Saturday, June 15, 2013

KontraBIDA : Chapter 6



CHAPTER 6

( Janiyah Merzer Alonzo’s POV )


Nakaupo kami ni Trixie sa ilalim ng punong mangga. Kumakain siya ng ice cream habang pinaplano ko ang gagawin ko mamaya. Ngayon namin sisimulan ang Plan B ng OMW as in ‘Operation Masolo si Warren’.


Simple lang ang plano namin ngayon. Ayaw ko nang mangyari ang nangyari no’n sa bodega. Ayaw ko pang matsugi ng maaga. Hindi pa nga kami ni Warren, tsugi agad ako?



#Plan B

1. Itetext ko si Warren na magkita kami sa harap ng HRM building. Syempre number ko na ang gagamitin ko.

2. Mag-iinarte akong natalisod sa harap ni Warren. At hindi makalakad. Syempre bubuhatin ako ni Warren sa clinic. Gano’n kasimple.



“He’s here na, girl. Nasa-sight ko na siya.” sabi ni Trixie habang busy siya sa paglantak ng ice cream niya.


“I saw him na nga.” Ano ba ‘yan? Nagagaya na ko sa pananalita niya.


“Kaya lang he’s with Janine.”


“At naiinis ako. Pero di bale. Tamang-tama at makikita niya ang gagawin ko.”


“Go na girl. Nauuna naman sa kaniya si Warren, eh. Gandahan mo ang arte mo, ah.”


Ngumiti ako. “Ako pa. Best actress ata ko.” Lumakad na ko palapit kay Warren. Kinawayan ko siya. Gumanti din siya ng kaway sakin.


Nakitang kong napatigil sa paglalakad si Janine. Buti naman. Tinakbo ko ang pagitan namin ni Warren at nag-inarteng natalisod. Okay na sana ang drama ko.


Okay na okay na sana.


Kaya lang, hindi naman nakita ni Warren na natalisod ako! Alam ninyo kung bakit? Dahil bago pa niya makita na natalisod ako, napalingon siya sa likuran niya.


Kanino? Alam ninyo ba? Edi kay…


Kay Janine! Grrr!


At ang epal na babaeng ‘yon. Nakahiga na sa semento.  Inagawan pa ako ng eksena!


Sinubukan kong tumayo ng maramdaman kong kumirot ang kanang paa ko. “Putek! Ang sakit ng paa ko.” Tinawag ko si Warren. Hindi tuloy niya malaman kung sino ang lalapitan saming dalawa ni Janine.


Nang mula sa kung saan ay may sumulpot na lalaki sa tabi ko. “Ako na dito, pare. Dalhin mo na sa clinic ‘yang girlfriend mo.”


Anong girlfriend si Janine ni Warren ang pinagsasabi ng unggoy na ‘to? “Hindi niya girlfriend ‘yon, okay!” angil ko sa kaniya.


Binuhat na ni Warren ang hinimatay na si Janine papunta ng clinic. Ang epal na si Janine! Ang mang-aagaw ng eksena!


Binuhat naman ako ng lalaki. Ang epal na lalaki! Ang bigla na lang umeksena!


“Put me down, okay!” madiing utos ko. Ibinaba naman niya ako. Naitukod ko tuloy ang kanang paa ko. “Ouch!” daing ko. Napasalampak ako sa semento. How dare this man!


“Ang galing ng arte mo, girl!” narinig kong sigaw ni Trixie. “Kaya lang, wrong timing!”


Nilingon ko siya. “I’m not acting, okay!” Bwisit ‘to! “Tulungan mo ‘ko dito!”


Sa halip na lapitan ako, tumakbo siya palapit kay—


Kay Steven! Bwisit!


“Ano kaya mo pa?” tanong ng lalaking nasa gilid ko.


Tiningala ko siya.


Kumunot ang noo ko.


Tumaas ang kilay ko.


“Ikaw!” Sinubukan ko uling tumayo pero kumirot lang ang paa ko. Binuhat uli ako ng lalaki.


“I better take you to the hospital.”


“Put me down!”


“Sa mental hospital.”


 = = =


( Steven Velarde’s POV )


Pauwi na ko nang makita ko si Trixie na kumakain ng ice cream sa ilalim ng puno kasama si Janiyah. Mukhang may pinag-uusapan ang dalawa. Napapansin kong lagi silang magkasama dito sa campus. Ang sabi ni Trixie, magkaibigan daw silang dalawa. Nakakapagtaka dahil simula nang mag-aral ako dito sa AU, wala akong nakikitang kasama ni Janiyah.


Masyado kasi siyang mataas. Porke’t anak lang siya ng may-ari ng school na ‘to, ginagawa na niya ang lahat ng gusto niya.


Nagulat nga ako ng malaman kong kinaibigan siya ni Warren. Kaibigan ko si Warren. And we’re neighbors, too. Kilala ko ang kaibigan ko. Marunong siyang makisama sa lahat ng klase ng tao. Ang hindi ko lang maintindihan sa kaniya, bakit pinagtitiyagaan niya ang ugali ni Janiyah?


Eh, ako nga. Hindi makatagal sa ugali niya. Tuwing kasama ko si Warren at nandyan siya, aalis na lang ako iiwan silang dalawa.


Speaking of Warren, natanaw ko siyang palabas ng HRM building. Kasunod niya si Janine. Napailing ako. Parehas sila ng course. Second year si Janine, third year si Warren.


Pero hindi yun ang dahilan kung bakit ako napailing. Alam ko na ang dahilan kung bakit nandito sina Trixie at Janiyah. Mukhang may balak silang gawing dalawa. Knowing Janiyah, punong-puno siya ng kalokohan. Kalokohan para mapalapit kay Warren.


Hindi lingid sa kaalaman ng buong campus na may gusto siya kay Warren. At itong si Warren, sinasabing tsismis lang daw ‘yon at wag na lang daw pansinin.


At tama nga ako sa hinala ko, nakita kong tumakbo si Janiyah palapit kay Warren nang madapa siya. How pathetic. Pero mukhang hindi uubra ang balak niya dahil hinimatay din si Janine.


“Ang galing ng arte mo, girl!” sigaw ni Trixie. “Kaya lang, wrong timing!”


“I’m not acting, okay!” balik-sigaw ni Janiyah sa kaniya. “Tulungan mo ‘ko dito!”


Pero hindi siya tinulungan ni Trixie dahil nakita niya ko. Mabilis pa sa alas-kwatrong tumakbo siya palapit sakin.


“Hi, Steven!”


“Hello.” matipid kong sagot bago siya iwan. Naramdaman kong sumunod siya sakin. Nasa gate na ako nang humarap ako sa kaniya. Sakto namang nasa likuran ko lang talaga siya. Napatingin ako sa t-shirt kong natapunan niya ng ice cream na hawak niya.


“Oh my! Sorry!” Mabilis niyang pinunasan nang hawak niyang panyo ang tshirt ko. “I’m sorry.”


Kinuha ko ang panyo niya. “Ako na. Mag-iingat ka kasi.”


“Bakit kasi bigla ka na lang humarap?”


Ako pa talaga ang sinisi. “Bakit ka ba kasi sunod ng sunod? Hindi ba tapos na ang misyon ko? Hihintayin na lang natin ang printing ng campus journal issue for this month, then we’re done.”


“Don’t we have a meeting?”


Kumunot ang noo ko habang pinupunasan ang tshirt ko. “Meeting for what?” tanong ko. Napatingin ako sa kaniya nang maalala ko ang sinabi niya nung nakaraang araw. “Are you serious?”


Sinabi kasi niyang gusto niyang maging member ng campus journal org namin. Hindi ko alam kung anong pumasok na masamang hangin sa utak niya ng araw na sinabi niya ‘yon.


“I am serious.” Hanggang tenga ang ngiti niya nang sinabi niya ‘yon.


“You’re not.” Tinalikuran ko na siya.


“I am serious, Steven.”


Huminto ako at humarap sa kaniya. “Talaga bang Journalism ang gusto mong course?”


Una ko kasi siyang nakita last year, first sem, nasa dean’s office siya at sinasabon ng dean namin dahil mabababa ang grades niya. At simula no’n, tuwing makikita ko siya, nasa dean’s office siya palagi.


“The truth, Steven?” Nawala ang ngiti niya. “I don’t like it. But my mother wanted me to take that course, that’s why.”


“Hindi mo naman pala gusto, bakit gusto mo pang maging member ng campus journal org namin? Hindi laro ang ginagawa namin. Hindi mo pwedeng gawin ang isang bagay na hindi mo gusto. Makakasira ka lang samin.”


“But it doean’t mean that I didn’t like some things, hindi ko na magugustuhan pa ‘yon. Umabot ako ng second sem ng first year ko sa Journalism. And I will do my best para maka-graduate ako. Mamahalin ko ang course ko. 

Yun ang natutunan ka sa’yo habang kasama kitang ginagawa ang project ko. And I know na marami pa akong matutunan sa’yo. You can be my mentor, Steven. You can teach me how to my love my course. Please?”


Humalukipkip ako. Naninibago ako sa kaniya ngayon. Parang hindi siya yung maarteng Trixie na taglish kung magsalita ang kaharap ko ngayon. She looked determine today.


“Okay.” I said.


“Really?” Namilog ang mga mata niya.


“Wag na wag kang mag-rereklamo sa mga ipapagawa ko sa’yo.”


“I’ll try not to.” Nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko.


“Hey!”


“I’m gonna treat you today. You made me happy kasi, eh. Thanks, Steven.” nakangiting sabi niya.


Napailing na lang ako. Bumalik na naman siya sa normal mode niya. And that was that taglish smiling girl.


“No need. You don’t have—”


“Oh my!” singit niya. Binitiwan niya ang kamay ko. “I forgot Janiyah! I forgot our things! I’m gonna treat you na lang some other time, okay.” Nagmamadali na siyang umalis. Nilingon pa niya ko. “Bye, Steven!”


Janiyah na naman. Ewan ko sa kanilang dalawa ni Warren.


= = =


( Warren Fernandez’ POV )


Hawak ko ang kamay ni Janine habang hinihintay siyang magkamalay. Nandito kami sa clinic ng school namin.


Nakakainis! Bakit ba kasi ang napakagaling niyang magtago ng nararamdaman niya? Matagal ko na siyang kilala pero bakit feeling ko hindi ko pa siya kilalang talaga? Ni hindi ko man lang napansing masama na ang pakiramdam niya kanina. Naiinis ako sa sarili ko!


“Hmm...”


Napaderetso ako ng upo nang dahan-dahan niyang imulat ang mga mata niya. Nagtama ang mga mata namin.


“Nasa’n ako?” mahinang tanong niya.


“Nandito ka sa clinic.”


“Clinic? Teka lang.” Bumangon siya nang pigilan ko siya.


“You need to rest, Janine.”


“Pero may klase pa ko.”


“You need to rest.” madiing sabi ko. “Alam mo ba kung bakit ka nahimatay? You’re over fatigue. Hindi ba nag-usap na tayong dalawa na wag mong papagurin ang sarili mo? Bakit ba napakatigas ng ulo mo?”


“Sorry. Hindi mo naman kailangang magalit.”


Huminga ako nang malalim. Hindi nga pala siya sanay na makita akong galit. Iniwas ko ang tingin sa kaniya. “Ayaw mong inaalagaan ka, pero hindi mo naman kayang alagaan ang sarili mo.”


“Okay lang ako.”


“You’re not okay. Iuuwi na kita. Ako ng bahala sa mga prof mo.”


“Pero...”


Tiningnan ko siya. “Iuuwi na kita. At wala kang gagawin sa bahay kundi ang magpahinga. Forget that damn contract.”


Parehas kaming natigilan sa huling sinabi ko. That contract na nagpapahirap saming dalawa. That damn contract.


Matagal na katahimikan ang namagitan saming dalawa.


“Nasa’n si Janiyah?” tanong niya.


Saka ko lang naalala na natalisod si Janiyah kanina. Hindi siya dito hinatid ng lalaking bumuhat sa kaniya. Hindi ko kilala ang lalaking ‘yon pero mukhang kilala niya si Janiyah. Sino kaya siya?


“Alalahanin mo muna ang sarili mo bago ang ibang tao. Simula ngayon, bawat sasabihin ko susundin mo.”


“Wala naman akong magagawa diba? Isa lang naman akong—”


“Don’t mention that word, Janine.” madiing sabi ko bago tumayo. “I’ll just talk to the doctor.”


“Okay.” Iniharap niya ang mukha niya sa kabilang side.


I sighed.


When it comes to her, nawawala lagi ako sa sarili ko.


She’s the only woman I wanted, but I could never have.

= = =

4 comments:

  1. Hello sa readers ko! ^_____^
    Favor lang po, hehe!
    Yung sa mga ANONYMOUS po, can you put your name sa comment ninyo para naman kahit paano, ndi ko man kau kilala ng personal o sa mukha, kilala ko naman kayo sa name ninyo. HIHIHI!

    Yun lang at maraming salamat sa pagsuporta sa mga stories na ginagawa ko. I love you all! *flying kisses*

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes po ms aiesha. although most of the time i'm ur silent reader pero nag leave pa rin ako ng comment minsan. - jodie

      Delete
    2. Yeboi! Yes! Nice too meet you here, Jodie! Hihihi! And thank you for reading my stories. Paulit-ulit na lang ako, eh. Hahaha!

      Delete

Say something if you like this post!!! ^_^