CHAPTER 3
(
Janiyah Merzer Alonzo’s POV )
Nandito
ako ngayon sa library. Oo, kahit ganito ako. Puro kalokohan. Katarayan. Kayabangan.
Masipag naman akong mag-aral.
Kaya
kahit napapagalitan ako ni daddy dahil sa mga kalokohan ko, bumabawi naman ako
sa mga grades ko. Kailangang magpakasipag. Because I’m the only daughter of Mr.
Fernando Phillip Alonzo, ako lang daw ang tangi niyang tagapagmana.
Tagapagmana
daw. Hmp! Tagapagmana nga. Kaya lang makukuha ko lang daw ang mana ko kung
papakasal ako. Hindi sa lalaking gusto ko. Kundi sa lalaking pipiliin niya.
Duh!
Ang gusto ko si Warren. Si Warren lang!
“Excuse me, Miss Janiya.”
Matining
ang boses na ‘yon na nadinig ko mula sa likuran ko. Napaangat ang tingin ko
mula sa paghahanap ng libro sa book shelves. Nakaupo ako sa malaking librong
inilapag ko sa sahig. Isang cute na babae ang nalingunan ko. Pero syempre mas
maganda ako.
“It’s Janiyah, with a
letter H, okay.” pagtatama ko.
“I’m sorry.”
Sorry?
Pero ang saya ng tinig niya? Ibinalik
ko ang atensyon ko sa ginagawa ko. “What do you want? Can’t you see I’m busy? So kung may
sasabihin ka, make it fast.”
“By the way I’m Trixie.
First year. Taking up Journalism. My—”
“Why don’t you just give
me a copy of your slumbook?” Parang balak pa
ata niyang sabihin ang favorite color, food, bla-bla-bla niya. At wala akong
panahon para pakinggan ang mga ‘yon.
“You’re so funny.”
Napatingin
ako sa kaniya. Hindi ko na kailangang tumingala dahil umupo na din siya sa tabi
ko gamit ang librong kinuha niya na ginawa niyang upuan. Nang-gaya pa.
“I’m funny? That’s the
very first time na may nagsabi sakin niyan. Madalas mataray, mayabang at
maarte.”
“You’re sitting sa
sahig. Is that maarte?”
“You are maarte. Ang
arte mong magsalita.”
Ginaya ko pa ang
tono ng boses niya.
Napabungisngis
ang babae at tinapik pa ko sa balikat. “Ganito lang talaga ako.”
Manhid
ba ‘tong babaeng ‘to? Hindi ba niya gets na ayaw ko ng kausap at kung pwede, lumayas
na siya sa harapan ko? May gana pang tapikin ako sa balikat. “We’re not
close kaya huwag mo akong tapikin.” mataray kong sabi.
Sa
halip na mag-back-off ay nginitian niya pa ako. “You’re masungit nga.”
“Lalo na sa mga feeling
close.” Tinutok ko uli ang
atensyon sa paghahanap ng librong kailangan ko. Hindi pa din umaalis ang
babaeng nakalimutan ko agad ang sinabing pangalan. “What do you want?” tanong ko.
“Ahm, kasi we have this
project at one of our subjects.”
“So? Anong pake ko sa
project mo?”
“We have to interview
daw the daughter of Mr. Alonzo. At ikaw ‘yon.”
Kumunot
ang noo ko. “Lahat
kayo ng classmates mo?”
“Kami lang ng partner
ko. Pinapili kami kung sino ang gusto naming interviewin. Kahit sino daw sikat
dito sa school. Either sa varsity team or sa administration ng school natin.”
Napatingin
ako sa kaniya. “Either
of the two, I didn’t fall in.”
“But you’re the daughter
of Mr. Alonzo. And you are sikat. That’s why I chose you.”
“How are you sure na magpapa-interview
nga ko sa’yo?”
Nginitian
niya ko. “I
just know.”
“Ang lakas ng fighting
spirit mo, ah. You know what kind of person I am, right? Baka nagsisimula pa
lang ang interview, mag-back-out ka na. At ayokong sinasayang ang oras ko sa
mga walang kwentang bagay.”
“Don’t worry, I don’t
believe in gossips naman unless I saw it with my own eyes. Saka kung titingnan
ka naman, hindi ka naman katulad ng sinasabi nilang maldita. You have a face of
an angel.”
Tama
siya. Biniyayaan nga ko ng maamong mukha, kabaligtaran naman ng ugali ko. Yun
ang madalas kong marinig na sinasabi ng mga tao sa campus na ‘to. At wala akong
paki. Inggit lang sila.
“Paano kung makita mo
ang mga ugali kong ‘yon?”
Tumingin
pa siya sa kisame bago ako sinagot. “What will I do? Nothing. Saka sanay na me sa mga
masusungit, like you. I will not make you husga. I promise.” Itinaas
pa niya ang kanang kamay niya. “May kanya-kanya naman kasi tayong ugali, right?”
May
naalala tuloy ako dahil sa sinabi niya. “Para kang si Warren.” bulong ko.
“So, papayag ka na, Miss
Janiya?”
“It’s Janiyah, with a letter
H. Kalimutan mo pa ‘yan, patatalsikin kita sa school na ‘to.”
Humagikgik
lang siya. Para naman timang ‘tong babaeng ‘to! “So, payag ka na ba, Miss Janiyah?”
“You know what? You’re
insane.”
“So, payag
ka na?”
“Shut up, okay? Ang
kulit mo!” Nang may maisip ako.
Sumilay ang ngiti sa labi ko. “Okay. Papayag ako. In one condition.”
= = = = = = = =
Nakaupo
ako ngayon sa bench habang pinapanood ang laro ni Warren. Member siya ng
basketball varsity at practice game nila ngayon. MVP siya ng team nila at sikat
din siya sa school lalo sa mga girls. Pero nakapagtatakang hindi ko siya kilala
no’n bago pa kami magkakilala. Sabagay, hindi naman ako madaling makatanda ng
mukha at pangalan ng mga taong nasa paligid ko.
Katabi
ko ngayon ang epal ng love story ko. Si Janine.
Bakit
ba kasi siya nandito? Hindi naman siya kailangan ni Warren. Wala naman siyang
maitutulong. Ni wala atang alam na sports ang babaeng ‘to. Libro lang ata ang
alam niyang hawakan.
Bagay
sila ng matabang lalaki nerd na nakita ko nung first day of class. Nerd is
meant to be with a nerd. At bagay talaga sila. Isang mataba at isang payat.
“Ano ba talaga kayo ni
Warren?” Ilang beses ko nang
natanong ‘yon, pero hindi talaga ako mapakali. May something sa kanilang
dalawa.
Mula
sa gilid ng mata ko ay nakita kong napalingon si Janine sakin. Ibinalik din
agad niya ang tingin sa panonood ng game. Matagal bago siya sumagot. “Magkaibigan
kami.”
Asual.
Iyon naman ang lagi niyang sagot sakin. “You know I like him, right?” Nasabi ko na ang
bagay na ‘yon sa kaniya dati pa. Nang malaman kong may gusto si Warren sa
kaniya, sinabihan ko agad siya na gusto ko si Warren.
“Oo.”
“Masyado lang siguro
siyang nagpapakipot kaya gano’n. Pero alam kong may gusto din siya sa’kin.” Kahit
ang totoo, alam kong ikaw ang gusto niya. Pero gagawin ko ang lahat, magustuhan
din niya ako. Beause I’m better than you. Much better than you, Janine.
“Tama ka.”
Nilingon
ko siya. “Huwag
ka ngang plastic.”
Napalingon
din siya sakin. “Janiyah.”
Bakit
ba kasi ganito kaamo ang mukha niya? Mas maamo pa ata sa sakin. Hindi ba siya
naiinis sakin? Sa mga lantarang pagtataray ko sa kaniya? Kaya nga mas lalo
akong naiinis sa babaeng ‘to!
“Alam kong naiinis ka
sa’kin dahil nahati ang atensyon ni Warren sa’yo simula ng makilala niya ‘ko.”
“Hindi ‘yan totoo. Isang
kaibigan na ang turing—”
“Wala akong kaibigan!
Manloloko lang naman sila! Dahil mismong mga kaibigan ko dati, inahas ako. Kaya
hindi kita magiging kaibigan kung alam ko lang na aahasin mo din ako.”
“Sinabi ko naman sa’yong
hindi ko gusto si Warren.”
“Sinasabi mo lang pero
hindi mo naman ginagawa.”
“What do you mean?”
Pa-english-english
pa ‘to. Duh! “Gusto
kong lumayo ka sa kaniya.”
“Janiyah! Hindi pwede—”
“At bakit?”
Hindi
siya makasagot.
“So, may gusto ka nga sa
kaniya.”
Umiwas
siya ng tingin sakin. “W-wala.”
“Kung wala kang gusto sa
kaniya. Lumayo ka sa kaniya. Kami ang nababagay. Alam mo ‘yan. Alam na alam
mo.”
Tumayo
na ko at sinalubong si Warren. Binigyan ko siya ng mineral water at pinahid ang
pawis na tumutulo sa mukha niya.
“Ako na, Janiyah.”
“Opo.” Nilingon
ko si Janine. Wala na siya sa pwesto niya. Napangisi ako. Buti nga. Makuha siya
sa salita.
“Where’s Janine? Katabi
mo lang siya ‘di ba?”
tanong ni Warren.
“Mauuna na daw siyang
umuwi.”
Kumunot
ang noo ni Warren.
Hmm...Bakit
kaya? Huh! I don’t care as long as wala na sa paningin ko si Janine. “Tara, Warren.
Kumain muna tayo.”
“Kailangan ko nang
umuwi.”
I
pouted. “Ang
gara mo naman, eh.”
Ginulo
niya ang buhok ko. “Oo na. Pero saglit lang, ah.”
Napangiti
ako. “Promise!”
“Promise ka na naman
diyan. Hindi mo naman tinutupad.”
“Promise na promise!”
“Hindi talaga matutupad
kasi dalawang promise na.”
Nagtawanan
kami.
Pinisil
ko ang pisngi niya. “Ang gwapo mo talaga!”
Pinisil
din niya ang ilong ko. “Ang ganda mo naman.”
“Matagal ko ng alam.”
Kinikilig ako! Wahehe!
= = =
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^