Saturday, June 15, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 16




CHAPTER 16

“Moving On is Hard”
[ PEARL’s POV ]


Nakarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko. Kakahiga ko lang kama para matulog. Dito ako sa guestroom ng bahay nila Ellaine tumutuloy. Isa pang katok ang narinig ko. Imposible namang si Tita Julia ‘to. Mas lalong hindi si Emjhay dahil umuwi na siya kanina. Sa bahay ng uncle niya siya tumutuloy.


Bumangon ako mula sa pagkakahiga at lumapit sa pintuan. Binuksan ko ‘yon. Wala kong nakitang tao sa labas. Pero paglingon ko sa kanan ko, I saw my bestfriend. Papasok na siya sa kwarto niya. “Ellaine.”


Dahan-dahan siyang lumingon sakin. “Sorry. Nagising ba kita?” mahina niyang tanong. Ni walang kabuhay-buhay ang boses niya.


“Hindi pa naman ako nakakatulog.” Lumapit ako sa kaniya. At hinawakan ang kamay niya. “Tabi tayong matulog, gusto mo?”


Tumango siya.


Ramdam kong ‘yon ang dahilan kung bakit siya kumatok kanina. And I’m glad na siya na ang gumawa ng way para kausapin kami. Ako. This past few days kasi, simula ng maospital siya, lagi na lang siyang nagkukulong sa kwarto niya. At tahimik na umiiyak. Naririnig ko ‘yon. At nasasaktan akong makitang nahihirapan siya. Kami nila Tita Julia.


Simula lang nung dalawin niya si Jaylord sa puntod nung isang araw, hindi na siya nagkukulong sa kwarto niya. Hindi na namin siya kailangang hatidan ng pagkain sa kwarto niya. Sumasabay na siya samin ng mama niya. Sumasagot sa mga tanong namin. Pero bakas pa rin sa mukha niya ang kalungkutan.


Pumasok na kami ng guestroom. Sumampa siya sa kama at tahimik na humiga. Gano’n din ang ginawa ko. Parehas lang kaming nakatingin sa kisame.


Ilang saglit ng katahimikan ang dumaan.


“Pearl.”


“Ellaine.”


Nagkasabay naming sabi.


“Ikaw muna.” sabi niya.


Hinawakan ko ang kamay niya. “Nandito lang kami, Ellaine. Ang mama mo, ako, si Emjhay, Sina Clay. Nandito lang kami para sa’yo. Tandaan mo ‘yan, okay.”


She squeezed my hand holding hers. Kahit hindi niya sabihin alam ko ang gusto niyang iparating. “Salamat, Pearl. And I’m sorry kung nagiging pabigat ako sa inyo. Kayo ni Emjhay, ang tagal ninyo nang nandito.”


Tama siya. Mahigit dalawang buwan na rin. May mga assistant kaming naiwan sa dance studio namin ni Emjhay sa States. Alam naming maaasahan sila. And about me being the official choreo of the EXO, nakapag-paalam na ko sa kanila. My substitute naman akong choreo. And they know my situation. Hindi ‘to ang oras para iwan ko ang bestfriend ko. Kailangan niya ko.


“Hindi ninyo na ko kailangang intindihin. You can now go back to States. May trabaho pa kayong dalawa. Sobrang naging pabigat na ko.”


Nilingon ko siya. “Ellaine. Never kang naging pabigat samin, okay. Lalo na sakin.”


Dahan-dahan siyang humarap sakin. Niyakap niya ko. Sumiksik siya sa balikat ko. Tinapik-tapik ko naman ang braso niyang nakayakap sakin.


“Ganyan ang ginagawa ni mama para makatulog ako.” mahinang sabi niya. “At ganyan din ang ginagawa ni Jaylord para makatulog ako.”


“Ellaine.” Naramdaman kong nangilid ang gilid ng mata ko. This is not the right time to cry. Kaya kinagat ko ang labi ko para hindi matuloy ang pag-luha ko. Lalo na ng humigpit ang pagkakayakap niya sakin. Nararamdaman kong iniisip niyang ako si Jaylord.


“Si mama, alam kong nasasaktan siya kapag nakikita niya kong ganito. That’s why... tomorrow...”


Hinintay ko ang kasunod ng sasabihin niya. Pero wala na kong marinig. Pinagpatuloy ko na lang ang pagtapik sa braso niya ng marahan. Ilang minuto ang lumipas ng maramdaman ko ang malalim niyang paghinga. Sinilip ko ang mukha niya. Nakita kong basa ang pisngi niya. Pinunasan ko ang pisngi niya.


I sighed.


Ellaine. Kayanin mo ‘yan. Kahit mahirap. Kahit masakit. Kailangan mong kayanin. Kailangan mong mag-move-on.


I sighed. Again.


Jaylord. Kung nasa’n ka man ngayon. Help her, please. Help her to move on and go on with her life. Move on with her life, without you.


= = = = = = = =


Kinabukasan.


“What?” Sa lahat ng kasama ko, ako lang ang nag-react sa sinabi ni Ellaine.


Nandito kami sa sala ng bahay nila. Katabi ko sina Tita Julia at Emjhay. Magkakatabi naman sina Chad, Khalil at Clay.


Sinabi ni Ellaine na pupunta siya sa ibang bansa. Sa Korea. Kung nasa’n ang Tita niya na kapatid ng mama niya.


“Alam kong nabigla kayo sa desisiyon ko. Pero kailangan kong gawin ‘to. Hindi ako makakapag-move on kung mananatili ako dito.” Tiningnan niya ko. “Maraming salamat, Pearl, Emjhay. May buhay pa kayong kailangang harapin.”


“Ellaine. Hindi—” Naputol ang sasabihin ko ng hawakan ni Emjhay ang kamay ko. Napalingon ako sa kaniya. Umiling siya na parang sinasabing hayaan kong magdesisyon si Ellaine.


Nagpatuloy si Ellaine. “Chad, Khalil, Clay. Salamat sa inyo. Tuparin ninyo ang mga pangarap ninyo. Wag ninyong biguin si Jaylord. Unlike me...” Humikbi siya. “Unlike me, ang hina-hina ko...” Tumalikod na siya. At alam kong umiiyak na naman siya. “Aakyat na muna ko sa kwarto... Madami pa kong aasikasuhin sa pag-alis ko...” Iyon lang at iniwan na niya kami.


Sinundan siya ni Tita Julia.


Tahimik lang kaming mga naiwan sa sala. Ni walang nagsasalita at nabibingi na ko sa katahimikan nila. “Wala bang magsasalita sa inyo?” tanong ko. “Hindi ba natin siya pipigilan?”


Wala pa ring nagsalita.


“Dyan na nga kayo. Bibili na lang ako ng kausap ko.” Naiinis na tumayo ako at lumabas ng bahay.


“Pearl!” Sinundan ako ni Emjhay.


= = =


[ ELLAINE’s POV ]


Pagpasok ko ng kwarto, kinuha ko agad ang isang malaking karton na nasa gilid ng kama ko. Kinuha ko ang photo album namin ni Jaylord. Pati ang mga bagay na may kinalaman sa kaniya. Lahat-lahat. At inilagay ko ‘yon sa loob ng karton.


“Anak, anong ginagawa mo?”


“Kailangan kong itago ang mga ‘to.” sarili ko ang kausap ko. Lumapit ako ng closet at kinuha ang isang damit. Ng pigilan ako sa braso ng mama ko.


“Anak.”


“Lahat ng bagay na may kinalaman sa kaniya. Lahat ng nagpapaalala sa kaniya. Lahat ng ‘yon, kailangan kong itago.” Lumapit ako sa karton at inilagay ang damit do’n. Umupo ako sa kama habang nagpalibot-libot ang tingin sa loob ng kwarto. “Alam kong mero’n pa, eh. Madami ‘yon.”


Lumapit sa tabi ko si mama at hinawakan ang kamay ko. “Hindi mo kailangang gawin ‘to. Hindi mo kailangang itago ang lahat ng bagay na may kinalaman kay Jaylord para lang—”


“No, Ma.” pigil ko sa kaniya. “Kailangan ko.” Tiningnan ko ang laman ng box. “Paano ako makakapag-move on kung sa tuwing makikita ko ang lahat nga ‘yan, maaalala ko siya?” Kinagat ko ang labi ko. Ito na naman ako. Iiyak na naman ako. “Okay na sakin yung mga alaala niya. Torture na sakin kung pati ‘yang mga ‘yan, makakapag-paalala pa sa kaniya. Sa halip na mabawasan yung sakit, nadadagdagan pa tuwing nakikita ko ang mga bagay ‘yan.”


Ayokong umiyak sa harap ng mama ko. Pero... “Ang sakit pa rin ‘Ma... I don’t know what to do para maka-move sa mga nangyari... Ang hirap-hirap... Kaya mas pinili ko ang lumayo... sa lugar na ‘to... sa lahat-lahat...”


Niyakap niya ko. “Nang mawala ang papa mo noon, ganyan din ang naramdaman ko. Na parang namatay ang kalahati ng pagkatao ko. Pero anak, tinibayan ko ang loob ko dahil nandyan ka pa. Ikaw ang naiwang alaala ng papa mo sakin. Pero hindi kita itinakwil para lang makalimutan ko ang papa mo at para lang makalimutan ko ang sakit ng pagkawala dahil sa tuwing nakikita kita, naaalala ko siya. It takes time para matanggap mong wala na si Jaylord. Mahirap mag-move on, anak. Pero nandito ako, ang mga kaibigan mo. Kaya kung anumang desisyon mo na makakatulong sa’yo para makapag-move on ka sa buhay mo na hindi na siya kasama, gawin mo. Basta nandito lang si mama, okay?”


“Ma...” That was all that I can say while crying as I hugged her back.


= = =


[ CHAD’s POV ]


Pagkatapos sabihin ni Ellaine na pupunta siya ng Korea. Wala ni isa saming tatlo nila Khalil at Clay ang nagsalita. Hanggang sa umalis siya at sundan ni Tita Julia. Wala pa rin kaming imik.


Nag-walk out na lahat-lahat si Pearl kasunod ni Emjhay. Wala pa rin kaming imik. Siguro dahil may iniisip ang bawat isa samin. Gano’n din naman ako. Iniisip ko kung dapat nga ba naming pigilan si Ellaine sa gusto niya o hayaan na lang siya. Pero kung ako ang tatanungin...


“Nandito pa pala kayo.”


“Tita Julia.” sabi ko. Sabay-sabay kaming napatayong tatlo.


“Baka may mga trabaho pa kayong dapat na asikasuhin. Maraming salamat sa inyong tatlo sa pag-aalaga sa anak ko. Alam kong malaking istorbo na ang ginagawa ninyong ‘to.”


“Walang anuman po, Tita.” sabi ni Khalil.


“At hindi po istorbo ang ginagawa naming ‘to. Para po ‘to kay Jaylord. At kaibigan din po namin si Ellaine kaya namin ginagawa ‘to.” Clay said.


Sa wakas, nagsalita na rin ang dalawa.


Ngumiti si Tita Julia. “Bakit hindi muna kayo kumain bago kayo umalis? Lunch time na.”


“Naku, Tita. Hindi na po. May kailangan pa po kaming asikasuhin. Tutuloy na po kami.” I said.


“Gano’n ba? Mag-ingat kayo. Salamat uli.”


“Sige po, Tita.”


Lumabas na kaming tatlo. Kaniya-kaniyang lapit kami sa mga kotse namin. Wala ng imik yung dalawa. “Hey.” untag ko sa kanila. Napalingon sila sakin. Humalukipkip ako. “Any violent reaction?” tanong ko.


“What?” nakakunot-noong tanong ni Khalil.


“Pipigilan natin si Ellaine sa pag-alis niya o hayaan natin siya sa desisiyon niya?”


“Ikaw?” balik tanong ni Khalil.


“Hayaan natin siya. Desisyon niya ‘yon kaya igalang natin. Besides, mas makakabuti yung wala siya dito pag kumilos na tayo.”


At isa pa. Nakafocus ang atensyon ni Ellaine sa pagkamatay ni Jaylord. Wala pa siyang tinatanong sa kung ano ang nangyari sa likod ng pagkamatay ni jaylord. Mabuti na yung wala pa. Baka mas lalo pa siyang mahirapan sa mga malalaman niya.


“Same here, ‘tol.” sang-ayon ni Khalil sakin. “Magagawa natin ng maayos ang mga plano natin ng hindi na natin iintindihin ang kaligtasan niya. Mas mabuti na ‘yong wala siyang alam sa mga mangyayari.”


“Pero malalaman at malalaman rin niya.” singit ni Clay.


“So, gusto mo siyang pigilan sa pag-alis niya.” Khalil said.


“How did you know?”


Napapalatak si Khalil. “Simula pa nung sa hotel, kontra ka na samin ni Chad pag si Ellaine ang pinag-uusapan natin. When we said hayaan natin siya, ayaw mo.”


“Hindi naman kasi ako manhid. Nakita ninyo na ngang halos maubusan na siya ng tubig sa katawan sa pag-iyak, ayaw ninyo pang patigilin. Tingnan ninyo ang nangyari no’n.”


I saw how Khalil’s forehead knots. “So, manhid kami gano’n?”


“Wala kong sinasabing ganyan.”


“Parang yun ang pinapalabas mo.”


Napakamot ako ng kilay habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. Dapat pala hindi ko na lang sila tinanong, eh. May debate pa atang magaganap.


“Kung yun ang tingin mo, so be it.”


“Eh, ikaw, anong tawag sa’yo? Pusong mamon? Parang hindi ka gangster noon kung umasta ka ngayon. Dati pa nga, halos lumpuhin mo ‘yung mga kalaban mo.”


Nagsalubong ang kilay ni Clay. “Iba si Ellaine sa mga kaaway natin. At bakit pati ‘yon pinapasok mo dito?”


“Hey! Hey! Mag-aaway ba kayo dito? Pwedeng sa ibang lugar ninyo na lang gawin ‘yan? May mahalaga tayong pinag-uusapan dito.” singit ko sa kanila. “Para kayong mga bata.”


Sabay silang napalingon sakin. At masama ang timpla ng mga mukha nila.


“Whoah! Umaawat lang ako, okay. Ang hot ninyong dalawa.”


“Saka na lang tayo mag-usap. Kapag malamig na ang ulo ng isa dyan.” parinig ni Clay kay Khalil.


“Hindi mainit ang ulo ko. Ikaw ang mainit.”


“Ikaw.”


“Maghanap ka ng kausap mo, pusong mamon!” inis na sabi ni Khalil bago sumakay ng kotse niya.


“Talaga, taong manhid!” pahabol ni Clay habang magkasalubong ang kilay. Sumakay na rin siya ng kotse niya.


Sabay pang pinaandar ng dalawa ang mga kotse nila. Pero sa magkabilang direkyon ng kalsada sila dumaan.


At ako? “Hay...” Napailing na lang ako. Hindi na sila nagbago. College pa kami, ganyan na sila. Madalas mag-clash kung minsan sa mga desisyon nila. Pero parang ngayon lang uli nangyari ang ganito. “Stress na siguro sila sa mga nangyari.”


At napapansin ko. Hindi na kami katulad ng dati na kung magkulitan, parang walang katapusan. Nag-iba na talaga simula no’n.


Sumakay na rin ako ng kotse ko. At tinawagan si Paul, ang isa sa mga ka-brod namin sa DSG. Na sinagot naman agad niya. “Hello, ‘tol. Ano na?” bungad niya.


“Bukas na tayo magkita-kita.”  Baka magrambulan pa yung dalawa sa meeting mamaya.


“Bakit?”


“May LQ yung dalawa.”

 = = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^