Saturday, June 15, 2013

My Last Rose Sequel : My First, My Last - Chapter 10



CHAPTER 10
“Linking Us Together”
[ ELLAINE’s POV ]


After three months...


“Ano ba ‘yan! Bakit di ko maabot?” Pilit kong inaabot ang zipper sa likuran ko para maisara ang gown na isinuot ko. “Hay... dapat talaga may katulong ako sa pagsuot nito, eh.” Sumuko na ko at hakbang huhubadin na ang gown ng may maramdaman akong kamay sa likuran ko at isinara ang zipper sa likuran ko. Mabilis akong napalingon sa likuran ko.


“Jaylord!” Napahawak ako sa dibdib ko. “Kinabahan naman ako sa’yo.” Pinasadahan lang niya kong tingin. Nanlaki ang mata ko. Mabilis kong hinila ang kumot sa kama at ibinalot sa katawan ko. “Nakakainis ka! Hindi mo pa dapat makitang suot ko ‘to! Teka! Anong ginagawa mo dito? At paano mong nalaman ang room ko dito sa hotel?”


Nagkibit-balikat siya. “I have my ways.” Prenteng umupo siya sa gilid ng kama. “Wala kong magawa sa condo kaya naisipan kong dumaan dito.”


“Walang magawa? All the way from your condo hanggang dito sa hotel? Dumaan ka lang? Naku! Patay tayo nito kay Pearl!” Nagpalakad-lakad ako sa harap niya. Kagat ko ang daliri ko. “Umalis lang siya saglit para makipagkita kay Emjhay. Mamaya, nandito na ‘yon.” Two weeks ago ng umuwi ng Pilipinas ang dalawa para sa wedding namin ni Jaylord.


“So?” Hinawakan niya ang kamay ko. Napahinto ako sa paglalakad. “Excited ka na ba bukas kaya sinuot mo na ‘yang gown mo?” tanong niya habang nakatingin sa gown ko. Saka ko lang na-realize na nahulog na ang kumot na ibinalot ko sa katawan ko.


I pouted. “Nakakainis ka.”


“At bakit?”


“Wala na. Nakita mo nang suot ko ‘to. Hindi ka na excited na makita akong suot ko ‘to bukas.”


He chuckled. Hinila niya ko paupo sa tabi niya. “Bakit ba kasi sinuot mo ‘yan? Hindi mo natatandaan ang bilin sa’yo ng mama mo, nila lola at lalong-lalo na ang bestfriend mo na wag mong suutin at sukatin ‘yan bago ang araw ng kasal natin?”


“Dahil baka hindi matuloy ang kasal natin? Eh, ikaw bakit ka pumunta dito? Hindi tayo pwedeng magkita diba?”


“Para namang papayagan kong hindi matuloy ang kasal natin bukas.” Hinawakan niya ang kamay ko at sumandal sa balikat ko. Na ikinagulat ko. Hindi naman niya dating ginagawa’yon. Ako ang mahilig sumandal sa balikat niya.


“Something’s wrong?”


Matagal bago siya sumagot. “I’m just happy.”


Napangiti ako. “Me, too. Biruin mo ikakasal na tayo bukas.”


“Ikakasal na tayo.” ulit niya.


Nang silipin ko ang mukha niya, nakita kong nakangiti siya. Umangat ang kamay ko papunta sa gilid ng labi niya. Napaangat ang tingin niya sakin. Umangat ang kamay niya papunta sa pisngi ko. Hinaplos niya ‘yon. Umalis siya ng pagkakasandal sa balikat ko habang lumalapit ang mukha niya sakin. Hanggang sa magtagpo ang mga labi namin. He kissed me, slowly. Hanggang sa unting-unting lumalim ang halik niya.


“Jaylord...” sambit ko ng saglit na maghiwalay ang mga labi namin.


“Shhh...” He claimed my lips once again. This time, more passionate. Hanggang saramdaman ko ang kamay niya sa likuran ko.


“Jaylord...”


“Wala kong gagawin, okay.” Mukha nahulaan niya ang nasa isip ko.


“You’re kissing—” Pinigilan ng halik niya ang sasabihin ko.


“Hindi ko gagawin ang iniisip mo.” bulong niya ng iwan niya ang labi ko. “Nakapaghintay ako ng matagal. I can wait until tomorrow comes.” He said huskily. Hanggang sa bumaba ang halik niya sa leeg ko. “Just let me kiss you...” Bumalik ang labi niya sa labi ko. “Until my heart contents.” He said against my lips.


“Sira ka talaga...”


He smiled. “I know.” As he kissed me once again.


“Hoy!”


Bigla akong napahiwalay sa kaniya ng marinig ko ang boses na ‘yon. Napalingon ako sa pintuan. Nakita ko si Pearl na nagpalipat-lipat ang tingin samin ni Jaylord.


“Anong ginagawa ninyong dalawa?” tanong niya na parang may kasalanan kaming ginawa ni Jaylord.


Sunod-sunod akong umiling. “Wala, ah.”


“Ano ‘yong nakita ko? May balak ba kayong gawin ‘yon? Hindi ba kayo makapaghintay—aray!” Binato ko kasi siya ng unan.


“Hindi noh!”


“We’re just kissing.” sagot ni Jaylord sa tabi ko. “It’s normal to do, right? Don’t tell me hindi ninyo ginagawa ni Emjhay ‘yon?”


Nanlaki ang mata ni Pearl na parang gustong ibato ang cellphone niyang hawak kay Jaylord. Siniko ko si Jaylord. “Ano ka ba!”


“Bakit? Hindi ba nila ginagawa ‘yon?”


“Aaahhh!”


Napalingon na naman ako kay Pearl ng tumili siya. “Bakit suot mo ‘yang gown mo, beshie?! At bakit nandito ka Jaylord?!” parang nababaliw niyang tanong. Natawa kami ni Jaylord. Ngayon lang niya napansin? “Wag ninyo kong pagtawanan! Ang tigas ng ulo ninyong dalawa! Nasa’n na ba yung tatlong kolokoy na bantay mo, Jaylord?”


As if on cue, “We’re here!” Sunod-sunod na sumulpot sina Chad, Khalil at Clay sa likuran ni Pearl na nakatakim ng tig-iisang palo sa braso mula sa bestfriend ko.


“Ang sabi ko bantayan ninyo ‘tong si Jaylord! Kung kailan naman huling gabi, saka pa kayo natakasan! Sa’n ba kayo nagsu-susuot?” tanong ni Pearl sa kanila.


“Si Chad ang sisihin mo pag hindi natuloy ang kasal nila.” Clay said.


“Ako na naman? Lagi na lang ako! Ako! Ako! Ako na lang palagi!”


“Ang drama mo, tol!” Binatukan siya ni Khalil.


“Bakit ba kasi nagpapaniwala kayo sa pamahiin na ‘yan?” singit ni Jaylord na sinabayan ng tayo. Hawak pa rin niya ang kamay ko. “No matter what happens, matutuloy ang kasal namin bukas.”


“Matutuloy daw. So, wala ng problema? Batsi na tayo mga ‘tol.” Khalil said. “Sa labas na lang kami, Jaylord.” Tinanguan sila ni Jaylord bago sila lumabas na tatlo.


“Sumunod ka na sa kanila.” sabi ko. Inginuso ko si Pearl na baliw na sinasabunutan ang buhok niya at kung anu-ano ang sinasabi. “Bago pa mabaliw ang bestfriend ko at mawalan ako ng maid of honor.”


Niyuko ako ni Jaylord. “So, see you tomorrow, Mrs. Nevarez?”


Napangiti ako. Pinisil ko ang ilong niya. “Kita-kits sa mata.”


He kissed my forehead bago niya dahan-dahang bitawan ang kamay ko. Na hindi ko alam kung bakit hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kamay niya habang nakatingin sa kaniya. May kung anong kaba kasi akong biglang naramdaman na hindi ko naman maipaliwang. Kumunot ang noo niya. “Elle? Are you okay?”


Dahan-dahan akong ngumiti. “Okay lang.” Ako na ang bumitaw sa kaniya. Wedding jitters lang siguro ‘tong nararamdaman ko. Kinakabahan lang siguro ako sa kasal namin bukas.


“Alis na ko.”


“Ingat ka.” Kinawayan ko siya hanggang sa tuluyan siyang lumabas ng kwarto. Pinagmamasdan ko pa ang likod niya ng bigla siyang mawala sa paningin ko. Sinarado kasi ni Pearl ang pintuan. Napatayo ako. “Bakit mo sinarado?” tanong ko sa kaniya.


“Hah?” nagtatakang tanong niya.


“Bakit mo sinarado?” Lumapit ako sa pintuan at binuksan ‘yon. Nakita ko pa si Jaylord na palabas na ng hotel room.


“Beshie, ano bang nangyayari sa’yo?” nagtatakang tanong ni Pearl.


“I don’t know. Wedding jitters siguro. Hindi ko din alam.” All I know is ayokong mawala sa paningin ko si Jaylord ngayon. “Jaylord!” tawag ko sa kaniya ng hawakan niya ang seradura ng pintuan. Napalingon siya sakin. Tinakbo ko ang pagitan namin. Sabay yakap sa kanya.


“Elle?”


Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya. As I felt him hugged me back. Tiningala ko siya. Kumunot ang noo niya. “Umiiyak ka?” sabay haplos ng daliri niya sa ilalim ng mata ko. Napahawak ako sa mata ko. Oo nga. Ano bang nangyayari sakin? “Why are you crying?”


Sunod-sunod akong umiling. “I don’t know. Kinakabahan ako.”


“Saan?”


“Why do I have this sudden feeling na hindi kita makikita bukas?”


“Wedding jitters lang ‘yan. Normal lang ‘yan sa mga babaeng ikakasal.” Narinig kong sagot ni Pearl.


Jaylord chuckled. Ikinulong niya ang mukha ko ng kamay niya. “We will see each other tomorrow, okay. That’s a promise.” When I heard that promise word, gumaan ang pakiramdam ko. “Kung hindi man tayo magkita bukas, may susunod pa namang bukas.”


“Jaylord...”


He sighed. Humiwalay siya sakin. May kung anong kinuha siya sa bulsa niya. “Tomorrow ko pa dapat ibibigay ‘to sa’yo, sa honeymoon natin.” Itinaas niya ang hawak niyang necklace. Kumunot ang noo ko. Bakit parang may kakaiba sa necklace na hawak niya?


“Pinasadya ko pa talaga ‘to. It’s a necklace with a pendant ring on it. And...” Gamit ang kamay niya pinaghiwalay niya ang... Naging dalawa na yung necklace pati yung ring! Kaya pala may kakaiba sa necklace na ‘yon. “Two in one. There’s a magnet between them so you can easily put them back together.” Isinuot niya sakin ang isa. “Put this on me.” utos niya. Ikinabit ko sa leeg niya ang isa pa.


Pagkatapos ay inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko. “Kaya wag mong isipin na hindi tayo magkikita bukas. Just like this necklace, there’s a magnet between us na siyang maglalapit sating dalawa kahit sa’ng lupalop pa tayo ng mundo. Kaya kung nag-wo-worry kang hindi mo ko makikita bukas, wag mong tatanggalin ‘to, okay.”


Napangiti ako habang hawak ang necklace na nasa leeg ko. “Never.”


Hinaplos niya ang ulo ko. “Magpahinga ka na. Don’t think too much, okay. Baka atakihin ka na naman ng insomnia mo.” Tumango ako. He kissed my lips lightly. “Goodnight.” Binuksan na niya ang pintuan. Pero bago siya tuluyang lumabas, nilingon pa niya ko ang mouthed that words, ‘I love you.’


I smiled. ‘I love you, too.’ I mouthed back.


Ngumiti siya. Bago tuluyang lumabas.


“Yan kasi ang napapala ng matitigas ang ulo. Kung anu-ano tuloy ang pumapasok sa isip mo. Hubadin mo na nga ‘yang gown mo.”


Napalingon ako kay Pearl. “Oo na po.”


“Pero...”


“Anong pero?”


Nagulat ako ng tumili siya. “Ang sweet ni Jaylord! Minsan ko lang siyang makitang ganyan kaya—Aaahhh!”


Napailing na lang ako nang humakbang ako papasok ng kwarto para magbihis at iniwan siyang parang baliw na tumitili. Pero hindi ko din mapigilang mapangiti ng hawakan ko ang necklace sa leeg ko.


Hindi dapat ako kabahan. Magkikita kami bukas.

= = =

2 comments:

Say something if you like this post!!! ^_^