”Che!”
nakakainis naman tong lalaki na ito ang kulit kulit.
“Bati na kasi tayo, Maryy eh.”
“Pwede ba Lance? Busy ako kaya saka
mo na ako kausapin.“
Hindi ko na siya pinansin binuksan ko nalang ang laptop ko.
Napangiti
ako ng makita ko yung post ni Ate Kim sa FB.
Ate Kim :
Missing you.
Agad- agad
naman akong nagpost
Maryy
Ellaine: Ui! Si Ate may namimiss!---with
Kim Dela Rama.
Kim Dela
Rama: Sssh. Wag kang maingay.
Mae Salinas
: Oy! Ano yan. Landi ah!
Napatawa ako sa comment ni Ate Mae, kaibigan din namin
siya ni Ate Kim. Isa pa yang mala zigzag ang lovelife eh.
Kim Dela
Rama: Makalandi wagas?!
Maryy
Ellaine: Oo nga.
Mae Salinas:
Teka sino ba yan?
Maryy
Ellaine: Aysus, nakalimutan na! Si ANO!
Kim Dela
Rama: Ssssh! Baka mamaya mabasa niya to.
Mae Salinas
: Ah si KUYA! Edi kayo na may lovelife.
Maryy
Ellaine : Oi! Wala akong lovelife ha! Si Ate Kim lang. Ikaw kasi sabi ko sayo,
pakilala mo na sa akin yang Jack na yan
eh ng gumanda din lovelife mo.”
Mae Salinas:
No thanks. I can Handle.. Hahaha!
Maryy Ellaine : Sabi mo eh.
“MARYY!!”
“Anong problema mo?!” sigaw ko kay Lance na hindi parin
umaalis sa tabi ko kahit talagang wala akong balak pansinin siya. Naiinis parin
ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa blog ko.
“Sorry na kasi.”
“Ewan ko sayo!” Binago niya kasi yung password ng
email ko tapos hi-nide niya din yung
blog ko. Kung paano niya nalaman ang password at email ko, dakilang hacker yan
e!
“Maryy naman kasi, sorry na oh.“
Sa totoo lang hindi naman talaga ako galit sa kanya naiinis lang talaga
ako kasi ang kulit kulit niya saka feeling ko wala siyang tiwala sa kakayahan
ko. Bestfriend ko pa man din siya.
“Give it back to me.” seryosong sabi ko. Umiling naman
siya.
Napabuntung-hininga
naman ako. “ Ano ba kasing problema mo
doon? You see how it works kay Jemarie at JR.”
“Oo, sige sabihin na nga nating
nagawa mo iyon sa kanila. Pero Maryy hindi sa lahat ng tao pwede yon. Malay mo
natyempuhan mo lang talaga o talagang para sila sa isat-isa.” Mahabang paliwanag niya. Alam ko
naman na may point ang sinasabi niya. Pero wala namang magtry diba? Saka
feeling ko talaga pinanganak ako para gawin ito eh.
Hindi na ako
sumagot sa kanya, mag-aaway lang ulit kami dahil magiging paulit-ulit lang ang
topic naming. Napapagod narin akong awayin siya. Wala akong supplier ng pagkain
ko. Hahaha.
Narinig ko
ang mahinang pagbuntunghininga niya kaya napatingin ako sa kanya. “Sige, ibabalik ko sayo ang blog mo pero sa
isang kondisyon--------
“Game! Gusto mo patunayan ko sayong
magaling akong match maker?! Kita mo yung si Isaac, within one week magiging
sila na ni Abhie! “
Excited na sabi ko. Napansin kong nakakuno’t naman ang noo niya.
“Malabo naman yang sinasabi mo eh, si Becky kaya ang gusto
ni Isaac.” Komento niya. Napailing naman ako. Hindi kaya totoo iyon.
Marami talagang namamatay sa maling akala. At bago pa madamay sa mga taong iyon ang bestfriend ko kailangan
niya ng maliwanagan.
Magsasalita
na sana ako ng magsalita siya ulit.
“Pero hindi naman kasi yon ang
kondisyon ko, Maryy.”
Medyo kinabahan ako sa pagkakasabi niya niyan kasi serious mode na naman siya.
“O-h eh ano pala?”
“Libre mo akong Lunch!!” Pasalamat siya wala akong hawak na
kahit ano kung hindi baka naibalibag ko na sa kanya. Sa dami ng seremonyas na
ginawa ko para mapapayag lang siya na ibalik ang blog ko, LUNCH lang pala ang
katapat?!
“Ayaw!!” pacute na sabi ko. Nagtitipid kaya
ako.
“O edi walang blog na babalik.” – pang-asar na sabi niya.
“Lance naman eh!” reklamo ko sabay palo sa braso niya.
“Aray ha! Tara na nga ako nalang ang
manlilibre sayo!”
aya niya sa akin tapos kinuha niya na yung mga bag namin. Inayos ko naman ang
laptop ko at sinara.
“So? Ibabalik mo na ang blog ko?” tanong ko habang naglalakad kami
papunta ng Canteen ng school.
“Pag-iisipan ko.”
“LANCE!!”
“Tsk. Wag ka ngang sumigaw, mamaya
may makarinig sayong officer pati ako maparusahan sa ingay mo.” Pareho kasi kaming Junior Officer sa C. A.T. .At ayaw ng mga
Officer naming na nagcacause kami ng ingay sa may hallway pag break time. Kaya
tumahimik nalang ako. Ayoko ngang maparusahan.
Pagkadating namin
sa Canteen, agad akong humanap ng mauupuan. Siya na ang bahala sa order ko.
Alam niya naman ang gusto kong kainin.
Habang
hinihintay ko siya feeling ko may nakatingin sa akin. Inikot ko naman ang mata
ko sa Canteen, busy naman lahat ng tao dito.
“Oh! Maryy the Pig.”
Dinilaan ko lang si Lance habang binababa ang pagkain namin. Inaayos
niya palang ang mesa nilalantakan ko na ang mga pagkain. Gutom na ako eh. Nang
umupo siya sa tabi ko may sinabi siya.
“ I love Lance.”
“Huh?”
“Sabi ko, I love Lance.”
“Natural------“ napahinto ako ng magets ko yung
sinasabi niya. Ang password ng blog ko.
“Kyaah! I love you na.”
sabi ko sa kanya sabay yakap. Kung nagtataka kung bakit magkatabi kami
pag kumakain kung pwede namang harapan kami, eh walang basagan ng trip. Pero
seryoso, ayaw namin ng magkaharapan kami kasi nakakailang. Ewan basta naiilang
kami pareho sa ganong set-up.
“Ayiiiiiiie!”
“Kayo na?”
“Oh my LOVE.”
Napapailing
nalang kami ni Lance habang tinitingnan ang mga kaklase naming kakapasok lang
ng canteen. Sanay narin naman kami na
inaasar ng mga iyan eh.
Doon sila
masaya eh.
At syempre
ako masaya ako ngayon! Binalik na ni Lance ang blog ko.
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^