CHAPTER
13
“The Pain of Losing”
[ ELLAINE’s POV ]
“Ellaine.”
Napalingon
ako kay Khalil. Gusto kong magsalita. Pero hindi ko alam ang sasabihin ko. Gaano
katagal na ba kong ganito? Hindi ko alam. Lutang ang isip ko. I was totally
blank. Ni hindi ko alam ang nangyayari sa paligid ko.Basta ang alam ko, lagi
nila kong kinakausap. Sila nila Chad at Clay. Si mama. Sina Pearl at Emjhay.
Lahat sila.
“Nasa labas lang
kami ng room na ‘to.” Iniwan na nila akong tatlo.
Inilibot
ko ang tingin sa loob ng kwarto. I was alone. Pero si Jaylord. Nandito siya.
Alam ko. Ipinikit ko ang mga mata ko. Sa pagdilat ko, I saw myself wearing my
gown.
“Ano ba ‘yan! Bakit
di ko maabot? Hay... dapat talaga may katulong ako sa pagsuot nito, eh.”
Napalingon
ako sa likuran ko ng tila may maramdaman ako. At nakita ko siya.
“Jaylord! Kinabahan
naman ako sa’yo.”
Humakbang
ako palapit sa kama at kinuha ang kumot. Niyakap ko ‘yon.
“Nakakainis ka!
Hindi mo pa dapat makitang suot ko ‘to! Teka! Anong ginagawa mo dito? At paano
mong nalaman ang room ko dito sa hotel?”
“I have my ways. Wala
kong magawa sa condo kaya naisipan kong dumaan dito.”
“Walang magawa? All
the way from your condo hanggang dito sa hotel? Dumaan ka lang? Naku! Patay
tayo nito kay Pearl!
Umalis lang siya saglit para makipagkita kay
Emjhay. Mamaya, nandito na ‘yon.”
“So? Excited ka na
ba bukas kaya sinuot mo na ‘yang gown mo?”
Napahawak
ako sa kamay ko nang maramdaman ko ang init ng kamay niya. Dinala ko ‘yon sa
pisngi ko.
“Nakakainis ka.”
“At bakit?”
“Wala na. Nakita mo
nang suot ko ‘to. Hindi ka na excited na makita akong suot ko ‘to bukas.”
“Bakit ba kasi
sinuot mo ‘yan? Hindi mo natatandaan ang bilin sa’yo ng mama mo, nila lola at
lalong-lalo na ang bestfriend mo na wag mong suutin at sukatin ‘yan bago ang
araw ng kasal natin?”
Napaupo
ako sa gilid ng kama ng may pwersang humila sa kamay ko.
“Dahil baka hindi
matuloy ang kasal natin? Eh, ikaw bakit ka pumunta dito? Hindi tayo pwedeng
magkita diba?”
“Para namang
papayagan kong hindi matuloy ang kasal natin bukas.”
Napalingon
ako sa bandang balikat ko. Nakikita ko siya. At nararamdaman kong nakasandal siya
balikat ko.
“Something’s wrong?”
“I’m just happy.”
“Me, too. Biruin mo
ikakasal na tayo bukas.”
“Ikakasal na tayo.”
“Jaylord...”
“Shhh...”
“Jaylord...”
“Wala kong gagawin,
okay.”
“You’re kissing—”
Pumikit
ako. Hinawakan ko ang labi ko. Ang init ng halik niya, nararamdaman ko.
“Hindi ko gagawin
ang iniisip mo. Nakapaghintay ako ng matagal. I can wait until tomorrow comes. Just
let me kiss you... Until my heart contents.”
“Sira ka talaga...”
“I know.”
“Hoy!”
Napadilat
ako. Napalingon ako sa pintuan. Nakikita ko si Pearl. Ang pagdating nila
Khalil. Hanggang sa makita ko si Jaylord. Tumayo siya at hawak niya ang kamay
ko.
“Bakit ba kasi nagpapaniwala
kayo sa pamahiin na ‘yan? No matter what happens, matutuloy ang kasal namin
bukas.”
Kasal.
Kasal namin ni Jaylord bukas. Napangiti ako.
“So, see you
tomorrow, Mrs. Nevarez?”
“Kita-kits sa mata.”
Napahawak
ako sa noo ko. Ramdam ko ang pagdampi ng labi niya. Saglit akong pumikit.
Pagdilat ko, wala na siya. Hindi na niya hawak ang kamay ko. Napalingon ako sa
pintuan. Unti-unting sumarado ‘yon hanggang sa tuluyan ko nang hindi makita ang
likuran niya. Napatayo ako. Mabilis kong binuksan ang pintuan. “Jaylord!”
Lumingon
siya sakin. Mabilis akong lumapit sa kaniya at niyakap siya. Pero wala kong
naramdamang sumalo sakin dahil napaluhod lang ako. Tumingala ako. Hindi ko
makita si Jaylord. “Jaylord?” Tumayo ako at lumingon sa paligid
ko. Wala siya. Hindi ko siya makita. “Jaylord!”
“Elle?”
Napalingon
ako sa gilid ko. “Jaylord...” Nakikita ko ang sarili ko na yakap si Jaylord.
Naririnig ko sila. Ang sarili ko at si Jaylord.
“Umiiyak ka? Why are
you crying?”
“I don’t know.
Kinakabahan ako.”
“Saan?”
“Why do I have this
sudden feeling na hindi kita makikita bukas?”
“We will see each
other tomorrow, okay. That’s a promise. Kung hindi man tayo magkita bukas, may
susunod pa namang bukas.”
“Jaylord...”
“Tomorrow ko pa
dapat ibibigay ‘to sa’yo, sa honeymoon natin. Pinasadya ko pa talaga ‘to. It’s
a necklace with a pendant ring on it. Two in one. There’s a magnet between them
so you can easily put them back together.”
Sinubukan
ko siyang hawakan. Pero tumatagos lang ang kamay ko sa katawan niya. Ano bang
nangyayari? Wala kong maintidihan.
“Kaya wag mong
isipin na hindi tayo magkikita bukas. Just like this necklace, there’s a magnet
between us na siyang maglalapit sating dalawa kahit sa’ng lupalop pa tayo ng
mundo. Kaya kung nag-wo-worry kang hindi mo ko makikita bukas, wag mong
tatanggalin ‘to, okay.”
“Never.”
“Magpahinga ka na.
Don’t think too much, okay. Baka atakihin ka na naman ng insomnia mo.”
Napahawak
ako sa labi ko ng maramdaman ko ang halik niya.
“Goodnight.”
Tumalikod
na siya ng lumingon siya sakin.
‘I love you.’
Napangiti
ako. “I love
you, too, Jaylord.”
He
smiled. Bago siya tuluyang mawala sa paningin ko. Nawala siya! “Jaylord!”
Binuksan ko ang pintuan. “Jaylord!” Pero hindi ko siya makita. Wala
siya.
“Ellaine.”
Sina Chad ang nasa labas.
“S-si Jaylord...”
Nasa’n siya? Humakbang ako paatras, papasok ng kwarto. Sumunod sina Khalil
sakin. Nanghihinang napaupo ako sa sahig. “N-nasa’n siya?”
“Ellaine.”
Napaangat
ang tingin ko kay Khalil. Umuklo siya sa harap ko. At may inalagay sa
kamay ko. Kasabay ng pagtingin ko sa bagay na ‘yon, naririnig ko din ang boses
na ‘yon sa kung saan.
“Hindi na makilala
yung bangkay. He was totally... I’m sorry, Ellaine. They saw that necklace near
the corpse body.”
Napatingin
ako sa necklace na nasa kamay ko. Ang necklace ni Jaylord. Sunod-sunod akong
umiling. “N-no...
It couldn’t be...”
“Wala na si Jaylord,
Ellaine. Iniwan na niya tayo.”
Napatingala
ako kay Khalil. Unti-unti, tumimo sa isip ko ang mga sinabi niya. Ang nangyari
ng araw na ‘yon. Ang nasusunog na warehouse. Lahat-lahat.
Hanggang
sa unti-unti kong naramdaman ang sakit.
Ang
puso ko.
Parang
hinihiwa.
Parang
pinupukpok.
Parang
winawasak.
Nang
paunti-unti.
Sobrang
sakit na parang gusto kong sumigaw.
“Waaaahhhhh!”
“Ellaine.”
“Don’t, Clay. Hayaan
mo siya.”
“Pero, Khalil.”
“Tama si Khalil,
Clay. Lumabas na muna tayo.”
“Pero—”
“Tara na.”
“Waaahhhh!”
Sinigaw ko ang nararamdam kong sakit. Pero bakit parang hindi nababawasan?
Bakit nadadagdagan pa? Hindi ko na kaya! Para na kong mababaliw sa sakit! Bakit
ganito?
“Si Jaylord... Patay
na siya…” Umiling-iling ako. “Patay na siya... Wala na siya...”
Unti-unti kong naramdaman ang pangingilid ng mga luha ko. “Jaylord...” Hanggang sa parang
gripong nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko na hindi ko na mapigilan. “Hindi pwede
to...”
Tiningnan
ko ang hawak kong necklace. Napatakan na ‘yon ng mga luha ko. Ni hindi ko na
siya makita dahil sa nagtutubig kong mga mata. “Hindi ko tinanggal yung kwintas ko... Pero
ikaw... Yung sa’yo... Paano pa kita makikita kung na sa’kin ‘to... Jaylord...”
This
is the reality. Wala na si Jaylord. Iniwan na niya ko. Hindi na siya babalik.
Hindi ko na maririnig ang boses niya. Hindi ko na maririnig ang pagsusungit
niya. Hindi ko na mararamdaman ang yakap niya, ang halik niya. Hindi ko na siya
makikita pa. Hinding-hindi niya.
And
that realization, it hurts me like hell!
“Jaylord! Bakit?!
Ba’t mo ko iniwan?! You promised me...! Na makikita kita...! Pero bakit? Bakit
nangyari ‘to?! Ang sabi mo aalagaan mo ko? Ang sabi mo po-protektahan mo ko? Habang
buhay tayong magsasama...! Paano mo gagawin ‘yon kung wala ka na...?! Bakit
ganito pa?! Bakit biglaan pa?! Bakit ba ginawa mo sakin ‘to...?! Bakit hinayaan
mong mawala ka?! Bakit...?!”
Ni
hindi ko na kaya pang magsalita pa sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Napahawak
ako sa dibdib ko. Ang sakit... “Waaahhhhh!” sigaw ko habang umiiyak. “Ang
sakit-sakit... Waaahhhhhhh!”
Bakit ganito? Bakit kailangang
mangyari ‘to? Ayokong tanggapin! Ayoko! Kung nananaginip man ako, gusto ko ng
magising! Please... Gisingin ninyo ko...
“Clay! Sabi ng dito
lang tayo sa labas! Hayaan—”
“Mga manhid ba kayo,
Khalil? Kung kaya ninyong makita siyang ganyan, pwes ako hindi! Alam ninyong
ayaw ni Jaylord na makita siyang ganyan, suntukin ninyo ko kung gusto ninyo,
lalapitan ko siya!”
Hanggang
sa maramdaman ko ang mainit na pakiramdam na ‘yon. Yumakap ako sa taong ‘yon. “Jaylord...”
Ni hindi ko na magawang idilat ang mga mata kong hindi maubusan ng mailalabas
na luha.
“It’s Clay,
Ellaine.”
The
warmth I felt, it’s not from Jaylord. At hindi ko na uli mararamdaman ang init
na ‘yon. Ang init na nagmumula kay Jaylord. That feeling whenever I was inside
his arms. That feeling of being safe in his arms. Hindi ko na siya
mararamdaman.
That
realization. It’s killing me inside. It’s killing me slowly...
Mas
lalong lumakas ang pag-iyak ko. “Clay...”
“Tama na, Ellaine.
Ayaw ni Jaylord na makita kang ganyan.”
“Bakit, Clay...
Talaga bang wala na siya... Hindi ko matanggap... Hindi... Kung alam ko lang...
kung alam kong na mawawala siya... na iiwan niya ko... hindi ko na sana
binitawan ang kamay niya...”
“Ellaine.”
“Ang sakit..sakit...
Kung pwede ko lang isipin... na nandyan lang siya... na hindi niya tayo
iniwan... para mabawasan ang sakit... ginawa ko na... Pero hindi... paulit-ulit
kong naririnig... sa isip ko... na hindi na siya babalik... na hindi ko na siya
makikita... na hindi ko na siya mahahawakan… Hindi ko kaya...”
“Kayanin mo,
please...”
“Hindi ko na kaya,
Clay... ang sakit..sakit...”
“Ellaine.”
Naramdaman kong humiwalay siya sakin.
“Ang
sakit..sakit...” Napahawak ako sa dibdib ko. “Naninikip ang
dibdib ko... sa sobrang sakit...” Hanggang sa maramdam ko ang
pag-gaan ng ulo ko. Na parang bumabagsak.
“Ellaine!”
Jaylord... Bakit...
I
passed out.
Again.
Pero
alam kong sa pagmulat ng mata ko.
Wala
pa ring magbabago.
Sa
sakit na nararamdaman ko.
At
sa katotohanang wala na siya.
Iniwan
na niya ko.
Iniwan
na ko ni Jaylord.
=
= =
anla! anyare!! ang sakit naman nitong chapter na ito!
ReplyDeleteT_____________T
ReplyDeleteBa't ko ba pinaiyak ng gano'n si Elle? Ayyy! May topak nga daw talaga ko!
Oo! Malaki tlga yung topak mo beshie!
Delete