Saturday, June 15, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 12



CHAPTER 12

“Grieving For a Friend, a Brother”
[ KHALIL’s POV ]


After one month...


Ipinarada ko ang kotse sa tapat ng bahay nina Ellaine. Nagdoorbell ako. Maya-maya lang. Pinagbuksan ako ni Emjhay. “Wala si Tita Julia?” tanong ko.


“Umalis lang siya saglit.”


“How’s Ellaine?”


“Still the same ng huli kang pumunta.” mahinang sagot niya. And that was five days ago. Salitan kami ng pagpunta dito nila Chad para tingnan ang kalagayan ni Ellaine.


Naabutan namin sa veranda si Ellaine. Nakaupo siya sa upuan. At pinapakain ni Pearl. “Hi, Ellaine.” bati ko.


Dahan-dahan siyang lumingon sakin. Lumingon nga siya pero tagus-tagusan naman ang tingin niya sakin. Parang walang nakitang dumeretso uli siya ng tingin. Tumingin sa kawalan.


One month na siyang ganyan simula ng mawala si... simula ng mawala ang kaibigan ko. She was in state of shock sabi ng doctor na tumingin sa kaniya. Ni hindi niya kinaya ang katotohanang nalaman niya ng araw na ‘yon.


Nung unang mga araw, ni hindi siya nag-rereact sa mga sinasabi namin. Sa ngayon, tuwing tatawagin namin siya sa pangalan niya, lumilingon siya at hanggang do’n na lang ang reaksyon niya. Kailangan pa siyang pakainin ng iba dahil literally na hindi siya gumagalaw sa pwesto niya. Ang sabi ng doctor, kausapin lang daw namin ng kausapin siya. Hindi man siya makapag-react o makasagot sa mga sinasabi namin, naririnig naman daw niya ang mga sinasabi namin. Makakatulong daw ‘yon para bumalik siya sa sarili niya.


Kailan pa? Ni hindi nga siya nakapunta sa lamay ng kaibigan ko. Hanggang sa mailibing ang kaibigan ko. Paano kapag bumalik na siya sa sarili niya? Paano niya tatanggapin ‘yon?


Kinuyom ko ang kamao ko. Hanggang ngayon tandang-tanda ko pa ang huling mga salitang sinabi ni Jaylord ng araw na ‘yon.


“Maraming salamat sa inyo! Maraming salamat sa lahat-lahat!”


Nagulat kaming apat sa sinabi niyang ‘yon. Lalo na ng yakapin niya kami nila Clay. Iyon ang una’t huli. Na parang alam niyang mawawala siya kaya niya sinabi ‘yon. Kung alam ko lang na buhay niya ang kapalit sa mga salitang ‘yon, mas gugustuhin ko pang habang buhay ng hindi na marinig ‘yon.


“Anong balita sa kaso?” tanong ni Emjhay.


Napalingon ako sa kaniya. “Mga walang kwenta.” naiinis na sabi ko.


“Khalil.” saway sakin ni Pearl.


“Sorry.” Humakbang ako papasok ng bahay. Sa kusina ako pumunta. Kumuha ako ng tubig sa ref at uminom nang mag-ring ang phone ko. Si Clay ang tumatawag. “Hello, Clay. Anong balita sa lalaking ‘yon?”


“Hindi na siya nagpakita after Jaylord... after that day. Ni walang nakakaalam kung nasa’n siya.”


“Ang database ng NBI, napasok mo ba uli?”


“Wala pa ring progress sa kaso. Still the same ng huli kong bisita do’n.”


Marahas akong napabuntong-hininga. Naging busy kami sa pag-aasikaso ng lamay ni Jaylord hanggang sa ilibing siya. Maraming nangyari ng araw na ‘yon. Inatake ang lola ni Jaylord. Buti na lang at walang nangyari sa lolo niya. Tumaas ang presyon, oo. Nagkagulo pa nga ang mga member ng board ng NPC dahil sa kumalat na balitang ang president ng kumpanya ang inatake. Nagkaro’n ng usapan kung sino ang magiging acting president. Naayos na ang bagay na ‘yon ng magpakita ang lolo ni Jaylord sa harap nila. Sobrang madaming nangyari na ang pinakamalala ay ang kay Ellaine.


At sa loob ng isang buwan, ni walang naging lead ang mga pulis sa kaso ni Jaylord. Kaya nga ilang araw na ang nakakalipas, nagdesisyon na kaming tatlo nina Chad at Clay na kami ang aalam sa likod ng mga pangyayari ng araw na ‘yon.


Tandang-tanda ko pa ang sinabi ng taong ‘yon na tumawag sakin gamit ang phone ni Jaylord, “Kung gusto ninyo pang makita ng buhay si Jaylord, puntahan ninyo siya sa lumang warehouse na malapit sa sementeryo.”


Iyon ang sinabi ng lalaki bago siya mawala sa linya. Sino ang lalaking ‘yon? Bakit pa niya sinabi kung nasa’n si Jaylord? At ang phone ni Jaylord na ginamit niya, ni walang finger prints na nakuha mula do’n. Sino ang lalaking ‘yon?


“Khalil? Nandyan ka pa ba?”


Napakurap ako. “Yes. Nandito pa ko. Anong nalaman mo kay Seth? Nakabalik na ba siya ng bansa?”


“Talagang may kutob ka na may kinalaman siya sa nangyari ng araw na ‘yon kahit pa isang linggo bago ang araw na ‘yon umalis siya papuntang Canada?”


“Oo. At alam kong gano’n din kayo ni Chad. Anong balita?”


“Sa Fredella Airlines siya nagpa-book no’n. Napasok ko ang database nila. And a week before that incident siya nagpa-book. At wala pang data na nakauwi siya ng bansa.”


I sighed. Malakas talaga ang kutob ko na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Jaylord. Pero paano mangyayari ‘yon kung wala siya dito sa bansa hanggang ngayon?


“Kung pakilusin na natin ang DSG?” tanong ko. Ang Donaghy Shere Gang, ang gang na kinabibilangan namin. Pero hindi na kami active sa away ngayon. Mababait na kami, eh. “Baka sakaling may malaman sila.”


“Kung wala na talaga tayong malaman, then yes.”


“Okay. Ibababa ko na ‘to.”


“Khalil.”


“Bakit? May nakalimutan ka?”


“Bakit hindi mo tinanggap ang pagiging bagong head ng marketing department?”


“Dahil pag tinanggap ko ‘yon, para ko na ring tinanggap na wala na si Jaylord.”


“Khalil, kailangan nating tanggaping wala na siya.”


“Oo. Matanggap ko ‘yon. Pero hindi pa ngayon. Hindi gano’n kadali ‘yon, Clay. At alam kong gano’n rin kayo.” Kinuyom ko ang kamao ko. “At kung sino mang hayop ang dahilan ng pagkawala niya,” I gritted my teeth. “,sisiguraduhin kong hindi na siya makikilala ng funerariang pagdadalhan ng bangkay niya.”


“Bakit kailangan pa nating paratingin siya sa funeraria kung pwede naman nating ipakain sa mga pating ang katawan niya?”


“Hindi ako nagbibiro, Clay.”


“Sinong nagsabing nagbibiro ako?”


Napabuntong-hininga ako. Nang makarinig ako ng ingay mula sa labas. Kumunot ang noo ko. “Clay, magkita na lang tayo mamaya.” I ended the call. Mabilis akong pumunta ng veranda. Nakita ko si Ellaine na nakatakip sa mga tenga niya habang nakaupo sa sahig habang hawak siya ni Pearl. Pigil naman ni Emjhay ang isang lalaking nakatalikod sa gawi ko.


“Patay na siya, Ellaine! Patay na si Jaylord!” sigaw ng lalaki.


“Anong nangyayari dito?” malakas na tanong ko. Napalingon sila sakin. Nakilala ko ang lalaki. “Drenz. Anong ginawa mo kay Ellaine?”


“Lumapit siya kay Ellaine. Sinabi niyang patay na si Jaylord ng paulit-ulit.” paliwanag ni Pearl.


“Patay naman talaga si Jaylord! Patay na siya! Hindi dapat ganyan si Ellaine!” sigaw ni Drenz.


Mabilis akong lumapit sa kaniya. Hinawakan ko ang kwelyo ng damit niya. “Ulitin mo pa ‘yang sinabi mo.” madiing sabi ko.


“Patay na si Jaylord! Ellaine should move on now! Hindi dapat siya ganyan! Patay—” Mabilis ko siyang sinuntok. Sumadsad siya sa sahig. Napasigaw si Pearl. Hinawakan naman ni Emjhay ang braso ko.


“Sa susunod na lampastanganin mo pa ang pangalan ng kaibigan ko, hindi lang ‘yan ang aabutin mo.” nanggigigil na sabi ko.


“Pare, tama na ‘yan.” pigil sakin ni Emjhay.


Tumayo si Drenz at pinunasan ang gilid ng labi niyang dumugo. “Totoo naman, ah. Patay na siya.”


“Putan—na! Hindi ka ba talaga titigil?” Susugudin ko sana siya ng isa pang suntok ng humarang si Pearl sa gitna namin. Tumigil sa ere ang kamao ko.


“Tumigil na nga kayo!” sigaw ni Pearl. Tumulo na ang luha niya. Ibinaba ko ang kamao ko at nanggigigil na kinuyom ‘yon. “Wag ninyo namang gawin ‘to sa harap ni Ellaine, o. Please lang...” Napaiyak na siya ng tuluyan. “Tigilan ninyo na ‘to... Nahihirapan na ang kaibigan ko...”


“Pearl.” Binitawan ako ni Emjhay at nilapitan si Pearl. At niyakap. “Shh... Okay na. Titigil na sila. Wag ka ng umiyak.”


Tiningnan ko si Drenz. “Umalis ka na.” Walang salitang humakbang siya paatras at tuluyang umalis.


“T-tama n-na... t-ama n-na...”


Napalingon ako kay Ellaine. Tama bang narinig ko? Siya ba yung nagsalita? Mabilis ko siyang nilapitan. Napasunod din sakin sina Pearl. “Ellaine.” Mula sa pagkakayuko, umangat ang tingin niya sakin.


“S-si... J-jay..lord...” Kita ko ang mata niyang unting-unting nagkabuhay.


“Ituloy mo lang.” sabi ko.


“S-si Jaylord...” Ang mata niya, nagtutubig ang gilid no’n.


“Umiyak ka kung gusto mo, Ellaine. Sumigaw ka kung gusto mo.”


Sunod-sunod siyang umiling. Mula sa pagkakahawak niya sa tenga niya, napunta ‘yon sa mga braso ko. “D-dal..hin m-mo ko...”


“Saan?”


“K-ung sa’n...” Parang hirap na hirap siyang sabihin ‘yon.


“Kaya mo ‘yan, Ellaine.”


“H-huli... k-kaming n-nag..kita... N-nan..do’n siya... he’s waiting... for me...”


“Ellaine.” I sighed. Nilingon ko sina Emjhay. “Emjhay, kayo ng bahalang magpaliwanag kay Tita Julia pagdating niya.” Kasabay no’n ay binuhat ko na si Ellaine.


“Sa’n mo siya dadalhin?” tanong ni Pearl.


“Kung sa’n mailalabas niya ang nararamdaman niya. At kung sa’n matatanggap niyang,” Tiningnan ko si Ellaine na nakasubsob sa balikat ko. “,matatanggap niyang wala na ang kaibigan ko. Sana.” Iyon lang at tuluyan na kong lumabas ng bahay habang nakasunod sina Pearl. Nang maisakay ko si Ellaine sa back seat ay tinawagan ko agad si Clay. Na sinagot naman niya agad. “Nagsalita na si Ellaine.” bungad ko.


“Talaga? Anong nangyari?”


“Mamaya ko na iku-kwento. Ikaw ng mag-paalam kay Chad. Remember the hotel na tinuluyan ni Ellaine ng araw bago ang kasal nila ni Jaylord? Magba-book ka, ngayon na. Yung mismong room na tinuluyan niya. Magkita na lang tayo do’n. Papunta na ko. Kasama ko si Ellaine.”


“Copy that.”


Iyon lang at pinaandar ko na ang kotse. Habang nililingon si Ellaine sa rear view mirror. Nakita ko siyang nakahawak sa tenga niya at umiiling. Kinuyom ko ang kamao kong nakahawak sa manibela ng kotse.


Jaylord... Ano bang dapat naming gawin?


“Maraming salamat sa inyo! Maraming salamat sa lahat-lahat!”


Ang sinabi na ‘yon ni Jaylord. Malaki ang tiwala samin. Nilingon ko si Ellaine. Alam niyang hindi namin pababayaan si Ellaine. At hinding-hindi namin siya bibiguin.

= = =


No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^