Witchcraft and
Wizardry II
Chapter
One: Part 1-5
GRADUATION---Ito
ang araw na pinakamahalaga sa buhay ng isang student. Ito ang resulta
ng ilang taong pag-hihirap sa pag-aaral. Sa point na 'to maaalala mo
lahat ng memories mo noong bago ka sa school mo hanggang sa mga
huling araw mo bago mo tuluyang iwan ang paaralang kahit hindi mo man
aminin ay nag-bigay saya at aral sayo hindi lang sa academic subjects
kundi pati na rin sa buhay. Kaya dapat maging masaya sa araw na ito.
Pero...
Mukhang
baliktad ang nang-yayari. Kahit saan ka lumingon puro mga
naka-simangot ang mga students. Mainit pa sa sikat ng araw ang mga
ulo nila. Panong hindi iinit? Tirik na tirik ang araw, tapos samin pa
nakatutuk yung rays ng sun. Sunbathing ang dating. Makikita mo
naliligo na sa pawis yung mga students. Yung mga babae parang icing
sa cake na nalulusaw na mga make-up nila. Buti na lang hindi ako
nag-make-up. Pinipilit pa ko ni mama mag-lagay. May iba naman
napilitan nang hubarin ang sumbrero nila para gawing pamaypay. Buti
pa yung mga teacher at yung Princepal pati na rin yung speaker may
tent na ginawa sa kanila kaya di sila nabibilad sa araw, hayahay lang
sila.
Pano?
Pauso kasi. May gym naman kami, di ko alam kung bakit dito kamin sa
garden nag-held ng graduation namin. Alam naman nilang summer eh.
Tsk, tsk, tsk.
“Putik
naman oh! Kelan ba matatapos 'tong ceremony na 'to? Taba kasi ng mga
utak eh! May gym naman, dito pa sa garden nag-held ng
graduation!”dinig kong
reklamo ni Kei sa likuran ko.
“Amoy
sinamapay na kong natutung sa araw. Takte! Baho ko na! Kanina fresh
na fresh pa ko eh!”pati si
Jin di na rin natiis na mag-reklamo.
“Puro
sakit kasi ng ulo binigay nyo sa kanila eh. Yan tuloy! Hanggang sa
huling araw nyo dito sa school pinarurusahan pa rin kayo.”nanisi
pa si Laurence. Palibhasa kasi ga-graduate syang walang record sa
Guidance. Sina Jin, Kei at Jeremy kasi di mabilang ang mga record
nila.
“Kung
paulanin kaya natin bigla?”biglang
sabi ni Jin. Kahit bulong naririnig ko parin usapan ng apat na mokong
na 'to. At mukhang may hindi magandang plano silang naisip.
“Tama!
Galing ng idea mo! Ako na gagawa!”at
natuwa naman 'tong Kei na 'to! Sisirain pa nila yung graduation! Pag
pinaulan nila malamang matitigil ang ceremony namin! Imbes na
matatapos na mahihinto pa dahil sa kalokohan ng mga 'to!
“Manahimik
nga kayo!”sita ko nang
lingunin ko sila. “Mag-tiis na lang kayo! Patapos na rin
naman yung ceremony eh! Ang aarte nyo di naman kayo mga kutis
mayaman!”
“Yabang
nito! Tingan mo nga yang itsura mo sa itsura ng mga babae dito! Lahat
sila naka-make-up ikaw lang hindi. Para kang binuhusan ng suka sa
putla!”loko 'tong si Kei ah!
At nagawa pang mag-tawanan nila Jin, Laurence at Jeremy!
“Sira-ulo
ka! Humanda kayong
apat sakin mamaya!”binantaan
ko sila. Lagot talaga sila sakin pag natapos 'tong ceremony!
“Huhu~
Nakalimutan namin. Ikaw na nga pala si Goddess Jay.”sarap
suntukin ng mukha ni Jin. Umaarte pa syang naiyak. Sasagot pa sana
ako kaso bigla na kaming pinatayo ng speaker.
Sa
wakas, graduate na kami. Saglit kong nakalimutan yung inis ko kanila
nung nag-simula nang mag-hagis ng sombrero ang students. Graduate na
kami. Hindi ko maitago yung saya na nararamdaman ko. Nilingon ko sina
Kei, Jin, Laurence at Jeremy. Masaya nilang hinahagis ng paulit ulit
yung sumbrero nila. Bigla tuloy pumasok sa isip ko yung mga panahon
na nakikipag-sapalaran kami sa kabilang mundo. Yung minsang inakala
ng lahat na patay na si Jeremy at Kei. Yung moment na nalaman ko yung
tungkol sa totoong ama ko. Hanggang sa moment na nalaman namin ang
tungkol sa pag-katao namin. Marami akong naalala ng puntong 'to.
Parang kelan lang kasi nung mang-yari yun. Hindi ako makapaniwalang
nalamapasan namin yun lahat.
Hanggang
ngayon nakakapanibago parin yung malaking pag-babago sa buhay namin.
Hanggang ngayon, pinipilit parin naming mag-adjust na lima. Mahirap
mabuhay sa mundong hindi mo naman kinagisnan. Macu-culture shocked ka
parin sa bawat madi-diskubre mo. Hindi katulad sa mundo natin, na
kinakailangan mo ng pera para mabuhay. Sa mundo kung saan kami
naka-destined ay magic ang nag-papaikot sa buhay ng mga nilalang na
nandun. Kung dito, Money is Power, doon naman Magic is Power.
Kung
dito, isa lang kaming ordinaryong tao, doon hindi biro ang posisyong
nakapatong sa mga ulo namin. Dito sarili lang namin ang madalas
naming isipin, doon mundo ang hawak namin at lahat ng nakatira sa
mundo na yun dapat naming isipin.
Kaya
para sakin dalawa ang ibig sabihin ng graduation na 'to. The End and
Beggining. The End, dahil ito na ang pag-tatapos ng buhay ko bilang
Vulgus. Beggining dahil pagkatapos nito sisimulan ko na ang buhay ko
bilang Magus.
“Jay!
Picture tayong lima! Bilis!”naputol
pagmo-moment ko kasi hinatak na ko ni Laurence at pina-pwesto nya ko
sa gitna. Sa pagitan nila Jeremy at Kei. Tapos bigla na lang syang
may hinatak na isang student na napadaan lang para kumuha ng picture
samin. Napakaamot na lang sa ulo yung student. Tapos nag-akbayan
kaming lima at pare-pareho kaming abot tenga ang ngiti.
PANAY
ang iyak ni mama habang si papa
naman ay tinutulungan akong mag-impake ng mga gamit ko. Tatlong araw
na ang nakalipas simula ng maka-graduate kami sa Riverbank Academy.
At ngayon nga ang araw na kailangan na naming lima na bumalik sa
kabilang mundo para kaharapin ang mabigat na responsibilidad doon.
“Ma
ano ba? Buhay pa ko! Bakit panay ang iyak mo?”medyo
inis kong sabi kay mama. Kanina pa kasi sya naiyak.
“Hay!
Alam mo namang hindi sanay ang nanay mo na matagal kang nawawala.
Mami-miss ka talaga nyan. Lalo pa at ibang mundo ang pupuntahan
mo.”sabi ni papa habang
inaayos nya pagkakasalansan ng mga gamit ko.
Alam
na rin kasi ni papa ang tungkol sa pag-katao ko at sa nakaraan ni
mama kay Zico. Nabago na kasi ang rules simula ng si Kei ang
naitakdang maging Hari sa Tir Na Nog. Hindi na kailangang burahin ng
mga ala-ala ng mga magulang na kumupkop samin. Pwede nilang malaman
ang lahat ng tungkol samin. Pero sa oras na ipakalat nila ang tungkol
dito doon lang sila parurusahan. Buburahin ang ala-ala nila. Hindi
rin naman kasi matiim nila Kei, Laurence, Jin at Jeremy na iwan na
lang basta ang mga magulang nila matapos silang kupkupin. Mas lalo
naman ako.
“Pasensya
ka na anak. Hindi ko lang talaga maiwasang malungkot. Tsaka
nag-aalala lang ako sayo.”panay
punas ni mama ng panyo sa gilid ng mata nya.
“Parehong
matapang at matatag ang dalawang tatay ko kaya wag ka na mag-alala
sakin.”dalawang tatay ko, si
Zico at Miguel.
“Basta
anak, tumawag ka o kaya mag-text ka hu?”
“Ma,
di uso cellphone dun. Susulat na lang ako. Kumalma ka nga. Pwede ka
namang dumalaw sa Royal Academy.”bago
kasi ang koronahan sa mga mamumuno sa Tir Na Nog kailangan muna nila
pag-aralan yung anatomy ng Magic. Kailangan maabot nila yung standard
sa posisyon na hahawakan nila. Meaning, kailangan muna naming
mag-palakas bago namin makuha ang mga trono namin. Kung baga nasa
amin na ang title pero wala pa yung korona.
HANGGANG
sa
Airport umiiyak si mama. Nakakahiya na nga eh. Kasi pinagtitinginan
na kami ng mga tao. Hindi ko alam kung bakit dito kami pinapunta ni
Doctor Park. Nasa ibang bansa ba yung Royal Academy?
“Honey,
tahan na. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao. Kanina ka pa iyak ng
iyak eh.”narinig
kong sabi ni papa kay mama pero wala talaga. Iyak parin sya ng iyak.
Napapailing na lang ako. Matapos nila ko ihatid umalis na rin sila
agad dahil may kanya kanya din silang dapat gawin ngayon. Mag-isa
akong pumasok sa loob ng aiport.
“Jay!”nagulat
ako nang makita ko si Jeremy. May mga dala din syang bagahe.
“Sasama
ka rin ba samin?”excited
kong tanong. Kasi hindi naman Tir Na Nog ang mundong pamumunuan ni
Jeremy. Sa Second Dimension sya, sa Ablach, kaharian ng totoong tatay
nya sa si doctor Park. Tsaka Praecantrix ang lahi nya hindi Magus.
“Sabi
kasi ni Doctor Park kailangan ko pang mag-aral tungkol sa Witchcraft
para makuha ko yung standard na hinihingi as King sa Ablach. Tsaka
gusto ko rin mag-focus sa pag-gawa ng Potions.”paliwanag
ni Jeremy. Natuwa naman ako atleast hindi kami magkakahiwa-hiwalay na
lima.
Ilang
saglit pa dumating na ang dalawang kalbal na hindi mag-kamukhang sina
Jin at Laurence. Ilang minuto pa dumating na rin ang paimportanteng
si Kei. Porma kung porma ang suot. Skinny Jeans, Chuck Tailor shoes,
White t-shirt na may print pang “I AM THE KING”. Todo shade pa
ang mokong! At di halatang pinag-handaan nya talaga, kasi nag-iba sya
ng hairstyle! Naka-oneside at wavey na ang buhok nya. Duma-Daniel
Padilla lang ang peg.
Maangas
syang lumapit samin, kami naman natatawa lang sa kanya. “Ano
nanaman bang trip yan?”natatawang
tanong ni Jeremy. Pero di sya pinansin ni Kei, lumapit sya sakin
tapos medyo binaba nya yung shade nya sabay kanta.
“Nasayo
na ang lahat. Minamahal kitang tapat. Nasayo na ang lahat, pati ang
puso ko.”nangibabaw yung tawanan
namin sa Airport dahil sa ginawa ni Kei. Pati kasi pag-kanta ni
Daniel ginaya nya.
“Parang
tanga lang! Wala ka paring panama kay DJ Padilla!”sabi
ko sabay tulak sa mukha nya.
“Kinilig
ka naman! Feeling mo ikaw si Kathryn Bernardo?”ganti
nya tapos inayos nya ulit yung shade nya. Lakas talaga mang-urat ng
taong 'to. “Di pa ba tayo
aalis?”pag-iiba nya ng usapan ng
tanungin nya si Jeremy.
“Wala
pa yung kababata ni Laurence.”sagot
naman ni Jeremy habang nililingon nito yung paligid. Oo nga pala,
kasama din pala namin yung kababata ni Laurence na si Mari.
“Si
Doctor Park?”sunod
na tanong ni Kei.
“Bumili
ng ticket natin.”pag-kasabi
ni Jeremy nun sakto namang dumating si Doctor Park.
“Kailangan
na nating mag-madali. Aalis ang eroplano within fifteen
minutes.”paalala
ni Doctor Park habang pinamamahagi nya samin yung mga ticket namin.
Royalty
Airlines?
Basa ko sa isip ko. Curious talaga ako kung nasan yung Royal Academy.
“Hali
na kayo. Tinatawag na ang flight number natin.”ilang
saglit lang na sabi ni Doctor Park.
“Pero
wala pa si Mari.”pigil
naman ni Laurence.
“Pwede
naman syang sumunod doon. Tara na.”sabi
ni Doctor Park. Lumakad na kami papasok sa eroplano. Napalingon ako
nang marinig ko si Jin.
“Aray!
Apat na nga yang mata mo di mo pa rin ako nakita sa harapan mo?”inis
nyang reklamo. Siguro nabangga sya ni Laurence.
“Sorry.”wala
sa sarili nyang sagot. Pero nabuhayan sya nang makita nyang tumatakbo
palapit samin si Mari. “Mari!”excited
nyang tawag.
Hingal
na hingal pa si Mari nang makarating sya samin. “Sorry,
King Brai. Late po ako.”kinakapos
ng hininga pa nyang sabi.
“Ayos
lang. Sige na. Pumasok na kayo sa loob.”sinunod
naman namin ang sabi ni Doctor Park.
Papasok
sa eroplano ay sumalubong samin ang piloto at dalawang flight
attendant na babae. “Welcome
to Royalty Airlines.”masayang
bati nila samin. Naka-suot sila ng usual na uniform ng mga flight
attendant. Percil cut na skirt at blouse na may parehong kulay na
cream. Tapos may red silky scarft silang naka-sabit sa leeg nila. Sa
mangas ng blouse nila may nakaburdang symbol ng airline nila. Shield
sya na may mga nakatusok na espada sa mag-kabilang gilid tapos may
agila na parang nakatayo sa likuran.
Pag
dating sa pinaka-loob lahat kami namangha. Kasi hindi sya yung usual
na loob ng eroplano. Kasi diba pag dating mo sa loob mga upuan ang
unang sasalubong sayo? Dito entertainment room ang unang bubungad
sayo. Kumpleto sila sa gamit. Flat screen T.V may sterio. May sofa,
at may mini table pa sa gitna. May Xbox din na pwede mong laruan
habang bumabyahe.
Kitchen
naman ang sunod na kwarto. Kumpleto rin, may lutuan, refrigerator na
punong puno ng pag-kain. May tables and chairs din. Nandun din banda
yung c.r for girls and boys. Sa sunod na bahagi naman parang study
room sya. Kung gusto mo mag-muni muni pwede ka sa room na yun. May
sofa, mini table at may bookshelf pa. Pwede ka magbasa basa habang
nag-hihintay ka.
Yung
huling parte ng eroplano nakalagay yung mga upuan na pwedeng maging
higaan mo pag gusto mong matulog. Sobrang ganda sa loob ng eroplano.
Kung titingnan mo sya sa labas parang ang liit liit lang nya pero pag
pumasok ka hindi mo aakalain na ganun sya kalaki at kaganda.
“Wow!
Ang layo ng pinag-kaiba ng Magus Airplain sa Vulgus
Airplain!”manghang
manghang sabi ni Jin.
“Welcome
sa Royalty Airline. I'm T.K your captain for the day. For now may I
request the Royalties to sit down and pasten your seatbelt because we
are about to take off.”announce
ng captain na sa speaker lang namin naririnig. Siguro kami lang ang
pasahero dahil wala nang iba pang pumasok. Nasa pwesto na lahat. Si
Kei at Jeremy ang mag-katabi. Si Laurence at Jin naman. Si Doctor
Park nakaupo sa unahang upuan. Nakita kong walang katabi si Mari kaya
dun na lang ako tumabi sa kanya.
“Tabi
tayo.”nakangiti
kong sabi. Tumango naman sya saka ngumiti rin.
Maya
maya pa naramdaman kong umangat na ang eroplano. May halong takot at
excitement ang feelings ko ngayon. Takot kasi hindi ko alam kung ano
yung bagong kakaharapin namin doon. Excited kasi bagong mundo na ang
gagalawan namin. Wish ko lang sana wala ng umepal pa at magtuloy
tuloy lang na peaceful ang lahat.
...
to be continued
No comments:
Post a Comment
Say something if you like this post!!! ^_^