Friday, June 14, 2013

Witchcraft and Wizardry II: Prologue

Witchcraft and Wizardry II

Prologue



HINGAL na hingal na ko pero kailangan kong tumkbo para matakasan ko ang humahabaol sa akin. Sana mapatawad ako ng Hari dahil sinuway ko ang pinaka-mahalagang patakaran ng Tir Na Nog. Kinailangan ko lamang gawin ang bagay na ito para mailigtas ko ang buhay ng isang kaibigang minsan na ring nag-ligtas ng buhay ko. Hindi ko rin sinasadyang tapusin ang buhay ng isa sa mga lahi nila. Sana lang hindi ito pag-mulan ng malaking gulo. Hindi sana pag-mulan ng malaking gulo ang pag-suway ko sa isang pangakong sinumpaan ng dalawang mag-kaaway matagal na panahon na ang nakakalipas.

Handa kong harapin ang nag-hihintay na kaparusahan sa akin sa oras na malaman nila ang pag-labag ko sa patakaran. Haharapin ko ito kahit isa pa itong kamatayan. Hindi ako matatakot. Ang mawalan ng isang kaibigan ang lubos kong ikinakatakot sa lahat. Pero ang tanging hiling ko lang talaga ay maging payapa parin ang lahat matapos nito.

No comments:

Post a Comment

Say something if you like this post!!! ^_^