Saturday, June 15, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 14



CHAPTER 14

“It Takes Time”
[ CLAY’s POV ]


“Hanggang kailan siya magiging ganyan?”


“Hanggang matanggap niyang hindi na talaga babalik si Jaylord.”


Napalingon ako kina Chad at Khalil. Nakasandal kaming tatlo sa kotse habang nakatingin kay Ellaine na nasa harap ng puntod ni Jaylord.


“Kailan pa ‘yon mga ‘tol?” tanong ko. “Dalawang linggo na simula ng dalhin natin siya sa ospital.” Yun yung araw na himatayin siya sa hotel. Naghisterical lang siya pagkagising niya, kaya kailangan pa siyang i-sedate ng doctor. Ilang araw matapos no’n, inuwi na siya sa bahay nila. At ang sabi ni Tita Julia at Pearl, tuwing magigising daw siya, iiyak lang daw siya ng tahimik sa kwarto niya.


Katulad kanina, naabutan namin siyang nakaupo sa sahig sa gilid ng kama niya habang may hawak na photo album. Hindi na namin kailangang tanungin kung kaninong mga picture ang tinitingnan niya. Bigla lang niyang sinabi saming, “Dalhin ninyo ko sa kaniya.”


Kaya nga nandito kami ngayon sa cemetery.


“Tutulungan natin siya.” sagot ni Khalil. “Alam kong mahirap dahil maski ako nahihirapan.” Tumingala siya sa langit at napabuntong-hininga. Gano’n din ang ginawa namin ni Chad. “Nakikita kaya niya tayo ngayon?”


“I think so.” Chad answered.


“Jaylord, ‘tol, may ipag-uutos ka ba?” tanong ko habang nakatingala sa langit.


“Subukan mo naman daw harapin yung mga babae sa paligid mo, hindi puro computer o laptop mo.” Khalil said.


“Narinig ko nga. Pinapasabi rin niyang itigil mo na ang pambababae mo.”


“Talaga? Sinabi niya ‘yon? Himala! Akala ko okay lang na mambabae ako. The same goes with Chad.”


“Wag mo kong igaya sa’yo, Khalil, one woman ako. Alam ni Jaylord ‘yon.”


“One woman? At sino ang malas na babaeng ‘yon?”


“Swerte kamo. O! Narinig ninyo ba yung sinabi niya ngayon lang, sumang-ayon siya sakin.”


Alam kong para kaming sira dahil kinakausap namin ni Jaylord habang nakatingala sa langit. Maybe this is just our way to accept the fact na hanggang ganito na lang namin siya makakausap. Ito na lang ang way namin para makausap siya.


“Hindi siya sumang-ayon sa’yo. Sakin siya umagree.” kontra ni Khalil kay Chad.


“Sakin.”


“Kids, tama na. Magkasalubong na ang kilay ni Jaylord.” saway ko sa kanila. “Sige kayo. Baka tuluyan na kong ihagis niya sa labas ng building.”


“Talaga? Oo nga. Why don’t you cook for him, Chad?” Khalil said.


“Ano bang masarap iluto?”


“Yung specialty mo.”


“Ano nga bang specialty mo?” tanong ko.


“Lahat ng niluluto ko, favorite niya. Kaya lahat specialty ko. Right, Jaylord?” Maya-maya ay napabuntong-hininga si Chad. Mukhang na-realize niyang para siyang ewan na kinakausap si Jaylord habang nakatingala sa langit.


“Hindi ka daw right, left ka.” Walang sumagot sa patawang kalbo ni Khalil. “Yeah right. Ang pangit ng joke ko.” Napabuntong-hininga din siya. “Malapit na ba tayong dalhin sa mental sa ginagawa natin ngayon?”


“Hindi pa naman.” I answered. “At hindi mangyayari ‘yon dahil may misyon pa tayong tatlo.” Pagkasabi no’n, umayos ako ng pagkakasandal sa kotse, gano’n din sila.


Tumikhim si Chad. “About Jaylord’s case, may bagong balita na ba kay Seth?”


“Wala pang record sa database ng mga airlines na na-hack ko na nakauwi na siya from Canada.” sagot ko.


“Ang tinik niyang magtago.” Khalil said.


“Ang sabi nila Paul, nagtitipon na din daw ang ACG. Yung mga dating member, bumabalik na.” Chad said. ACG o Abrafo Crevan Gang, ang mortal na kaaway naming gang noon. Naghiwa-hiwalay na din ang gang na ‘yon. Pero ngayon...


“Kailangang handa na ang DSG kung sakali.” sabi ko. O Donaghy Shere Gang. Ang gang na kinabibilangan namin. Although, hindi na active ang grupo sa gulo, active naman ang grupo sa mga projects na may kinalaman sa livelihood.


Pinatunog ni Khalil ang mga buto niya sa kamay. “Ang tagal na rin simula nang huli tayong sumabak sa sobrang sakit ng katawan.”


“Pero bago natin gawin ‘yon, may gusto akong ipaalam sa inyo. I don’t know kung papayag kayo. At kung paano natin maililihim ‘to sa lahat na tayong tatlo lang ang dapat na makaalam. Hinintay ko lang talaga na bumalik sa katinuan si Ellaine bago ko ito sabihin sa inyo.” Chad said.


“Hindi siya baliw.” kontra ko.


“Not the literal meaning of that word, okay.”


“Fine.”


“So, ano ‘yong gusto mong sabihin, Chad?” Khalil asked.


“Ganito kasi ‘yon…”


Sinabi niya ang nasa isip niya.


“What?!” sabay naming react ni Khalil matapos niyang magsalita.


“I know it’s kinda late. Pero pag-isipan ninyo ding dalawa. I can’t decide it on my own dahil hindi ko magagawa ‘yon ng ako lang.”


Natahimik kaming dalawa ni Khalil ng ilang minuto. Unang siyang nagsalita. “Okay. Payag ako. Gawin natin.”


“Ikaw, Clay?” tanong ni Chad.


I sighed. “Ayokong umasa. But yes, payag ako. Gawin natin.”


“Pag-usapan natin ang plano mamaya. I need to go back to the office. Matatapos na ang lunch break.” Khalil said. May iba ng head ang marketing department dahil hindi niya tinanggap ang posisyon. Katulad dati, assistant head siya.


“Sasabay na ko. Pupulungin ko pa ang DSG.” Chad said. Nilingon niya ko. “Ikaw ng bahala kay Ellaine, ‘tol.”


Tinanguan ko sila. “Okay.”


Umalis na sila sakay ng kaniya-kaniyang nilang kotse. Humalukipkip ako at tiningnan si Ellaine. Mula sa pwesto ko, nakikita kong yumuyugyog ang balikat niya habang nakatalikod siya. Pati ang kamay niyang panay ang punas sa mukha niya.


I sighed.


Sa lahat ng taong nasa paligid ni Jaylord, alam kong sa lahat ng ‘yon, si Ellaine ang nahihirapang tanggapin ang pagkawala ni Jaylord. Dahil sa lahat ng ‘yon, kabilang kami, si Ellaine ang matagal na nakasama ng kaibigan ko. Simula pagkabata, hanggang sa araw sa mawala si Jaylord. Pero alam kong hindi sa tagal ng pagsasama ang pinag-uusapan. Kundi sa pinagsamahan at pinagdaanan nilang dalawa.


Paano mo nga ba tatanggapin na wala na ang taong buong buhay mong nakasama, ang taong kasama mo sa pagbuo ng mga pangarap mo, ang taong mahal mo? Paano mo nga ba tanggapin na sa bawat pag-gising mo sa umaga, hindi mo na siya makikita pa? Paano mo nga ba tatanggapin na hindi na siya babalik sa’yo? Paano mo nga ba tanggapin na sa isang kisap-mata lang nawala sa’yo ang taong ‘yon ng hindi mo inaasahan?




Paano nga ba?


Isang mukha ang sumingit sa isip ko.


Iniling ko ang ulo ko.


Basta ang alam ko lang...


For Ellaine, it will takes time to heal those wounds caused by Jaylord’s death.


And it will takes time to accept the fact that my friend Jaylord will never come back to us. Will never come back to her.


Napaderetso ako ng tayo ng makita kong tumayo si Ellaine mula sa pagkakaupo. Maya-maya ay humakbang na siya palapit sakin. Huminto siya sa tapat ko. Hindi siya makatingin ng deretso sakin, pero nakita ko ang mga mata niyang namumula. Kinuha ko ang shades ko sa dashboard ng kotse ko at inabot sa kaniya. Walang salitang inabot niya ‘yon at isinuot.


“Nauna nang umalis yung dalawa. Babalik pa sa office si Khalil, may aasikasuhin naman si Chad.” sabi ko.


Matagal bago siya sumagot.


“Can you be my driver for today, Clay?” maya-maya ay tanong niya.


“Where do you want to go?”

= = =

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^