Saturday, June 15, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 11



CHAPTER 11

“Unexpected Day”
[ JAYLORD’s POV ]


Pasakay na ko ng kotse ng lingunin ko sina Chad, Khalil at Clay. Ramdam ko kasi ang tingin nila sakin. “Anong problema ninyong tatlo? Bakit ang seryoso ng mukha ninyo?”


Bilang sagot, sabay-sabay silang yumuko at nagsabing, “Maraming salamat!”


“Para sa’n?”


“Sa lahat!” seryosong sagot nila.


I sighed. I’m the one who should thank them. Lagi silang nandyan para sakin. Na kahit wala kong sabihin, alam nila ang dapat nilang gawin. Hindi nila responsibilidad si Ellaine, pero ginagawa din nila ang bagay na dapat ako ang gumagawa. Ang protektahan si Ellaine. Kaya ako ang dapat na magpasalamat sa kanilang tatlo.


But I know I’m not good in words. Kaya sa halip na sumagot, isa-isa ko silang nilapitan, niyakap ng mahigpit sabay tapik sa mga balikat nila. Yun lang at tumalikod na ko. “Magkita na lang tayong tatlo sa simbahan. May dadaanan pa ko.” Hindi sila sumagot kaya napalingon ako sa kanila. “Ano na namang itsura ‘yan?” Yung mukha nilang parang iiyak na ewan. “Kagabi lang si Ellaine umiyak ng paalis na ko sa hotel, pati ba naman kayo?”


“Hindi ‘yon.” Khalil said.


“Ngayon mo lang kasi kami niyakap ng gano’n.” Clay said.


“Nang mahigpit at may kasamang tapik.” dadgag ni Chad.


Napakamot ako ng batok. “Dyan na nga kayo.”


“Isa pa nga!” hirit pa nila.


Seryoso ko silang tiningnan. “Wag ninyong sabihing mga bakla kayong tatlo? Pagbubug-bugin ko kayo, makita ninyo.”


Dumeretso sila ng tayo at kanya-kanyang tikhim. “Lalaki kami!” malakas na sabi nila.


“Good. Aalis na ko.” Sumakay na ko ng kotse at pinaandar ‘yon. Nakita ko pa sa sideview mirror na hinatid nila ko ng tanaw. Napailing ako at napakamot ng batok. “Hay naku.” Nag-preno ako at inilabas ang ulo ko sa bintana ng kotse. “Khalil! Clay! Chad! Maraming salamat sa inyo! Maraming salamat sa lahat-lahat!” Iyon lang at pinaandar ko na ang kotse. Nakita ko pa sa sideview mirror na kumakaway sila sakin. Napangiti na lang ako.


= = =


[ ELLAINE’s POV ]


“Ay! Kabayo!” Napatingin ako sa nabitiwan kong picture frame na nasa sahig.


Biglang napapasok sa kwarto si Pearl. “Ano ‘yong nabasag?”


“Yung picture frame...” Akmang pupulitin ko ‘yon ng pigilan ako ni Pearl.


“Ako na lang. Baka masugatan ka pa. At malagyan ng dugo ‘yang gown mo. Lumayo ka.” Humakbang ako paatras. Pinulot niya ang mga nabasag na salamin. “Bakit ba kasi dala mo hanggang dito sa hotel ‘tong picture frame ninyo?”


Napahawak ako sa necklace ko. Jaylord...


“Ellaine, okay ka lang? Don’t tell me kinakabahan ka na naman?”


“Oo.” Tumingin ako sa bintana ng hotel.


“Miss Ellaine, ito na ang necklace at earrings mo.”


Nilingon ko ang babaeng pumasok ng kwarto. Siya ang nag-ayos sakin. “Yang hikaw lang ang gagamitin ko.” sabi ko.


“Pero partner ‘tong dalawa na ‘to.”


“May necklace na ko.” Lumapit siya at tiningnan ang necklace ko. “Bigay ni Jaylord ‘to at sinabi niyang wag kong hubadin ‘to.”


Lihim na napangiwi ang babae. “Si Jaylord pala. Okay. Yung pearl na hikaw na lang ang isuot mo. Kukunin ko lang.”


“Thank you.” Lumabas na siya ng kwarto. Kinuha ko ang picture namin ni Jaylord na tinanggal na ni Pearl sa frame na nabasag. “Jaylord...” Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit ayaw huminto ng pagbundol sa dibdib ko?


“Beshie.”


Napalingon ako kay Pearl. “Bakit?” tanong ko.


“Ayusin mo nga ‘yang mukha mo.”


Humarap ako sa salamin. And I saw my face who looked so worried. I sighed.


“Miss Ellaine, ito na yung pearl.” Kinuha ko sa babae ang dalawang hikaw at isinuot yon. Dahan-dahan akong napangiti habang pinagmamasdan ang kabuuan ko. “Sa lahat ng bride na inayusan ko, ikaw ang pinakamaganda sa lahat.”


“Talaga?”


“May kakaibang kislap kasi ang mga mata mo. Talagang inlove na inlove ka kay Sir Jaylord noh?”


“Kailangan ko pa bang sumagot?” nakangiting tanong ko.


“Hindi na. Siyanga pala, ready na yung photographer sa labas.”


“Sige.” Humakbang na ko palabas ng kwarto habang nakahawak sa necklace ko. Huminga ako ng malalim.


= = =


[ JAYLORD’s POV ]


“Hi, Ma.”


Nilapag ko ang bulaklak sa harap ng puntod niya. Yes. Nandito ako sa cemetery. It’s kinda weird dahil kasal ko ngayong araw at manggagaling muna ko dito bago dumeretso ng simbahan. May pamihiin ba tungkol do’n? Hindi ko din alam. Dahil hindi ako mahilig maniwala sa mga pamihiin na ‘yan.


Pumikit ako at nag-alay ng maikling dasal bago kausapin ang mama ko. “Naaalala ko pa yung sinabi ninyo sakin dati na kapag ikinasal ako, kayo ang katabi ko sa gilid ng altar habang hinihintay ang bride ko.” I chuckled. “Ang sabi ninyo, wala kayong paki kung pagtinginan kayo ng tao, dahil kayo ang tumayong ama’t ina sakin. Pero hindi na mangyayari ang bagay na ‘yon.” Saglit akong huminto.  


“Pero sana, maramdaman ko kayo mamaya sa tabi ko habang hinihintay ko si Ellaine. Yes, ‘Ma. Ikakasal na kaming dalawa. Tinupad ko ‘yung sinabi ninyo sa huling sulat ninyo sakin na alagaan ko siya at wag ko siya iiwan. At patuloy kong tutuparin ang mga ‘yon.”


Tumingala ako sa langit. At napangiti. “Aalis na ko, ‘Ma.”


Tumalikod na ko at humakbang palapit ng kotse ko. Nang matigilan ako at makita ko ang isang kotseng itim na nakaparada di-kalayuan sakin. Kumunot ang noo ko. Ang kotseng ‘yon ang nakita kong sumusunod sakin kanina. Lumapit ako sa kotse ko kasabay ng paglapit ng taong lumabas sa kotseng itim na nakita ko.


“You.” Humalukipkip ako at sumandal sa kotse ko. “Anong ginagawa mo dito?”


“Mag-usap tayo.”


“Then talk.”


“Wag dito. Sumunod ka sakin.”


Napailing ako. “Sinasabi ko na nga ba.”


“Don’t worry. Malapit lang dito ang pupuntahan natin. Hindi ka male-late sa kasal mo.” may diing sabi niya bago tumalikod.


“How are you sure na susunod ako sa’yo?”


Nilingon niya ko. “Si Ellaine.”


Dumeretso ako ng tayo. “Wag mo siyang isali dito.”


“Talagang gagawin mo ang lahat para sa kaniya.” Ngumisi siya bago humakbang palapit ng kotse niya.


Tiningnan ko ang relo ko. Maaga pa naman. Sumakay na ko ng kotse ko. At sinundan siya. Nakarating kami sa isang lumang warehouse na nasa gitna ng bukid. Bumaba siya. Bumaba din ako. I scanned the place.


“Walang ibang tao dito. Wag kang mag-alala.” sabi niya bago pumasok ng warehouse. Sumunod ako sa kaniya. Mga luma at sirang kahoy lang ang nando’n. Huminto siya sa gitna.


Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang tinitingnan ang paligid. Tiningnan ko ang relo ko. “You have five minutes to talk.” Hinarap ko siya. “Anong kailangan mo?” Tiningnan lang niya ko. “Okay. Three minutes.” May kung anong hinagis siya sa paanan ko. Nakarolyong papel ‘yon. Yumuko ako at kinuha ‘yon. Isang larawan ng lalaki ang nakita ko. “Sino ‘to?”


“Sino ‘yan? Pinatay mo siya pero hindi mo siya kilala! Hayop ka!”


Napalingon ako sa kaniya. May hawak na siyang baril na nakatutok sakin. Kumunot ang noo ko ng may mapansin ako sa kamay niya. “Hindi ko alam ang sinasabi mo. Wala pa kong napapatay na tao. Napadala sa ospital, marami na. Gusto mo bang sumunod?”


“Hayop ka!” sigaw niya. “Kung alam kaya ni Ellaine ang baho mo, sa tingin mo tatanggapin ka pa rin niya?!”


“Oo. Dahil wala kong alam sa baho na sinasabi mo.”


“She doesn’t deserve you! Idiot!”


“Wala ka ng paki do’n.” Tiningnan ko ang relo ko. “Time’s up. Male-late na ko sa kasal ko. Wag kang mag-alala, magtutuos pa tayo pagkatapos ng kasal ko.” Humakbang na ako paalis ng makarinig ako ng putok. Napalingon ako sa kaniya. Nakatutok ang baril niya sa kisame ng warehouse.


“Isang hakbang mo pa, sa ulo mo na ‘to tatama!”


“Kung may balak ka talagang patayin ako, sa ulo mo na pinatama ang unang balang pinaputok mo.”


“Tama siya! Kung ako sa’yo sa ulo ko na pinatama ang balang ‘yon. Sinayang mo lang ang bala.”


Sabay kaming napalingon sa boses na ‘yon, sa likuran namin. May isa pang palapit na lalaki samin.


“Anong ginagawa mo dito?” tanong ng lalaking kausap ko kanina sa lalaking kararating lang.


“Ito.” May tinaas siyang granada. “Alam ninyo ba ang kayang pasabugin nitong hawak ko? Itong buong warehouse lang naman.” Tiningnan niya ko. “Sino kaya ang mapupunta satin sa langit at impyerno, Jaylord? Teka lang. Bakit ko pa kailangang magtanong kung pwede ko namang alamin?” Kasabay ng pagbitaw niya sa granada niyang hawak.


“No!” sigaw ng lalaking kausap ko kanina.


Napahawak ako sa necklace ko. I’m sorry, Elle...


= = =


[ ELLAINE’s POV ]


Hindi ako mapakali sa kinauupuan ako. Nandito na ako sa simbahan. Pero wala pa rin si Jaylord hanggang ngayon. At iba na ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Lumabas na ko ng kotse.


“Ellaine! Sa’n ka pupunta?” Napasunod sakin si Pearl.


Kahit hirap ako sa suot kong gown na pagkahaba-haba, nilakad-takbo ko ang hagdanan paakyat ng simbahan. Rinig na rinig ko ang bulung-bulungan sa paligid ko. Nasa kalagitnaan pa ko ng hagdan ng salubungin ako nila Khalil. “Ba’t wala pa siya? Ang sabi ninyo dumaan lang siya sa puntod ng mama niya, pero bakit hanggang ngayon wala pa rin siya?”


“Ellaine, relax lang, okay.” mahinahong sabi ni Khalil.


“Paano ako mag-rerelax?”


Nagsipaglapitan na din sina mama, ang daddy ni Jaylord at ang grandparents niya. “Ano bang nangyayari? Nasa’n na ba si Jaylord?” tanong ng daddy ni Jaylord, si Tito William.


Bago pa makasagot sina Khalil ay may narinig na akong nag-ring na phone. “Si Jaylord!” Sinagot ni Khalil ang tawag. “Nasa’n ka na ba? Kanina—” Napahinto siya at natigilan.


“Khalil! Ano?” halos pasigaw na tanong ko. Binitiwan niya ang phone niya. “Khalil! Ano ba? Kinakabahan na ko!”


“Chad, L-C.” sa halip ay sabi niya kay Chad.


Walang salitang umalis si Chad.


At alam ko ang meaning no’n. Tinuro sakin ni Jaylord. Secret way of  communication nila ‘yon sa dati nilang gang. Level-A as L-A means they don’t need a back-up. Level-B as L-B means they need a back-up galing sa mga ka-brod nila. And lastly,  L-C as in level C. Kailangan na nila ng back-up. Back-up na pulis.


 “Khalil! Ano ba!” Tinagtag ko ang braso niya.


“Wala ‘to, Ellaine. Susunduin lang namin ni Clay si Jaylord.”


Hindi ko binitiwan ang braso niya. “I know what L-C means. Kaya sasama ko.”


“Ellaine.”


“Sasama ko.” madiing sabi ko. Tinanggal ko ang sandals ako at basta na lang hinagis ‘yon at nauna ng bumaba ng hagdan sa kanila. Narinig ko pa ang mga pagtawag at pagpigil sakin nila mama. Nagkakagulo na ang mga tao sa paligid ko. Pumasok agad ako ng kotseng gamit nila Clay. Nakasunod agad sila sakin sa loob. Si Khalil ang nag-drive at mabilis na pinaharurot ang kotse paalis ng simbahan.


“Khalil, ano bang sinabi ni Jaylord sa’yo? Trip ninyo na naman ba ‘to? Kasi hindi na nakakatuwa.”


“I don’t know, Ellaine. Wala kong alam.”


“Ano ba talagang nangyayari? Kinakabahan na ko.” Napahilamos ako sa mukha ko. Ni hindi ko alintana ang make up ko.


Tahimik lang kami hanggang sa lumagpas kami sa sementeryo kung sa’n daw galing si Jaylord kanina. Hanggang sa makarinig kami ng malakas na pagsabog. Kasunod ng makapal na usok. Kinabahan ako.


“Shit!” Narinig kong napamura si Khalil.


Dumoble ang kaba ko lalo na nang sa gawi na ‘yon ang punta namin. Hanggang sa malapit na kami do’n at natanaw ko ang pamilyar na kotse. Ang kotse ni Jaylord! Binuksan ko agad ang pintuan ng kotseng sinasakyan ko ng hindi pa humihinto ‘yon.


“Ellaine!” Hinawakan ako sa braso ni Clay. “Stop the car, Khalil!”


Huminto ang kotse. Mabilis akong bumaba. At tinakbo ang kotse ni Jaylord habang nakasunod sakin sina Khalil. Nadapa pa ko ng sumabit ang paa ko sa gown ko.


“Ellaine!”


“O-okay lang ako, Khalil.”


Inipon ko ang laylayan ng gown ko gamit ang kamay ko at tumayo uli. Malapit na ko sa kotse ng maramdaman ko ang init na nagmumula sa nasusunog na warehouse. Akmang lalapit ako sa kotse ni Jaylord ng pigilan ako ni Khalil. “Ako na.”


Tinakbo niya ang kotse ni Jaylord. Habang nakatingin ako sa warehouse. Please. Lord. Hindi pwedeng nandyan si Jaylord. Wala siya dyan. Please...


Napalingon ako kay Khalil ng lumapit siya. Umiling siya. Napatingin ako sa warehouse. “No! Wala siya sa loob diba? Tell me!” Akmang hahakbang ako ng pigilan ako ng dalawa. “Si Jaylord! Wala siya sa loob diba? Wala siya sa loob niyan! Sabihin ninyo sakin na wala siya dyan!”


“Ellaine.” Nang tingnan ko sila, kanya-kanyang iwas sila ng tingin.


“Jaylord! Bitiwan ninyo ko! Si Jaylord! Si Jaylord!” Nag-unahan ng pumatak ang mga luha ko.


“Ellaine, hindi pa natin alam kung nandyan nga siya o wala.”


“No... Wala siya dyan... Alam kong wala siya dyan...” Napaupo na lang ako habang nakatingin sa warehouse. “Wala siya dyan...” Habang patuloy ang pagdaloy ng mga luha ko.


= = = = = = = =


Kagat ko ang daliri ko habang nakatingin sa warehouse. Tuluyan nang naapula ang apoy. Hindi ko alam kung gaano katagal bago ‘yon natupok. Basta ang alam ko, ni hindi ko tinanggal ang mga mata ko sa warehouse na ‘yon. I still believe na wala si Jaylord sa loob. Nararamdaman ko.


Ni hindi ako makausap ng matino nina Pearl at mama na sumunod dito. Nagkalat ang mga tao sa paligid namin. May mga pulis at bumbero.


“Ellaine.”


Dahan-dahang napaangat ang tingin ko. Kay Khalil. “A-anong nangyari?” nanghihinang tanong ko.


Kinuha niya ang kamay ko at may inilagay na plastic. “Hindi na makilala yung bangkay. He was totally…” Parang hirap na hirap siyang sabihin ‘yon sakin. Nang tingnan ko siya, umiwas siya ng tingin. “I’m sorry, Ellaine.” Tumalikod siya. Nang tingnan ko sina Chad at Clay, kanya-kanyang iwas sila ng tingin at kita ko sa mga mata nila...


Sunod-sunod akong umiling. “No...”


“They saw that necklace near the corpse body.”


Nanginginig ang kamay kong binuksan ang plastic. Natutop ko ang bibig ko ng makita ko ang laman no’n. Nabitawan ko din ‘yon. Nanginginig ang kamay kong napahawak ako sa necklace ko.


Gusto kong sumigaw.


Gusto kong umiyak.


Pero bakit hindi ko magawa?


Ang pakiramdam na nararamdaman ko ng mga oras na ‘to.


Ang pakiramdam na pati kaluluwa ko iniwan ako.


Ni hindi na ako makagalaw sa pwesto ko.


Naririnig ko ang mga sinasabi ng tao sa paligid ko.


Pero bakit hindi ko maigalaw ang bibig ko?


Hanggang sa wala na kong marinig maliban sa malakas na pagtibok ng puso ko.


Si Jaylord.


Ang necklace.


Wala na siya.


And my world suddenly went blank and black as I passed out.

= = =

1 comment:

Say something if you like this post!!! ^_^