Monday, June 10, 2013

KontraBIDA : Chapter 5



CHAPTER 5

( Janiyah Merzer Alonzo’s POV )


“Don’t follow me.” hindi lumilingong utos ko sa parang buntot na sunod ng sunod na si Trixie.


“Sorry na, girl.”


Hinarap ko siya. “Huwag mo akong susundan!” malakas na sabi ko sa kaniya.


Napahawak siya sa dalawang tenga niya. “Hinaan mo naman.”


“Sisigaw ako kung gusto ko! Akin ‘tong—“ Tinakpan ni Trixie ang bibig ko.


“This is your property. I know.”


Inis na inalis ko ang kamay niya sa bibig ko. “Ikaw!”


“I’m sorry na kasi. Si Steven naman kasi. Gusto niyang si Warren ang interviewin ko. Gusto ko ikaw. And that day na iniintay ko si Warren na dumating, biglang dumating si Steven.”


“Stop! Sampung beses mo nangg sinabi ‘yan. Rinding-rindi na ang tenga ko. Isa pa ulit banggit niyan, ihahagis na kita palabas!” Two days ago nang nangyari ‘yon at ngayon ko lang nakita si Trixie. Pinagtaguan ata ako.


“Hindi na. Basta we’re okay na, hah? Don’t be angry na.”


“You lied to me!”


Nalaman ko mula kay Warren na ininterview siya para sa isang article sa campus journal namin. At si Trixie ang nag-interview sa kaniya. At hindi classmate ni Trixie ang ‘partner’ daw niya na walang iba kundi ang kaibigan ni Warren.


“I’m sorry. I will tell you naman that matter, eh. Baka kasi hindi ka pumayag na magpa-interview sakin if I told you na I need your help for me to pass my subject.”


“Gusto mo kong gamitin.” madiing sabi ko. Nag-panting ang tenga ko.


“That’s not true. The truth is, from the start, si Warren ang gusto ni Steven na interviewin ko for my article even I told him na ikaw ang gusto ko. Ako lang ‘tong mapilit.”


Alam kong hindi ako gusto ni Steven. Tuwing nagkikita kami ni Warren at magkasama silang dalawa, hindi kami nagkikibuan. Naiinis siguro siya sakin kasi nakalimutan ko ang pangalan niya at tinawag ko siya sa ibang pangalan. Simula no’n, hindi na niya ko kinikibo.


At wala akong paki. Si Warren lang ang gusto ko. Hindi ko siya kailangang pakisamahan dahil kay Warren.


“So, anong hidden agenda mo?” taas-kilay na tanong ko kay Trixie.


“I don’t have any hidden agenda.”


“Hindi ako naniniwala.”  Tinalikuran ko na siya. Pero sumunod pa din siya sakin. Hinarap ko uli siya. “Trixie!”


“Yes, Miss Janiyah?” Nakangiti pa siya.


Humalukipkip ako. “Bakit ka ba sunod ng sunod? You don’t need me anymore for your interview, right? Ano pa bang kailangan mo sa’kin? Dahil ba sikat ako kaya dikit ka ng dikit sa’kin? Because I’m the daughter of Mr. Alonzo. Ano pa bang ang habol mo sa’kin? Just tell me what it is at ibibigay ko agad sa’yo.”


Nawala ang ngiti niya. Yon ba ang tingin mo sa’kin? Na ‘yon ang habol ko sa’yo? Hindi ba pwedeng dahil friend kita kaya ako sunod ng sunod sa’yo? Dahil ayaw kong magalit ang friend ko.”


“Kaibigan kita?”


“Hindi ba? That’s the main reason kung bakit lumapit ako sa’yo at idinahilan yung project ko. I want you to be my friend, Janiyah. And we’re friends na, right?”


Hindi ako makasagot. Ito ang unang pagkakataon na may nagsabi sakin na gusto niya akong maging kaibigan pagkatapos nung highschool. Maliban kay Warren.


“Sorry, hah. I’m so kulit. Promise, hindi na ko susunod.” Tinalikuran na niya ko.


Nakailang hakbang na siya.


Nang bigla siyang humarap sakin.


Nakangiti na uli siya. “Mamaya na lang ako susunod, girl. Magkikita pa kami ni Steven, eh.” Tumalikod na uli siya.


“Sira ulo talaga.” Tinawag ko siya. “Trixie!”


Mabilis na lumapit siya sakin. “You’re not angry na?”


“Maluwag na ba ang tunilyo mo?”


“Hindi pa naman. Gusto mong sikipan?”


Binatukan ko siya ng mahina.


“Aray naman, girl. Ibig bang sabihin no’n we’re friends na in true life?”


Tinalikuran ko na siya. Friends. Napalingon lang uli ako sa kaniya nang mapansin kong hindi pa din siya sumusunod sakin. “Trixie! Ano pa bang hinihintay mo diyan?”


“Bestfriend na kami ni Janiyah!” Sumigaw  ba naman! Napatingin tuloy samin ang ibang estudyante.


Napailing ako. “Krung-krung talaga ‘to kahit kailan!”


“Ang malas naman no’n.”


“Si Janiyah pa talaga ang naging kaibigan.”


Naningkit ang mga mata ko sa narinig ko. “What’s your problem ladies?!” bulyaw ko sa kanila. Nagsipag-alisan lang ang mga ito.


“Don’t mind them, girl. Inggit lang sila because we’re maganda.” Trixie said.


“Mas maganda ako sa’yo. And I want to clarify things with you. You’re not my friend.”


“Cause we’re bestfriends.”


“We’re not. Let’s go.”


Nakangiting sumunod naman siya sakin.


= = = = = = = =


“Nasaan ba ‘yon?” Kanina ko pa hinahanap ang pesteng libro na ‘yon! “Argh!” Inis kong hinampas ang isang libro sa sahig.


“Have you seen it?” tanong ni Trixie sakin. Nagkita lang kami dito sa library. Tinulungan niya kong hanapin ang libro na hindi ko makita-kita.


“Maiinis ba ako ng ganito kung nakita ko na ‘yon?” mataray kong tanong.


“Nag-sungit ka na naman. Patingin nga ulit ng name ng book.” Inabot ko sa kaniya ang papel kasabay nang pag-ring ng phone niya. “I’m here at the library.” nadinig kong sagot niya sa kung sino mang kausap niya.


Napahikab ako. Inaantok pa ko. Hinanap ko ulit ang libro. “Nasa’n ba ‘yon?” Pero hindi ko pa din ‘yon makita. “Trixie! Help me here, okay. Mamaya ka na makipag-callmate diyan.”


Ilang segundo pa ang lumipas bago siya lumapit sakin. “Ahm, girl. Si Steven ‘yong tumawag.”


“Go ahead.”


“Baka kasi mag-sungit na naman ‘yon.”


I rolled my eyes. “Lagi naman masungit ‘yon.”


“Gotta go, girl. Kailangan kong makapasa sa subject na ‘yon, eh. Kung hindi, baka mag-summer pa ako nito. Thirty minutes lang akong mawawala.”


“I said go ahead. Kahit wag ka nang bumalik.” Bakit ba ang kulit niya?


“Nag-joke ka na naman. Bye, girl.” She kissed my cheek na kinairita ko lalo.


“Trixie naman!” Pinahid ko ang pisnging hinalikan niya. “Yakii ka naman! Umalis ka na nga!”


Tinawanan lang niya ko bago umalis. One week na simula nang i-announce niya sa quadrangle ng campus na magkaibigan kami at mukhang nasanay na siya sa ugali ko.


Hindi ko pa rin siya tinuturing na kaibigan kahit para sa kaniya magbestfriend kaming dalawa. Close ko lang siya. Yun lang. Si Warren lang ang kaibigan ko. At kay Warren lang buo ang tiwala ko.


Hinanap ko uli ang librong mukhang hindi nag-eexist dito sa library. “Bwisit kang libro ka! Saang sulok ka ba nagtago? Makita lang kita, susunugin talaga kita.”


Umupo ako sa librong ibinaba ko sa sahig at sumandal sa bookshelves. Nasa sulok naman ako kaya hindi ako makikita ng kung sino.


“Maaga pa naman. Matutulog na muna ako.” Iyon ang habit ko kapag nandito ako sa library.


Tinutulugan ko ang mga libro.


O mas tamang sabihing natutulog ako kasama ng mga libro.


Kaya siguro ako matalino.


Hindi ko alam kung ilang minuto na akong natutulog nang maramdaman kong may tumatapik sa braso ko. I opened my eyes. Namulatan ko si Trixie.


“Natulog ka na naman?” Nakita naman niya, nagtanong pa. “Oh, you’ve found it.” Kinuha niya ang librong nasa tabi ko.


Kumunot ang noo ko. “I didn’t found it.”


“Or maybe you’ve found it in your dreams?”


“Ang corny mo. Akin na nga ‘yan.” Kinuha ko ang librong hawak niya. Iyon nga ang librong hinahanap ko.


Bakit ‘to nandito sa tabi ko?


= = = = = = = =


Buhat ko ang tray ng pagkain na inorder ko at naghanap ng mauupuan nang may lumapit saking lalaki. “Ako na diyan, Janiyah.”


“I can manage.” Tinalikuran ko agad siya.


Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng canteen. Napangiti ako nang matanaw ko si Warren. Napasimangot naman agad ako nang makita ko kung sino ang kasama niya sa mesa. Lumapit ako sa kanila.


“Pa-tabi.” Umupo ako sa tabi mismo ni Warren.


“Okay na ba ‘yang noo mo?”


“Okay na. Thanks for the concern, Warren.” Nginitian ko siya nang matamis.


“Ano ba kasing ginagawa mo sa bodega?”


“May hinanap lang ako.”


Lihim kong tiningnan si Janine. Sinenyasan ko siyang umalis na. Buti naman at hindi siya slow para hindi ma-gets ang tingin ko.


“Tapos na kong kumain. Mauna na ako sa inyo. Excuse me.” Tumayo na siya at umalis na siya.


“Janine!” tawag ni Warren sa kaniya. Tatayo na sana si Warren ng pigilan ko siya.


“You’re not yet finish with your food. Saka wala akong kasabay.” With paawa effect pa.


He sighed. “Okay. May tatawagan lang muna ako, hah.” Tumayo siya at lumayo sakin.


Ang lapad naman ng ngiti ko habang kumakain. Parang gusto kong kumanta ng ‘Ako Ang Nagwagi’.


Wahahaha!

= = =

3 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^