Saturday, June 15, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 15



CHAPTER 15

“Accepting, but how ?”
[ ELLAINE’s POV ]


Two weeks na simula no’ng bumalik ako sa pagkakatulala ko. Simula ng mawalan ako ng malay sa hotel. Simula ng maconfine ako ng ilang araw sa hospital. Simula ng makauwi ako sa bahay.


Two weeks na pero nandito pa rin ang sakit. Sa dibdib ko. Para kong pinapatay ng paulit-ulit.


At sa bawat araw na pagmulat ng mga mata ko, unang bagay na laging pumapasok sa isip ko ay si Jaylord. Tahimik akong umiiyak. Ayokong iparinig kina mama, kina Pearl at Emjhay, kina Chad, Khalil at Clay. Dahil ayokong maging pabigat sa kanila. Pero kahit anong pilit kong itago ang sakit, alam kong napapansin pa rin nila.


Lagi akong nakakulong sa kwarto. Hawak ang photo album namin ni Jaylord. Katulad ngayon, ayokong umiyak habang nakatingin sa picture naming dalawa. Pero parang hindi maubusan ng luha ang mga mata ko sa ilang araw nang pag-iyak ko. Na automatic na may papatak ng mga luha kapag naiisip kong hindi na siya babalik.


Alam kong hindi pwedeng laging ganito. Alam ko ‘yon. Pero ang hirap, eh. Ang hirap magpanggap na magiging okay ang lahat pagkatapos ng mga nangyari. Na pwede akong bumalik sa dating ako ng gano’n kadali lang. Hindi gano’n kadali ‘yon.


Nakarinig ako ng katok, kasabay ng pagbukas ng pintuan.


“Ellaine.” boses ni Clay ‘yon. Binisita na naman nila kong tatlo. Lagi na lang silang ganyan. Lagi nila kong dinadalaw.


Pinunasan ko agad ang pisngi ko. Hinaplos ko ang mukha ni Jaylord sa picture. Ang sakit sa pakiramdam. Ni hindi ko man lang siya nakita sa huling pagkakataon bago siya... bago siya ilibing. Kinagat ko ang labi ko para pigilin ang pagpatak ng luha ko. Ang hirap paniwalaan na talagang wala na siya.


“Dalhin ninyo ko sa kaniya.” sabi ko sa kanila. Gusto ko siyang makausap.


= = = = = = = =


“Hintayin ka na lang namin dito.” sabi ni Clay. Sa kotse niya ako nakasakay. May dalang kaniya-kaniyang kotse sina Chad at Khalil.


Tumango lang ako bago bumaba ng kotse. Nasa tapat kami ng isang musuleo. Dito daw nakalibing si Jaylord. At kita ko mula sa pwesto ko ang puntod niya.


Jaylord...


Bawat hakbang ko papasok sa loob, ang bigat-bigat. Hanggang sa makarating ako sa harap ng puntod niya. Dahan-dahan akong umupo. May malaking screen sa kanang gilid ng pangalan niya. Pinindot ko ang blue button. Maya-maya, nakita ko na ang mukha niya.


Video ‘yon. It was a compilation of videos na pinagsama-sama ni Clay. Sinabi niya ‘yon sakin kanina habang nasa kotse kami. At alam kong kuha niya ‘yon ng panakaw kay Jaylord. Pinakita na niya sakin dati ‘yon.


Sa video na nakikita ko ngayon, buhay na buhay kong nakikita si Jaylord. Gumagalaw siya. He was frowning at some shots. Nakasimangot. Nakakunot ang noo. Magkasalubong ang kilay. At ang poker face niyang mukha. But the best thing na nagustuhan ko...


I paused the video. Hinaplos ko ang mukha niya sa screen.


The best thing na nagustuhan ko was his smiling face.


“Jaylord...” Kasabay ng pagpatak ng luha ko. “Im sorry... I’m sorry kung hindi man lang kita nahatid dito. I’m sorry kung nagiging mahina ko. I’m sorry kung umiiyak na naman ako...” Sumisinghot-singhot ako.


“Ang hirap lang kasi, eh... Ang hirap para sakin na tanggaping wala ka na talaga... Bigla ka na lang kinuha samin, eh...” Napahagulgol na ko ng iyak. “Bigla mo na lang ako iniwan, eh...”


Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang paglakas ng iyak ko. Umiyak lang ako ng umiyak ng ilang minuto hanggang sa kaya ko ng magsalita.


“Kailangan ko ng tanggapin diba? Pero paano? Sa’n ako mag-uumpisa? Hindi ko alam kung saan... Tell me, please... Tulungan mo naman ako, o... Tulungan mo naman akong tanggapin na hindi ka na babalik sakin...”


Humugot ako ng malalim na paghinga dahil feeling ko hindi na ko makahinga sa sobrang pag-iyak ko.


“Kahit mahirap... gagawin ko... Dahil alam kong magagalit ka sakin... kapag patuloy akong naging ganito... Ayokong magalit ka kaya kakayanin kong tanggapin... kahit masakit... kahit mahirap... paunti-unti kong tatanggapin...”


Pinunasan ko ang mga luha ko para makita kong mabuti ang mukha niya sa screen. Ngumiti ako ng pilit habang umiiyak. “Buti na lang nakangiti ka dyan... buti na lang nakangiti ka sakin... kahit man lang dyan... makita ko ang ngiti mo...”


Hinawakan ko ang necklace ko. Ang necklace niya at necklace ko na pinagdikit ko na. “Sana... sa susunod nating buhay... katulad ng necklace na ‘to... magkasama na tayo... habang buhay...” Inangat ko ang kamay ko palapit sa screen. “Hihintayin kita... sa susunod nating buhay...” Inilapit ko ang mukha ko sa screen, sa kuha niya. 


Pinagdikit ko ang noo namin. “I love you, Jaylord...”


“I love you, too, Elle.”


Parang naririnig ko ang boses niyang ‘yon.


Ilang minuto ang pinalipas ko para pahintuin ang pag-iyak ako, bago tumayo. Pinunasan ko ang pisngi ko. Kasabay ng huling sulyap ko sa nakangiti niyang mukhang nasa screen ang pagtalikod ko. Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko.


Kahit masakit sabihin.


Kahit mahirap sabihin.


Kailangan ko pa ring sabihin.


Susubukan ko.


“G-goodb...” Umiling-iling ako.


Hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang sabihin ang salitang ‘yon. Hindi ko pa kayang magpaalam. I’m sorry, Jaylord. Pero hindi ko pa kayang magpaalam sa’yo. Hindi pa.


Humakbang na ko palabas ng musuleo. Nakayuko ako habang palapit sa kotseng naghihintay sakin. Si Clay lang nakita ko. Sa ibang gawi ako nakatingin nang makalapit ako sa kaniya. Tumalikod siya at may kinuha sa kotse niya. Pagharap niya, may inaabot na siya saking dark shades. Alam kong napansin niya ang pamumula ng mata ko. Kinuha ko ‘yon at isinuot.


“Nauna nang umalis yung dalawa. Babalik pa sa office si Khalil, may aasikasuhin naman si Chad.” sabi ni Clay.


Naiintindihan ko. May kaniya-kaniya silang buhay. Hindi nila ko responsilibidad. At kailangan kong tulungan ang sarili ko.


Matagal bago ako sumagot dahil sa malalim kong pag-iisip. Kung anong gagawin ko ngayon.


“Can you be my driver for today, Clay?” maya-maya ay tanong ko.


“Where do you want to go?”


= = = = = = = =


Where: Hide-out namin ni Jaylord.


“Five years had passed, pero buhay pa rin ‘tong puno na ‘to.” sabi ko habang nagpalakad-lakad ng paikot sa puno ng mangga.


“Binili pa ni Jaylord ‘tong lote na ‘to just to make sure na mape-preseve ‘tong place na ‘to, pati ang puno. Mahalaga daw kasi sa’yo ang lugar na ‘to.”


Napalingon ako kay Clay sa sinabi niya. “Binili niya ‘to?”


“Hindi mo alam?”


Umiling ako. Kaya pala. All these years, nagtataka ako kung bakit walang bumibili ng lote na ‘to para tirhan. Nangilid ang luha ko. Tumingala ako sa puno ng mangga para hindi na pumatak ‘yon. “Jaylord...” Parang nakikita ko siya sa taas ng puno.


“Typical Jaylord.” Narinig kong sabi ni Clay.


“Yeah.” Huminga ako ng malalim. Pinalipas ko ang ilang minuto bago nagsalita. “Mga bata pa lang kami, ito na ang hide-out naming dalawa. Kapag umiiyak ako nung bata pa ko, dito ako pumupunta. At maya-maya lang, nandito na siya para patahanin ako. Dito siya nangakong babantayan at poprotektahan niya ko, habang buhay. Pero...” Pumatak na ang luha ko. Pinunasan ko agad ‘yon. “Hindi na mangyayari ‘yon.” Kinagat ko ang labi ko. Ayoko na talagang umiyak. Pero...


“This place is so memorable. Maraming nangyari dito. And the best thing was when he told me that he loves me. Tandang-tanda ko pa ang sinabi niya no’n. On the last minute of my birthday. He promised me that he will make every minute of my life special.” Kasabay ng pagpatak ng mga luha ko. Pinabayaan ko na lang sila. Dahil kung pipigilan ko lang silang lumabas kahit gusto nila, sasakit lang ang dibdib ko.


I have to let it all out. All the pain I’m feeling right now. Kailangan kong mailabas ‘yon kahit araw-araw na kong ganito. Dahil parang hindi nauubos ang sakit na nararamdaman ko. Ewan ko ba. Sobrang hirap. Sobrang sakit.


“He didn’t break that promise. He did what he promised. Laging gano’n si Jaylord. Lagi niya talagang tinutupad ang mga pangako niya. Kaya lang...” Naalala ko ang huli niyang pangako. Nung nasa hotel kami. “Hindi niya tinupad ‘yon. Hindi niya tinupad na magkikita kami pagkatapos ng gabing ‘yon...” Nag-uunahan na sa pagpatak ang mga luha ko.


Naramdaman ko ang kamay ni Clay sa balikat ko. “Ellaine. Hindi mo kailangang gawin ‘to. Sinasaktan mo lang lalo ang sarili mo.”


Pinunasan ko ang pisngi ko. Buti na lang, nakatalikod ako sa kaniya. “I know, Clay. But I needed to do this. I need to remember those things. Para paunti-unti kong matanggap na wala na siya. That all of those memories I have with him, hanggang do’n na lang ang alaala ko sa kaniya. Because we can’t make new ones anymore. Because...” Kinagat ko ang labi ko. “B-because he’s already gone...” Ni hindi ko alam kung lumabas ba yung huling sinabi ko sa bibig ko. O kung ako lang ba ang nakarinig no’n.


“Tama na, Ellaine. Ihahatid na kita sa inyo.”


Huminga ako ng malalim. Ng ilang beses. Saka ko lang siya hinarap. “Akong magda-drive. Can I borrow your car?” mahina kong tanong. “Madami pa kong gustong puntahan.”


He sighed. “Where do we go next?”


= = = = = = = =


Where: Jaylord’s private resthouse


Nakatayo ako sa tabi ng dagat habang nakatingin sa papalubog na araw. Nandito ako sa tabi ng dagat kung sa’n nag-propose si Jaylord. Ito ang huli naming pinuntahan ni Clay sa dami ng pinuntahan namin. Naiwan siya sa kotse. Sinabi kong gusto kong mapag-isa dito sa lugar na ‘to.


Pinikit ko ang mga mata ko. Wala kong naririnig kundi ang paghampas ng alon at ang ihip ng hangin na tumatama sakin.  “Jaylord...”


“I really want to spend my whole life with you, Elle. Twenty two years of my lfe had been spend almost with you. At kahit ilang years pa ang dumating sa buhay ko, I’m more than willing to spend those years with you and protecting you. So, will you marry me, Ellaine Manansala, and spend your lifetime with me?”


Ang mga salitang ‘yon. Nag-eecho sa tenga ko na parang nasa harapan ko lang si Jaylord. Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko. Wala siya.


Hinawakan ko ang necklace ko. Inilapit ko ang kamay ko kung sa’n nakasuot ang singsing na binigay ni Jaylord ng araw na magpropose siya, sa necklace ko. Ikinulong ko sila sa mga kamay ko. Then I closed my eyes. Mukha ni Jaylord ang nakikita ko.


“Even If I couldn’t spend my next twenty three years and my whole lifetime with you... ” Huminga ko ng malalim. “...mabubuhay pa rin akong ikaw lang ang una’t huling lalaki sa puso ko, at sa buhay ko. Until my heart’s last beat, until my last breath.” As I opened my eyes, tears fell down on my cheeks. “I love you so much, Jaylord.”


Masakit isipin.


Mahirap tanggapin.


Pero kailangan kong gawin.


Paunti-unti kong tatanggapin.


Ang tanggaping wala na siya sa buhay ko.

 = = =


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^