Saturday, June 15, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 17



CHAPTER 17

“Unselfishness”
[ PEARL’s POV ]


“Pearl.”


Hindi ko pinansin si Emjhay. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa playground ng village.


“Pearl naman.” Hinawakan niya ko sa braso ko.


“Bitiwan mo nga ko.” Umupo ako sa swing sa ilalim ng puno ng mangga. At tiningnan ang damo, baka sakaling may makausap akong matino at sasagot sa tanong ko. Na hindi ko na makita dahil humarang sa harap ko si Emjhay. “Alis dyan.”


Yumuko siya at tiningnan ang mukha ko. “Bakit pati sakin naiinis ka?”


“Hindi ako naiinis, okay.” Umiwas ako ng tingin.


“Hindi daw? Anong tawag sa mukha mong ‘yan? Nakanguso, nakakunot ang noo at magkasalubong ang kilay.”


“Nakangiti ang tawag dito. Version ko ng pag-ngiti.”


Ngumiwi siya. “Nababaliw ka na naman. Ah! Alam ko na.” Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa niya at kinakalikot. Iniharap niya sakin ‘yon pagkatapos.


Unti-unti akong napangiti. Parang nakalimutan ko ang inis ko at ang iniisip ko. Nag-eenjoy pa ko sa pinapanood ko at sa mukhang nakikita ko ng mawala sa harap ng mukha ko ang cellphone. Nakabusangot na mukha ni Emjhay ang pumalit.


“Anong mukha ‘yan?” tanong ko.


Napailing siya. “Sinasabi na nga ba. Kapag mukha ni Suho ang nakita mo, wala pang isang minuto, nakangiti ka agad.” Humalukipkip siya habang nakatayo at nakatingin sakin. “Dati si Luhan, ngayon naman si Suho. Iniisa-isa mo ba ang EXO? Sana pala, hindi na kita pinayagang maging choreo nila. Edi sana, hindi ka na nag-ka-crush kay Suho. Nakakasakit ka ng damdamin, alam mo ba ‘yon?”


Hindi ko mapigilang mapangiti sa nakikita kong itsura ng mukha niya. Parang batang naagawan ng candy. “Ang charming naman kasi ni Suho.”


“Nakangiti ka pa dyan. Tuwang-tuwa ka talaga kapag nakikita akong ganito noh? Kung mabanggit-banggit mo pa ang pangalan ng lalaking ‘yon, parang wala ako sa harap mo. Dati walang katapusang si Luhan, ngayon naman walang katapusang si Suho. Sadista ka talaga. Hindi ka na nagbago.” patuloy niya sa pagda-drama. Oo. Pagda-drama ang tawag ko sa ginagawa niya. “Kapag ako nawala sa Earth, tingnan natin kung makangiti ka pa at mabanggit mo pa ‘yang si Suho mo.”


Nawala ang ngiti ko sa huling narinig ko. “Anong sabi mo?”


“Pag ako nawala—” Hinila ko ang kwelyo ng polo niya para mapalapit siya sakin. At niyakap siya. “Hindi mo ko madadaan sa yakap-yakap mo.”


Ibinaon ko ang mukha ko sa pagitan ng leeg at balikat niya. “Hindi ka pwedeng mawala sakin, Emjhay. Ayoko.”


“Pearl.” He hugged me back. And pulled me to stand up. “Hindi mangyayari ‘yon, okay.”


“Mas matatanggap ko pa kung hihiwalayan mo ko kesa mangyari sa’yo ang nangyari kay Jaylord. Hindi ko kakayanin pag nangyari ‘yon. Mababaliw ako. Gusto mo bang mabaliw ako?”


I heard him chuckled. “Ano bang pinagsasabi mo?”


“Seryoso ko. Hindi ako nagbibiro. Mababaliw talaga ko kapag nangyari ‘yon.”


“So, mas gusto mo pang hiwalayan na lang kita?”


Tiningala ko siya. “Hindi. Hahabulin kita ng samurai, makita mo.”


Ginulo niya ang buhok ko. “Ang gulo mo.”


“Seryoso ako. Tatadtadin kita ng pinong-pino.”


“Parang dinedbol mo na rin ako no’n?”


“Hmm... oo nga. Sabi ko nga. Hahampasin na lang kita ng dospordos. Yung tipong sa ortho ang bagsak mo.”


Napangiwi siya. Pinitik niya ang noo ko ng marahan. “Sadista.” Hinawakan niya ang pisngi ko. “Ito ang tandaan mo Ms. Pearl Forlales. Hinding-hindi kita ipagpapalit sa kahit na sino. Hindi ako katulad mo.”


I grinned. “Hinding-hindi ko gagawin ‘yon, Mr. Emjhay Daza. Hanggang pantasya lang ako kay Suho. Dahil ikaw lang ang nag-iisang gwapo sa paningin ko.”


Ang lapad ng ngiti niya. “Kinilig naman ako do’n. Isa pa ngang kilig to the bone marrow dyan.”


Ang lakas ng tawa ko. “Ang landi mo.”


“Sa wakas, tumawa ka na rin. Balak ko na sanang mag-tumbling dito sa harap mo kung hindi ka pa ngingiti, eh.”


Unti-unting nawala ang ngiti ko ng maisip ko si Ellaine.


“Tss... Sumimangot na naman?”


“Naisip ko lang si Ellaine. At naiinis ako dahil wala kong magawa para sa kaniya.”


“Pearl, ang pananatili mo sa tabi niya, malaking bagay na ‘yon. At hindi mo rin mapipilit na bumalik agad siya sa dati. She loves Jaylord so much. Hindi gano’n kadaling tanggapin ang pagkawala niya.” He sighed. “Maski ako, hanggang ngayon, hindi rin makapaniwala.”


“Me, too.”


Natahimik kaming dalawa. Humiwalay ako sa kaniya at umupo uli sa swing. “Ang sakit no’n. Isipin ko pa lang na mangyayari sakin ‘yon, parang nararamdaman ko yung sakit na nararamdaman ni Ellaine.”


Lumuhod sa harap ko si Emjhay. He held my hands. “Seryoso. Gusto mo na ba kong matigok? Kanina ka pa, eh. Lagi mong sinisingit na made-dedbol ako. Nakakainis, ah.”


“Sorry.”


Hinaplos niya ang pisngi ko. “Everything happens for a reason. Wag mong ipakitang ganyan ka sa harap ni Ellaine. Matapang siya diba? Malalampasan niya rin ‘to.”


“Hindi natin siya pipigilang umalis?”


“No. At tama siya, may buhay rin tayong kailangang harapin. Kung lagi tayong nasa tabi niya, paano niya kakayaning mag-isa? Pero hindi ibig sabihin no’n, iiwan natin siya ngayong panahong kailangan niya tayo. She needs time and space para maka-move on. Mahirap, oo. Pero hindi naman natin siya pababayaan.”


“Paano kaya kung kayo ang nagkatuluyan noon? Mangyayari kaya ang mga bagay na ‘to?” out of the blue na tanong ko.


“Pearl!”


Napangiwi ako sa lakas ng boses niya. “Emjhay naman. Kailangang sumigaw?”


“Ano bang pinagsasasabi mo?” Magkasalubong pa rin ang mga kilay niya. “Gutom ka ba? May sakit ka ba?” Hinawakan niya ang noo ko. “Wala naman. Ano bang nangyayari sa’yo?”


“Wala.” Nasasapian lang siguro ako.


He sighed. He held my face with his two hands. “Listen very carefully, okay? Nang maintindihan ng magulo mong utak ang mga sasabihin ko.” Tumango lang ako. “Don’t think of any what ifs. Dahil ang mga taong nagsasabi no’n, sila yung mga naging duwag sa nararamdaman nila at hindi naging totoo sa sarili nila. Sila yung mga taong nagsisisi at hindi naging masaya sa desisyon nila.”


His eyes roamed all over my face. “Five years na tayo. Tatagal ba tayo ng ganito kung pinagsisisihan natin na naging tayo? Not me ofcourse. Baka ikaw, kaya ganyan ang mga sinasabi mo.”


Sunod-sunod akong umiling. “Hindi, ah.”


“Buti naman.” He patted my face he was holding. “I love you so much. Lagi mong ipasok ‘yan sa brain cells mong puro Suho ang laman. Okay? Pakisingit na lang pag may time ka.”


I pouted. “Wala ka naman kasi sa isip ko, baka kasi pag pagnagka-amnesia ako, makalimutan kita.”


“Talagang umamin ka talaga, hah. Nasa’n ako? Sa kalyo mo sa paa?”


Pinitik ko ang ilong niya. “Wala kong kalyo sa paa!”


“Saan?”


“Sa puso ko. Makalimutan ka man ng isip ko, hindi ng puso ko.”


Unti-unti siyang ngumiti. “I like that.” Pinisil niya ang ilong ako. “Dumadamoves ka na naman.”


Nang may pumasok sa isip ko. “Eh, ikaw?”


“Anong ako? Dedbol na naman? Ikaw—aray!” Pinitik ko kasi ang noo niya.


“Wala pa kong sinasabi.”


“Eh, anong ako kasi ‘yon?”


“Wala ka bang balak yayain akong magpakasal bago pa mahuli ang lahat?”


Nawala ang ngiti niya. Sumeryoso ang mukha niya. “Pearl.”


Hay... Nag-peace sign na lang ako at ngumiti. “Joke lang. Sumeryoso naman agad ang peg ng face mo.” Tatayo na sana ko ng pigilan niya ko


“Miss Pearl Forlales.”


Napalunok ako. Totohanin niya ba ang sinabi ko? “Joke lang ‘yon, ano ba?” Pero ang totoo...


“Miss Pearl Forlales.”


“A-ano?”


He put his one hand at the back of my neck and pulled me closer to him. Nagkalapit na ang mukha namin. “Miss Pearl Forlales.”


“Ano nga?” Naku naman! Hindi ako ready!


Ngumuso siya. “Pa-kiss.”


Bago pa ko makapag-react, his lips touched mine. And kissed me slowly. Until his kiss turned deeply. Ang lapad ng ngiti niya ng maghiwalay kami.


“Ikaw talaga!” Kinotongan ko siya.


“Ouch!” sabay himas ng ulo niya. Pero hindi pa rin mawala-wala ang ngisi niya. Sinundot niya ang tagiliran ko. “Akala mo ano noh?”


“I don’t know what you’re talking about. At wag mo kong kilitiin.” sabay iwas ng tingin. Nakakainis! Akala ko talaga... Hmp!


Hinawakan niya ang baba ko para mapaharap ang mukha ko sa kaniya. Wala na ang ngisi niya. “Alam mo bang balak ko ng mag-propose sa’yo pagkatapos ng kasal nina Ellaine?”


“Hah?”


“Baka kasi isipin mo na tinanggihan ko ang proposal mo ngayon at ayaw kitang pakasalan, kaya sinasabi ko ‘to.” He sighed. “But something unexpected happened.”


“Jaylord died.” bulong ko.


“Alam ni Jaylord ‘yon. Magka-sabwat kami sa gagawin ko. Pero...” He sighed.


“Emjhay.” Hinaplos ko ang pisngi niya. Pakakasalan niya ko. Knowing that, masaya na ko. Sobrang saya ko. Nginitian ko siya. “Okay na saking malaman ang proposal mong hindi natuloy. At ngayon pa lang, alam mo na siguro ang sagot ko.” Ngumiti siya at tumango. Nang maalala ko si Ellaine. “May pinagdadaanan ang bestfriend ko ngayon. I don’t want to be selfish.”


“Me, either.”


At mukhang nagkakaintindihan na kaming dalawa.


I smiled. “Hihintayin ko na lang ulit ang proposal mo kapag okay na ang lahat, okay?” Jeez! Baka araw-araw akong hindi makatulog nito sa pag-iisip kung kailan ‘yon.


He smiled. “And it will be special.” As his lips touched mine.

= = =

9 comments:

  1. Hello sa readers ko! ^_____^
    Favor lang po, hehe!
    Yung sa mga ANONYMOUS po, can you put your name sa comment ninyo para naman kahit paano, ndi ko man kau kilala ng personal o sa mukha, kilala ko naman kayo sa name ninyo. HIHIHI!

    Yun lang at maraming salamat sa pagsuporta sa mga stories na ginagawa ko. I love you all! *flying kisses*

    ReplyDelete
  2. grabe ang iyak ko dito Ms. Aiesha Lee....fan nio po ako talaga! halos lahat ng sinulat nio po dito sa site na eto ay nabasa koh na..hindi lang po talaga ako mhilig mg.comment,sorry... but I THink- no, know pala ang dapat gamitin ko na word.
    But I know I need to tell u this Miss Lee.. your story really touch my heart..
    Sabi nila weird daw ako,coz i don't believe in love or worst in true love..pero ngbabasa akoh ng mga romance pocketbook and here also..While I'm starting to read this, I know something bad will happen in your story but It Didn't stop me in reading this..
    Kc i Felt so happy, alive and at the same time sad. I know I'm Being ridiculous, but I just want you to know na you really inspire me to believe in love and to love also..
    please make this story more exciting and take the readers to the highest level..hahahaha(nababaliw na ako)
    Yours truly,
    Aina E.


    ReplyDelete
  3. may super haba akong sinabi dito pero hindi ako sure Miss Lee kung na click ko but anyway sana po mabasa mo...

    ReplyDelete
  4. KIlig!OMG! ! Kawawa naman si Akira(Ellaine).Pero naniniwala ako na buhay pa si Jaylord. Subukan niyang mamamatay ..papatayin ko tlga siya.Tapos yung Drenz nayan as Kei said ..Mapapatay ko siya kapal ng mukha nasasaktan na nga yung tao gaganunin niya pa?!

    -clarisse..aki's friend... Good job.. Baliw na naman si AKi...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you sis! :))))

      Hay naku! Baliw na nga talaga yang friend mo! Pinagtataksilan niya si Lordy! Hmf!

      Delete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete

Say something if you like this post!!! ^_^