CHAPTER 14
( Regina
Salazar’s POV )
“Anong ginagawa mo?”
“Naggugupit ng kuko.” hindi lumilingong sagot ko kay
Nic. Kalalabas lang niya ng restroom.
“Sa’n ka kumuha ng nail cutter? Don’t tell me may dala ka?”
Nilingon ko siya. “Hiniram ko do’n
sa staff nitong resort.”
“Ikaw talaga.”
Nginitian ko siya. “Magsi-swimming
na kayo ni Kiro?” It was 12 midnight. At tapos na rin ang party.
“Oo. Bilisan mo dyan. Sabay na tayong bumaba.”
“Mauna ka na. Susunod na lang ako.”
“Sige. Bahala ka.” Palabas na siya ng kwarto kung
sa’n kami mag-iistay ng...
“Prenship!”
Nilingon niya ko. “Bakit?”
“Si Glenn?” Hindi na kasi siya bumalik sa table namin
pagkatapos ko siyang sundan kanina. Natapos ang party na hindi na siya
nagpakita.
Kumunot ang noo niya. “Ewan ko.
Hindi na diba siya nagpakita nung magpaalam siyang mag-iikot lang. Baka
nakulitan sa’yo at umuwi na.”
“Hindi naman ako makulit, eh.”
“Sobra lang. Sige na. Bababa na ko.”
“Okidoki.” Pinagpatuloy ko na ang paggupit sa kuko
ko. Nakakahiya naman kung makikita na naman ni Glenn ang kuko ko. Hmm... umuwi
na kaya talaga siya?
= = = = = = = =
Nagpalinga-linga ako sa paligid
ko. May mangilan-ngilan nang naliligo sa pool. “Nasa’n na kaya sila Nic?”
Tumingkayad ako sa tabi ng pool na walang naliligo. At isinawsaw ang kamay ko
sa tubig. “Ang
lamig. Parang nakatatamad maligo.” Patuloy lang ako sa pagsawsaw ng
kamay ko habang nakatingin sa isang mag-asawa di kalayuan sa pwesto ko. “Ang sweet
naman nila...” Sana ganyan din kami ng prince charming ko.
And speaking of prince
charming, kailan kaya siya darating?
“Ang ginagawa mo?”
Nagulat ako at napalingon sa
likuran ko. “Glenn!”
Bigla akong tumayo. At dahil nasa gilid ako ng pool, hindi sinasadyang nadulas
ako. Idagdag pa na naka-tsinelas ako. Hindi kay Glenn o sa semento lumagakpak
ang feslak ko, kundi sa pool. Diosmiomarimar! I don’t know how to swim!
“Help me! Hindi ako sanay—” Kasabay ng paglubog ko.
Naramdaman ko na lang na may brasong pumulupot sa beywang ko. Kasabay ng
pag-angat ng ulo ko. “Halps!” Ang kapit ko sa leeg niya. Sa leeg ni
Glenn. “Thank
you...”
Nang tingnan ko siya,
magkasalubong ang mga kilay niya. Bakit ganyan siya? Muntik na nga kong malunod,
naiinis pa rin siya sakin?
“It’s just four feet, Regina. Four feet.” may
diin niyang sabi.
“Four feet?”
“Bakit hindi mo subukang itapak ang paa mo imbes na para kang
tukong nakakapit sakin?”
Inapak ko muna ang paa ko sa
tiles sa ilalim ng pool. Tabingi ang ngiti ko ng tingnan ko siya. Dahan-dahan
akong humiwalay sa kaniya. Nag-peace sign ako sabay sabing, “Sorry.”
Tumingala siya sa langit at
napabuntong-hininga. Kasabay ng pag-iling.
“Sorry na. Muntik na kasi akong malunod nung highschool kaya
nag-panic agad ako kanina. Wag ka ng magalit.”
Saka lang niya ko tiningnan.
Hindi na magkasalubong ang mga kilay niya.
“Hindi ka na galit?”
“Hindi mo ba alam ang salitang ingat?”
“Alam ko. Hindi ko naman sinasadyang madulas, eh. Saka hindi
naman ako laging ganito. Minsan lang naman.” Kapag kasama ko siya.
Oo nga. Ngayon ko lang napansin, kapag nasa paligid si Glenn, laging sumusulpot
si clumsiness.
Tiningnan niya ang sarili niya.
Katulad ko, basa na rin siya. “You’re such a walking disaster.” Mahina niyang nasabi na narinig
ko naman.
“Grabe
ka naman.” Hindi ko mapigilang mapasimangot. Sa lahat ng nasabi niya
sakin: Makulit. Maingay. Madaldal. Pervert. Tomboy. Clumsy. ‘Yang sinabi niya
ang hindi ko nagustuhan. Para namang delubyo ang dala ko sa paligid ko. Hulog
kaya ako ng langit. Tiningnan ko siya ng masama. “Walking disaster pala, hah!” Sunod-sunod
ko siyang sinabuyan ng tubig. “Ayan! Typhoon ang para sa’yo!”
“Regina!”
Patuloy lang ako ng pagsaboy ng
tubig sa kaniya. “Ayan pa! Ayan pa!”
“Stop it!” Gumanti na rin siya. Sinabuyan niya rin
ako ng tubig.
“Aba! Aba! Gumaganti ka, hah! Etong sa’yo! Kame... Kame... Wave!
Eto pa, reyyyyygggaaan!”
Nagulat ako ng tumawa siya. “Ano ‘yon?”
Huminto siya sa pagsaboy sakin.
“Si Son Goku at Eugene!” Patuloy lang ako sa pagsaboy
ng tubig sa kaniya. Akala niya, hah.
Natatawang sinabuyan niya uli ako
ng tubig. Habang gumaganti ako. Hindi ko namalayang unti-unting nawawala ang
inis ko sa sinabi niya. Kung dahil ba sa tawa niya na bihira ko lang marinig o
dahil sa para kaming batang naglalaro. Or pwede ring both.
= = = = = = = =
“Glenn.”
“Bakit?” hindi lumilingong tanong niya. Nakaupo
siya sa gilid ng pool. Samantalang ako, nakababad sa pool na ulo ko lang ang
nakalitaw. Ang lamig kaya.
“Ba’t hindi ka na bumalik kanina?”
“Tinamad na ko.”
“Bakit ka tinamad?”
“Dahil alam kong mangungulit ka na naman.”
“Kailan ba ko nangulit? Parang wala akong matandaan.”
Saka lang niya ako nilingon. “Makulit ka.”
“Sino bang may sabing hindi? Babatukan ko este kakausapin ko ng
masinsinan.”
Napailing lang siya. Umiwas
siya ng tingin sakin.
“Glenn.”
“Ano na naman?”
“Nagkausap na kayo ni Gio?”
Lumingon siya sakin. “What do you
mean?”
Natakpan ko ang bibig ko. Me and
my big mouth! Bawal nga palang ipagsabi na nagkausap kami ni Gio! Ang daldal mo
talaga, Regina! Isip-isip! Aha! “Nabanggit niya sakin na aalis daw siya, eh. Pupunta daw
siya ng Africa as an exchange student.” Na totoo naman. Hindi ko
lang dapat sabihin ang iba pang napag-usapan namin ni Gio. It was between us
only. Sikretong malupet kumbaga.
“When did he told you?”
“Ano... kanina lang... Dumaan kasi ako ng school, eh.” Nung
isang araw pa talaga.
“Mukhang close talaga kayo, ah. Talagang sinabi pa niya sa’yo.”
“Close naman talaga kami. Pero hindi katulad ng iniisip mo.”
“Wala kong iniisip.”
“Mero’n, eh. Hindi ko naman siya aagawin. Wala kong gusto sa
kaniya.”
“Alam ko. Sinabi mo na ‘yan.”
“Mas maganda ng maliwanag diba? So, anong nangyari? Bukas na ang
alis niya. Ay! Wait! Mamaya na pala dahil past 12 na ng gabi. Ihahatid mo ba
siya sa airport?”
“Bakit ba ang dami mong tanong?”
I pouted. “Nagtatanong lang naman, eh.”
Hindi na siya sumagot.
Humirit pa ko. “Ang tagal
niyang mawawala, ah. For sure, mamimiss mo siya.”
“Regina.”
“Sobra mo siyang mamimiss noh?”
He sighed. “I’m gonna miss him. Satisfied?”
Natameme ako sa sagot niya. “O-oo...”
Kasabay ng paglubog ng ulo ko sa tubig. Ang swerte naman ni Gio kay Glenn. Kahit
magulo ang relasyon nila ngayon. Mahal pa rin— Hayyy... Bakit ba ganito ang
nararamdaman ko ngayon? Kinurap ko ang mata ko sa ilalim ng tubig. Hindi ako
sanay lumangoy pero kaya kong magtagal sa ilalim ng tubig ng matagal. Basta
hanggang four feet lang ang pool.
“Regina!”
Inangat ko agad ang ulo ko sa
tubig dahil sa malakas na pagtawag na ‘yon.
“Ano bang ginagawa mo?” magkasalubong ang kilay na
tanong ni Glenn.
“Hah? Nilubog ang ulo ko.”
“For more than one minute?!”
“Oo. Saka nag-iipon ako ng lakas.”
“Lakas?”
“Para gawin ‘to.” Inilalim ko ang kamay ko sa
tubig. “Kame...kame...wave!”
Kasabay ng pagsaboy ko sa kaniya.
“Nag-uumpisa ka na naman!”
“Edi gumanti ka!”
“Akala mo, hah!” Ginantihan nga niya ako.
Lumusong na rin siya sa pool habang sinasabuyan ako ng tubig.
“Nandito lang pala kayong dalawa.”
Sabay pa kaming napalingon ni
Glenn sa gilid namin.
“Hi, prenship! Hi, Kiro!”
“Akala ko kung sa’n ka na naman pumunta.” sabi
ni Nic.
“Nandito lang naman ako, eh.”
“Ang sabi mo kasi susunod ka.”
“Hindi ko kayo makita, eh.”
“Oo na. Panalo ka na.”
“Saka kasama ko naman si Glenn.”
“Mukha ngang nag-eenjoy kayo.” sabi ni Kiro. Tiningnan
niya si Glenn.
“Excuse me, guys. Aakyat na ko sa kwarto.”
Hinawakan ko ang braso ni Glenn.
“Mamaya na. Join ka muna samin.”
“I’m sleepy.”
“Weh? Hindi naman. Patingin nga ng mata mo.”
Nilapit ko ang mukha sa kaniya.
Lumayo naman siya. “Fine. Hindi
talaga ako inaantok.”
“Mamaya ka na bumalik ng kwarto, Gra. Join us muna.” sabi
ni Kiro.
“Fine.” Umahon sa pool si Glenn.
“Do”’n tayo sa malalim.” sabi ni Nic.
“Waaah! Ayoko do’n!” Todo-iling ko.
“Do’n ka na lang sa gilid.”
“Oo na. Gilid-gilid na naman ang peg ko.”
Pumunta ko sa gilid ng pool. I extend my one arm. “Glenn. Pa-help naman.”
“Why me?”
“Kasi wala na sila.” Tinuro ko sina Nic na
naglalakad na.
Napakamot siya ng ulo bago ako
hilahin. “Ang
bigat mo!”
“Hindi kaya!”
Nakasampa na ko sa gilid ng
pool. “Mag-diet
ka nga.”
“Ayoko. Ang sarap kumain, eh. And FYI, hindi po ako mataba. Sexy
kaya ako.”
“Sexy ba ‘yan?” Tiningnan pa niya ko from toe
to head.
“Palibhasa, macho ka lang, eh.”
Tiningnan ko ang abs niyang bumakat sa white shirt niyang suot. Inangat ko ang
kamay ko.
“Hep! Hep! Dyan ka lang!” Umatras pa siya.
“Hep-hep ka dyan.”
KInamot
ko ang braso ko. “May kumagat lang sa braso ko noh. Green minded nito.” Humakbang na ko pasunod kina Nic. Lumapad ang
ngiti ko. Sa totoo lang, muntik ko nang pagpipindutin ang abs niya. Buti na
lang, nag-react agad siya.
“Ako pa ‘tong green minded?”
Nilingon ko siya. Nakasunod
siya sakin. BInelatan ko lang siya. Sabay takbo.
“Regina!”
Nilingon ko siya. “Habulin mo
muna ko. Kapag hindi mo ko hinabol, green ka!”
“Ang ingay mo!”
Binelatan ko lang uli siya
sabay takbo habang tumatawa. Naisahan ko siya do’n ah. Ang galing ko talaga!
= = =
Add me up on FB: https://www.facebook.com/aieshalee8?ref=tn_tnmn
Like my Page: https://www.facebook.com/aieshaleeofficial
Like the Daydreamers' Haven PAGE: https://www.facebook.com/DaydreamersHaven
And join our group, nandon po ang mga writers nitong blog at ibang readers. Mag-eenjoy po kayo do'n. Promise! :) : https://www.facebook.com/groups/455901581151474/
hanggang ch.7 pa lang yata ang nababasa ko dito sa kwento namin ni glenn... napag-iiwanan na ako! at ang dami ko nang utang na comment! >___<
ReplyDeletebabasahin ko agad ito pag maluwag na ulit ang schedule~ ^_____^
hwAhehE,,, nMiss q tULoy cNa sAn goKu at eUgeNe,,, peO nmiMiss q c gLenn,,, nbAsa n kYa niA ang updTe n 2,,, naiimAgine q, tawA n cgurO ng twa uN,,, at c reGina, wLa p riNg kuPas aNg kKuLitAn,,, hwAhehE,,,
ReplyDelete