CHAPTER 4
(
Janiyah Merzer Alonzo’s POV )
“Ano? Nasa’n na siya?
Parating na ba?”
sunod-sunod na
tanong k okay Trixie.
Sumilip
siya mula sa pinagtataguan namin. “Wala pa.”
“Alam mo na ang gagawin
mo, okay?”
“Yes, girl. I know.”
“Siguraduhin mo lang.
Kung hindi, wala kang interview sa’kin.”
Iyon
ang kondisyon ko para pumayag ako na mainterview niya. Tutulungan niya ko para
mapaglapit kami ni Warren at mapagsolo. At walang epal na Janine na
aaligid-aligid. Madami kaming planong binuo. At ito ang unang plano namin.
#Plan A
1.
Iti-text ko si Warren gamit ang phone ni Trixie, magpapanggap akong si Janine
at papapuntahin si Warren dito sa bodega sa likod ng school namin.
2.
Sa loob ako maghihintay, at pag dumating na si Warren. Sisigaw ako. Syempre
papasok si Warren sa loob.
3.
Ang trabaho ni Trixie ay isarado ang pintuan at ilock. Hiniram ko ang susi sa
janitor. Syempre hindi ‘yon nakatanggi.
4.
Isang oras muna kaming makukulong do’n bago kami pagbuksan ni Trixie. Prente,
napagsolo kami ng Warren ko. At bahala na kong gumawa ng way para mas lalo
kaming maging close na dalawa.
“Go ka na sa bodega,
girl. Ako na here bahala.”
“Tandaan mo. One hour.”
“Yeah.”
Pumunta
na ako sa bodega. Nasa labas lang ako ng maisipan kong pumasok sa loob. Naalibadbaran
agad ako sa mga nakita ko. “Ano ba ‘yan! Bakit ayaw pa kasing ng itapon ‘tong mga
gamit dito? Masabi ko nga kay Daddy. Ang sakit sa mata.”
Napatingin
ako sa isang book shelf na wala namang laman. Naagaw ng pansin ko ang isang
kahoy na kahon na nasa taas. Sinubukan ko ‘yong abutin. Tumingkayad pa ko dahil
masyadong mataas. Naabot ko nga kaya lang…
Buuuuuuuugggggggg!
Dumulas
sa kamay ko ang kahon at deretsong tumama sa noo ko.
“Oh, shit!”
Napahawak ako sa noo ko. Napatingin ako sa kamay ko. “D-dug...du...go!” Takot ako sa
dugo! Umikot agad ang paningin ko.
= = =
( Trixie Salameda’s POV )
“Trixie!
Napaderetso
ako ng tayo when I heard that voice. Kahit malayo ang pinagmumulan ng boses na
‘yon, I know who he is. That’s Steven! Ang super sungit at strikto pero
matalino kong ‘classmate’. He’s taking up Journalism but he’s two years ahead
of me. He’s second year na.
Sa
totoo lang, he’s not really my classmate. Obvious naman, right? The truth is,
si Steven ang pag-asa ko para makapasa sa isang subject ko. Major pa naman
‘yon.
Member
si Steven ng campus journal namin. He’s the assistant editor and one of the
writers as well.
Kinausap
siya ng prof ko tungkol sa ‘project’ na gagawin ko. Gagawa ako ng article para sa
campus journal namin. At si Steven ang titingin sa performance ko at
mag-ga-guide sakin. That’s why I need to be a good girl. And masipag, too.
Dahil nakasalalay ang lahat—
“Trixie!”
Dahil
nakasalalay ang lahat sa taong nasa likuran ko. Unti-unti ko siyang nilingon.
He’s only five feet away from me. At magkasalubong ang kilay niya.
“Hi, partner!” nakangiting
bati ko sa kaniya.
“Kanina
pa ako nagtetext sa’yo.”
“Ano
kasi…you know…”
I’m dead!
“Seryoso
ka ba sa ginagawa mo? Gusto mo bang pumasa?”
“Of
course. Inaasikaso ko nga—”
Mas
lalong nagsalubong ang kilay niya. “Don’t tell me you’re still pursuing that until now?
Sinabi ko naman sa’yong wala kang mapapala sa kaniya. Si Warren Fernandez ang
iinterviewin mo. At ngayon mo siya iinterviewin.” Member ng basketball
varsity si Warren. He’s the MVP.
“I
want Janiyah.”
“Warren
or Janiyah plus zero ka sa performance mo, babagsak ka pa sa subject mo.
Choose.”
“Steve
naman!”
“Bahala
ka diyan! Hindi ko naman problema kung bumagsak ka. Sakit ka na nga ng ulo,
dumadagdag ka pa sa busy schedule ko.” Tinalikuran
na niya ako. Nagsungit na naman.
Sinundan
ko agad siya. “Galit
ba you sakin?”
Hindi
niya ko sinagot.
“Galit
nga you.”
Huminto
ako sa pagsunod sa kaniya.
Napahinto
din siya.
Pero
hindi dahil sakin.
Kung
hindi dahil sa nakasalubong niya.
Si
Warren!
“Pare,
pakihintay na lang ako sa library. Pupuntahan ko lang si Janine sa bodega sa
likod.” sabi ni Warren kay
Steven.
Nalaman
kong magkaibigan ang dalawa. They’re neighbors. Hindi ko nga alam kung paano
sila nagkasundo, eh. Si smiling face at si sungit. Sobrang opposite.
“Bodega?
Kakakita ko lang sa kaniya kanina.”
“Saan?”
tanong ni Warren.
“Palabas
na siya ng school. Nasalubong ko siya dahil sa paghahanap sa isang lagalag
diyan.” Nilingon ako ni
Steven. Ako ang tinutukoy niyang lagalag. Mukha bang lagalag ang itsura kong
‘to?
Napakamot
ng ulo si Warren. “Nagtext kasi siya na magkita daw kami sa bodega.”
“Pasakay
na siya ng jeep kanina. Pauwi na ata ‘yon.”
“I’ll
just call her again. Hindi niya kasi sinasagot ang tawag ko kanina pa. Siguro
frank text lang ‘yon kanina. Number lang kasi.”
“Huwag
ka kasing magpapaniwala sa mga text na ganyan. Maraming taong walang magawa
ngayon kundi ang manloko.”
Toinks!
Tinamaan ako do’n, ah. Patay! Paano na nito sa Janiyah? Paano na ang plano?
Paano— Hinila na ako ni Steven.
“Wait!
Where are we going?”
“You
will conduct your interview with Warren.”
“Can
I do it tomorrow?”
“Now
or no more tomorrow?”
Napapikit
ako. “Yes,
partner. Now na nga.” Patay kang manok ka! Patay ako kay Janiyah!
=
= =
(
Janitor’s POV )
-one
of the extra, kaya pagbigyan na natin-
Kumunot
ang noo ko ng makitang bukas ang bodega.
“Si Miss Janiyah
talaga. Iniwan pang bukas ang pinto. Pasaway talaga kahit kailan.”
May
duplicate naman ako. Ni-lock ko ang pinto at hindi na tiningnan ang loob.
“Nakakagutom!
Palibre nga ako kay pareng Kanor. Tsk, puro na lang ako libre.”
Naglakad na ako palayo ng bodega.
=
= =
( Janiyah Merzer Alonzo’s POV )
Iminulat
ko ang mga mata ko.
Teka…
Bakit
ang liwanag?
Bakit
puti ang paligid?
Bakit
nakaputi ang mga tao?
Oh
my!
Nasa
langit na ba ako?
Sinundo
na ba ako ni San Pedro?
Ito
na ba ang parusa ko?
“Janiyah, mabuti’t
gising ka na.”
“San
Pedro?” Napalingon ako sa
gilid ko. Hindi ang inaasahan kong si San Pedro ang nakita ko.
“D-dad?” Nasa ospital pala ko at wala sa langit. “Anong ginagawa
ko dito?” Napahawak ako sa noo ko. May benda ‘yon.
“Anong
ginagawa mo sa bodega kanina?”
“Po?
Bodega?”
“Mukhang
wala ka pa sa sarili mo. Mabuti na lang at walang masamang nangyari sa’yo.
Mag-iingat ka na sa susunod, okay. Sa bahay na lang tayo mag-usap.”
Saka
ko lang naalalang hinimitay ako sa bodega kanina dahil sa dugong nakita ko nang
masugatan ang ulo ko.
“Sino
po ang nagdala sa’kin dito? Si Trixie po ba?”
Siya lang naman ang nakakaalam na nando’n ako sa bodega. Ano kayang nangyari sa
plano?
“Sinong
Trixie? New friend of yours?”
“Yes,
Dad.”
Natigilan ako sa
sagot ko. Kaibigan ko na ba si Trixie?
“Mabuti
naman at nakikipag-kaibigan ka na. Si Warren lang ang madalas mong i-kuwento
sakin.”
“Sino
po ba ang nagdala sa’kin dito?”
sa halip ay tanong ko.
Matagal
bago sumagot si daddy. “Yung janitor.”
=
= =
nice story po ate. Keep it up... I will wait na lang for the next chapter ..
ReplyDelete