't
succeed, then you'll get a chance to dream another.
One of my goals is to
be a writer. So I'll try my luck on wattpad :)I'll do my best.
Natutuwa akong binabasa ang profile niya. Wow lang ha
talented siya. Siya na! Tapos nagulat ako ng malaman kong lalaki pala yung
writer na iyon. Nag-iwan ako ng message sa Message Board niya.
“Ang galing mo po”
Pagkapost ko noon naramdaman kong may tumabi sa akin.
“Bakit ka nakangiti aber?”
Hindi ko agad siya pinansin at pinatay ko muna ang laptop
ko.
“ Magaling gumawa ng tula, marunong ng piano, magaling
kumantam package ng matalino.What do you think
Jemarie?” sabi ko tapos humarap ako sa kaibigan ko.
Nakangisi naman siya sa akin. “Sino na naman yan?” tanong
niya.
Nagkibit balikat lang ako.
“Nakilala mo sa wattpad?” – Jemarie.
“Not really” – Hindi ko pa naman talaga kasi kilala.
“Tsk. Lagot ka na naman kay Lance niyan diba pinagbawalan ka
niya na wag masydo magtitiwala sa mga nakilala mo sa net? Speaking of Lance”
sinundan ko naman ang nginuso niya.Ang bestfriend kong si Lance papunta sa
pwesto namin.
Pagkalapit niya sa amin agad na nagpaalam si Jemarie. Alam
non na mapapagalitan na naman ako sa tatay ko este sa bestfriend ko.
Nakakunot-noong umupo siya sa tabi ko.
“Problema mo?” tanong ko habang inaalis ko sa pagkakasukbit
sa balikat niya yung bag niya. Patuloy lang ako sa ginagawa kong pagkalkal sa
bag niya ,naghahanap akong pagkain. Di nawawalan ng pagkain yan sa bag eh.
Huminto ako ng mapansin kong mas sumasama ang aura niya.
“Meron ka?” pagbibiro ko.
“Maryy!” singhal niya. Napangiwi naman ako. Tapos sumimangot
ako,nakakainis kasi. Maryy siya ng Maryy!Ellaine kaya ang pangalan ko.
“Fine! Ano ba kasing problema mo? And please Ellaine” sabi
ko. Nakita ko naman na napasmirk siya.
“Sinabihan na kita diba?”
“Ewan ko sayo! Saka paano mo nalaman? Stalker kita noh?! “
yung about dun sa guy writer ang pinag-uusapan naming. Ang tsimoso niya noh?
“ Hello? Nakikita kaya sa Fb mo ang mga comment mo dun sa
Wattpad nay an! “ paliwanag niya . napangisi naman ako.
“Oooh,sabi ko na eh ,may gusto ka sa akin. Tambay lang sa
profile ko?” dinutdot ko pa ang tagiliran niya. Umiiwas naman siya. “Selos ka
lang eh”
Nagulat ako ng tumayo siya at kinuha yung bag niya. Iniwan
ako ng sira-ulo. Nagtampo na naman,Pero
sanay na naman ako. Hindi naman ako matiis niyan. Sinimulan ko narin ligpitin
ang gamit ko. Uuwi nadin ako. Mag-uupdate pa ako ng stories ko.
Nang matapos kong gawin lahat ng assignment ko ,Agad kong
binuksan ang laptop ko saka ako nagOL kaagad sa watty at mail ko.
Andaming messages pero may message na talagang pumukaw sa
attention ko.
D’Code replied to your message.
D’code dedicated a story to you.
Agad kong binuksan ang messages na iyon.
“Thank you po sa comment “–ayan ung sa unang message.
Binuksan ko naman yung story na nakadedicate sa akin. Tapos nagcomment ako
bilang pasasalamat sa pagdedicate niya.
Simula noon lagi na akong nagcocomment sa mga stories
niya,sa mga tulang ginagagawa niya. Naging close din kaming dalawa , lagi ko
siyang nakakachat,nakakatext at katawagan nadin.
Naging crush ko nga siya eh, Kinukwento ko siya sa kaibigan
kong si Jemarie. Si Lance,ayun madalang
na kaming mag-usap simula ng magkatampuhan kami.
Pero sa totoo lang,saglit lang akong nagkacrush sa kanya.
Narealize ko kasing mas bagay sila ni Jemarie. Pareho kasi sila,
matalino,mahilig kumanta at magaling gumawa ng tula. Kaya ipinakilala ko si
Jemarie kay JR(D’Code).
Sobrang naging busy ako sa maraming bagay ng mga sumunod na
linggo. Kaya wala akong gaanong balita kay Jemarie at JR. Madalang ko na sila
makausap.
Busyng busy akong nagtatype ng updates ko ng nakareceive ako
ng text mula kay Jemarie
Jemarie: Thol may sasabihin ako sayo
Ako: Ano yon?
Hindi siya kaagad sumagot. At dahil natural na sa akin
magconclude ng mga bagay bagay agad akong may naisip na kalokohan.
Ako:Omeged?! Kayo na?!
Jemarie: Y-yeah
Ako: Omeged! Congrats! Wiie! Sabi ko na bagay kayo eh.
Jemarie: Hindi ka galit?
Ako: Bakit naman ako magagalit?
Jemarie: Eh kasi diba
may crush ka sa kanya?
Ako: Luka! -_- Crush lang naman yon saka matagal na yon noh!
Wie! Congrats.
Nakangiti ako habang hinihintay ang reply ni Jemarie. Pero
ewan ko na parang ang sikip sa dibdib ko. Umiling-iling ako.At shinake ko pa
ang mga kamay ko. Hindi ko dapat to nararamdaman. Naputol ang pag-iisip ko ng
maramdamang lumundo ang higaan ko.
“LANCE!” nagulat ako ng makita ko siya ang tagal niya ng
hindi pumupunta sa bahay namen. Hindi niya ako pinansin humiga pa ang loko.
“ Huy! Lance ! Anong ginagawa mo dito?” yinuyugyog ko na
siya pero hindi niya ako pinapansin.
“Lance naman eh! “ reklamo ko. Medyo nagulat ako ng bigla
siyang umupo.
“Nakakainis ka! “ napakunot-noo naman ako.
“Ako? Paano naman ako nakakainis??” sira-ulo ba ito?
“May Boyfriend na si Jemarie! Ikaw kasi bakit mo pinakilala
ang isang iyon! “ napataas naman ang kilay ko.Oo alam kong may gusto si Lance
kay Jemarie
.
“Aba’t! Ako pa sinisisi mo? Sino kayang torpe dito? “
‘”Nakakainis ka padin! Ang galing galing mong mag match
make! Pero mas gagaling k asana kung sa akin mo
siya minatchmake. “
[End of Flashback]
See? Siya rin ang nagbigay sa akin ng idea na magaling ako
sa bagay na ito. Saka si Jemarie at JR nadin an laging nagpapasalamat.
“Oi! May nagmessage sayo” naputol ang pag-iisip ko sa sinabi
ni Lance.Agad kong tiningnan
Message mula kay Ate Kimberly
Ate Kim : Ell, mukhang tama ka nga.
Napangiti naman ako sa nabasa ko. Mukhang magiging
successful na naman ang new project ko.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^