Friday, June 14, 2013

The Cold and Heartless Gangster Queen [LHNSGQ] : Chapter 4 - Red Tiger

 CHAPTER 4 - RED TIGER


    “Ano na?”  tanong ko sa kaniya. Napansin kong pinag-papawisan siya ng malamig habang hawak-hawak niya nag folder na naglalaman ng sulat na ibinigay sa akin ng mga kampon  ni Red Tiger.
    “H-hindi ko alam.”
    “Sasabihin mo o babarilin kita?” tanong ko sa kanya gamit ang malamig kong boses.
    “Sabi ko nga s-sasabihin ko na.” bulong niya ngunit hindi nakaligtas sa pan-dinig ko iyon.
    “May sinasabi ka? Baka gusto mong masample-an sa akin?” at itinaas ko ang isa kong kilay sa kaniya. Dali-dali niyang kinuha ang folder at may kinuha siyang device sa bulsa niya.

     Ang Identity Device --- isang device na puwedeng maka-alam kung sino ang nagbigay o gumawa ng isang bagay na ibinigay sa iyo. Para siyang iPhone 4S na  cellphone ngunit mas maliit ito ng triple duon. Magagamit mo ito sa pamamagitan ng pag tapat ng lens ng device sa isang gamit at hahanapin nito ang marka ng tao at duon na malalaman kung sino ang nag-bigay nuon. Lahat ng mga gangster ay nagkakaroon ng ganyang device sa tuwing mananalo sila sa isang laban. At ang nag-imbento niyan? --- Ako.

     Tuut. Tuut.

     Matapos kong marinig ang tunog na iyon na nangagaling sa device, na ang ibig sabihin ay nalaman na kung sino ang nag-bigay nun, tumayo ako.

    “Chino Lim.”, narinig kong bulong niya.

    Chino Lim? Parang narinig ko na ang pangalan na iyon ngunit saan? Ah, tama, siya ang anak ng isa sa senador dito sa bansa,sa isip ko.

     Tumingin sa akin si Terrence at lumunok. “Si Chino Lim, isa sa kasamahan ko dati sa Red Tiger Gang, na dati kong sinalihan at ang Rank II dati doon, ay ang nag-bigay ng sulat na iyan. Isa siya sa ipinagkakatiwalaan kong kaibigan noon ngunit sinira niya ang pagiging kaibigan naming dahil sa pang-aagaw niya sa ex-girlfriend ko.” Mahabang paliwanag niya sa akin.
     
     Ngumisi ako sa kaniya. Alam ko, tanga. Sinusubukan ko si Terrence kung makakapasa siya bilang unang kanang kamay ko. Kailangan ko siya dahil inaamin ko rin na kahit ako pa ang queen of the gangster, hindi maipagkakaila na matatalo ako kung wala akong kompanya upang matalo ang Red Tiger Gang.

     “Where could I find him?” tanong ko kahit alam ko na ang sagot.

     “As far as I know, bukas, 8:00 in the evening, he’ll be there at the Gold’s and Purity Hotel to attend a very special meeting over him and her fianc√©, Demonica Carmela. I don’t know what are they going to do there, but as far as I remember, They are going to talk about the ‘engagement thing’.” Sabi niya. I smile slyly and lumapit ako sa kaniya at inabot ko ang kamay ko.

    “Congratulations,  Mr. Terrence Alexander Cervantes. From now on, ikaw na ang aking unag kanang kamay, MALIWANAG?” sabi ko at biglang pumasok si Ella habang hawak-hawak niya ang isang mamahaling relo na may tracking device at may pangalan na O-W-L.

    “Huh?” naguguluhan niyang tanong.

    “Ayoko nang ulitin pa lahat ng sinabi ko, OWL.” Sabi ko at bago ako umalis, “Ella, ikaw na ang bahala sa mga gagawin niya.” Sabi ko at umalis na.


[RED TIGER]

     “ATE?!” gulat na gulat niyang tanong.

     Tumalikod ako sa kaniya at naglakad palayo, “Tama ka, Kim. At iniwan ko siya duong naka nga-nga.

     Ngumisi ako at hinawakan ko ang black and red kong amulet. Mag-handa ka sa gagawin ko, Megan. Ang tagal kong nag-hintay para lang ma ensayo ko ang aking mga ka-grupo. Ngayon na nag-balik ako, sisiguaduhin kong hindi na ikaw makakalaban ulit… Kahit kalian
     
   Master,” napatingin ako kay Chino also known as, Hacker. “Yes?” I answered
coldly.“Naging kanang kamay na ni Megan ang dati nating ka-grupo na si
Terrence. Ano na ang gagawin natin?” tanong niya.
    “Ihanda mong maigi ang mga kasama natin. Bukas, sigurado ako, pupunta 
sila sa meeting niyo ni Carmela. Tell them, ASAP.” Sabi ko at tumalikod.
    “Masusunod, Master.” Sabi niya at narinig ko ang pag-sara ng pinto, nagpapatunay na
umalis na siya.

    Pumikit ako sat naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa pisngi ko, I’m sorry, Kim kung
nadamay ka pa dito at ni Miggs. Kailangan. Kailangan, para mapagbayaran ko si Megan
sa pag-kamatay ni Lia, ang ating nakababatang kapatid.



[Miggs]


    “Ugh. Asan ba ako?” tanong ko sa sarili ko matapos magising sa isang maka-lumang kuwarto na naglalaman lamang ng isang manika, dagger at isang rope. Hindi ko alam kung para saan yun pero napansin ko ring hindi lang ako ang nag-iisa ditto sa kuwarto. Nandito rin si Queenie at Lee. Napansin kong wala rito si Kim at Megan. Basta ang natatandaan ko lamang ay may biglang nag ispray ng mabagsik na pabango sa Headquarter namin at yun, Black out. Nagising na lang ako dito.

    Pero mamaya ko na lang yun iisipin. Ang kailangan, makatakas kami ditto nila Queen at Lee bago pa kami mahuli ng mga walang-hiyang nangidnap sa amin.

    Thank goodness, walang nakalagay na tali sa amin. “QUEEN! LEE!” pasigaw kong bulong. Yinugyog ko sila at agad naman silang na-gising.

   “W-what? Hey, where are we?” sabay na sabi ng kambal. “Hindi ko alam pero ang alam ko, kailangan nating tumakas ditto.” Napatingin ako sa bintana na sira-sira. GREAT! We can use that window to escape this place.

  “See that window? Duon tayo dumaan. Be careful because someone might catch you. Got it?” I told them.

   “Yes.” They answered in unison.

    Tumingin muna kami sa baba ng bintana upang malaman kung gaano katass ang tatalunin namin. Uh-oh. We’re on the 50th floor. I guess.
  
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

...Hmmm… Not bad at all. *smirks*


---

NOTE: Pansamantalang update lang po ito dahil ngayon lang ako nagkaroon ng time para mai-update ang story na ito. This story remains on-hold because I'll be inactive for about ten months dahil ako po ay LABINDALAWANG TAONG GULANG LAMANG, at ako ay nag-aaral pa. Maraming salamat sa pagbabasa ng istoryang ito at sana'y mag comment naman kayo :D






No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^